Noli Me Tangere (2 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
7.62Mb size Format: txt, pdf, ePub

Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitnâ n~g lubháng malalakíng m~ga salamín at na n~gagníningning na m~ga araña[19]: at doon sa ibabaw n~g isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na "piano de cola"[22], na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g mahalagá n~g gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang "al óleo"[23] n~g isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa m~ga matitigás na daliring puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y sinasabi n~g larawan:

--¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî tumatawa!

Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~gâ ang icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít.--¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán!--itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.

Halos punô n~g tao ang salas: hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae, tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga[24]. Ang m~ga babae ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagyâ na nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalitâ; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung gabí sa isáng bahay, m~ga in~gay na gawâ n~g m~ga dagâ at n~g m~ga butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't ibang m~ga "Nuestra Señora"[25] na nagsabit sa m~ga pader ang siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga babae?

Ang tan~ging sumasalubong sa pagdatíng n~g m~ga guinoong babae ay isáng babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait at hindî magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod n~g canyáng pagpapakitang loob at pakikipagcapuwa tao'y walâ cung ang dî mag-alay sa m~ga española n~g tabaco at hitsô, at magpahalíc n~g canyang camáy sa m~ga filipina, na ano pa't walang pinag-ibhán sa m~ga fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang abáng matandang babae, caya't sinamantala niya ang paglagapác n~g isang pinggang nabasag upang lumabás na dalidalì at nagbububulong:

--¡Jesus! ¡Hintay cayó, m~ga indigno[26]!

At hindî na mulíng sumipót.

Tungcol sa m~ga lalaki'y nan~gagcacain~ga'y n~g cauntî. Umaaticabong nan~gagsasalitaan ang iláng m~ga cadete[27]; n~guni't mahihinà ang voces, sa isa sa m~ga súloc at manacanacang tinitingnan nila at itinuturo n~g dalirî ang iláng m~ga taong na sa salas, at silasila'y nan~gagtatawanang ga inililihim n~g hindi naman; ang bilang capalit nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowâ nacaputî n~g pananamit, nan~gacatalicod camáy at dî umíimic ay nan~gagpaparoo't paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo n~g salas, tulad sa guinágawâ n~g m~ga naglalacbay-dagat sa "cubierta"[29] n~g isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan n~g m~ga botella n~g alac at m~ga biscocho inglés[31].

Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalafon[33] n~g Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.--Ang isá sa m~ga fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at n~g m~ga nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya n~ga't n~g m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa ang m~ga anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan n~g ísip sa m~ga "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man n~g magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya n~g m~ga "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang ibig humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalità.

Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò n~g maínam magcucumpás. Bagá man sumusun~gaw na ang m~ga uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas n~g canyang malusóg na pan~gan~gatawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang m~ga pagtin~ging nacalálaguim, ang canyáng malalapad na m~ga pan~gá at batìbot na pan~gan~gatawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] n~g Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay n~g abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawan~gis n~g "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos n~g panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ n~g gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp n~g gayóng ugalî n~g canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita n~g m~ga paang waláng calcetín at m~ga bintíng mabalahíbo, na icakikita n~g maraming pagcabuhay n~g isáng Mendicta sa m~ga feria sa Kiapò.

Ang isa sa m~ga paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatán~gì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan n~g franciscano.

--Makikita rin ninyó--ang sabi n~g franciscano--pagca pô cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala n~g bayan n~g Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!

--N~guni't....

--Acó, sa halimbáwà--ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at n~g dî na macaimíc ang canyang causap--aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at "morisqueta"[49], macapagsasabi aco n~g mapapaniwalâan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin n~g alinsunod sa m~ga carunun~gan at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50]. Acalain ninyong mulá n~g aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit n~ga, n~guni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang m~ga babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't n~g macaraan ang tatlóng taón, n~g aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy n~g curang "indio" roon, nan~gagsipanan~gis ang lahat n~g babae, pinuspos acó n~g m~ga handóg, inihatid nila acong may casamang música....

--Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang....

--¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacanin~gas! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at n~g siya'y umalís ay lalò n~g marami ang naghatíd, lalo n~g marami ang umiyác at lalo n~g mainam ang música, gayóng siya'y lalò n~g mainam mamálò at pinataas pa ang m~ga "derechos n~g parroquia"[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí.

--N~guni't itutulot ninyó sa aking....

--Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón, may iláng bowán lamang n~gayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim na libo ang dami n~g taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinan~ganac at pinasuso: nalalaman co cung alín ang m~ga lisyang caasalan nito, cung anó ang pinan~gan~gailan~gan niyon, cung sino ang nan~gin~gibig sa bawa't dalaga, cung ano anong m~ga pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá n~g batang inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nan~gag-iin~gat n~g mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinun~galing aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang m~ga lupà at doon camí naguíng magcaibigan. N~gayo'y makikita ninyó cung anó ang "indio"; n~g aco'y umalís, bahagya na acó inihatid n~g ilang m~ga matatandáng babae at iláng "hermano" tercero[53], ¡gayóng nátira aco roong dalawampong taón!

N~guni't hindî co mapagcúrò cung anó ang cabagayán n~g inyong m~ga sinabi sa pagcacaális n~g "estanco n~g tabaco"[54]--ang sagot n~g may mapuláng buhóc na causap, na canyang sinamantala ang sandaling pagcatiguil dahil sa pag-inom n~g franciscano n~g isang copita n~g Jerez[55].

Sa pangguiguilalas n~g dî anó lamang ni Fr. Dámaso ay cauntî nang mabitiwan nito ang copa. Sandalíng tinitigan ang binata at:

--¿Paano? ¿paano?--ang sinabi pagcatapos n~g boong pagtatacá.--Datapowa't ¿mangyayari bagang hindî ninyo mapagwarì iyang casíng liwanag n~g ílaw? ¿Hindî ba ninyó nakikita, anác n~g Dios, na ang lahat n~g ito'y nagpapatibay na totoo, na pawang cahalin~gán ang m~ga pagbabagong utos na guinágawà n~g m~ga minìstro?

N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot n~g teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang lahat halos.

--¿Inaacalà bagá ninyó ...?--ang sa cawacasa'y nagawang tanóng n~g boong catimpian n~g binátà, na tinítitigan n~g boong pagtatacá ang fraile.

--¿Na cung inaacalà co? ¡Sinasampalatayanan cong gaya n~g pagsampalataya sa Evangelio[56]! ¡Napaca "indolente"[57] ang "indio"!

--¡Ah! ipatawad po ninyong salabatin co ang inyong pananalitâ--anang binatà, na idinahan ang voces at inilapít n~g cauntî ang canyang upuan; sinabi po ninyo ang isang salitâ na totoong nacaakit sa aking magdilidili. ¡Tunay n~ga cayang catutubò n~g m~ga dalisay na tagarito ang pagca "indolente," ó nangyayari ang sinasabi n~g isang maglalacbáy na taga ibang lupain, na tinátacpan natin n~g pagca indolenteng ito ang ating sariling pagca indolente, ang pagcáhuli natin sa pagsulong sa m~ga carunun~gan at ang ating paraan n~g pamamahala sa lupaíng nasasacupan? Ang sinabi niya'y ucol sa m~ga ibang lupaíng sacóp, na ang m~ga nananahan doo'y pawang sa lahì ring iyan!...

--¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong pô ninyo cay guinoong Laruja na nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio!

--Tunay n~ga--ang sagót namán n~g bulilít na lalaking siyang binangguit--¡hindî po cayó macacakita sa alin mang panig n~g daigdíg n~g híhiguit pa sa pagca indolente n~g indio, sa alin mang panig n~g daigdíg!

--¡Ni iba pang lalong napacasama n~g asal na pinagcaratihan, ni iba pang lalong hindî marunong cumilala n~g utang na loob!

--¡At n~g ibang lalong masamâ ang túrò!

Nagpasimulâ ang binatang mapulá ang buhóc n~g pagpapalin~gaplin~gap sa magcabicabilà n~g boong pag-aalap-ap.

--M~ga guinoo--ang sinabing marahan--tila mandin tayo'y na sa bahay n~g isang "indio". Ang m~ga guinoong dalagang iyan....

--¡Bah! huwag cayóng napaca magugunigunihin! Hindî ipinalalagay ni Santiagong siya'y "indio," bucód sa roo'y hindî siya naháharap, at.... ¡cahi't náhaharap man siya! Iya'y m~ga cahalin~gán n~g m~ga bágong dating. Hayaan ninyong macaraan ang ilang bowan; magbabago cayóng isipán pagca cayo'y nacapagmalimít sa maraming m~ga fiesta at "bailujan"[58], nacatulog sa m~ga catre at nacacain n~g maraming "tinola".

--Tinatawag po ba ninyong tinola ang bun~gang cahoy na cahawig n~g "loto"[59] na ... ganyan ... nacapagmamalimutin sa m~ga tao?

--¡Ano bang loto ni loteria!--ang sagot ni párì Dámasong nagtátawa;--nagsasalitâ cayó n~g m~ga cahalin~gán. Ang tinola ay ang pinaghalong inahíng manoc at sacá úpo. ¿Buhat pa cailán dumating cayó?

--Apat na araw--ang sagot n~g binatang ga namumuhî na.

--¿Naparito ba cayong may catungculan?

--Hindi pô; naparito acó sa aking sariling gugol upang mapagkilala co ang lupaíng itó.

--¡Aba, napacatan~gì namang ibon!--ang saysay ni Fr. Dámaso, na siya'y minamasdan n~g boong pagtatacá--¡Pumarito sa sariling gugol at sa m~ga cahalin~gán lamang! ¡Cacaibá namáng totoo! ¡Ganyang caraming m~ga libro ... sucat na ang magcaroon n~g dalawang dáling noo[60].... Sa ganya'y maraming sumulat n~g m~ga dakílang libro! ¡Sucat na ang magcaroon n~g dalawang daling noo....

--Sinasabi n~g "cagalanggalang po ninyo"[61] ("Vuestra reverencia"), párì Dámaso--ang biglang isinalabat n~g dominico na pinutol ang salitaan--na cayo'y nanaháng dalawampong taón sa bayang San Diego at cayo umalis doon.... ¿hindî pô ba kinalúlugdan n~g inyong cagalan~gan ang bayang iyon?

Biglang nawalâ ang catowaan ni Fr. Dámaso at tumiguil n~g pagtatawá sa tanóng na itong ang anyo'y totoong parang walang anó man at hindî sinásadyâ.

Nagpatuloy n~g pananalitâ ang dominico n~g anaki'y lalong nagwáwalang bahálà:

--Marahil n~ga'y nacapagpipighati ang iwan ang isáng bayang kinátahanang dalawampong taón at napagkikilalang tulad sa hábitong suot. Sa ganáng akin lamang naman, dinaramdam cong iwan ang Camilíng, gayóng iilang buwan acóng nátira roon ... n~guni't yaó'y guinawâ n~g m~ga púnò sa icagagaling n~g Capisanan ... at sa icágagaling co namán.

Noon lamang n~g gabíng iyón, tila totoong natilihan si Fr. Dámaso. Di caguinsaguinsa'y pinacabigyanbigyan n~g suntóc ang palun~gán n~g camáy n~g canyáng sillón, humin~ga n~g malacás at nagsalitâ:

--¡O may Religión ó wala! sa macatuid baga'y ¡ó ang m~ga cura'y may calayâan ó walâ! ¡Napapahamac ang lupang itó, na sa capahamacán!

At sácâ mulíng sumuntóc.

--¡Hindi!--ang sagót na paan~gil at galit, at saca biglang nagpatinghigâ n~g boong lacás sa hiligán n~g sillón.

Sa pagcámanghâ n~g nan~gasasalas ay nan~gagtin~ginan sa pulutóng na iyón: itinungháy n~g dominico ang canyáng ulo upang tingnán niya si pári Dámaso sa ilalim n~g canyáng salamín sa mata. Tumiguil na sandali ang dalawáng extranjerong nan~gagpapasial, nan~gagtin~ginan, ipinakitang saglít ang caniláng m~ga pan~gil; at pagdaca'y ipinagpatuloy uli ang caniláng pagpaparoo't parito.

Other books

Green by Laura Peyton Roberts
The Art of Baking Blind by Sarah Vaughan
Nathan Coulter by Wendell Berry
Sandra Hill - [Vikings I 05] by The Blue Viking