She's Dating the Gangster (40 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
11.28Mb size Format: txt, pdf, ePub

Masasaktan ko tong lalaking to ng di oras eh! Bakit nga ba kasi ulit ako nandito sa bahay niya? Hinde ba ko pwedeng mag dinner sa bahay namin? Wala ba kaming pagkain dun? Namumulubi na ba kami kaya

kailangan kong makikain dito? GOD!

“Alam ko naman na hinde mo gagawin yun eh. Hinde ko kasi maintindihan etong si Kenji eh.” sabi niya habang umiiling siya, kinuha niya yung hawak kong picture frame, “nag bago siya simula nung nakilala ka niya.. Pero hinde ko alam kung ano na naman nangyayari sa kanya ngayon..”

“Masanay na lang po kayo sa kanya..”

“I know. Yung ate naman niya hinde ganyan, teka… magkaugali sila kaya lang Kenji’s too much. Kaya minsan nag aaway si Kendi at Kenji dahil ayaw nila parehong magpatalo kaya ayun, pero sa totoo lang close yung dalawang yun! As in close sila! Pero nung nagka girlfriend si Kenji yung Athena na

isa!Inayawan ni Kendi.. Gusto niyang makipag break si Kenji dun sa girl na yun. Isang beses pa lang na-meet ni Kendi yung girl ayaw na niya talaga. Nainis si Kenji kasi laging gumagawa ng way si Kendi para magbreak sila. Kaya ayun umalis si Kenji para protektahan yung girl.”

Hinde ba kaya umalis si Kenji kasi sabi niya hinde sila magkasundo nung Ate niya? Hinde sila

magkasundo dahil kay Abi..? Tss. Si Abi parin yung dahilan. Ibig sabihin ganun niya ka-mahal si Abi, no more space for his heart. That’s the bitter fact.

“Hehehe.. Si Kenji talaga..” yun na lang nasabi ko.

“Isang araw, bigla na lang siya nagbago. As in ibang klaseng pagbabago. Naging bad boy type siya.

Tapos nagcolor ng hair, and daming pierce sa tenga, tapos nag ssmoke na rin. Hinde naman namin

mapigilan yung pag smoke niya since pareho kami nung dad niyang nag ssmoke. Then one time

nakikipag away na rin siya. MAS naging wild pa siya last year.. mga summer. Nalaman na lang namin kela Jigs na nag break na sila nung girl.” hinawakan niya yung kamay ko, “tama si Kendi, yung Athena na yun yung nag influence sa kanya sa lahat ng bagay, at ikaw naman yung nagpabago sa kanya.”

Tumingin ulit siya dun sa picture namin tapos pinunasan niya ito. Ang gulo.. ayoko ng isipin yung mga sinabi niya..

Nagchange na kami ng topic, nag kwentuhan parin tungkol sa pag mmeet nila ng dad ni Kenji. Nakatira na pala yung mom niya dito simula nung highschool yung mom niya. New student daw yung dad niya sa

school na pinapasukan niya nun tapos naging seatmates sila. Lagi raw niyang inaasar yung dad ni Kenji madalas binubully niya. Ayaw niya kasing ipakita na gusto niya na siya. Nag aral pa siyang mag tagalog para lang makapag communicate silang dalawa.

Hanggang sa naging sila at nagpakasal sila at the age of 20. Naputol yung kwentuhan namin dahil

dumating na si Kenji kasama sila Kirby, Patrick at Lucas. Hinde nila kasama sila Jigs, Sara at Grace kasi may mga lakad daw.

Nung nakita ko si Lucas biglang sumaya na naman ako, feeling ko bigla akong nabuhayan! Pero nung

nakita niya ako parang.. Wala lang.. ok nandun ako, so what. Hinde niya ako halos pinapansin.

Magkatabi kaming dalawa pero parang may malaking wall sa gitna namin. Tuwing sinusubukan ko siyang kausapin nag ssmile lang siya tapos sasagutin niya ng sobrang simpleng sagot yung tanong ko.

Nauna na akong umuwi sa kanila. Hinde na ako nagpahatid kay Kenji, sinabi ko kasi na may bisita siya nakakahiya naman kaya pumayag siya sa gusto ko.

Si Lucas.. Bakit siya nagkakaganun??

Naglakad ako papunta sa may park para makapag isip. Hinde ko na alam yung nangyayari sa mundo ko

ngayon. Parang lahat ng bagay wala sa lugar eh.. Si Lucas.. Si Kenji.. Ako.. Parang bumabalik sa dati yung mga nangyayayri ngayon. Masaya na ko sa kung anong naging takbo ng buhay ko. Tinanggap ko yung

masakit na pangyayari sa amin ni Kenji, nagustuhan ko si Lucas ng hinde ko inaasahan.. Pero bakit

biglang bumaligtad? Oo, hinde ko naman idedeny na may feelings pa ko kay Kenji.. Hinde ko na nga lang alam kung sino pa mas gusto ko.. Hinde ko na alam kung ano gusto ko.

Nakita kong naglalakad si Kirby at Lucas galing sa may bahay nila Kenji. Siguro dun matutulog si Kenji kasi hinde nila siya kasama. Nakita ako ni Kirby kaya lumapit silang dalawa sa akin. Nagkwentuhan kami saglit tapos nauna ng umuwi si Kirby. Ako at si Lucas na lang. ang tahimik namin pareho. Para kaming hinde magkakilala..

Crucial moment. Parang katapusan na ng mundo yung naffeel ko ngayon. Hinde ko alam kung ano pang

ginagawa ko dito. Hinde ko alam yung purpose ng pagstay ko sa tabi niya ngayon. Bakit? Bakit pa ako nandidito sa tabi niya??

“Tara na, ihahatid na kita..” nag nod ako.

Nauuna siyang maglakad tapos nasa likod niya ako. Nag yoyosi na naman siya. Akala ko tinigil na niya yun, hinde pa pala. Lucas, ano bang nangyari sayo? Bakit nagkakaganyan ka? May nagawa ba ako?

Nasa tapat na kami ng bahay ko. Nakatayo lang kami pareho. Kelangan ko ng malaman yung sagot sa

katanungan ko. Alam kong mutual eh.. Naffeel ko.. Alam ko..

“Lucas..”

“Athena?” tapos nagsmile siya bigla. Nag smile siya. Ibig sabihin masaya siya. Maganda magiging

kalabasan nung mangyayari ngayon.. I know.. I know.. “bakit?”

“May gusto lang akong malaman..” I have to ask him.

“Ano yun?”

“Bakit parang ang layo mo bigla sa akin..? Kanina hinde mo ako kinakausap ng maayos.. Parang nag iba ka bigla. May nagawa ba akong mali?” Pero hinde ko magawa..

Nag smile siya sa akin, “Wala. Ano ka ba! Napaparanoid ka na naman.”

Napakanormal nung pagkasagot niya sa akin. Pero bakit ganun? Napaparanoid lang ba talaga ako?

Naffeel ko talagang ang layo niya sa akin eh, naffeel kong nagiging cold siya.. “Pwede pa ba akong mag tanong ulit? Gusto ko ng seryosong sagot..” eto na. nireready ko na yung puso ko

“Game.”

“Do you..” huminga ako ng malalim para siguradong masabi ko yung kasunod

Ngumiti siya bigla sa akin, “Pumasok ka na Athena.. Gabi na.” tumalikod na siya tapos nag sisimula ng mag lakad. Nagwave siya bigla, “Bye!!”

Anong bye? Hinde pa ko tapos.

“Teka. Hinde pa ko tapos.” tumigil siya pag lalakad. ibig sabihin kelangan ko ng ituloy yung tanong ko.

“Do you.. Like me?”

“Ano ba yan. Tingnan mo paranoid ka na talaga! Bakit may pa do you like me do you like me ka pang

nalalaman? Matulog ka na lang.” nag simula na naman siyang mag lakad

May mali nga talaga. Hinabol ko siya tapos hinawakan ko yung left arm niya kaya napa hinto siya, “Kahit ba konti hinde mo ko nagustuhan? Kahit 1% hinde mo ko nagustuhan more than a friend?”

Humarap siya sa akin tapos nag smile.

Eto na.. aamin na siya. Aamin talaga siya, naffeel ko..

Napahinga ako ng malalim tapos naka smile ng konti.

Iniintay ko yung magiging sagot niya..

“Kaibigan lang talaga turing ko sayo. Sorry.”

Slowly, I lost my smile..

Chapter FORTY THREE

Nasa labas ako ng classroom sa may veranda.. Hawak ko na naman yung list ng schedule ko for this

month

March 3 - gown

March 5-8 hell week

March 8 - last day of exam ^^,

March 9 - completion of requirements

March 10 - 10am- Kriska’s house; 3pm- gown fitting 1

March 12-16 - 8am- practice for the play; 1pm- grad practice

March 17 - 9:30am- gown fitting final; 1pm- play practice

March 20 - 1pm- grad practice

March 21 - dress rehersal

March 22 - PLAY!!!

March 23 - gonna get my gown

March 24 - graduation ball! ^_^

March 26 - THE DAY. <3

Hectic ba masyado? Hinde naman. Wondering why we don’t have thesis? Because we’re spoon fed.

Pinag mamasdan ko yung field, yung gym at yung canteen. Of course, nasa taas pa rin ako. Mamaya

siguro pag baba ko, pagmamasdan ko naman yung building mismo ng school. Ewan ko ba ang laki ng

impact sa akin ng school na to. Siguro kay Sara rin, dahil dito niya na-meet si Jigs.

“Athena dinner daw later sa Asianized.” Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Kriska na naka smile.

I nodded as an answer then she closed the door.

I learned a lot from this school. Hinde katulad sa unang school na pinag aralan namin ni Sara.

That school sucks, big time! I mean, it is a private school but you know, we just don’t appreciate the environment there. They only think about their freakin’ money and popularity. They craaaave for

attention. They love it when they are being praised. Whatever.

Second, we got bored. We don’t learn there! Even the teachers are being bullied by those freaks.

Third, there are too many sl*uts. As what I’ve said, they only think about their popularity, their fame.

And when they see you talking to one of their crushes. Haha you have to avoid them for the rest of your life or else you’re gonna be picked up. That happened to me and Sara but we didn’t obey their rules. So what if we see them everyday? So what if don’t avoid them? Mamamatay ba kami? So there. That’s

when we got the attention of everyone. Our thing in Korea got revealed and the school was against it.

That’s why we transferred here in Southville High and eventually met those losers.

Hay.. ilang weeks na lang at gagraduate na kami. At sa wakas tapos na rin yung exam. Ang sarap nung feeling na wala ka ng iisipin pa kung hinde yung pag march na lang. Pero syempre may play pa kaming kelangan gawin. Dun na lang kami lahat na s-stress..

Nakuha na rin namin yung results sa universities na pinag applyan namin. Grace, Kirby, Lucas and I got in South University, Sara and Jigs naman in UP. Of course hinde lang yun ung school na pinag-applyan

namin. I have no idea kung saan mag cocollege si Kenji. Hinde ko kasi tinatanong sa kanya at hinde niya rin sinasabi sakin and I don’t think na kelangan kong malaman.. I’m not even curious. Well, maybe a little.

“Flatscreen! Bakit nandito ka?” narinig ko na naman yung nakakairitang boses na yan.

Bakit ba tuwing naiisip ko siya bigla bigla na lang siyang susulpot ng wala man lang sign?! Pati,

FLATSCREEN?!?! Last week lang tinapay tawag niya sa akin, tapos naging otap! Ngayon naman

flatscreen!!

“Gusto mong--”

“AYOKO.” Pinangunahan ko na yung sasabihin niya sa akin. Lagi na lang kasing magtatanong yan na nag sisimula sa ‘gusto mong’ pag sasagot na ko biglang joke lang ung dulo. Nakakaasar.

“Hinde mo pa nga pinapatapos yung sasabihin ko eh.”

“Ilang beses mo na yan ginawa sakin. you might wanna change your style.” Nag smile ako sa kanya.

syempre hinde cute smile.

Lumapit siya tapos tumabi sa akin. Pareho kaming tumingin sa may field, pinapanood na namin yung

mga nag class dun.

“Ayaw mo ba talagang--”

“Ayaw.” Tumingin ako sa kanya, nakatingin na siya sa akin. Nagsmile ako sa kanya, “ikaw, gusto mo ba akong sunduin mamaya?”

Nag smile siya tapos kinurot yung pisngi ko, “Yan din sasabihin ko eh. Kung gusto mong sunduin kita mamaya!”

Tapos tumingin ulit kais a my field. Tahimik lang kami pareho. Siguro nag iisip rin siya.. ano kaya yung iniisip niya? Nasa magkaibang mundo na naman kaming dalawa, hinde ko na naman kasi mabasa yung

mga nasa isip niya ngayon. Hinde tulad ni Lucas na pag napatingin na siya sa akin, alam ko kaagad yung sasabihin niya.

Speaking of Lucas, nakakabwiset talaga yung hayop na yun! Halos mangiyakngiyak ako nung sinabi

niyang kaibigan lang turin niya sa akin tapos biglang umalis na lang na parang walang nangyari!! Tapos biglang mag i-IM siya sa akin nung gabi ring yun..

revengeoflucas: ui! joke lang ung kanina. sumakit kasi tiyan ko eh kaya hinde na ko nakabalik.. dapat babalik ako pag lakad ko palayo eh.. pero na disgrasya!! sorry!! gusto kita.. konti. Pero prengster tayo diba? BFF tayo sabi mo sakin nun! kaya sana yung isang bff ko wag mo ng pakawalan! GO FOR THE

GOLD!

Athena 프린세스: Luke ano ba.. ayoko ng ganung biro. Alam mo bang mangiyak-ngiyak ako???

revengeoflucas: sorry na. hehe bakit mo ba natanong yun?

Athena 프린세스: Because.. I think.. I like you..

revengeoflucas: HUWAW! senglot ka ba?

Athena 프린세스: Senglot? WTF?? Basta.. seryoso ako dun..

Athena 프린세스: Di ba pwede?

revengeoflucas: hinde naman sa ganun.. baka naman napag hahalo mo lang ung feelings mo. baka kasi

dahil sobrang close tayo ngayon, naiisip mo na gusto mo na ko, na kelangan mong magkagusto sakin

para lang alam mo na.. hinde mo ma-feel na mag isa ka.

Athena 프린세스: Bakit ko mapag hahalo?

revengeoflucas: kasi nami-miss mo si kenji. siguro napag hahalo mo ung feelings mo kay kenji pati sakin..

athena, alam kong si papa kenji parin. hinde ako manhid.. bff nga tayo diba? sabi mo maerong isang certain connection sating dalawa.. iba rin yung love sa like. Masyadong broad yung LIKE, yung love naman.. napaka vague nun..

Athena 프린세스: I know the difference of like and love. And I like you Lucas.

revengeoflucas: like mo ako dahil napapadalas lang pagsama natin.. pano pag nag lie low tayo? sabi ko sayo napag hahalo mo lang ung feelings mo.

revengeoflucas: pumili ka, ako o si kenji? para mas madali. Pag ako pinili mo, tayo na.

Athena 프린세스: Ano ba.. Lucas alam mo namang ayaw ko ng ganun diba?

revengeoflucas: see. kasi alam mong si kenji pa rin. hinde mo lang masabi sakin.. ok lang noh! lab lab pa rin tayo. apir!

Pffft. Na-corner niya ako. Alam niyang hinde ako mahilig sa pilian pero ginawa niya pa rin. Bakit ba kasi hinde ko magawang pumili? Eh ang simple lang naman nung tanong niya.. Naisip ko na siya yung pipiliin ko, pero nung itatype ko na, biglang sumisikip ung dibdib ko. Parang mali yung gagawin ko. Etong si Kenji ang lakas ng spirit eh. nagparamdam nung alam na damay siya sa usapan.

7:15 daw ako susunduin ni Kenji, yun ung usapan namin. Si Sara nagulat nung nalaman niyang si Kenji ung susundo dahil akala niya raw nagiging ok kami ni Lucas. Eh wala eh.. napaisip bigla eh.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pag fifinger exercise (piano) ko ng biglang narinig ko na lang ung boses ni Kenji. Napatingin ako sa may clock pero 5:00pm pa lang naman.

“Sabi mo 7:15, bakit nandito ka na?” sabi ko habang nag pipiano

“Wala lang.. bigla lang akong napunta dito.” nag nod na lang ako tapos patuloy pa rin sa pag piano.

Umupo siya samay sofa tapos pinapanood niya akong mag piano. Tinapos ko na lang yung tinutugtog ko tapos umupo na rin ako sa may sofa. Nakakahiya naman kasi sa kanya, baka sabihin niyang hinde ko siya ineentertain.

Nakatingin lang siya sa akin tapos hinde nag sasalita. Kaya naka tingin lang rin ako sa kanya. XD

Naka titig parin siya sa akin. Ano ba to? Titigan contest?! Bakit hinde siya nagsasalita? Nandito lang ba siya para makipag titigan?

“Gusto mo ng maiinom?” inumpisahan ko na yung pagsasalita.

“Punta tayo sa park.” tumayo siya tapos lumabas na ng bahay

Ano hinde niya iintayin yung sagot ko? pano pag ayaw ko? bwiset naman talaga. Hinde pa niya ko

inintay! Anong problema nun?! PMS?!

Wala akong choice kung hinde ang sundan siya. nakita ko siyang nakatayo sa may tapat ng bahay tapos nagsisindi ng yosi. Lumabas na ko at isinara ko yung gate. Nag lakad kaming dalawa papunta sa park.

tahimik na naman kami pareho. Nagyoyosi siya tapos ang bilis ng lakad niya kaya nasa likuran niya ako.

Hinde ko nakikita mukha niya, kaya hinde ko alam kung may iniisip ba siya o wala. Sinusundan ko lang siya. ng bigla siya napahinto.

Hinulog niya yung yosi niya tapos tinapakan niya ito.

“Akin na kamay mo.” napatingin ako sa kanya, “Akin na.”

Tumingin ako sa left hand ko tapos tinago ko sa likod ko, “Bakit? Aanuhin mo naman kamay ko?”

“Akin na kasi!” hinawakan niya yung may wrist ko tapos sabay slide sa may kamay ko, he looked away but I noticed that he smiled, I looked down and also smiled. “ang tagal ko ng gustong gawin to..”

“Huh? Ang alin?”

Tinaas niya yung kamay namin, “Eto. Ang weird naman kasi kung lalapitan kita tapos bigla kong

hahawakan yung kamay mo diba? baka bigla mo pa akong sampalin nun. Tch.”

“Bakit naman?”

“Siyempre! Ako tong tangang lalaking bigla ka na lang iniwan tapos bigla kong hahawakan kamay mo

dahil lang namimiss ko yun, dahil lang namimiss kita..”

Bumilis bigla yung tibok ng heart ko. Parang.. ano to??? Pag nagpatuloy to baka hinde ko na naman

mapigilan sarili ko na ma-fall sa kanya..

“Ok lang ba to? Baka naman magalit si Abi..”

“Bakit siya magagalit? Matagal na kaming wala diba? siya pa nga nakipag break eh..”

Ano raw? Hinde ba sila? diba.. nung nakausap ko siya.. kaya siya nag-bye sakin kasi babalik na siya kay Abi? Diba dahil nagkabalikan na sila? mali lang b pagkarinig ko nun? Imposible eh..

Sige sabihin na nating nabingi ako nung time nay un, pero diba lagi silang magkasama? Dahil kay Abi kaya wala na kami.. dahil sa kanya..

“Diba girlfriend mo siya?”

“Sabi nga nila..” tapos napa yuko siya, “Alam ko hinde eh..”

Hinde ko siya maintindihan. Bakit niya sinasabing hinde niya girlfriend si Abi? Nagsawa na rin ba siya sa kanya? diba lumuhod pa siya sa tapat ko para lang lumayo ako sa kanya.. pero bakit niya sinasabi na hinde sila? para saan yung mga ginawa niya dati?

Hinigpitan niya yung pag hawak niya sa kamay ko. umupo na kami sa may bench. Habang pinapanood

namin yung mga taong nag lalaro ng basketball nilalaro naman ni Kenji yung kamay ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman nakangiti tapos nakatingin sa kamay ko. Para siyang batang masaya..

Hinila ko yung kamay ko tapos biglang napatingin sa akin si Kenj

“Bakit??”

“Maraming tao. Isa pa, baka makita tayo ng girlfriend mo.”

Nagsmile siya sa akin, “Ok lang yun. kanina pa niya tayo nakikita.” Hinawakan niya ulit yung kamay ko.

Tumingin tingin ako sa paligid namin para hanapin si Abi pero wala naman siya.

“Nasan siya?? sira ka talaga! Tahimik na buhay ko! wag mo ng guluhin..”

“Ikaw lang naman girlfriend ko eh.. hinde kami ni Abi.. hinde kami, ok?? Matagal ng hinde kami.

Nakipag break nga siya sa akin diba? Simula nung naging girlfriend kita, naging masaya ako. kung

pupwede nga lang ilagay kita sa bulsa ko para araw araw kitang kasama eh.. para kahit na wala na tayo, kasama parin kita..”

Napatingin ako kay Kenji, gusto ko siyang yakapin.. pero hinde pupwede.. bakit ngayon lang.. bakit..?

“Kaya ko nagawa sayo yung mga masasakit na bagay na yun kasi.. hinde kita makalimutan. Si Abi yung kasama ko pero ikaw yung nakikita ko.. ikaw yung lagi kong hinahanap.. ikaw parin.. Alam naman ni Abi yun eh. Hinde ko naman siya pupwedeng iwanan kasi sabi ko nga sayo, may cancer siya.. Nung nagpunta kami ng hospital ang sabi nung doctor may kelangan tanggalin sa stomach niya, teka.. baka yung buong stomach. Ewan ko. ikaw kasi naiisip ko nun eh.”

Naka yuko lang ako. Bakit parang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya? Bakit parang nag sisisi ako?

Nagalit ako sa kanya, pero siya patuloy parin yung pag isip niya sa akin.

“Lahat ng nangyari satin noon naaalala ko pa.. lahat.. lahat lahat. sabi ko diba gusto kitang kalimutan?

Pero sa totoo lang hinde ko gustong makalimutan ka.. walang araw na nag daan na nakalimutan kita at yung memories natin..”

Pilit ko siyang kinakalimutan noon, pero siya naalala niya pa lahat ng nangyari.. hinigpitan ko yung paghawak sa kamay niya, nag smile siya.

“Pero pano na siya..? Mali to Kenji eh..”

“Athena, please.. bigyan mo naman ako ng chance oh.. hayaan mo lang ako sa tabi mo..”

Kakayanin ko pa ba siya sa tabi ko? Eto ba yung sinasabi ni Lucas? Bakit parang nag kakatotoo?

“Kelangan niya ako eh..” WTF? Para san pa to?!

“Eh baki--”

“PERO KELANGAN KITA!” nanlaki yung mata ko dahil pasigaw niya tong sinabi. Nung tumingin ako sa

may paligid namin napansin kong napahinto sa pag lalaro yung mga nag babasketball at yung mg nasa

swing nakatingin sa aming dalawa. “Kailangan kita Athena.. IKAW ang kailangan ko..”

Hinde ko na alam.. Do I still need him? What about Lucas? Ganun ganun na lang ba? Pag nag-sorry ok na lahat? Pano yung pain na pinag daanan namin dati? Diba dapat i-heal muna namin..?

Hinde ko alam kung bakit pero..

“Fine..”

Other books

His Secret Heroine by Jacobs, Delle
The Nightworld by Jack Blaine
A Paris Affair by Tatiana de Rosnay
Anathema by Maria Rachel Hooley
The Tyrant by Patricia Veryan
The Misbegotten King by Anne Kelleher Bush
Arrival by Chris Morphew