She's Dating the Gangster (48 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
8.23Mb size Format: txt, pdf, ePub

Bumilis bigla yung tibok ng puso ko.

Sinarado ko yung laptop tapos tumakbo ako papunta sa bahay nila. Athena kelangan kong malaman

kung willing ka pa rin pakasalan ako… kahit saan! Kahit hinde na engrande.. kahit na wala masyadong tao. Teka. Kahit wala ng bisita! Ang importante lang nandun kami at yung pari.. kahit na city mayor na lang! Para atleast naman kahit papaano.. alam kong hinde nasayang yung pinagplanuhan naming

dalawa..

Pagkadating ko sa tapat ng bahay ni Athena muli na namang bumilis yung tibok ng puso ko

Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Pano pag bigla akong naiyak? Pano pagnasabi ko sa kanya na

nabasa ko?

Nakatitig ako sa doorbell. Pipindutin ko ba? Bakit nag dadalawang isip pa ko?

Napahinga muna ako ng malalim bago ko pindutin yung doorbell.

May nag bukas ng pintuan. Nung nakita ko yung mukha niya kinabahan ulit ako. Hinde ko alam.. palagi naman akong kinakabahan lately pero ngayon sobra sobra to.

Nung binuksan niya yung gate, nakita ko ng harap harapan yung mukha niya.

Parang tinusok na naman yung puso ko nung bigla siyang ngumiti. Hanggang kelan ko makikita yung mga ngiting yun?

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Pagkatapos ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit…

“Kenji, pwede ba tayong umalis bukas? Tayong dalawa lang..” mahina niyang sinabi

Bakit parang masama ang pakiramdam ko sa pagaaya niya? Parang hinde maganda yung darating na

araw.. Pero hinde. Kelangan gumalaw na ko.

“Oo. Pero kelangan.. susunod ka lang sa akin, ok ba yun?”

“O sige..”

“Promise yan ha?” naramdaman ko yung pag tango niya

“Promise..”

“Ako rin. Tutuparin ko lahat ng gusto mo..” ngumiti siya tapos tumango “Tawagin mo naman si Sara.

Pinapatawag kasi siya ni Jigs sakin eh.”

“Sige. Intayin mo ko ha.”

Pumasok na siya sa loob ng bahay para tawagin si Sara. Sa totoo lang hinde naman siya pinatawag ni Jigs eh. Ako talaga ang nag papatawag sa kanya. Kelangan ko marinig ang lahat kay Sara. Sa kanya madalas nagsasabi si Athena, hinde kasi sakin sasabihin ni Athena kahit anong pilit kong itanong sa kanya. Kaya Mas makakabuti kung kay Sara ko na lang malalaman. Alam kong ang pakialamero ng dating, pero gusto ko lang talaga marinig yung mga bagay na hinde niya sinasabi sa akin.

Naglabas ako ng sigarilyo at sinindihan ito. Sakto lumabas na sila Athena at Sara. Hinulog ko yung sigarilyo at tinapakan para mamatay yung sindi.

“Athena pumasok ka na muna. Hinde makakabuti sayo ang manatili sa labas.”

“San kayo pupunta? Gusto kong sumama!” nilapitan ko siya tapos hinawakan ko yung kamay niya,

“Bawal?”

Tumango ako, “Bawal. Gabi na. Nag aya kasi silang uminom, magiging mausok yung lugar nun. Hinde ka pwede. Pati sasandali lang ako dun, uuwi kaagad ako sayo mamaya. Isang oras lang ako, bigyan mo ko ng isang oras. Ok?”

Nagsmile siya, “Uuwi ka ha.. uuwi ka sa akin..”

“Baka nga wala pang isang oras nasa tabi mo na ko kaagad. Pumasok ka na. Intayin mo na lang ako.”

tumango siya tapos pumasok na sa loob ng bahay.

Mabagal kaming naglakad ni Sara papunta sa park. Halos pareho kaming hinde nag sasalita. Siguro

meron rin siyang gustong sabihin sa akin pero hinde niya masabi. Nagsindi na lang ako ng sigarilyo para kumalma pakiramdam ko.

“Alam mo nang hinde na siya pwedeng magpaopera diba?” tumango ako, “Alam mo ba kung bakit

ayaw niya?”

“Dahil sa biological mom niya?”

Tumango siya, “Nalaman niya kasi dun sa doctor na biglang tumigil yung pag beat ng heart nung mom

niya habang inooperahan. Kaya takot na takot siya. pag kinakausap namin siya tungkol dun iniiba niya yung topic, o kaya biglang mag babago mood niya. Nung pabilis ng pabilis ung paglala nung sakit niya lagi niyang sinasabi na mas mahalaga yung nangyayari ngayon, pano daw pag bigla na lang mawala yun dahil sa gusto niyang humaba yung buhay niya. Ayaw daw niyang sayangin yung chance na binigay sa

kanya. Lalo na nung naging kayo ulit.”

“Nung naging kami ulit?” tumango siya, “Isa rin ba ako sa dahilan kung bakit ayaw niyang

magpaopera?”

“Oo. Ayaw niyang i-take yung risk dahil daw pano na lang kung biglang tumigil yung puso niya at bigla ka niyang iwan ng hinde mo nalalaman yung sakit niya. Hanggang sa naospital ulit siya. Wala ka nun eh, umuwi kayo nila tita saglit nun. Ako at si Carlo lang natira nung time na yun.”

Di namin namalayang nasa may park na kaming dalawa. Umupo kami sa kung saan nandun sila Jigs.

“Bakit anong nangyari nung wala kami?”

“Biglang nagising si Athena, tapos hinahanap niya yung doctor..” huminga ng malalim si Sara, “Sabi niya,

‘Sara ya, go get the doctor. I have to tell him something..’

tapos umiyak siya bigla. Nakakagulat talaga kasi yun un una niyang sinabi pag gising niya tapos iiyak pa siya. Sabi ko sige tatawagin ko, nung tumayo na ko hinawakan niya yung kamay ko tapos sinabi niyang

‘no. just tell him I have to live. I need that surgery. I need a new heart. I don’t care if it’s just ten years..

no even if it’s just five years it doesn’t matter!! NO! TWO YEARS WILL DO!!!!!! I JUST WANT TO LIVE!!! I WANT TO BE WITH KENJI!! I HAVE TO BE WITH HIM!’

tapos iyak siya ng iyak! Si Carlo nga walang magawa eh. Niyakap niya lang si Athena. Tapos sinasabi niya na ‘tahan na tahan na’ wala kaming magawa kung hinde umiyak. Sigaw pa rin ng sigaw si Athena nun.

Pinipigilan na nga siya ni Carlo eh, pero patuloy parin siya.

UNNI!! I’M BEGGING YOU!! CALL THE DOCTOR!! TELL HIM TO CHANGE MY FCUKING HEART!!! Unni.. I’m

calm now.. tell him.. tell the doctor that I’m sorry for being stubborn.. I was scared then. Akala ko kasi pag inoperahan ako maraming mawawala lalo na yung love ko kay Kenji.. Carlo.. call the doctor now..

please.. Ya~ I’ve never begged anyone like this before.. please.. just call him..’

Hagulgol na yung iyak ni Athena nun kaya yun tumakbo si Carlo palabas para tawagin yung doctor. Iyak siya ng iyak pero lumabas parin siya. Hinde ko nga alam kung anong ginawa ni Carlo eh, pero ang bilis niyang bumalik kasama nung doctor. Tapos nung nakita niya yung doctor nag makaawa siya na palitan

ung puso niya.

‘Please.. I’m begging you.. help me. help me.. I want to live longer. Gusto ko pa po makasama yung mga taong mahalaga sa akin.. gusto ko pang magpakasal. Hinde ko pa pwedeng iwanan si Kenji.. please..

please.. tulungan niyo ako.’

Hanggang sa nalaman niyang hinde na pala possible yung surgery. I’ve been with Athena since we were born. I’ve never seen her act like that. Never. Even with TaeSung oppa. Kenji ya.. She really wants to be with you. She loves you more than anyone else. She loves you more than she loves herself.” Tapos

pinunasan ni Sara yung luha niya.

“Kenji, nakita ko rin yung pangyayaring yun. Kung nakita mo lang siya.. kung narinig mo lang lahat..”

Napatingin ako kay Jigs. Seryoso na naman yung mukha niya. Tumingin ulit ako kay Sara, “Ano pa bang sinasabi niya sayo? yung kasal?”

“Gusto niyang matuloy yun. Sabi niya, kahit na simple lang daw.. kahit nga daw wala ng bisita o handa ok lang daw eh.. pero kahapon lang sinabi niya sa akin na ayaw na daw niyang magpakasal sayo.”

“Ano?! Si Athena ba yun?? Bakit daw? Kelan lang excited siya eh! Yung gown nga halos ipa rush niya dun sa modista!” Tanong ni Grace

“Mas masakit daw kasi para kay Kenji kung ikakasal pa sila. Sabi niya pagtatawanan lang daw si Kenji ng mga tao. Magtataka kung bakit sa dinami rami ng babae yung taong mamamatay pa daw yung pinili

niyang pakasalan.”

“Ang hassle nga din naman kasi kung ganun lang rin yung mangyayari.. Naiintindihan ko si Athena, pero ano bang plano mo paps?”

Naiintindihan niya? Bakit ako hinde ko maintindihan? Gusto ko siyang pakasalan. Wala akong pakialam kung gaano kami tatagal na magkasama. Wala rin akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga

lang mahal namin ang isa’t isa.

Napatingin sila sa akin. “Kelangan ko tulong niyo.”

Dahil ang daming sinakripisyo ni Athena, ang dami niyang ginawa para sa akin. Ang dami kong

pagkukulang sa kanya, alam ko. Kaya nga kelangan makabawi ako. Teka, hinde dahil parang may utang

naloob ako sa kanya.

“Ano ba ang kelangan mo?”

“Kelangan matuloy yung kasal namin. Wala akong pakialam kung iisipin ng iba na tanga ako kasi alam kong bilang na. Mahal ko siya. Gusto kong patunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong mag pakasal hinde dahil kelangan ko o obligasyon ko. Papakasalan ko siya dahil mahal ko siya at yun ang mahalaga. Alam kong magiging isang malaking impact to sa akin, pero wala akong pakialam.. mahal ko siya.. alam niyo naman diba kung gaano? Kaya kelangan mapatunayan ko to sa kanya.”

Sinabi ko na sa kanila yung plano ko. Tapos nag kanya kanya kami ng assignment. Siyempre kelangan

kong bumalik sa bahay nila Athena dahil sabi ko isang oras lang akong mawawala.

Bago ako pumasok sa kwarto ni Athena kinausap ko muna yung pamilya niya.

“Dad, Mom, Nathan, Carlo.. Gusto ko sanang matuloy yung kasal namin ni Athena.”

“Sigurado ka ba dyan, Kenji?” tanong ng dad ni Athena

“Buong buhay ko po, naging patapon ako. Wala na akong pakialam nun sa paligid ko. Sa mga tao. Hinde ako lagi sigurado sa mga sinasabi at pinaplano ko. Pero simula nung nakilala ko si Athena.. dahil sa kanya, ngayon lang ako naging ganito kasigurado”

Nilagay ni Nathan yung kamay niya sa balikat ko, “Alam na ba ni Athena?”

“Hinde pa. Gusto ko sana siyang surpresahin. Nalaman ko kasi Kay Sara na ayaw na daw niyang ituloy to. Pero gusto ko po talaga. Hinde ko pa napapatunayan kung gaano ko siya kamahal. Siguro yung mga tao sa paligid namin alam yun, pero gusto ko na sa kanya ko mismo ipaalam.”

“We understand you. When do you plan to do it?” sabi ng Mom niya

“Bukas po sana.”

“Sige. Kami na lang mag sasabi sa parents mo. Puntahan mo na si Athena, kanina ka pa niya iniintay.”

“Thank you po talaga.”

Tumayo ako at dumeretso na sa kwarto ni Athena. Pag bukas ko pa lang ng pintuan nakita ko si Athena nakaharap sa computer niya. nakasuot siya ng salamin tapos nakaipit ung buhok.

Napatingin siya sakin tapos sumimangot. Napatingin siya sa relo tapos bumalik sa akin ung tingin niya,

“Sabi mo isang oras! Anong oras na oh!” tinuro niya yung nakasabit na relo sa kwarto niya.

“May pinagusapan kasi kami eh. Kaya yun. Sorry na.” lumapit ako sa kanya para tingnan yung ginagawa niya, “Ano yan?”

Bigla niyang mininimize yung window

“Ah. Wala. Hehe!” Umupo ako sa may sofa niya. Lumapit siya habang naka upo sa computer chair,

“Anong pinagusapan niyo? Nanchicks ka noh?!”

Binigyan niya ko ng isang wirdong tingin. Lagi na lang siyang ganyan! tsk tsk. Hinde na siya nag bago.

Hinawakan ko yung kamay niya tapos hinila siya sa tabi ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

“Oo may chicks nga! Pero sinabi ko sa kanila na may anak at asawa na ako kaya hinde ko na sila

pwedeng i-good time.” biro ko sa kanya. napatingin siya sakin tapos nag smile, “Masaya ka ba?”

Tumango siya.

Athena, mas pasasayahin kita pagkatapos ng mangyayari bukas. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para

lang maging memorable yung bawat araw na darating. Kelangan maging malakas ako para sayo, para

sakin, para sa atin.

-------------------------------

Pumasok ako ng kwarto ni Athena. Nakita ko na naman siya sa tapat ng computer niya.

“Athena.” nagulat siya at bigla niyang pinatay yung monitor.

“Bakit?” sabay harap niya sa akin

“Hinde pala tayo makakaalis ngayon.. may importante akong lakad eh. Sinabi ko naman kela mommy

na samahan ka ngayong araw para lumabas. Sige alis na ko.”

Sinarado ko na kaagad yung pintuan. 10:00 am yung schedule nung kasal. Kelangan nakaready na ko ng 9:45. Ilang oras na lang at mag te-ten na.

Nakita ko na yung dad ni Athena tapos nag ok sign siya sa kin.

“Athena, anak. May shoot ka mamayang 10. Nakalimutan kong sabihin sayo eh. Nawala kasi sa isip ko.”

Narinig kong sinabi nung dad niya.

Umuwi ako sa bahay para mag ready na. Tinawagan ko sila Jigs, Kerb at Lucas para itanong kung ok na yung lahat. Lahat sila sinabi na ok na yung plano.

Athena. Ilang sandali na lang at magiging isa na tayo. Hinde mo na kelangan matakot. Hinde kita iiwanan hanggang sa huli. Kahit san ka pa mag punta.. sasama ko sayo.

Pumasok yung parents ko sa kwarto para tingnan kung naka ready na ko. Minuto na lang ang iniitay

namin. Si Kendi umuwi pa ng pinas para lang samin ni Athena.

“Adul, haengbokhae?” tanong sakin ni Mommy habang inaayos niya yung suit ko. *Son, are you

happy?]

Tumango ako, “Sobra.”

“Gusto mo ba talagang gawin to?”

“Gusto.”

Tumango si Mommy, “Hinde ko aakalaing mapapaaga yung kasal mo. Masaya ako kasi hinde nagbago

yung isip mo. I really want Athena as my daughter-in-law. I don’t care anymore if she won’t be able to give me grand children, I just want it to be her.” Niyakap ko si Mommy. “Ya. Don’t regret this ok?

Maging malakas ka lang palagi, ha?”

“Opo.. opo..”

“Kenji. Nandito lang kami palagi nila Mommy mo kung kelangan mo ng tulong, ok? Wag mong

sosolohin ang problema mo lalo na kung hinde mo na kaya. Nandito lang kami palagi, para makinig, para tulungan ka.” Sabi sa akin ni Daddy.

Ang daming tumulong sa akin para lang matuloy to. Ang dami kong gustong pasalamatan pero hinde ako magaling sa mga ganung bagay. Ang alam ko lang masaya ako dahil sawakas matutuloy na rin ang

pinakaiintay naming mangyari.

Nag intay ako ng taimtim sa simbahan. Ilang minuto na lang at darating na siya. Lalakad siya papunta sa may altar at dun mag papalitan kami ng mga salita.

Pitong minuto na lang. Malapit na siyang dumating. Malapit ko na siya makita. Hinde na ko makapag

intay pa.

“Kenji nandito na siya!” sabi sa akin ni Grace.

Napatayo ako at napatingin sa may labas. Nung nakita ko yung puting kotse na may bulaklak sa may

harapan hinde ko mapigilan ang pag ngiti ko.

“This is it.” sabi ni Grace, “Pumuwesto ka na. Hinde niya pa rin kasi alam eh.”

Other books

At Large and At Small by Anne Fadiman
Let It Shine by Alyssa Cole
Hush by Jude Sierra
UNDERCOVER TWIN by LENA DIAZ,
El Sistema by Mario Conde