Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
“Oo, magbibihis lang ako tapos didiretso na ko dun. Sabihin ko na lang na hinde ka makakapasok.”
Umiling ako, “Hinde, tumawag na ako. Sabi ko mga 7 ako makakapasok kasi may practice. Intayin mo na lang ako dun, ok? sabay tayong umuwi.” Nag smile siya sa akin, “ay oo nga pala. yung egg kanina
masyadong matamis. Sugar yung nilagay mo hinde salt. Pati yung hotdog hinde masyadong luto.
Marunong ka bang mag luto?”
Nag pout siya tapos umiling, “first time ko un eh. sorry..”
“Ok lang, basta sa susunod kelangan tama na yung luto mo ok?”
Nagnod siya tapos lumabas na kami ng gym room. “Sige na, mauna na ako. good luck!”
Nag nod ako tapos tumakbo na papunta sa court. Siyempre tama siya. pinarusahan nga ako ni coach.
Pero wala lang yun sakin. Ang mahalaga, ok si Athena at ok na kami. Mas ok ng ulcer lang yung sakit niya kesa naman mas malala pa tsss. Akala ko naman kasi kung ano na.
Mga 6:30 natapos yung practice. Dumeretso na ko sa locker room para maligo at ng makapunta na sa
trabaho ko. napansin ko na kanina pa nakatingin sakin sila Kerb at Jigs, hinde naman nila ko kinakausap.
Nakatingin lang talaga sila sakin.
Pagtapos ko nagpunta na ako sa tapat ng locker ko para mag bihis.
“May problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili eh.” tanong sakin ni Jigs.
“Oo nga, nag away na naman ba kayo? Masyado ka ng visible. Madali ng malaman kung may gumugulo
sa isip mo, di katulad dati.. nanghuhula pa kami.” Sabi naman ni Kerb na biglang lumapit sa amin ni Jigs
“Tama siya. Sabihin mo na samin yung totoo.. promise, makikinig kami.”
Ganun na ba kahalata kung may bumubulabog sa isip ko? may problema nga ba ako? pero diba naayos
na yung problema namin ni Athena kanina? So ibig sabihin wala na akong problema. Pero bakit nila
nasabing napansin nilang parang wala ako sa sarili?
Dapat kasi hinde ko dinadala yung mga thoughts ko sa court. Pang bahay lang to eh. langya natututo na rin pala akong magi sip. Hahaha. Pero napaka unprofessional ng ginawa ko. hinayaan kong makita nila na may iniisip ako habang nag lalaro. Pano na lang kung game na yun? Ako pa yung magiging dahilan kung bakit matatalo yung team.
Tumingin ako sa kanilang dalawa, hinihintay nila yung sagot ko. ngumiti ako sa kanila. Oo, kelangan kong sabihin sa kanila. Silang dalawa lang yung taong sobrang pinagkakatiwalaan ko ngayon oras na to.
Napa yuko ako, “Nahihirapan na ko.. hinde ko na ata kaya...” sinuot ko yung shirt tapos kinuha ko yung bag na nasa loob ng locker at nilagay yung madumi kong damit sa loob nun tapos sinara yung locker at napatingin sa kanila, “hinde ko na ata kaya pang mahiwalay kay Athena..”
Tahimik lang silang nakikinig sa akin. Eto ako masyadong nag papadala sa nararamdaman ko. pero
kelangan nilang malaman ung mga sasabihin ko, kasi kung hinde sila.. edi sino pang masasabihan ko?
“Hinde ko maimagine na wala siya sa tabi ko.. oo alam kong kelan lang kami nag kakilala, pero alam niyo un? Yung mga oras na yun.. sobrang hinde ko makalimutan. Kung pano kami nagkakilala, yung
konting tampuhan.. lahat.” Umupo ako sa may tabi ni Kerby, “parang sasabog na yung puso ko sa
sobrang pag mamahal ko sa kanya.. kaya kanina, iniisip ko kung kakayanin ko bang mahiwalay sa kanya kahit isang linggo lang.. pero hinde eh, alam niyo un? Sumakit to oh.” Tinuro ko yung puso ko.
Napangiti sakin yung dalawang ungas, “Edi pakasalan mo siya. Mag live-in kayo.”
“Nahihibang ka na ba? Anong ipapakain ko sa kanya? Pagsamasamahin mo yung allowance at kinikita
ko, hinde kami mabubuhay ng maayos nun. Pati bata pa kami. Hinde rin siya papayag.”
“Pero paps alam naman namin na ganun di nararamdaman ni Athena eh. Kahit hinde niya sabihin
sating lahat, nararamdaman namin na yun yung gusto niyang mangyari.” pinatong ni Kerb yung kamay
niya sa may balikat ko “wag mo munang pangunahan yung desisyon ni Athena.. hinde mo pa nga
natatanong tapos nag aassume ka na kaagad. wag ganun paps.”
Pakasalan.. napakalalim ng meaning nun eh. oo madalaing mag pakasal, pero mahirap i-maintain yun
eh.. pano pag biglang nagkaron ng sobrang laking away kaming dalawa? Edi makikipag hiwalay na siya sa akin ng ganun ganun lang? Dapat wag muna kasal.. Live-in na lang muna.. Kaya lang baka ang panget
tingnan.. ano nga bang paki ko sa kanila? Pero wala naman masama kung tatanungin ko siya kung gusto niyang mag live-in diba..? after highschool.. pwede na kaming magsama kasi mag 19 na ko siya naman mag 18 na next year ako naman 20.. papayag naman siguro magulang niya pati magulang ko sa plano ko diba?
Tama. After graduation.. yayayain ko siyang tumira sa isang bahay.. Kahit san niya pa gusto.
Dumeretso na ako sa trabaho dahil late na rin ako. Nasa tapat pa lang ako ng sushi bar naririnig ko na yung boses ni Athena.. pumasok ako para mas marinig ko ito. Naka focus siya masyado sa ginagawa niya kaya hinde niya ata ako napansing pumasok
“..I loved you first. Your hair was long, when we first met..”
Narinig ko na yang tinugtog niya sa bahay. Pero hinde ako masyadong nag focus kasi alam kong
mahihiya siya pag pinanood ko siyang tumugtog.
“You are my sweetest downfall.. I loved you first..”
Natapos na yung tugtog niya. tapos napatingin sa akin at ngumiti.
“Tuwang tuwa mga customers sa kanya. Ang dami ngang nag rerequest ng kanta eh. ang swerte ko ata
sa inyong dalawa! Kayo nag paparami ng mga tao dito eh.” napatingin ako sa mayari ng sushi bar
“Simula nung dumating ka nag dagsaan yung mga tao, tapos ngayon naman etong si Athena dinadayo na
rin!” tuloy tuloy sinabi ng boss namin, “Aba! Kanina pinipicturan pa siya! Malayo mararating nito pag gumawasiya ng sarili niyang album..”
Mga 10:30 pm pinauwi na kami ng boss namin dahil sobra sobra na raw yung natulong namin lalo na si Athena. Naglakad kami pauwi kahit na sobrang pagod na kami. Siyempre kwentuhan at konting sermon.
Pinagsabihan ko siya tungkol sa ulcer niya sabi naman niya matagal na siyang may ulcer kaya lang
napapadalas daw talaga bigla yung pagsumpong ng sikmura niya.
Saturday, November 25, 2006
Halos 1 week ng nakalipas simula nung revelation, palapit na ng palapit yung entrance exam sa South University, hinde na kami pwedeng magbackout kasi eto na yung last batch nung exam. Medyo naging
busy kaming lahat dahil sabay sabay kaming mag tatake ng exam. Ngayong araw lang ulit kami aalis ni Athena since ngayon namin napagdesisyonan na mag break muna sa kakaaral.
“OPPA! AALIS LANG KAMI NI KENJI!!!” sigaw ni Athena.
Ang kulit niya rin noh? Ilang beses ng pinag sasabihan ni Nathan wag sumigaw pero sigaw parin ng
sigaw!
“Alis ka?? Aalis din ako eh! Sinong mag babantay ng bahay?? Baka umalis din si Sara!”
Lumabas si Sara, “Ya. You two can go. I’m not going anywhere today. Have fun!”
Ang gulo ng mundo nitong tatlong to. Simula nung nagbakasyon yung yaya nila naging ganito na buhay nila. MAGULO.
“Ok. Balik rin kaagad ako.” hinawakan na ni Athena yung kamay ko.
Naglakad nakami palabas ng village. Ayaw niyang mag dala ako ng kotse kasi nahahati daw yung
attention ko. ayoko rin mag dala ng auto kasi nakakapagod mag maneho at siyempre kelangan masanay
si Athena sa pag kokomyut.
Pagdating namin sa mall, movie kaagad yung una namin. Nanood kami ng Happy Feet since sobrang
gusto niyang mapanood yung movie na yun. Buong tima nung palabas tuwang tuwa siya. Ngayon ko lang
ulit siyang nakitang ganitong natuwa sa isang movie eh.
Pagkalabas namin ng movie house naka salubong namin si Nathan at… Grace!
“OPPA!! GRACE!!!” lumingon yung dalawa pagkarinig nila sa sigaw ni Athena. Lumapit kaming dalawa
sa kanila, “Are you guys dating??”
Parehong nanlaki yung mga mata nung dalawa tapos parehong nagblush.
“Obvious ba? ” napatingin sa akin si Athena, ako na lang ang sumagotpara sa dalawa dahil halata
namang hinde nila masagot yung tanong ni Athena.
“It’s not what you think.. I asked him out. So it means we’re not dating. We’re just ‘hanging out’, okay?” sinabi ni Grace yun habang nag hahand gestures pa.
Nag smile si Athena sa sinabi ni Grace “But I thought you like my bro--” tinakpan ni Grace yung bibig ni Athena bago niya pa ituloy yung word na “brother”
“You love freebies right?? OF COURSE! Let’s go! I’m going to treat you!” Hinila ni Grace si Athena.
Sumunod na lang kaming dalawa ni Nathan sa pupuntahan nila.
Sa starbucks kami napadpad, sa may labas kami tumambay. Si Grace yung umorder para sa amin, libre
niya daw kasi. Si Athena naman kanina pa nagkukwento tungkol kay Grace, mas matagal kaming
magkakilala ni Grace pero mas marami siyang alam kesa sa akin.
Kinuwento niya pa kay Nathan na nagka gusto daw sakin si Grace! Anak ng!! Tama bang ikwento yun
habang nasa tapat niya ako? Pero tumatawa siya habang kinukwento niya yun. Hinde niya raw kasi
aakalaing si GRACE mag kakagusto SAKIN! Anong imposible dun? Madami atang nag hahabol saking
mga babae noh. Kaya walang imposible dun.
Biglang naging seryosos yung mukha ni Athena, “Oppa, Grace likes you. She likes you a lot.. you have inspired her.. I just don’t know how you’ve inspired her.” Napatingin si Athena kay Grace na nasa loob ng Starbucks
“Stop fooling around. I like her, too. You know that.” sinabi ni Nathan habang naka smile.
“If you don’t like her in a romantic way, then tell her. Pinapaasa mo lang siya. I don’t want her to get hurt again. She likes you so much, remember that.. but don’t take it to heart that much if you really cant repay her feelings..”
Tahimik lang si Nathan. Siguro napapaisip siya sa mga sinabi ni Athena. Tama naman kasi si Athena eh, wag na niyang patagalin pa lalo na kung hinde niya kayang suklian yung feelings ni Grace para sa kanya..
Kasi aasa at aasa lang si Grace pagpinagpatuloy niya pa yung ganitong setup nila eh.
Lumabas na si Grace na may dala-dalang tray, tumayo si Nathan para tulungan si Grace. Nilapag ni
Nathan yung tray sa table tapos umupo na silang dalawa. Tahimik parin si Nathan kahit iba na yung
pinaguusapan naming. Si Grace nakakahalata na sa kinikilos ni Nathan kaya etong si Athena dinaan na lang sa biro para maka gawa ng excuse na bebenta kay Grace.
“Grace, pwede ba tayong magusap?” napatingin kaming tatlo (Grace, Athena at ako) sa lalaking
lumapit sa table namin.
“Gino..” napatingin si Nathan kay Gino pagkarinig niya sa pangalan nito.
“Importe lang.” napatingin siya kay Athena, si Athena naman nag shrug lang.
“Ok.” tumayo si Gracepagkasagot niya.
3 tables away sila sa table namin. Magkaharap silang nag uusap at mukhang napaka seryoso ng
pinaguusapan nila. Nakatingin lang kami ni Athena sa kanila eto namang magaling kong girlfriend biglang humirit, “Maybe he wants her back.”
Tumingin siya kay Nathan, “you don’t have to like her anymore. I think they’re going to reconcile.” Si Nathan naman nakatingin lang sa inumin niya.. nakatingin sa nakalagay na pangalan ni Grace.
“Niloko mo ako! Tapos ngayon sasabihin mo na ako yung may kasalanan!? Sinong ginagag0 mo?”
narinig naming sinabi ni Grace. Napalakas niya itong nasabi.
Napatingin si Nathan kela Grace, mukhang gusto na niyang lumapit sa table nila. Pero hinawakan siya ni Athena sa kamay tapos umiling si Athena.
“Matagal na akong nag bubulag bulagan. Madami ng nagtago sakin tungkol sa mga kalokohan mo!!
alam mo ba kung gaano kasakit yun?! Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap na ok ka lang kahit
hinde? Na masaya ka kahit na gusto mo ng umiyak? Na UMAASA kang magiging ok na ang lahat kahit
alam mong wala na talaga??” napatingin si Grace kabilang side niya, “How would you know.. eh wala
namang taong mas hihigit pa sa pagka insensitive mo eh.” sabay tingin niya ulit kay Gino
Natahimik na naman silang dalawa. Si Athena pinipigilan rin yung sarili niya na wag makialam sa usapan nung dalawa. Nasa mukha rin ni Nathan na gusto na niyang puntahan si Grace. Magkapatid nga talaga
tong dalawa. Mapapansin mo sa itsura nila na nag aalala sila pareho sa sitwasyon ni Grace.
Tumayo si Grace at nag simulang mag lakad palayo kay Gino pero tumayo si Gino at hinawakan yung
kamay niya.
“Bitawan mo ko. may boyfriend na ko, sana eto na yung last na pagkikita natin.”
“Boyfriend? Sino? Eh kakasabi lang sakin nung kaibigan mo na wala kang boyfriend eh.” napatingin
kaming lahat kay Athena, si Athena naman nag shrug
“Hinde ako!” habang umiiling.
Tumayo si Nathan, lumapit kay Grace at hinawakan yung kamay niya. napatingin si Grace at Gino kay
Nathan
“Ako.” nabigla si Grace nung sinabi ni Nathan na ‘ako’, “ako yung boyfriend niya. kaya sana wag mo na siyang guluhin. Hinde mo siya nagawang pasayahin. Lahat ng pagkukulang mo ako mag pupuno. Hinde
ko siya papaasahin at sasaktan katulad ng ginawa mo. kaya kung pwede lang.. ayokong nakikita ka
kasama niya. tigilan mo na GIRLFRIEND KO.”
Hinila ni Nathan si Grace kaya natanggal yung pagkahawak ni Gino sa kamay ni Grace. Tumayo na kami ni Athena tapos sumunod sa kanila.
Sa may parking lot kami napadpad. Binitawan ni Nathan yung kamay ni Grace tapos napayuko, “Sorry..
nabigla lang ako..”
Nag smile si Grace tapos hinawakan yung mukha ni Nathan, “Alam ko namang ginawa mo lang yun para
hinde ako mapahiya eh. wag kang magalala, hinde ko naman sineseryoso yung mga sinabi mo eh..
salamat..” tapos ngumiti siya.
Hinila ako ni Athena sa gilid nung isang kotse. Pero nakikita pa rin namin sila, naririnig.
“Tawagan ko lang si Athena, baka nag aalala na sila satin eh..” kinuha ni Grace yung phone niya sa loob ng bag niya pero hinawakan ni Nathan yung kamay niya, “Bakit?”
“Seryoso ako sa mga sinabi ko. Ako magpupuno ng pagkukulang niya..”
“Pero hinde mo naman ako gust--”
Lumuhod bigla si Nathan, “BE MY GIRLFRIEND!”
Nag takip si Grace ng bibig gamit yung isang kamay niya. Pati si Athena nag takip ng bibig! Ano ba to!
Siya ba sinasabihan ng ‘be my girlfriend’ para mag react ng ganun??
“Be… my girlfriend, Grace..” inulit ni Nathan yung tanong niya, pormal na niya tong sinabi. Amp!
Cheesy!
“Tumayo ka nga diyan! Wag kang mag alala. Hinde pa ko kasal.” hinila ni Grace si Nathan patayo tapos niyakap niya si Nathan.
“I guess that’s a yes..” mahinang sinabi ni Athena. “Let’s go. this is their moment. Haha it shouldn’t be ruined by you.” Hinawakan niya ako tapos nag lakad na kami palayo sa kanila.
Ako pa raw yung mag sisira nung moment nung dalawa? Eh siya nga tong salita ng salita kanina eh!
halatang nahihiya na yung dalawa sa ginagawa niya! Ang lakas talaga niyang mag bintang!
Nagpunta kami sa bus station since wala naman kaming dalang kotse at hinde kami pwede sumabay kela Grace. Habang nag iintay ng ibang pasahero tinuturuan ko si Athena kung paano mag commute pauwi.
Tinuro ko sa kanya yung mga pwede niyang babaan. Isa sa Southland, isa sa Toyota. Yung usual naming binababaan. Sana nga lang at matandaan niya. Pano na lang pag wala ako sa tabi niya tapos kelangan niyang mag commute mag isa diba?
Hinatid ko na siya sa bahay nila dahil excited na raw siyang mag kwento kay Sara. Pagdating naming nandun din si Jigs. Sakto daw yung pagdating namin dahil may sasabihin daw si Sara kay Athena. Si Kerb daw papunta na kasama si Lucas. Tatawagan na sana ni Sara si Grace pero pinigilan ito ni Athena. Hinde raw pwedeng maistorbo si Grace ngayon. Tsss. Etong si girlfriend talaga!
Mga 10 minutes at dumating na yung dalawa. Umupo na sila nagtanong yung dalawang ungas kung bakit
daw nag patawag ng meeting si Jigs. Oo nga eh, ang weird ni Jigs ngayon. Nagorder pa ng pizza!
Gumagalante si mokong!
“Uhm.. kasi.. kami na.” napa smile bigla si Athena tapos napatingin sa akin.
“AMP!!! Talaga!? Si Grace at Oppa na rin eh!” napatingin kaming lahat kay Athena
“Amp?” sabay sabay nilang sinabi kay Athena.
“Nagiging Kenji ka na ha.. eto namang si Kenji laging napapa, ‘YA’ at ‘Psh’ nasobrahan na kayo sa
pagsasama ah!” tumawa sila dahil sa biro samin ni Jigs
“Pero pare.. wow. Pareho ng anniversary date yung kambal. Kambal nga talaga kayo noh?”
nagtawanan kaming lahat.
Nag kwentuhan kaming anim. Syempre nagpainom si Jigs. Dumating yung bagong lovers at nakisama sa
amin. Si Nathan naman bumili ng pulutan. Masaya kaming lahat sa mga nangyari ngayong araw. Worth it yung pag hihiatus naming lahat.
Umuwi na ako ng bahay pagkatapos nung inuman, nag kayayaan na rin eh. pag tingin ko nandun si
Abigail naka upo sa may tapat ng gate.
Ngumiti siya sa akin, “Kanina pa kita iniintay.. hinde kita matawagan kasi alam kong kasama mo si
Athena.. pero nag send ako ng message sayo..”
Nag send siya ng message?? Teka.. eh na kay Athena yung phone ko eh! amp! Wala naman siyang sinabi saking nag text si Abigail eh.. siguro hinde nakarating.. sana nga.. sana!!
“Ano.. Kenji.. kelangan natin mag usap..”
Athena’s POV
Wednesday, November 29, 2006
100 days na kami ni Kenji ngayong araw na to. Buuuut.. He hasn’t been attending our class since
Monday. Hinde rin siya pumapasok sa trabaho namin.. weird.
Hinde rin naman siya tumatawag oh nag sesend ng message sakin sa MSN. I wonder what he’s been
doing lately… Si Lucas, Kirby at Carlo yung madalas ko ng makasama since si Sara at Jigs kelangan ng quality time, si Grace naman busy sa council.
“Baka naman nag message na sayo, hinde mo lang alam..”
“Wala talaga. Kahit sa MSN wala eh. hinde rin nag memessage sa Friendster at Myspace. Kahit nga
comment wala eh.”
Napakamot ng ulo si Carlo, “Ganun? Sinubukan mo na ba siyang tawagan?”
Tawagan? Hinde pa.. feeling ko naman kasi ok lang siya. yun nga gaya ng sabi nila, baka busy lang sa pag aaral o kaya nasa bahay ng parents niya since kakauwi lang nung parents niya nung Sunday.
“Tawagan mo na. Wag mo kasing pagalalahin sarili mo.”
“Hinde ko dala yung cellphone ni Kenji eh..”
Sa totoo lang 1 week ko na yun hinde chinecheck eh. wala naman kasing nag tetext sakin dun eh. nasa bahay lang yun. naka silent. Nasa drawer ko.
Nilabas ni Lucas yung cellphone niya at nag simulang mag dial. “Ako na lang tatawag sa kanya.”
I nodded. Si Carlo hinawakan yung kamay ko, “Don’t worry. Si Kenji yun, remember? Walang
mangyayaring masama dun.”
Nag nod ulit ako.
“Kenji! Hinahanap ka ni Athena.. ano?... bakit??.. sige sasabihin ko na lang sa kanya.. ok… bye..”
humarap sakin si Lucas “kasama niya family niya eh. Nandun sila sa resort nila sa batangas. Nag text daw siya sayo pero hinde ka raw nag reply. Wag kang mag alala.. 1 week lang naman un eh.”