Read Ang Boyfriend Kong Artista Online
Authors: Ella Larena
"So, Eya. Friends?"
Ngumiti siya.
"Sure. Friends. Sabay sabay ulit tayo bukas?"
"Paano si Andie? Galit siya sakin diba?"
Yung Andrea na yun. Inisnob rin ako nung nag-away kami ni Eya.
UNFAIR. =_= Namiss ko rin yung bruhildang yun!
"I'm sure she'll understand."
Sana nga. Gusto ko na rin makasama ang dalawang babaeng close sakin. Namimiss ko sila.
Lumabas na kami ng Mcdo at ihahatid daw niya ako sa sakayan ng jeep. Nung sasakay na ako, sinabi ko sa kanya na hindi muna kami sasabay ni Errick sa kanila bukas.
"Bakit naman?"
Halatang dissapointed siya.
"Nakakailang. Saka na kapag na-explain mo na kay Andie. At kay Bryan."
Um-oo siya at nagbbye na kami.
Habang nakasakay ako sa jeep, isang plano lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.
Bigyan ng tamang closure si Errick at Eya. Para talagang, makamove-on na sila. At magkabati na rin sila.
Tutal, ako naman ang nanira, ako na lang ang mag-aayos.
36.1.
Bryan's POV
"Good work guys! That's a wrap everybody!"
Wew. Salamat at tapos na ang shooting ng music video ko. It's been 12 days. Nakakapagod rin noh. :| Bakit 12 days? Eh kasi dito pa sila nagbrainstorm kung ano bang gagawin sa music video e. Pati yung arrangements.
"Bryan!"
Tawag ako nung nagdirect ng MV ko. Si Tito John. Pure American siya pero mabait. Professional music video director siya.
"Yes Tito?"
"Congrats."
Nagshake-hands kami.
"I hope this will earn good reviews from the people who love your
music."
Napangiti naman ako dun.
"So, I'm really glad I got to work with you."
"No problem, Tito John. It's my pleasure to work with one of the best."
Siya naman ang ngumiti nun at pinat yung shoulder ko.
"It will be released probably next week. Anyways, I'll better be going. Get a lot of sleep. You'll come
home on Saturday?"
I nodded.
"I just need to loosen up a bit before I go home. So I'm thinking to tour the streets of Japan
tomorrow."
"That's good. You'll wear a disguise?"
"Yup."
"Well, I'll just give you a beep if your MV will be released already."
Nagsmile na ako at nagpaalam.
Nagthank-you ako sa mga staff ni Tito John for a job well done. Syempre, hindi lang ako yung naghirap sa paggawa ng MV. Maraming tao rin.
Nakipagmeet rin ako kay Kuya Prince. Nasa Japan kasi siya, buti nga naalala ko e. Nagtext ako sa kanya and he was skeptical nung nagkita kami. Basta, yun na yun. Kinumusta niya rin si Eya. At nung sinabi ko na kami. Ang nakuha kong response.
"Well, good job! Bryan!"
Akala ko magagalit siya. O.O Oh well, nagpaalam na ako pagkatapos nun at umalis na. Pumunta sa hotel na
pinagsstay-an ko.
Natulog ako ng maaga pagkatapos. I need sleep.
Around 9 am, nagising na ako. Nagbihis kaagad at nagdisguise para makatour naman ako. Dumaan ako sa streets ng Kawagoe, Tokyo Japan. Wow, ang daming cheap items. Para akong babae magdaldal dito. >_<
Bumili ako ng ilang accessories. Cheap watches tapos ties, tapos vests. Ang astig lang kasi mura na siya, maganda pa quality.
Dumaan na rin ako sa isang food store. Bumili ng Sushi at California Maki. Pasalubong ko kay Eya. Ang takaw talaga nung babaeng yun, hindi naman tumataba.
Nag-ikot ikot lang ako. Ang saya talaga mag-tour! Lalo na kung tahimik ang buhay mo. Don't get me wrong, gusto ko
maging artista. Pero syempre, kapag naging artista ka na, doon mo narerealize ang lack of privacy. At yun ang isa sa gusto ko makuha. =_=
Habang naglalakad ako, biglang may tumulak sakin.
Natulak lang pala ako. May hinahabol kasi siyang aso. Shih tzu yung breed. Ang cute naman ng dog! Pero biglang lumapit yung dog sakin.
Binuhat ko yung dog. Dinilaan ako pero di ko pinansin. Nakita ko yung amo ng dog na nakatingin sakin.
"Uh.. Miss. I presume this is your dog."
Buti at hindi natanggal yung disguise ko. Nako, lagot na. Nagnod naman yung babae at ngumiti. Binigay ko na sa kanya yung dog niya.
"Well, Arki seems to like you. Eventhough, you look... weird."
"Weird huh?"
Nakasuot kasi ako ng cap, tapos shades, tapos naglagay ako ng fake mole. Anong weird dun?
"Nothing. It's just because you're familiar."
I just shrugged. Well, di ko kilalàtong babaeng `to. Kaya I don't need to reveal myself to her.
Looking at her, maganda siya. She looks like an American. Or maybe half-american. May part kasi sa kanya na pangasian. Black rin hair niya.
"Are you American?"
She nodded. Teka, bakit ba ako nakikipag-usap dito sa babaeng `to?
"Actually, I'm half American half Filipino."
Nagulat naman ako dun. Parehas lang pala kami.
"Well, we're the same."
Ngumiti naman siya nun.
Napatingin ako sa watch ko at nakita kong 6:30 na. It's not that I don't want to be late. May gagawin pa kasi ako. I'll have a chat with my bestfriend, Aaron, later. Sa YM lang. Nangungumusta kasi yun.
"So, I better go! Nice bumping into you, fellow Fil-Am."
Nung nakalayo na ako. Biglang sumigaw si babae.
"Hey! I'm Princess Gomez. You?"
Fake name bibigay ko of course.
Humarap ako sa kanya. At sumigaw rin ng...
"I'm Edward Cullen!"
Naging weird yung expresson nung babae.
Which made me laugh. HAHAHA. Bakit ko sasabihin yung pangalan ko? Close ba kami? Atsaka, ewan ko ba. I'm
feeling different about her attitude.
Bakit ba Edward Cullen nasabi kong name? Ampots. I don't sparkle like that. =_=
Pagkauwi ko, nagchat na kami ni Aaron. Kaibigan ko yun since nasa US ako. Nakakamiss yun!
Nung mga 9PM na. I decided to sleep dahil 8AM ang flight ko bukas. Err.
Biglang nagvibrate yung phone ko. Panira naman ng tulog. >_<
May nagtext. Unknown number.
Fr: 09XXXXXXXXX
Hey. Allison `to. Got your number from Eya. I just want to ask a favor. When you go back here, bigyan natin ng tamang closure si Eya and Errick. Ok? Let's talk when you get back.
What? Bakit naging ganito bigla ang ugali ni Allison? I thought.. magkagalit sila ni Eya? Ang dami kong di nalalaman.
Malalaman ko yun kapag andun na ko. Natulog na lang ako para di ako puyat para sa flight ko bukas.
Ano kaya yun? Bakit kailangan nila ng closure? Tapos na naman sila, diba?
36.2
Bryan's POV
Andito na ako sa Philippines. Believe it or not, nagustuhan ko na rin dito. Dahil siguro andyan si Eya para asarin ko.
HAHA.
Speaking of Eya, di niya pa alam na bumalik nako. Namiss ako nun. Pustahan?
Pero makikipagkita muna ako kay
Allison.
Para pag-usapan yung gusto niyang mangyari.
Sabi niya, magkita raw kami sa ATC na lang. Natural magdidisguise ako noh, ayokong may makakitang kasama ko si Allison. =_=
Alam ko, adik sakin yun eh? Lol. Yun ba plano niya? Magkaroon ng closure si Eya at Errick, which is may chance na magkabalikan sila, at maiwan kami pareho?
Tapos gusto niya siya na girlfriend ko? No way.
Naisip ko lang naman yun kasi, alam mo na, lalaki ako. Alam ko yung mga tricks ng babae. Tss. Yung iba masyadong desperada eh. =_=
Nang nandito nako sa Starbucks, umorder na ko ng Java Chip Frappe tapos umupo na. Maya-maya dumating na siya.
"Hey."
Umupo siya sa tapat ko. Tapos ngumiti. Ang galing. May atraso siya kay Eya tapos makangiti siya sakin, close kami? =_=
"Bakit ba?"
"Chill. Diba natext ko na naman sayo?"
I nodded.
"Oh ano naman? May pupuntahan pa ako kaya bilisan mo."
She just rolled her eyes on me. Tch.
"Let me tell it to you straight to the point. Kung nagtataka ka kung bakit kita kinakausap ngayon.
Kelangan nga natin bigyan ng closure sila Errick at Eya. Para di na sila maguilty."
I smirked at her.
"Baka ikaw dapat mauna, ikaw naman `tong nanira ng relationship nila. Am I right?"
"For your information, bati na kami ni Eya."
"So? It doesn't change the fact that you betrayed her trust."
Ang sama ko magsalita. Totoo naman kasi e.