She's Dating the Gangster (27 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
3.07Mb size Format: txt, pdf, ePub

“Ate! San ka pupunta? Gabi na ah!” I looked at my watch, it’s already 10:23 pm, “Samahan na kita.” I nodded then started walking again.

“Sige, samahan ko lang ate ko.” narinig kong sinabi niya sa mga friends niya.

Nafeel ko na lang na katabi ko na siya. nagtatanong siya kung saan ba talaga raw ako pupunta, nung sinabi kong kela Kenji biglang nag bago facial expression niya

“Bakit ka pupunta dun?! Wag na! Bukas ka na lang pumunta dun.. Gabi na rin oh..”

“May bibigay lang ako sa kanya.” Hinde na siya nag salita kasi alam niyang hinde rin ako susunod sa sasabihin niya.

Pagkarating namin sa bahay ni Kenji nag doorbell ako pero walang lumalabas. Kinuha ko yung susi sa bulsa ko tapos inunlock ko yung gate. Twinist ko yung door knob, tapos bumukas yung door. Pumasok

kami ni Carlo ng walang paalam.

“Kenji?” walang sumagot.

Nagpaiwan si Carlo sa may living room, nag punta ako ako sa may room niya, half open yung door. So ang ginawa ko binuksan ko yun, assuming na nandun siya. Pero nagulat ako nung nakita ko si Abigail naka upo sa kama ni Kenji.

“Bee ready na yung pag..ka..in..” sabi niya habang nakatingin sakin. “Athena..”

I looked at Kenji with an expression I can’t describe. What’s this all about? Am I dreaming? Is this some kind of a joke? Because it’s not funny. Not funny at all. I dropped the thing that I was holding.

“Bakit magkasama kayo..?” I asked him with confusion.

Were they doing this to me behind my back all the time? Was everything planned by them? Was I a part of their drama? Or was I their experiment? Was it just a game? I don’t know anything anymore…

Chapter THIRTY TWO

“Kenji, uwi na muna ko..” sabi ni Abigail nung tumayo siya.

“Ha? Ah..” yun lang ang sinabi ni Kenji habang papalabas na ng kwarto si Abigail.

I smiled at him, “Misunderstanding lang to, diba? Tama. Friends kasi kayo.. wala namang meaning yung pagbisita niya diba? It’s not as if you’re doing something behind my back, right?”

“Athena..” he said while he’s trying to hold my hand.

I shook my head, “Don’t worry. Hinde ko naman binibigyan ng meaning yun eh. YA! If I caught you

cheating on me, you’re dead!! I’m not asking for too much but you’re the one I love most and that’s why I need you right now… please don’t leave me..”

Pinulot ko yung papar bag na nabitawan ko earlier tapos inabot ko kay Kenji. Simpleng gift lang yun since hinde naman 1 year yung occasion na yun. Shirt lang siya na nakita ko sa mall. Nung unang kita ko pa lang kasi sa shirt nay un, si Kenji yung unang pumasok sa isip ko kaya binili ko yun.

Nagsimula na akong maglakad papalabas ng room niya pero napahinto ako sa may pintuan, “Ya… you

can date her.. but don’t leave me..” pagsabi ko napapikit ako saglit tapos umalis na ng bahay ni Kenji.

Sumunod lang si Carlo sakin, hinde ko mapigilan ang hinde umiyak. Feeling ko isang malaking sampal yung inabot ko sa nakita ko.. Tama ba yung ginawa ko? Halata naman diba? Nagbubulag bulagan na lang ako.. hinde na ko pwedeng makipag talo pa sa kanya dahil kelangan ko siya.. para lang mag stay siya sa tabi ko magpapaka t@nga muna ko....

Napahinto kami ni Carlo sa paglalakad, niyakap niya ako tapos patuloy niyang sinabing ‘Ok lang yan…

ilabas mo lang yung galit mo.’ bakit ko kelangan maranasan yung ganitong drama? Bakit ngayon pa?

Hinde ko namalayan na nasa bahay na pala ko. pag tingin ko na lang sa paligid ko nasa kwarto ko na ko.

Pumasok si Carlo tapos nag smile siya sa akin

“Hinde mo siguro natatandaan kung pano ka nakauwi noh? Binuhat ata kita! Macho to noh!” tapos

pinakita niya sakin ung braso niya na may ‘muscles’ daw. “Ok ka na ba? Yung nakita mo kanina al--”

“Hayaan mo na. ok lang ako. thank you..” pinutol ko yung sasabihin niya. alam ko kasing hinde

maganda yung karugtong eh, ayoko na marinig pa.

“Pero ate hinde na kasi--”

Nag nod ako, “Ok lang ako Carlo..” pinutol ko ulit yung sasabihin niya.

Inalalayan niya akong humiga tapos tumayo siya para patayin yung ilaw at lumabas na siya ng kwarto ko.

Pag kalabas niya hinde ako makatulog. Naiisip ko pa rin yung mga nakita ko kanina..

Pano pag hinde ako dumating? May nangyari na kaya sa kanila? Matagal na ba tong ginagawa? Kung oo, kelan pa to nagsimula? Alam rin ba nila Kirby, Jigs at Lucas ito? Kung alam nila, bakit hinde nila binabanggit to sakin? hinde ako mapakasi sa kakaisip. Bakit ba ang pangit ng kapalaran ko.. mamamatay na nga lang ako, tapos ganito pa yung nangyayari.. sana isa na lang noh? Parang mas gusto ko pa ata yung mamatay ako kesa yung buhay na buhay ako pero parang unti unti rin akong namamatay..

Ang gulo ko. Ganun din eh. Pinapatagal lang nila yung pag hihirap ko. Sana isang bagsakan na lang para tapos na.

Dalawang araw na kong walang tulog. Hinde kami nagkita ni Kenji kahapon. Hinde ko rin siya tinawagan pero nag text ako. Ipinaalam ko lang na nandito lang ako. sapat na yun para malaman niya.

Gaya kahapon, naabutan kong unti unti ng sumisikat yung araw. Bumangon na ako at binuksan yung

laptop ko. simula nung binuksan ko yun nilipat ko yung diary na file ko dun. Dun na rin ako nag susulat ng kung anu-ano. Kaya malamang nakalagay lahat ng deepest darkest secrets ko dun. Lahat ng mga

nangyari sakin noon nakalagay sa diary ko. Pero siyempre may password yun para naman may privacy

ako.

Pagkatapos kong mag blog, naligo na ako at nagready na sa pag pasok. Pagtingin ko sa orasan 7:30am na. hinde pa rin dumadating si Kenji. Napansin ata ni Carlo na napatingin ako sa clock kaya nilapitan niya ako.

“Tara sabay na tayong pumasok. Si Ate Sara pinapauna na tayo eh, susunduin din daw siya ni Kuya

Jigs.” Tumango ako tapos nag smile kay Carlo

Eto ang masaya pag may kapatid kang lalaki tapos iisa kayo ng school eh, hinde ka hahayaang mag isa.

Oppa used to be like that when we were still studying in Korea. Of course, it’s not the same na because he’s in college while I’m in high school..

Naglakad kami ni Carlo papuntang school. tahimik kami pareho.. napansin ko ring hinde siya masyadong tumitingin sa akin. Ang alam ko diba dapat pag alam mong may problem yung kasama mo palagi mo

siyang titingnan? Pero si Carlo diretso lang tingin niya. tuloy tuloy lang sa pag lalakad. Mag sasalita lang siya pag may sinabi ako o tinanong. Pero pag wala, tahimik lang siya.

Alam na niya kaya? Siguro.. Maybe oppa told him last night.. or maybe last last night.. sinabihan nila ko nung Sunday na pumunta ng hospital eh, pero I insisted. I told them na I will go na lang ‘tomorrow’ after class. Ngayon yung tomorrow na yun.

Pagdating namin sa tapat ng school, nakasalubong namin si Kenji at Abigail. Bitbit-bitbit ni Kenji yung mga gamit niya. Napa stop sila nung nakita nila kami.

“Good morning.” I said with a smile on my face.

“ATHENA!” napatingin ako sa likuran tapos nakita ko si Lucas tumatakbo papalapit samin ni Carlo.

“Kuya Lucas. Ikaw na bahala kay Ate ok? mauna na ko..” pagkatapos tumakbo na si Carlo paakyat sa

classroom.

Napatingin si Lucas kay Kenji at Abigail tapos nag smile siya, “Morning!” tapos humarap ulit siya sakin,

“Sige mauna na kayo ni Kenji, ako na bahala kay Abi, pinasundo ko kasi si Abi kay Kenji eh.” Kinuha niya yung gamit ni Abi sa kamay ni Kenji tapos hinawakan si Abigail at hinila papalayo.

Nagsmile lang ako kay Kenji, “Wag kang mag alala, ok lang. Tara na?” hinawakan ko yung kamay niya

tapos nag lakad na kami paakyat ng classroom. Habang nag lalakad kami at nakaraos rin sa pag akyat sa 4th floor, unti unti kong binitawan yung kamay niya tapos nagmadali ako papuntang classroom. Nung

na-reach ko yung classroom agad agad kong pinatong yung mga gamit ko at nagmadaling pumunta ng

cr. I can’t breathe -- My chest was suddenly in pain.

Nakalimutan kong kunin yung gamot sa may bag ko, kinuha ko yung cellphone ni Kenji from my pocket

and called Lucas.

“Athena o Kenji?”

“Lucas… yung gamot….. nasa cr ako… bilis..”

“Teka! intayin mo ko ok?? nasa 3rd floor na ko, wag mo munang ibababa!!” naririnig ko yung paghinga ni Lucas. Tumatakbo siya paakyat.

“Athena?? Nandyan ka pa ba??”

“Oo… sa may bulsa nung backpack yung gamot..”

“Yung maramihan??? Yun ba yun?? Dadalhin ko na lang!! intayin mo ko!! Wag mong ibababa!”

nagmadaling sinabi ni Lucas. Halatang nag papanic siya.. “Akin na to! Babayaran na lang kita!” narinig kong sinabi niya.

“Athena?? Ikaw lang ba tao sa banyo??”

“Oo..bilis.. ang sakit na talaga ng dibdib ko..” narinig kong bumukas yung pintuan tapos nag end bigla yung call.

“Ano dito?!?” nakita ko sa harapan ko si Lucas dala yung lalagyanan ko ng med tapos may dalang bote ng tubig.

“Yung una pati pangalawang lalagyanan..” sabi ko habang hawak hawak yung dibdib ko.

Kumuha ng tag-isang pill si Lucas at inabot sa akin. Pagka subo ko nung mga gamot inabot naman niya sa akin yung bottled water. After 5 minutes naging ok na ulit ako.

“Loko ka. Pinakaba mo ako.. buti na lang nasa 3rd floor na ko nun kung hinde pareho pa tayong hinde makakahinga ngayon.” I smiled at him, “kelan ka pupunta ng ospital? Hinde na tama yung nangyayari

sayo eh. 2 weeks ka ng madalas mahilo at halos mahimatay.. hinde mo nga pinapaalam kay Kenji yung

mga nangyayari sayo eh. hinde ko na rin alam minsan yung pwede kong matulong.”

“Ano ka ba. Epekto lang to ng gamot noh. Ibig sabihin tumatalab!” Proud kong sinabi pero biglang

tinakpan ni Lucas yung muka ko gamit yung kamay niya. amp! Anong ginagawa niya?

“Eh ano yung pag susuka mo? hinde ka naman dapat nag susuka ha? Alam kong pinepeke mo lang yun.

Sigurado akong gusto mo lang palabasin na common lang yung sakit mo. At sigurado akong tuwing

pumupunta ka ng cr sumasakit yung dibdib mo. hinde ka makahinga.. Pwede mo silang maloko dahil

hinde nila alam yung tunay na kalagayan mo.. Pero hinde mo ako maloloko.” Tinanggal na ni Lucas yung kamay niya sa mukha ko. Nakita ko yung itsura niya, seryoso.

Napayuko ako sa sinabi ni Lucas. Isang beses ko lang sinabi kay Kenji na nasusuka ako, pero sa totoo lang hinde talaga ako nasusuka nun. Tapos ayun.. Inassume na lang nilang lahat na sumusuka all the time.

pero sa totoo lang dalawang beses lang akong sumuka. Ewan ko rin kung bakit ako nasuka nung time na yun.

“After class pupunta na ako ng hospital. Lucas… Grace and Sara knows.. maybe Carlo, too. Just don’t tell the others. Ayokong magalala sila. ayokong maawa sila sakin.”

Nag nod si Lucas, “Ok ka na ba? Tara na. Mag start na yung class. Mauna na ako para hinde halatang magkasama tayo.”

Lumabas na si Lucas ng cr. I was left alone in the restroom once again. Kelangan masanay na ko na mag isa ako.. sooner or later iiwan din ako ni Kenji. Alam kong dadating yung time na mag sasawa na siya sa akin, o kaya makahanap siya ng iba.. o baka magkabalikan pa sila ni.. Ang hirap isipin na ganun nga yung mangyayari. Pero alam ko kasing ok na sila ni Abi eh, so malaki ang possibility na magkaayos ulit silang dalawa.

For 10 minutes nag isip ako ng maigi sa mga dapat kong gawin. Inisip ko kung anong tama at mali.. kung ano ang pwedeng maging solusyon sa ganitong bagay. Pero sa dulo, wala akong nakuhang sagot. Kaya

siguro ako mahina sa math kasi sa math lahat may sagot. Gumagawa ka ng solution at reasoning.

Iniinterpret mo lahat ng nakuha mong sagot para malaman kung tama ba to o hinde. Hinde katulad ng

ibang subjects, memorization. Minememorize mo lahat ng tinuturo sayo, lahat ng problems and

solutions.

I’ve chosen the other complicating factors than math. Kaya siguro ngayon hinde ko alam yung sagot sa problema ko kasi mahina ako sa math..

Lumabas na ako ng restroom at pumunta ng classroom. Pag bukas ko ng door lahat sila nagtinginan

sakin.

“You’re late Ms. Dizon, where have you been?”

“I had a call from my parents. I’m sorry Miss..” nag nod yung teacher namin pagkasabi ko ng excuse ko.

Umupo na ako sa tabi ni Kenji. Hinde ko siya tiningnan pero na ffeel kong nakatingin siya sa akin. Gusto niya sigurong magtanong kung bakit ako nalate sa class kahit na nagmadali akong pumunta ng

classroom, siguro napansin niya rin na may kinuha si Lucas sa bag ko. Ewan. Wag na niyang balakin pang itanong.. kasi ako hinde ko tinatanong yung nangyari sa kanila ni Abi nung Saturday.

Wala nga akong clue kung anong nangyari pagkaalis ko ng bahay niya eh.

The day went by so fast. Hinde ko nga napansin na dismissal na eh. ang alam ko lang kasama ko si Lucas at Carlo pababa ng front gate. Siguro nag tataka kayo kung bakit hinde ko kasama si Kenji.. Hinde ko rin alam eh. basta bigla na lang akong umalis ng classroom.

Nakita namin si oppa sa may tapat ng gate, “Sige Lucas, mauna na kami.” I said to him as I waved.

Pumasok na kami ng kotse ni Carlo tapos nag drive paalis si oppa. Hinde ko alam kung bakit ako

kinakabahan.

Dumeretso kami sa room ni Dr. Sison, siya yung doctor na nirecommend samin ng Tito ko. Sabi nila siya daw yung gumamot sa isa kong tito and sa mom ko. Siya rin daw yung doctor ng mom ng dad ko.

Pinapasok kami nung nurse sa room ng doctor at pinaupo kami.

The doctor entered the room. He smiled at us

“Good afternoon. Your father called me earlier.” I looked at Oppa. He just shrugged. “How are you

Athena?”

“Good.. I guess.” He smiled at me.

“I guess.. Have you been doing well physically? Hinde ka ba masyadong nasstress lately?”

“Medyo lang po.”

“Yes or no lang Athena.” He looked at Oppa, “Have you been keeping an eye on her?”

“Yes, she just fainted last Saturday. Our little brother witnessed it.” He pointed at Carlo who was sitting beside me. I looked at Carlo then I saw him smiled when he heard oppa called him little brother.

“How many times has she fainted for the past 2 weeks?”

“Four times.” Oppa answered.

The doctor looked at me, “Athena, alam mo namang hinde ka pwede ma-stress diba? madaming

pwedeng mangyari sayo. You have to take good care of yourself. You’re fragile.” He wrote something in his notebook then he looked at me again, “We have to check if there are any changes. You have to stay here for a night or two to check your heart.”

I nodded. This is it. Ngayon ko na malalaman kung naging ok yung condition ko or mas lumala pa.

Pinag physical exam nila ako, Echocardiography tapos ECG. Hinde pa ata sila na kuntento sa mga nakita nila. Kaya dinala nila ako nung nurse sa isang room na may malaking machine. MRI (Magnetic Resonance Imaging) daw tawag dun. Pinatanggal din nila yung hikaw at watch ko. Habang suot suot ko yung

hospital dress, pinahiga nila ako sa parang table tapos nag slide papasok sa tunnel-like tube. May ininject din sa akin, sabi ng doctor para daw mas better yung image. Kaya pala hinuli yun dahil kelangan bago ako mag mag exam hinde ako kumain ng 4-6 hours.

Pagkatapos ng ibang mga tests sinubukan kong tawagan si Kenji, pero naka off yung phone ko. I tried texting him para pag on niya tumawag siya sa akin.

10:08 pm na nasa room lang ako since sabi ng doctor kelangan kong mag stay para i-monitor yung heart ko.

“Ms. Athena, pupunta daw po maya maya si Dr. Sison.” Sabi sa akin nung nurse pagkatapos niyang

tingnan yung monitor sa tabi ng bed na hinihigaan ko.

After 30 minutes pumasok na yung doctor sa room ko. kinuha niya yung upuan tapos hinila papunta sa tabi ng bed.

“Have you been taking your medicines regularly? Tell me the truth.”

“Hinde po.. in denial pa kasi ako eh. Pero nung napapadalas yung chest pain ko, iniinom ko na yung gamot.”

“You’re not taking this seriously. You have to take your medicines to improve the symptoms.” I

nodded. “Have you been stressed out lately? Physically? Emotionally? I want an honest answer,

Other books

A Killing Moon by Steven Dunne
Be with Me by J. Lynn
Kingdom of Lies by Zachrisen, Cato
The Angel Maker by Brijs, Stefan
The House of Hardie by Anne Melville
Broken Doll by Burl Barer
Demon Song by Cat Adams