Noli Me Tangere (76 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
11.7Mb size Format: txt, pdf, ePub

Alinsunod n~ga sa inacalà na ni Elías, siyá'y pinahintô n~g bantáy na sundalo at tinanóng cung saan siyá galing.

--Nagdalá po acó n~g damó sa Maynilà, sa m~ga oidor at sa m`ga cura,--ang isinagót, na canyáng guinagád ang anyô n~g pananalitâ n~g m~ga tagá Pandacan.

Lumabás ang isáng sargento't inalám cung anó ang nangyayari.

--¡Sulong!--ang sinabi sa canya nitó; ipinauunawà co sa iyó na huwag cang magpápasacay sa iyong bangcâ can~gino man; bagong catatacas n~g isáng bilanggò. Cung siyá'y mahuli mo at maibigay mo sa aki'y bibigyan catá n~g isáng magaling na pabuyà.

--Opó, guinoo; ¿anó po ba ang m~ga icakikilala co sa canyá?

--Siyá'y nacalevita at nagwiwicang castilà; halá, ¡icaw ang bahalà!

Lumayô ang bangcâ. Lumin~gón si Elias at canyáng nakita ang anyô n~g bantáy na sundalong nacatindig sa tabi n~g pampáng.

--Masasayang sa atin ang iláng minutong panahón,--ang sabing marahan;--dapat pumasoc tayo sa ilog Beata at n~g cunuwari'y taga Peñafrancia acó. Makikita po ninyó ang ilog na inawit ni Francisco Baltazar.

Natutulog ang bayan sa liwanag n~g buwán. Nagtindíg si Crisóstomo't upáng canyáng takhán ang catahimican n~g m~ga linaláng na tulad sa líbin~gan. Makipot ang ilog at ang canyáng m~ga pampan~gi'y capatagang natátamnan n~g damó.

Itinapon sa pampáng ni Elias ang canyáng dala, tinangnán ang isáng mahabang tikín at cumuha sa ilalim n~g damó n~g m~ga bayóng na waláng lamán. Nagpatuloy sila n~g pamamangca.

--Cayó po ang may arì n~g inyóng calooban, guinoo, at n~g inyóng hinaharap na panahón,--ang sinabi niyá cay Crisóstomo, na nananatili sa hindi pag-imíc.--N~guni't cung itutulot po ninyó sa akin ang isáng pagpapahiwatig, sasabihin co sa inyó: Tingnán po ninyóng magalíng ang inyóng gágawin, inyóng papag-aalabin ang pagbabaca, palibhasa'y cayó'y may salapî at catalinuhan at macacakita agád cayó n~g maraming m~ga kagawad, at sa cawaláng palad ay maraming masasamâ ang loob. Datapuwa, sa pagbabacang itóng inyóng gagawin, ang lalong man~gahihirapa'y ang m~ga waláng icapagtátanggol at ang m~ga waláng malay. Ang m~ga damdamin ding may isáng buwán na n~gayóng sa aki'y umudyóc na sa inyó'y makiusap, upáng hin~gin ang m~ga pagbabagong útos, ang m~ga damdamin ding iyan ang siyáng umaakit n~gayón sa aking sa inyó'y magsabi na maglininglining muna cayó. Hindi pô nag-iisip ang m~ga tagaritong humiwaláy sa Iná n~g ating kináguisnang lupà; waláng hiníhin~gì cung di cauntíng calayaan, cauntíng pagbibigay catuwiran at cauntíng guiliw. Tutulun~gan cayó n~g m~ga may galit, n~g m~ga masasamáng tao, n~g m~ga walà n~g pagcasiyahan sa samâ n~g loob, datapuwa't hindi makikialam ang bayan. Magcacamali po cayó, cung dahil sa nakita ninyóng ang lahát ay madilím ay mag-acalà po cayóng walâ n~g pagcasiyahan sa samâ n~g loob ang bayan. Nagdaralitâ n~gâ ang bayan, tunay n~gâ, datapuwa't umaasa pa, nananalig pa, at cayâ lamang siyá titindig ay cung maubos na ang canyang pagtitiís, sa macatuwíd bagá'y cung cailán ibiguin n~g m~ga namamahalang maubos ang pagtitiis na iyán, bagay na may calayuan pa. Acó man ay hindi marahil sumama sa inyó, hindi acó gagamit cailán man n~g m~ga huling panggamót na iyán, samantalang nakikita cong may pag-asa pa ang m~ga tao.

--¡Cung magcagayo'y gagawin cong hindi cayó casama!--ang mulíng sinabi ni Crisóstomong talagáng handâ na.

--¿Iyán pô ba ang matibay na panucalà ninyó?

--¡Ang matibay at tan~gì, sacsí co ang pan~galan n~g aking amá! Hindi co maaaring ipaagaw n~g pagayón na lamang ang aking capayapaa't ligaya, acó na waláng ibáng hinan~gád cung di ang cagalin~gan, acó na ang lahát ay aking iguinalang at tiniis dahil sa pagsinta sa isáng religióng magdarayà at mapagpaimbabaw, dahil sa pagsintá sa isáng bayang aking tinubuan. ¿Anó ang caniláng itinumbás sa akin? Ang acó'y ibaón sa isang imbíng bilangguan at sìraín ang magandáng caasalan n~g aking talagáng maguiguing esposa. ¡Hindi! ¡cung hindi acó manghiganti'y maguiguing isáng casamasamàang gawâ, maguiguing pagpapalacás n~g caniláng loob upáng silá'y gumawâ n~g bago't bagong m~ga paglabág sa catuwiran! ¡Hindi, cung di co gawín ang gayó'y maguiguing isáng caruwagan, cahinâan n~g loob, humibíc at tuman~gis gayóng may dugó't may buhay, gayóng inilangcáp nilá sa paglait at paghamít ang paglulugsô n~g capurihán! ¡Tatawaguin co ang bayang mangmáng na iyán, ipakikilala co sa canyá ang imbí niyang calagayan; na huwág siyáng umisip sa m~ga capatíd; walâ n~gâ cung hindi m~ga lobo na nan~gaglálamunan, at sasabihin co sa caniláng laban sa caapiháng itó'y tumítindig at tumututol ang waláng hanggáng carapatán n~g tao upang tuclasín sa lacás ang canyáng calayaan!

--¡Ang bayang waláng malay ang siyáng maghihirap!

--¡Lalong magalíng! ¿Maipakikihatid po ba ninyó acó hanggáng sa cabunducan?

--¡Hanggáng sa malagay cayó sa capanatagán!--ang sagót ni Elías.

Mulíng silá'y lumabás sa Pasig. Manacanacang nagsasalitaan silá n~g m~ga waláng cabuluhán.

--¡Santa Ana!--ang ibinulóng ni Ibarra,--¿napagkikilala po ba ninyó ang bahay na itó?

Casalucuyang dumaraan silá sa tapát n~g bahay na líwaliwan sa labás n~g bayan n~g m~ga jesuita.

--¡Diya'y aking tinamó ang mahabang panahóng maligaya't masayá!--ang buntong-hinin~gá ni Elías.--Napaririyan camí buwán buwán ... n~g panáhóng iyó'y wan~gis acó sa m~ga ibá: may cayamanan, may familia, nananag-inip at nakikiníkinita ang isáng magandáng panahóng sásapit. Nakikita co n~g m~ga panahóng iyón ang aking capatíd na babae na na sa isáng colegiong calapít; hinahandugan acó n~g m~ga bordadong gawâ n~g canyáng m~ga camáy ... sinasamahan siyá n~g isáng caibigang babae, na isáng magandáng dalaga. Nagdaang lahát na parang isáng panaguinip.

Nanatili silá sa hindi pag-imíc hanggáng sa dumating sa Malapad-na-bató. Ang nacapamangcâ cung gabi sa Pasig, minsan man lamang, sa isá riyán sa m~ga caayaayang gabíng handóg n~g Filipinas, pagca nagsasabog ang buwan, mulâ sa dalisay na bugháw, n~g malungcót na pagpapaalaala; pagca itinatagò n~g dilím ang caimbihán n~g m~ga tao at kinúcublihan n~g catahimican ang abáng alin~gawn~gaw n~g caniláng tinig; pagca ang Naturaleza ang tan~ging nagsasalità, ang m~ga gayón ang macauunawà n~g pinagdidilidili n~g dalawáng binatà.

Nagtútucâ ang carabinero sa Malapad-na-bató, at n~g makitang waláng lamán ang bangcâ, at waláng anó mang idinudulot na sucat niyáng másamsam, ayon sa dating caugaliang pinaglamnán na n~g calahatlahatang m~ga carabinero at n~g m~ga carabinerong nan~garoroon, pinabayaan siláng macaraan agád.

Hindi rin naman nagsasapantaha n~g anó man ang guardia civil sa Pasig, caya't hindi silá binagabag.

Nagpasimulâ n~g paguumaga n~g silá'y dumating sa dagatang noo'y maamo't payapang tulad sa isáng calakilakihang salamín. Cumuculimlím ang buwán at nagcuculay rosa ang Casilan~ganan. Naaninagnagan nilá sa malayò ang isáng bagay na culay nag-aaboabó, na untiunting lumalapit.

--Dito ang tun~go n~g falúa,--ang ibinulóng ni Elías;--humigâ po cayó at cayó'y tátacpan co nitóng m~ga bayóng.

Lalong lumiliwanag at nakikita n~g magalíng ang anyô n~g sasakyán.

--Lumalagay silá sa pag-itan n~g pampáng at natin,--ang ipinahiwatig ni Elías na nababalisa.

At untiunting binago ang tun~go n~g canyáng bangcâ, na anó pa't sumasagwang patun~go sa Binan~gunan. Nahiwatigan niyá n~g malakíng pan~gin~gilabot na nagbabago namán n~g tumpá ang falúa, samantalang sinisigawan siya n~g isáng tinig.

Humintô si Elías at nag-isíp-ísip. Malayò pa ang tabí at silá'y marárating n~g bala n~g m~ga fusíl n~g falúa. Inacalang magbalíc sa Pasig; lalong matúlin ang canyáng bangcâ cay sa falúa. N~guni ¡laking casamáng palad! nakita niyáng nanggagaling sa Pasig ang isáng bangcâ at námamasdang cumíkinang ang m~ga capacete at m~ga bayoneta n~g m~ga guardia civil.

--Húli na tayo,--ang ibinulóng na namúmutlâ.

Pinagmasdán niyá ang canyáng malalakíng bísig, guinamit ang tan~ging pasiyáng nálalabi at nagpasimulâ n~g pagsagwán n~g boong lacás niyá, na ang tumpá'y sa dacong pulô n~g Talim. Samantala'y sumusun~gaw ang araw.

Dumúdulas sa túbig ang bangcâ n~g totoong matúlin; nakita ni Elías, sa ibabaw n~g falúa, na pumípihit, ang ilang taong nacatindíg, na siyá'y kinácawayan.

--¿Marúnong po ba cayóng magpalacad n~g isáng bangcà?--ang tanóng cay Ibarra.

--Marunong pô, ¿bakit?

--Sa pagcá't mapapahamac tayo cung hindi acó tátalon sa túbig at n~g silá'y aking iligáw. Hahabulin nilá acó, acó'y mabuting luman~góy at sumisid ... silá'y ilálayô co sa inyó, at pagcacágayo'y magpipilit cayóng lumigtás.

--¡Huwag, matira po cayó at ipagbili natin n~g mahál ang ating buhay sa canilá!

--Waláng cabuluhán, walâ tayong sandata; papatayin tayong tulad sa maliliit na ibon, n~g caniláng m~ga fusil.

Nárin~gig n~g sandaling iyón, ang isáng
chis
sa tubig, cawan~gis n~g pagpatac sa tubig n~g isáng bagay na maínit, na casunód agád-agád n~g isáng putóc.

--¿Nakita na ninyó?--aní Elías, at inilagay sa bangcâ ang sagwán.--Magkikita tayo sa gabíng sinusundan n~g Pascó sa pinaglibin~gan sa inyóng nunong lalaki. ¡Lumigtás po cayó!

--¿At cayó pô?

--Iniligtás acó n~g Dios sa lalong mahihigpít na m~ga pan~ganib.

Naghubád si Elías; pinunit n~g isáng bála ang canyáng tan~gang barò at nárin~gig ang dalawáng putóc. Hindi siyá nagulumihanan, kinamayán n~g mahigpít si Ibarra, na nananatilí sa pagcahigà sa bangcâ; tumindíg at lumucsó sa tubig na itinúlac muna n~g paá ang muntíng sasakyán.

Nárin~gig ang iláng sigáw, at hindi nalaon at sa malayô-layô n~g cauntî ay sumipót ang úlo n~g binatà, na parang ibig na humin~gá, at sacâ mulíng lumubóg sa tubig.

--¡Ayún, ayún siyá!--ang sigawan n~g iláng tinig at mulíng humáguing ang m~ga bála.

Hinabol siyá n~g falúa at n~g bangcâ; isáng bahagyang guhit n~g bulà ang siyáng pinagcacakitaan n~g canyáng dinaraanan, na anó pa't nalalao'y lalong nálalayô sa bangcâ na lulutanglutang na anaki'y waláng tao. Cailan ma't sumusun~gaw sa tubig ang lumálan~goy at n~g humin~gá, pagdaca'y pinagbabarilanan siyá n~g m~ga guardia civil at n~g m~ga faluero.

Tumátagal ang paghahabulan; malayò na ang bangcà ni Ibarra, lumalapit namán sa tabí ang lumálan~goy, at ang layò na lamang ay may m~ga limampóng dipá. Pagód na ang m~ga gumagaod, datapuwa't si Elías ay gayón din, sa pagcá't madalás isipót ang ulo, at sa ibá't ibang daco sumísipot, na wari'y inilíligaw mandín ang m~ga umuusig sa canyá. Hindi na itinuturò n~g tacsíl na bulâ n~g tubig ang dinaraanan n~g maninisid. Minsan pang nakita nilá siyá sa dacong ang layò sa tabí ay sampóng dipá, binaril siyá nilá ...; nagdaan pagcatapos ang m~ga minuto; walâ n~g sumipót uli sa ibabaw n~g payapa at waláng taong tubig sa dagátan.

Nang macaraan ang calahating oras, sinasapantahà n~g isáng manggagaod na canyáng námasdan sa tubig, sa malapít sa guílid, ang m~ga bacás n~g dugô, n~guni't umíiling ang canyáng m~ga casama, sa isáng anyóng hindi mapagwarì cung sumasang-ayon silá ó hindi.

=LXII.=

=PAGPAPALIWANAG NI PARI DAMASO.=

Naguíng waláng cabuluháng mátimbon sa ibabaw n~g isáng mesa ang m~ga mahahalagáng handóg sa pagcacasál; cahi't ang m~ga brillante na nasa caniláng m~ga
estuche
na terciopelong azul, ang m~ga bordado mang pinyá, ang m~ga pieza man n~g sutlâ ay hindi nacaaakit sa m~ga panin~gín ni María Clara. Tinítingnan n~g dalaga, na hindi nakikita at hindi binabasa ang pamahayagang nagbabalità n~g pagcamatáy ni Ibarra, na nalunod sa dagátan.

Caguinsagunsa'y naramdaman niyáng dumarapo sa ibabaw n~g canyáng m~ga matá ang dalawáng camay, tinátan~gnan siyá at isáng masayáng tínig, ang cay parì Dámaso, ang sa canya'y nagsásalitâ:

--¿Síno acó? ¿síno acó?

Lumucsó si María Clara sa canyáng upuan at pinagmasdán siyáng may malakíng tácot.

--Tan~garia, ¿natácot ca ba, há? Hindi mo acó hinihintay, ¿anó? Talastasín mong naparito acóng galing sa m~ga lalawigan upang humaráp sa iyóng casál.

At lumapit na tagláy ang isáng n~gitì n~g ligaya, at inilahad cay María Clara ang camáy at n~g hagcán. Lumapit si María Clarang nan~gan~gatal at ilinapit n~g boong paggalang ang camáy na iyón sa canyáng m~ga labì.

--¿Anó ang nangyayari sa iyo, María?--ang tanóng n~g franciscano, na nawalan n~g masayáng n~gitî at napuspós n~g balísa;--malamíg ang camáy mo, namumutlâ ca ... ¿may sakit ca ba, bunso co?

At hinila ni parì Dámaso si María Clara sa canyáng candun~gang tagláy ang isáng pagliyag na hindi nasasapantaha nino mang canyáng macacaya, tinangnán ang dalawáng camáy n~g dalaga, at siyá'y tinanóng sa pamamag-itan n~g titig.

--Walâ ca na bang catiwalà sa iyóng ináama?--ang itinanóng na ang anyó'y naghíhinananakit mandín;--halá umupô ca rito't saysayin mo sa akin ang m~ga maliliit na bagay na isinásamà n~g iyong loob, gaya n~g dating guinagawa mo sa akin n~g panahóng icaw ay musmós pa, pagca nacacaibig cang gumawa n~g m~ga muñecang pagkit. Nalalaman mo n~g magpacailan man ay minámahal catá ... cailán ma'y hindi catá kinagalitan....

Nawalâ ang magaspáng at bugál-bugál na tinig ni parì Dámaso at ang humalili ay mairog na anyô n~g pananalitâ. Nagpasimula si María Clara n~g pag-iyác.

--¿Tumatan~gis ca ba, anác co? ¿bakit ca ba umíiyac? ¿Nakipagcagalit ca ba cay Linares?

Nagtakip n~g m~ga tain~ga si María Clara.

--¡Huwág sana ninyó siyáng bangguitín ... n~gayón!--ang sigáw n~g dalaga.

Tiningnán siyá ni parì Dámasong puspós n~g pagtatacá.

--¿Aayaw ca bang ipagcatiwalà sa akin ang iyong m~ga lihim? ¿Hindi ba laguing pinagsicapang cong bigyáng catuparan ang bawa't iyong maibigan?

Itinin~gala n~g dalaga sa canyá ang m~ga matáng punô n~g m~ga luhà, sandaling siyá'y tinitigan, at muling tuman~gis n~g malakíng capaitan.

--¡Huwág cang tuman~gis n~g ganyán, anác co, sa pagcá't nagbíbigay sákit sa akin ang iyong m~ga luhà! ¡Saysayín mo sa akin ang iyóng m~ga ipinagpipighatî; makikita mo cung tunay na minamahal ca n~g iyóng ináama!

Marahang lumapit sa canyá si María Clara, lumuhód sa canyáng paanán, itinin~galâ sa canyá ang mukháng napapaliguan n~g luhà, at saca sinabi sa canyá n~g tinig na bahagyâ n~g mawatasan:

--¿Iniibig po ba ninyó acó?

--¡Musmós!

--¡Cung gayó'y ... ampunin ninyó ang aking amá at huwág po ninyó acóng ipacasál!

At saca sinabi n~g dalaga ang hulíng pagkikita nilá ni Ibarra, n~guni't inilin~gid niyá ang lihim n~g canyáng paguiguing tao.

Bahagyâ nang macapaniwalà si parì Dámaso sa canyáng náririn~gig.

--¡Samantalang siyá'y buháy,--ang ipinatuloy n~g dalaga,--inacalà cong lumaban, naghíhintay acó, acó'y umaasa! Ibig cong mabúhay upang macárin~gig acó n~g m~ga balitang tungcól sa canyá ... ¡datapuwa't n~gayóng siyá'y pinatáy, walâ na n~gang cadahilanan upáng mabuhay acó't magcasákit!

Other books

The Lowest Heaven by Reynolds, Alastair, McDougall, Sophia, Roberts, Adam, Warren, Kaaron, Swift, E.J., Hurley, Kameron
The Eve Genome by Joanne Brothwell
Craved by an Alpha by Felicity Heaton
Safari - 02 by Keith C. Blackmore