Ang Boyfriend Kong Artista (29 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
11.4Mb size Format: txt, pdf, ePub

Pretty, pretty, please don't you ever ever feel

Like your less then f'in perfect.

If your here with me, I wont ever make you feel

Any less then f'in perfect, you'll see.

Pretty, pretty, please don't you ever ever feel

Like your less then f'in perfect.

If your here with me, I wont ever make you feel

Any less then f'in perfect, you'll see.

Nagpalakpakan naman yung mga tao. Nagwave lang ako at pumunta na ulit sa backstage. Sunod kasi nito, autograph signing na e. Oo nga pala, bagay yung kantang yun kay Eya noh? Teka!? Bakit si Eya na naman naiisip ko?

Oh

well, guilty lang siguro ako.

"Bryan. Autograph signing na. Labas ka na ha? Pagkatapos mo magchange ng clothes."
Nagnod lang ako kay Tita K. Maya-maya, lumabas na rin ako at wow, ang daming nakapila. Etong autograph signing kasi, paràto sa pagppromote ng 6th album ko. I'm surprised na ang dami talagang tao.

Umupo na ako at nagstart na magsign, nakipagshake-hands, nagpapicture. May isang babae pa ngang nahimatay

nung nashake-hands ko siya e. Buti na lang at naagapan.

After mga 30 minutes, ang dami pa ring tao. Ang sakit na ng hands ko e. Kainis. Pero walang magagawa e, ganyan yung sacrifice ng isang
superstar
. Geez, nakakapagod rin pala. Hindi ko na nga tinitignan yung mga nagpapasign e.

Basta, sign na lang ako ng sign.

Nagulat ako sa susunod na nagpasign. Hindi CD yung nilapag sa table, Papel.

HOY BRYAN LIM. ADIK KA RIN NOH? TALKSHIT KA!

(At pinapatamaan mo ba ako sa kanta mo?

)

Napatingin ako sa kanya, syet. Si Eya. Pumunta pa talaga siya dito para sa interview? Mukhang banas na banas na siya e. Asarin ko muna kaya?

"Magpapautograph ka rin ba? Miss? Asan yung cd?"

Sumimangot naman siya at tinignan ako ng masama.
"Hoy, Mr. Lim. May interview tayo ngayon. Hindi ka

sumipot. Sana nagtext ka man lang diba?"

"Sorry, Nalowbat nga ako."

"Hindi ka man lang gumawa ng paraan?"

"May mall show nga kasi ako. I'm busy."
Binatukan na naman ako! Oh my God. Nakakahiya yun, madaming

nakatingin kay Eya ngayon. Oh well, patay siya sa fans ko.

"Lagot ka sa fans ko."
Tumingin naman siya sa ibang nakapila, yung iba nagrereklamo kasi daw bakit daw ang tagal niya ng kausap ako. HAHAHA.

"Ewan ko sayo! Bahala ka nga!"
At umalis na siya. Ugh! Bakit ba pinapaguilty ako nitong babaeng `to?!

Hindi pa naman siya nakakalayo e. Alanganamang habulin ko siya!?

Kinuha ko yung mic sa may side ko, at sinabing:
"Hoy! Eya! Bukas na lang. Text na lang kita! Okay?

Tomorrow,
I'm all yours.
"
Ang daming nagtilian. HAHAHA. Ano ka ngayon, Eya?

Tumingin naman siya sa

akin, kahit nasa malayo na siya.

Alam niyo yung ginawa niya?

Pinakyuhan ba naman ako?! Ugh!

18.

Eya's POV

Sunday na. Ngayon yung interview. Nagtext si Bryan na magkita na lang kami sa Starbucks Morato ng 2pm. Hindi

naman siya nananadya noh?

Well, hindi naman niya alam na dun sa meeting place namin e yung place kung saan

nagbreak kami ni Errick e. Partida, Sunday pa yun ha! Oh well, 11am pa lang. Naligo na ako, tas syempre, nagbihis, nag-ayos. Nagpaalam na rin ako kay Mama.

Nagsimba muna ako. Sa may dulo na ako umupo kasi wala ng bakanteng seats sa unahan e. Alam niyo ba, hindi ako

masyadong makaconcentrate dahil yung katabi kong bata na babae, nanunuod ng video sa iPad niya! Like, hello?

Simbahan `to. Respetuhin naman niya diba? Nakaearphones siya ha. Pero ang lakas pa rin ng music. LOL. Sinabihan ko naman pero nung nakita ko yung pinapanuod niya, lalo akong nainis.

Music Video ni Bryan yung pinapanuod niya!
Ganun ba talaga kasikat si Bryan? Buti na lang at walang

nagpicture sa akin kahapon nung pinakyuhan ko siya. Kapag nagkataon, hala. PATAY AKO SA FANGIRLS NIYA. T.T

Pagkatapos ko magsimba, nagpunta muna ako sa ATC. Wala, bumili lang ako ng ballers tapos bumili rin ng book sa National Book Store. Yung Mortal Instruments! Maganda daw `tong book nàto sabi ni Kei, pinsan ko. Pagkatapos

nun, nagpunta na ako sa Starbucks. Mas mabuti ng mas maaga ako noh! Kaso indyanin na naman kaya ako nun?

Tengene niya. Pumila na ako.

"Miss. What's your order?"

"1 javachip po. Grande."
Nung binigay na sakin yung order ko. Napansin ko na yung katabi ko habang umoorder, e tingin ng tingin sakin. Nakacap siya tapos naka-nerd na glasses. Oh well, di ko na lang pansinin.

Umupo ako sa may bandang window. Para naman hindi ako magmukhang forever alone noh. Tinext ko na rin si

Bryan na magmadali dahil kailangan kong umuwi ng maaga dahil hindi ko pa tapos yung My Girlfriend is a Gumiho e.

Lee Seung Gi~ Habang nagdedaydream ako e bigla akong napatingin sa tabi ko.

"Ay palaka!"
Sinong hindi magugulat e yung lalaking nakacap at nakanerd glasses yung katabi ko.

"Uhm, Bakit ka dito nakaupo?"

"Wala na kasing vacant table e."
Napatingin naman ako sa ibang table, puro walang nakaupo! Niloloko ba ako nito? Oh baka naman stalker kòto?!

Eto ata yung sinasabi nilang nangkikidnap tapos binebenta yung laman

loob e! Pero bakit sa loob ng Starbucks? Bagong modus operandi bàto?! Tumayo na ako at nagmamadaling

naglakad.

"Uy Eya sandali!"
Napatigil ako at napatingin kay Mr. Nerd with cap. He knows my name?

"Kilala mo ako?"
Tumawa lang siya at lumapit sa akin, may binulong pa.

"Ako si Bryan. Nagdidisguise lang ako. Anong akala mo sakin? Stalker mo? Yuck."
Binatukan ko naman siya. Kinabahan kaya ako!

"Tara na nga! Para matapos na yung interview."
Umupo na kami ulit sa table namin. Napatingin ako sa drink niya, Javachip rin?

"Gaya-gaya."
Tinawanan lang niya ako.

"Ako? Gaya-gaya? Hindi ah. Tignan mo yun."
Tinuro naman niya sakin yung parang poster na nakalagay sa wall ng Starbucks. Alam niyo yung nakalagay?

*insert picture here*

Mr. Bryan Lim

Official Endorser of Java Chip Frappuccino since 2009.

Inismidan ko lang siya at kinuha na yung notebook ko sa bag ko. Pati ballpen, syempre.

"Bakit ka nga pala nakadisguise?"

"Anong gusto mo? Pagkaguluhan na naman ako? No way. Baka mamaya makita pa nilang kasama

kita. Baduy ka pa naman."

"Ang yabang mo! Eeeee! Tapusin na nga natin `to."

"Joke lang. Ano ka ba. Alam mo, ang sungit mo."

"Ang yabang mo kasi."

"Tss. Affected ka naman."
Nagsmile lang siya. Hay nako. Bakit kasi ako pa mag-iinterview dito e.

"Name mo? Full name ha?"

"Bryan Lim na lang lagay mo."

"K. Uhm, Birthday mo? Kelan?"

"January 12. 1993."

"Parents mo? Buhay pa sila?"

"Oo naman. Para namang gusto mo silang mamatay."

"Sorry naman!"
Tumawa lang siya.

"Teka, May kapatid ka?"
Biglang lumungkot mukha niya.

Other books

Dreams of Steel by Glen Cook
Heat of the Moment by Karen Foley
Judgment in Death by J. D. Robb
Heat Waves by Carrie Anne Ward
Orange Suitcase by Joseph Riippi
Galleon by Dudley Pope