Authors: JosÈ Rizal
--¡Masamâ ang loob dahiláng hindî ninyó binigyán n~g Reverencia (Cagalang-galang)!--ang ibinulóng sa tain~ga n~g binatang mapulá ang buhóc ni guinoong Laruja.
--¿Anó pô bâ, ang ibig sabihin n~g "cagalanggalang" ninyó (Vuestra Reverencia)? ¿anó ang sa inyo'y nangyayari?--ang m~ga tanóng n~g dominico at n~g teniente, na iba't ibá ang taas n~g voces.
--¡Cayâ dumaráting dito ang lubháng maraming m~ga sacunâ! ¡Tinatangkílik n~g m~ga pinúnò ang m~ga "hereje"[62] laban sa m~ga "ministro" n~g Dios[63]! ang ipinagpatuloy n~g franciscano na ipinagtutumâas ang canyáng malulusog ó na m~ga panuntóc.
--¿Anó pô ba ang ibig ninyóng sabihin?--ang mulíng itinanóng n~g abot n~g kilay na teniente na anyóng titindig.
--¿Na cung anó ang íbig cong sabíhin?--ang inulit ni Fr. Dámaso, na lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente.--¡Sinasabi co ang ibig cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon n~g cura sa canyáng libin~gan ang bangcáy n~g isáng "hereje," sino man, cahi ma't ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò n~g waláng catuwirang macapagparusa. ¡At n~gayo'y ang isáng "generalito"[64], ang isáng generalito Calamidad[65]...!
--¡Párì, ang canyáng Carilagán[66] (ang marilág bagáng Gobernador General) ay Vice-Real Patrono[67],--ang sigaw n~g teniente na nagtindíg.
--¡Anó bang Carilagán ó Vice-Real Patrono[68] man!--ang sagót n~g franciscanong nagtindíg din.--Cung nangyari itó sa ibáng panaho'y kinaladcád sana siyá n~g pababâ sa hagdanan, tulad n~g minsa'y guinawâ n~g m~ga Capisanan n~g m~ga fraile sa pusóng na Gobernador Bustamante[69]. ¡Ang m~ga panahóng iyón ang tunay na panahón n~g pananampalataya!
--Ipinauunawà co sa inyó na di co maitutulot ... Ang "Canyang Carilagán," (ó ang marilág na Gobernador General) ang pinacacatawán n~g Canyáng Macapangyarihan, ang Hárì[70].
--¡Anó bang hárì ó cung Roque[71] man! Sa ganáng amin ay waláng ibáng hárì cung dî ang tunay[72]....
--¡Tiguil!--ang sigáw n~g tenienteng nagbabalà at wari'y mandin ay nag-uutos sa canyáng m~ga sundalo;--¡ó inyóng pagsisisihan ang lahát ninyóng sinabi ó búcas din ay magbíbigay sabi acó sa Canyang Carilagán!...
--¡Lacad na cayó n~gayón din, lacad na cayó!--ang sagót n~g boong paglibác ni Fr. Dámaso, na lumapít sa tenienteng nacasuntóc ang camáy.--¿Acalà ba ninyo't may suot acóng hábito'y walâ acóng ...? ¡Lacad na cayo't ipahihíram co pa sa inyó ang aking coche!
Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagalin~gang palad ay nakialam ang dominico.--¡M~ga guinoo!--ang sabi niyáng taglay ang anyóng may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na totoong nababagay sa m~ga fraile;--huwag sana ninyóng papagligáwligawín ang m~ga bagay, at howag namán cayóng humánap n~g m~ga paglapastan~gan sa waláng makikita cayó. Dapat nating ibucód sa m~ga pananalitâ ni Fr. Dámaso ang m~ga pananalitâ n~g tao sa m~ga pananalitâ n~g sacerdote. Ang m~ga pananalitâ n~g sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se"[73], ay hindî macasasakít n~g loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós n~g catotohanan. Sa m~ga pananalitâ n~g tao, ay dapat gawín ang isá pa manding pagbabahagui: ang m~ga sinasabing "ab irato"[74], ang m~ga sinabing "exore"[75], datapuwa't hindî "in corde"[76], at ang sinasabing "in corde". Ang m~ga sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít n~g loob: sacali't dating tinatagláy n~g "in meate"[77] sa isáng cadahilanan, ó cung nasabi lamang "per accidens"[78], sa pagcacáinitan n~g salitàan, cung mayroong....
--¡N~guni't aco'y "por accidens" at "por mi"[79] ay nalalaman co ang m~ga cadahilanan, pári Sibyla!--ang isinalabat n~g militar, na nakikita niyáng siya'y nabibilot n~g gayóng caraming m~ga pag tatan~gitan~gi, at nan~gan~ganib siyáng cung mapapatuloy ay siyá pa ang lalábas na may casalanan.--Nalalaman co ang m~ga cadahilanan at papagtatan~giin n~g "cagalan~gan pô ninyo" (papagtatan~gitan~giin pô ninyo). Sa panahóng wala si pári Dámaso sa San Diego ay inilibíng n~g coadjutor[80] ang bangcáy n~g isáng táong totoong carapatdapat ...; opò, totoong carapatdapat; siya'y macáilan cong nácapanayam, at tumúloy acó sa canyáng bahay. Na siya'y hindi nan~gumpisál cailan man, at iyán bagá'y ¿anó? Acó ma'y hindi rin nan~gun~gumpisál, n~guni't sabihing nagpacamatáy, iya'y isáng casinun~galin~gan, isáng paratang. Isáng táong gaya niyáng may isáng anác na lalaking kinabubuhusan n~g boong pag-irog at m~ga pag-asa, isáng táong may pananampalataya sa Dios, na nacacaalám n~g canyang m~ga catungculang dapat ganapín sa pamamayan, isáng táong mapagmahál sa capurihán at hindi sumisinsay sa catuwiran, ang ganyáng tao'y hindî nagpápacamatay. Ito'y sinasabi co, at hindî co sinasabi ang m~ga ibáng aking iniisip, at kilanlíng utang na loob sa akin n~g "cagalan~gan" pô ninyó.
At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy n~g pananalitâ:
--N~g magcágayo'y n~g magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón, ipinadala sa labás n~g libin~gan, upang ibaón hindi co maalaman cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay n~ga't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa ang canyang bugtóng na anác; n~guni't nabalitaan n~g Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hinin~gi ang caparusahán ... at inilipat si pári Dámaso sa lalong magaling na bayan. Itó n~gâ lamang ang nangyari. N~gayo'y gawín n~g "inyó pong cagalan~gán" ang pagtatan~gitan~gi.
At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón.
--Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay na totoong mapan~ganib ani párì Sibylang may pighatî.--Datapuwa't cung sa cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan....
--¡Anó bang pakikinaban~gin! ¿At ang nawáwalâ sa m~ga paglipat ... at ang m~ga papel ... at ang m~ga ... at ang lahát n~g m~ga náliligwín?--ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi macapagpiguil n~g galit.
Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican.
Nan~gagsidatíng ang ibá pang m~ga tao, caacbáy ang isáng matandáng castilàng piláy, matamís at mabaít ang pagmumukhâ, nacaacay sa bísig n~g isáng matandáng babaeng filipinang punô n~g culót ang buhóc, may m~ga pintá ang mukhâ at nacasuot europea.
Sila'y sinalubong n~g bating catoto n~g naroroong pulutóng, at nan~gagsiupô sa tabí n~g ating m~ga cakilala ang Doctor De Espadaña at ang guinoong asawa niyang "doctora" na si Doña Victorina. Doo'y napapanood ang iláng m~ga "periodista"[81] at m~ga "almacenero"[82] na nan~gagpaparoo't parito at waláng maalamang gawín.
--N~guni't ¿masasabi pô ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung anóng tao cayâ ang may arì n~g bahay?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc.--Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá[83].
--Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita.
--¡Dito'y hindî cailan~ganang m~ga pagpapakilala!--ang isinabád ni Fr. Dámaso,--Si Santiago'y isáng táong mabaít.
--Isang táong hindi nacátuclas n~g pólvorâ--ang idinugtong ni Laruja.
--¡Cayó pô namán, guinoong Laruja!--ang sinabi sa malambing na pagsisi ni Doña Victorinang nag-aabanico.--¿Paano pô bang matutuclasan pa n~g abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y natuclasan na ito n~g m~ga insíc na malaong panahón na?
[Larawan:.....Ang Doctor De Espadaña at ang canyang guinoong asawa ang "Doctora" Doña Victorina ...--Imp. de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]
--¿Nang m~ga insíc? ¿Nasisirà bâ ang isip ninyo?--ang sabi ni Fr. Dámaso,--¡Tumahán n~gâ cayó! ¡Ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora'y isang franciscano, isá sa aming samahan, Fr. Hindî co maalaman Savalls, n~g siglong ... ¡icapitó!
--¡Isang franciscano! Marahil naguíng misionero sa China, ang párì Savalls na iyan--ang itinutol n~g guinoong babae na hindî ipinatatalo n~g gayongayon lamang ang canyang m~ga isipan.
--Marahil Schwartz[84] ang ibig pô ninyong sabihin, guinoong babae--ang itinugón namán ni Fr. Sibyla, na hindî man lamang siya tinítingnan.
--Hindî co maalaman; sinabi ni Fr. Dámasong Savalls: walâ acóng guinawâ cung dî inulit co lamang ang canyang sinalitâ.
--¡Magalíng! Savalls ó Chevás, ¿eh anó n~gayon? ¡Hindî dahil sa isáng letra ay siya'y maguiguing insíc!--ang mulíng sinaysay na nayáyamot ang franciscano.
--At n~g icalabing-apat na siglo at hindî n~g icapitó--ang idinugtóng n~g dominico, na ang anyo'y parang sinásala ang camalìan at n~g pasakitan ang capalaluan niyong isáng fraile.
--¡Mabuti, datapuwa't hindî sa paglalabis cumulang n~g isáng siglo'y siya'y maguiguing dominico na!
--¡Abá, howag pô sanang magalit ang cagalan~gán pô ninyo!--ani párì Sibylang n~gumín~gitî.--Lalong magalíng cung siya ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora, sa pagca't sa gayo'y naibsan na niya sa pagcacapagod sa gayóng bagay ang canyang m~ga capatíd.
--¿At sinasabi pô ninyo, párì Sibyla, na nangyari ang bagay na iyón n~g icalabíng apat na siglo?--ang tanóng na malakí ang nais na macatalós ni Doña Victorina--¿n~g hindî pa ó n~g macapagcatawáng tao na si Cristo?
Pinalad ang tinátanong na pumasoc sa salas ang dalawang guinoo.
TALABABA:
[5]
Colado
, ang taong hindi inaanyayaha'y cusang dumádalo sa isang piguíng. Maraming di ano lamang sa mañ~ga bayanbayan, at lalonglalo na dito sa Maynilà, ang mañ~ga taong di nating calahì, na hindî man inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa man~ga piguíng nang man~ga filipino, na canilang tinatawag
na indio
, at ang man~ga taong yaong di natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na man~ga
colado
sa piguíng.--P.H.P.
[6] Ang catutubong mahusay at dî nagbabagong calacarán n~g m~ga linikhâ n~g Dios--P.H.P.
[7] Nang panahóng sulatin ni Rizal ang Noli me tangere ay hindi pa umaagos dito sa Maynila ang tubig na inumíng nanggagaling sa ilog San Mateo at Marikina. Talastas nang madla, na ang guinugol sa pagpapaagos na ito ay ang ipinamanang salapi, upang iucol sa ganitong bagay, ni D. Francisco Carriedo, castilang naguíng magistrado sa Real Audiencia nang una. ¡Salamat sa isáng castílà, sa isáng hindî nating caláhì ay nagcaroon ang Maynílà n~g tubig na totoong kinacailan~gan sa pamumuhay! Maraming mayayamang filipinong bago mamatay ay nagpapamana n~g maraming salapî at mahahalagáng cayamanan sa m~ga fraile ó sa m~ga monja, datapowa't hindî nan~gababalinong magpamana n~g anó mang iguiguinhawa ó magagamit sa pamumuhay n~g caniláng m~ga cababayan. Walâ rin acóng nalalamang nagawáng handóg sa m~ga filipino ang m~ga fraile na macacatulad n~g pamana n~g dakilang si Carriedo; gayóng dahil sa m~ga filipino cayâ yumaman at naguíng macapangyarihan ang m~ga fraileng iyan.--¡Culang palad na Filipinas!--Nang di pa umaagos ang tubig na inumíng sinabi na ay sa ilog Pasig ó sa man~ga ibáng nacaliliguid sa Maynilà umiiguib nang inumín at ibá pang cagamitan sa bahay, sacali't ang bahay walang
algibe
ó tipunán n~g tubig sa ulán.--P.H.P.
[8] Ang namamatnugot sa paggawâ n~g anó man edificio. Tinatawag na edificio ang bahay, palacio, simbahan, camalig at iba pa.--P.H.P.
[9] Ang ladrillong parang pinggan ang pagcacayarì.--P.H.P.
[10] Ang "maceta" ay wicang castilà na ang cahuluga'y ang lalagyán n~g lupà na pinagtatamnan n~g m~ga halamang guinágawang pangpamuti, sa macatuwid ay malî ang tawag na "macetas" sa halaman.--P.H.P.
[11] Patun~gán n~g m~ga "maceta" ó pátirican n~g haligue ó ano mang bagay.--P.H.P.
[12] Ang capisanan n~g guinagamit sa pagcaing cuchara, cuchillo, tenedor at iba pa.--P.H.P.
[13] Ang sabing "caida" ay wìcang castilà, na ang cahuluga'y ang pagcahulog, pagcálagpac, pagcárapâ pagcatimbuang, ó ang kinahuhulugan ó ang laláy n~g ano mang bagay; datapuwa't dito sa Filipinas, ayawan cung anong dahil, tinatawag na "caida" n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing castila ang macapanhíc n~g báhay.--P.H.P.
[14] Ang panig n~g bahay na pinaglálagyán n~g mesang cacanán.--P.H.P.
[15] Mulíng pan~gan~ganac. Ang panahong nagpasimulâ nang calaghatian nang Siglo XV, na napucaw sa man~ga taong tubò sa dacong calunuran n~g Sandaigdigan ang masilacbong pagsisiyasat nang m~ga maririkit na guinagáwâ sa una nang m~ga griego at nang m~ga latino--P.H.P.
[16] Bataláng bató, na ang caraniwa'y baldosa ang tungtun~gan.--P.H.P.
[17] Sa convento n~g Antipolo ay may isang cuadrong catulad nitó.--J.R.
[18] Isáng pabilóg na parang culuong na ang caraniwa'y pinagagapan~gan n~g m~ga halaman.--P.H.P.
[19] Ang ilawang san~gasan~ga na ibinibiting may m~ga pamuting m~ga cristal na nagkikislapan.--P.H.P.
[20] Isáng papatun~gang cahoy, na catulad n~g papag na mababà ang anyô.--P.H.P.
[21] Cahoy na caraniwang tawaguin n~g tagalog na "Palo-China." Ang cahoy na ito'y caraniwan sa Europa at América. Sumisibol din sa Benguet, dito sa Filipinas, dahil sa malamíg ang sin~gaw roon.--P.H.P.
[22] Natuclasán ang paggawâ n~g "piano" n~g siglo XIII at siyang naguing cahalili n~g "clavicordio" at n~g "espineta." Alinsunod sa anyô at lakí ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de media cola, piano vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de cola'y nacahigang parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa cabiláng dulo'y makitid at isá sa m~ga lalong mahál ang halagá.--P.H.P.
[23] Tinatawag na larawang "al óleo," (retrato al óleo) ang larawang ipinípinta sa pamamag-itan n~g m~ga culay ó pinturang tinunaw sa lan~gis.--P.H.P.
[24] Sambahan n~g m~ga judío.--P.H.P.
[25] Caraniwang tinatawag na Nuestra Señora ang anó mang larawan ni Guinoong Santa María, na halos may dî mabilang na pamagát: Nuestra Señora del Carmen, cung may m~ga escapulario sa camay; Nuestra Señora del Rosario, cung may tan~gang cuintás; Nuestra Señora de la Correa, cung nacabigkís n~g balát, Nuestra Señora de Turumba, Nuestra Señora de Salambaw at iba pang lubháng napacarami.--P.H.P.
[26] "Hindî carapatdapat" ang cahulugán n~g sabing "indigno," salitang caraniwang sabihin n~g m~ga nacacastiláan.--P.H.P.
[27] Tinatawag na cadete ang nag-aaral sa isáng colegiong doo'y itinutúrò ang m~ga bagaybagay na nauucol maalaman n~g isáng militar.
[28] Taga ibáng lúpà, sa macatuwid ay hindî taga Filipinas ang cahulugán n~g sabing "extranjero." Gayon ma'y dî caraniwang tawaguing "extranjero" ang insíc, ang castílà, ang turco, ang japonés, ang bombay, ang colombo at ibá pa; sila'y tinatawag ditong insíc, castílá, "turkiano," japón, bombay, colombo. Tinatawag lamang "extranjero" ang inglés, alemán, francés, suizo at ibá pa, sa pagca't iniuucol lamang ang sabing "extranjero" sa m~ga man~gan~galacal na may malalaking puhunan.--P.H.P.