Noli Me Tangere

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
3.38Mb size Format: txt, pdf, ePub
Noli Me Tangere, by Jose Rizal

The Project Gutenberg EBook of Noli Me Tangere, by Jose Rizal This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org

Title: Noli Me Tangere

Author: Jose Rizal

Translator: Pascual H. Poblete

Release Date: December 30, 2006 [EBook #20228]

Language: Tagalog

Character set encoding: ISO-8859-1

*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK NOLI ME TANGERE ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team (http://www.pgdp.net). Thanks to the following for their help in making this project possible: Elmer Nocheseda, Jerome Espinosa Baladad, Matet Villanueva, Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section, and the Filipinas Heritage Library. The ebook is being released in commemoration of Dr. José Rizal's 110th Death Anniversary on December 30, 2006. Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.(http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

NOLI ME TANGERE

HUAG ACONG SALAN~GIN NINO MAN

[Larawan: Dr. Jose Rizal]

Dr. J. RIZAL

NOLI ME TANGERE

Novelang wicang Castila na tinagalog

NI

PASCUAL H. POBLETE

Kilalang manunulat at Tagapatnubay n~g m~ga unang Pamahayagang Tagalog.

¿Anó? Di bagá cayâ macalálabas sa inyong man~ga dulaan ang isang César? Tangí na bagá lamang macalálabas doon ang isang Aquiles, ang isang Orestes, ó Andrómaca?

¡Aba! Cung ganyan namang ualâ na tayong namamasdan cung di ang m~ga nan~gan~gatungculan sa bayan, m~ga pari, m~ga alférez at m~ga secretario, ang m~ga húsar, comandante at m~ga alguacil.

Datapowa't sabihin mo, ¿anó ang dakilang bagay na magagawâ nang m~ga alibughang ito? ¿Pang-gagalin~gan bagá ang ganitóng m~ga técas n~g m~ga di caraniwang gawá?

»Was? Es dürfte kein Cäsar auf euren Bühnen sich zeigen?--Kein Achill, kein Orest, keine Andromacha mehr?«

Nichts! Man sieht bei uns nur Pfarrer, Commerzienräthe,--Fähndriche, Secretärs oder Husarenmajors.

»Aber, ich bitte dich, Freund, was kann denn dieser Misere--Großes begegnen, was kann Großes denn durch sie geschehn?«

Schiller. Ang anino ni Shakespeare.

MAYNILA

Limbagan ni M. Fernandez PAZ, 447, Sta. Cruz. 1909

Ang sabing Noli me Tangere ay wikang latin. M~ga wika sa Evangelio ni San Lúcas. Ang cahulugán sa wikang tagalog ay Huwag acong salan~gin nino man. Tinatawag din namáng Noli me Tangere ang masamang bukol na nacamamatay na Cancer cung pamagatán n~g m~ga pantás na mangagamot.

Sa han~gad na ang m~ga librong NOLI ME TANGERE at FILIBUSTERISMO, na kinatha n~g Dr. Jose Rizal ay maunáwa at málasapang magaling n~g catagalugan, ang m~ga doo'y sinasabing nagpapakilala n~g tunay nating calayaan at n~g dapat nating gawiin, at nacapagpapaálab, namán n~g nin~gas n~g ating puso sa pag-ibig sa kinamulatang lupa, minatapat cong ipalimbag ang isinawikang tagalog na m~ga librong yaon, sa dahilang sa bilang na sampòng millong (sampong libong libo) filipino, humiguit cumulang, ay walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos n~g wicang castila na guinamit sa m~ga kinathang yaón.

Cung pakinaban~gan n~g aking m~ga calahi itong wagás cong adhica, walang cahulilip na towa ang aking tatamuhin, sa pagca't cahit babahagya'y nacapaglicod acó sa Inang-Bayan.

Maynila, unang araw n~g Junio n~g taong isang libo siyam na raan at siyam.

Saturnina Rizal ni Hidalgo,

ó

NENENG RIZAL.

=NOLI ME TANGERE=

Catha sa wicang castila ni

=Dr. José Rizal=

at isinatagalog ni

=Pascual H. Poblete=

=SA AKING TINUBUANG LUPA=[1]

Nátatalà sa "historia"[2] n~g m~ga pagdaralità n~g sangcataohan ang isáng "cáncer"[3] na lubháng nápacasamâ, na bahagyâ na lámang másalang ay humáhapdi't napupucaw na roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón din naman, cailán mang inibig cong icáw ay tawáguin sa guitnâ n~g m~ga bágong "civilización"[4], sa han~gad co cung minsang caulayawin co ang sa iyo'y pag-aalaala, at cung minsan nama'y n~g isumag co icáw sa m~ga ibáng lupaín, sa towî na'y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na may tagláy n~g gayón ding cáncer sa pamamayan.

Palibhasa'y nais co ang iyong cagalin~gang siyáng cagalin~gan co rin namán, at sa aking paghanap n~g lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágawà n~g m~ga tao sa úna sa canilang m~ga may sakít: caniláng itinátanghal ang m~ga may sakít na iyan sa m~ga baitang n~g sambahan, at n~g bawa't manggaling sa pagtawag sa Dios ay sa canilá'y ihatol ang isáng cagamutan.

At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang pacundan~gan ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui n~g cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô n~g pagmamahál sa sariling dan~gál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong m~ga caculan~gán at m~ga carupucán n~g púsò.

Ang Cumatha.

Europa, 1886.

TALABABA:

[1]
A mi pátria
, ang sabi sa "original" na wicang castilà. Ang sabing "pátria" ay waláng catumbas sa wícà natin cung dî: ang tinubuang lupà, ang tinubuan bayan, ang kinaguisnang bayan, ang kinamulatang bayan, at iba pa. N~guni't ang sinasabing bayan ò lupà rito'y saclaw ang boong Sangcapuluang Filipinas, hindî ang lupang Naic ó bayang Malabon ó lalawigang Tayabas, cung di ang capisanan n~g lahat n~g bayan, n~g lahat n~g lalawigan sa boong Sangcapuluang ito, casama ang m~ga bundóc, gubat, ilog, dagat at iba pa.--P.H.P.

[2] "Casaysayan n~g ano mang nangyayari." Ipinan~gun~gusap na "istoria"; sa pagka't sa wicang castila'y hindî isinasama ang h sa pagbasa--P.H.P.

[3] Ang cáncer ay masamáng "bùcol" ó bagâ, na hindî maisatagalog na "bagâ" ó búcol, sa pagca't ibang iba sa m~ga sakit na itó. Caraniwang napagagaling ang "bagâ" ó búcol, datapowa't ang "cáncer" ay hindî. Bawa't dapuan n~g "cáncer" ay namamatay. Wala pang lunas na natatagpuan ang m~ga pantás na manggagamot upang mapagalíng ang "cáncer", na cung pamagatá'y "carcinoma." May nagsasabing napagagaling ang "carcinoma" sa pamamag-itan n~g paglapláp sa búcol, cung panahóng bagong litáw, na walang ano mang itítira, datapuwa't palibhasa'y hindî nararamdaman n~g may sakít n~g carcinoma na siya'y mayroon nito, cung dî cung malubha na, iyan ang cadahilana't walâ n~g magawâ ang m~ga cirujano. Ang caraniwang dinadapuan n~g cáncer, carcinoma, ay ang m~ga taong bayan at hindi ang taga bukid; at lalong madalas sa babae cay sa lalakí. Sa suso ó sa bahay-bata madalás dumápò cung sa babae. Ang sakít na "cancer" ay tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salan~gín nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ulî at lalong lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na lalong lumálacas ang paglagô, at pagcacagayo'y lalong nadadalî ang pagcamatay n~g may sakit.--P.H.P.

[4] Tinatawag na civilización ang caliwanagan n~g isip dahîl sa pag-aaral n~g m~ga bago't bagong dunong. Nagpasimula ang tinatawag na "civilización moderna," ó bagong civilización, n~g icalabinglimang siglo, at nacatulong na totoo na bagay na ito ang pagcátuclas n~g limbagan.--P.H.P.

=NOLI ME TANGERE=

=I.=

=ISANG PAGCACAPISAN.=

Nag-anyaya n~g pagpapacain nang isáng hapunan, n~g magtátapos ang Octubre, si Guinoong Santiago de los Santos, na lalong nakikilala n~g bayan sa pamagát na Capitang Tiago, anyayang bagá man niyón lamang hapong iyón canyang inihayág, laban sa dati niyang caugalìan, gayón ma'y siyang dahil na n~g lahát n~g m~ga usap-usapan sa Binundóc, sa iba't ibang m~ga nayon at hanggang sa loob n~g Maynílà. N~g panahóng yao'y lumalagay si Capitang Tiagong isáng lalaking siyang lalong maguilas, at talastas n~g ang canyang bahay at ang canyang kinamulatang bayan ay hindî nagsásara n~g pintô canino man, liban na lamang sa m~ga calacal ó sa anó mang isip na bago ó pan~gahás.

Cawan~gis n~g kisláp n~g lintíc ang cadalîan n~g pagcalaganap n~g balítà sa daigdigan n~g m~ga dápò, m~ga lan~gaw ó m~ga "colado"[5], na kinapal n~g Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami n~g boong pag-irog sa Maynílà. Nan~gagsihanap ang ibá nang "betún" sa caniláng zapatos, m~ga botón at corbata naman ang ibá, n~guni't siláng lahát ay nan~gag iisip cung paano cayâ ang mabuting paraang bating lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang macacakitang sila'y malalaon n~g caibigan, ó cung magcatao'y humin~gí pang tawad na hindî nacadalóng maaga.

Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang anyô upang makilala n~gayón, sacali't hindî pa iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.--Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng itó; natatayô sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin n~g lahát n~g ilog sa Maynílà, n~g maraming capacan-ang pagcapaliguan, agusán n~g dumí, labahan, pinan~gin~gisdâan, daanan n~g bangcang nagdádala n~g sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán n~g tubig na inumín, cung minamagalíng n~g tagaiguib na insíc[7]. Dapat halataíng sa lubháng kinakailan~gang gamit na itó n~g nayong ang dami n~g calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos may sanglibong metro'y bahagyâ na lamang nagcaroon n~g isang tuláy na cahoy, na sa anim na bowa'y sirâ ang cabiláng panig at ang cabilâ nama'y hindî maraanan sa nálalabi n~g taon, na ano pa't ang m~ga cabayo, cung panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hindî nagbabagong anyô, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat n~g nalilibang na táong may camatayang sa loob n~g coche ay nacacatulog ó nagdidilidili n~g m~ga paglagô n~g panahón.

May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling ang pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti n~g "arquitectong"[8] namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y cagagawán n~g m~ga lindól at m~ga bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra sa mumunting panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc n~g pintuang nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na may sarisaring culay at may m~ga dibujong hindî mapaglirip.

Yamang walang bantay-pintô ó alilang humin~gî ó magtanong n~g "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta, n~g ilaw ó n~g macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang m~ga piguíng doon sa Perla n~g Casilan~ganan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay n~g calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa m~ga may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga anyô n~g asal, cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón n~g orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan n~g marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang nacaiinip na oras sa casamahán n~g m~ga hindî cakilala, na ang pananalita't m~ga pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom", "Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at magandañg "marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g canyang mukhâ; ang m~ga vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang maraming m~ga natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí n~g linálaman. Sa panonood n~g m~ga calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol sa paglasáp n~g masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may masamáng isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiupô sa mesa, at n~g huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame n~g maririkít na lámparang gawâ sa China, m~ga jaulang waláng ibon, m~ga bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, m~ga halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na hinipa't n~g bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa may dacong ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y alan~gang huguis europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng "azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18] bahagyâ na naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may sarisaring culay.

Other books

The Knights of Christmas by Suzanne Barclay
Spencerville by Nelson Demille
War in Heaven by Gavin Smith
Red Velvet (Silk Stocking Inn #1) by Tess Oliver, Anna Hart
Sugar Shack by Paisley Scott
Rough, Raw and Ready by James, Lorelei
Infected by Sophie Littlefield