She's Dating the Gangster (49 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
6Mb size Format: txt, pdf, ePub

Nagsipwestuhan na kaming lahat. Pumunta na ako sa may altar at tinabihan ako ni Lucas. Kahit yung pari naka ready na rin. Hinde na kami gumawa pa ng entrance para hinde parin malaman ni Athena yung

plano. Tama na yung alam lang niyang may shoot siya.

Nagsimulang tumugtog yung magppiano nung nakita niya yung cue ni Grace. Nag simula na silang mag

lakad tapos nung nakita ko si Athena at yung parents niya biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Nakita kong nag takip ng bibig si Athena. Napatingin siya sa Daddy at Mommy niya at niyakay niya sila.

Hinawakan niya yung Dad niya sa may right arm at dahan dahan silang nag lakad papunta sa may altar.

Malapit na siya sa akin.. Konting hakbang na lang at nasa tabi ko na siya. hinde ko maialis yung mga mata ko sa kanya. Siya na ata ang pinaka magandang bride na nakita ko.

Inalok ko sa kanya yung kamay ko hinawakan niya ito at inilagay sa arm ko. binigay ko sa kanya yung panyo ko para punasan niya yung luha niya.

Nagsimula na yung ceremony. Parang ang bilis lahat ng pangyayari. Kung iisipin mo kelan lang talaga kami nagkakilala, nagkahiwalay, nagkabalikan, tapos eto kami ngayon kinakasal na.

Akala ko buong buhay ko magiging isang tanga lang talaga ako. Pero ng dahil sa kanya, nag bago ako.

Naniniwala akong siya lahat ang may kagagawan kung bakit ang laki laki ng pinag bago ko. At

nagpapasalamat ako sa kanya dahil dun.

“Kenji, do you take Athena for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”

“I do.”

Pagkatapos nitong araw na to. Madaming pwedeng mangyari. Madaming pwedeng tanong ang

sumalubong sakin. Madaming manghuhusga. Pero hinde ko na iniisip yun. Hinde ko na kelangan pang

problemahin lahat ng iyon. Dahil ang alam ko lang pagkatapos nito.. pagkatapos nito..

“Athena, do you take Kenji for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”

“...I do”

Siya at siya na lang talaga ang mamahalin kong babae habang buhay…

Hinde ko na napigilan ang pagiyak. Habang sinasabi ni Athena yung vow niya patuloy ang pagtulo ng luha ko. Masyado na akong masaya. Pinapasaya niya pa ako lalo. Hinde ko na kaya pang mawala itong sayang nararamdaman ko. nakakaadik. Panigurado pag nawala to.. babagsak ako.

“You may now kiss the bride.”

Humarap kami sa isa’t isa. Dahan dahan kong inangat yung veil niya. Ngumiti siya sa akin tapos sabay patak ng luha niya. Ngumiti ako sa kanya. hinawakan ko yung mukha niya at pinunasan ang kanyang mga luha. Habang nakahawak parin ako sa mukha niya dahan dahan kong nilapit ang aking mukha

“SaRangHae..” sabi ko sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinalikan siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. “Kenjiya.. thank you.. for making me this happy.. I will never forget this.

Even if I die, my love for you will remain forever. I love you. Unjaena, Youngwonhee.” *Always, forever+

Nagpalakpakan na yung mga tao.

Siyempre nagpicture taking kaming lahat. Hinde man engrande yung kasal namin, yung mga

mahahalagang tao naman sa buhay namin nasubaybayan yung pinaka mahalagang pangyayari sa buhay

naming dalawa.

Simula ngayon, hinde lang ikaw Athena ang lalaban. Kasama mo na ako. Palagi lang akong nasa tabi mo.

Kung nasasaktan ka, ako rin masasaktan, mas higit pa sa sakit na nararamdaman mo. Kung malungkot

ka, malulungkot rin ako, hinde ko kayang makita ang taong pinakamahalaga sakin na malungkot. Kung

iiwan mo na tong mundong to, hintayin mo lang ako.. Hinde ko kasi kakayaning magisa ka, hinde ko

kakayaning wala ka.

Athena.. Simula ngayon, sayo ko na iaalay yung buhay ko. Ang dami mong ginawa para sa akin. Ang dami mong sinakripisyo. Siguro panahon na para ako naman ang magsakripisyo para sayo.

After 3 months

“So bang! Let’s go out!!” unit-unti kong iminulat ung mga mata ko, nakita ko yung mukha ni Athena

malapit sa akin, “let’s go on a date! please?” *Seo-bang = Hubby]

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Niyakap ko siya ng mahigpit. Halos ganito na ang routine ko sa umaga.

Gigisingin niya ako yayakapin ko siya. Magluluto kaming dalawa ng breakfast, Kakain kami tapos aalis kami ng bahay. Minsan pupunta kami sa kanila, minsan sa amin. Madalas kung saan-saan na lang kami

nakakarating. Pero siyempre may limitasyon un. Hinde parin siya pwedeng mapagod.

Napapadalas rin ang pagsakit ng dibdib ni Athena kaya dahil dun, napag-isipan ko munang huminto sa pag aaral. Habang buhay pa siya, gusto kong ako ang magaalaga sa kanya. Pag may masamang mangyari

sa kanya, kelangan nandun ako. Hinde ko na siya pwede pang iwanan mag isa.

Naligo na ako at nagbihis. Inintay ko sa may living room si Athena. Napatingin ako sa suot kong damit.

Eto yung unang couple shirt na binili ko. White shirt tapos may star na deisign yung akin sa harapan, yung kanya naman heart. Naalala ko napraning siya nun nung tiningnan ko yung likod niya.

Narinig ko na nag bukas yung pintuan ng kwarto namin. Lumabas si Athena at naka suot yung katerno ng shirt ko. Nung nakita niya ako napasmile siya bigla. Pareho na kami halos ng naiisip.

“Paki lagay naman nito oh.” Inabot niya sa akin yung clip na binigay ko sa kanya noon.

Nasa kanya parin to? Akala ko nawala na niya to. Hinde ko kasi siya nakikitang ginagamit to eh. Lahat ata ng binigay ko sa kanya tago-tago niya parin. Kahit ilang taon na yung nakalipas, yung cellphone na binigay ko pa rin sa kanya yung ginagamit niya.

Maya-maya ay nilabas niya yung camera niya. Sinabi niya sa akin na mag picture kami bago daw kami

umalis ng bahay. Gusto niya daw ng remembrance.

Naglakad kami papunta sa dati naming school. Kilala kami nung guard kaya pinapasok nila kami. Wala namang pasok kaya naikot namin yun. Lahat ng sulok ng school pinuntahan namin.. yung gym..

classroom.. yung upuan namin.. yung room namin tuwing activity period. Pati bawat lugar, nag picture kaming dalawa.

Nakakagulat nga eh.. Naisipan niyang puntahan yung school. Pati may dala siyang camera. Hinde naman siya usually nag dadala ng camera.

Maya maya nag lakad rin kami papunta sa may park.. umupo kami sa may swing. At nagpicture.

Pumunta rin kami sa PG. Naglaro kami saglit dun at umalis rin.

Hinde kami halos naguusap. Palagi lang ‘Naaalala mo ba to/yun/yan?’. Hinde ko alam.. pero parang gets ko na yung gusto niyang ipadating sakin.

Nagpunta kami sa mall. Nagpa neoprint tapos nanood ng movie. Buong oras na nanonood kami,

nakasandal lang yung ulo niya sa balikat ko.

Pagkatapos naming manood pumunta kami sa bahay nila. Gusto niya ng family picture kaya kami

bumisita. Napabihis pa sila ng ng di oras para lang sa gusto ni Athena. Pag tapos nun, niyakap niya silang lahat at sinabi kung gaano niya sila kamahal.

Athena.. Ano bang problema?

“Kenjiya. Let’s go to your place!” nagpaalam na kami sa kanila at hinila niya ako papunta sa bahay nila Mommy.

Nagpabili ng merienda si Mommy para sa aming dalawa. Nagulat rin ako na pati si Daddy nandun. Si

Kendi rin at yung asawa niya nasa bahay. Sakto daw yung pagpunta namin dahil may magandang balita

si Kendi. Sinabi niya sa amin na 8 weeks na siyang buntis.

Tuwang tuwa si Athena nung nalaman niya yun. Pero nung tumalikod siya, bigla kong napansin na

nalungkot siya. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Umiling ako sa kanya habang nakangiti at nagmsile rin siya sa akin.

Siyempre nag request rin siya ng family picture. Na ikinagulat ng lahat dahil nga biglaan rin. Nung sinabi ko sa kanila na pupunta kami ng batangas nagulat ulit sila, pati si Athena. Nagtanong sila kung bakit naman daw biglaan yung pagalis namin. Sinabi ko lang na gusto kong makapag relax si Athena dun.

Sinabi ko rin na panget yung nangyari sa amin nung unang punta niya dun. Tinawagan kaagad ng Mom

ko yung nag babantay ng bahay at ipinalinis niya yun dahil daw darating kaming magasawa.

Nung nagpaalam na kami ni Athena, niyakap niya rin silang lahat. Nagpasalamat siya sa mga bagay na ginawa nila para sa kanila. Nag thank you rin siya dahil pinalaki daw nila ako ng maayos. Gusto kong maiyak pero ayoko naman ipakita sa kanila. Sinabi niya rin na hinde niya makakalimutan sila at yung mga bagay na ginawa nila para sa kanya.

Umuwi na kami sa aming bahay para kunin yung mga gamit namin. pero pag pasok namin nandun na sila

Jigs, Kerb, Lucas, Sara at Grace. Nagulat ako nung nakita ko sila. Napatingin ako kay Athena, naka ngiti siya. Siya siguro nagpapunta sa kanila. May dala silang pagkain at wine.

Pinagsaluhan namin yung dala nila. Dahil dalawa ang photographer namin, napadalas ang pagkuha ng

litrato.

“Sana huminto yung oras ngayon.. ang saya kasi natin ngayon eh. Hinde to mapapalitan ng kahit na ano pa.” natahimik kaming lahat saglit.

“Ano ba yan! Ang drama! Picture na lang ulit!” nilagay ni lucas yung camera nila sa tripod tapos tinimer ito. Nung natapos na kami isa isa ulit silang niyakap ni Athena. Naging emotional sila dahil sa mga pinag sasabi ni Athena. Hinde napigilan ni Lucas ang pag iyak.

“..Ang dami nating pinag daanan.. sorry kung naging malungkot ka.. sorry kung nasaktan kita.. pero kahit na nasaktan kita, nandyan ka parin para sa akin.. Ayoko ng maging malungkot ka pa. Masama

akong babae.. kaya wag kang hahanap ng katulad ko.. Thank you sa lahat..”

“Ano ka ba Athena! Ano bang nangyayyari sayo? Kung makapagsalita ka parang aalis ka ha..” Niyakap

ng mahigpit ni Lucas si Athena. “Di bale. Alam ko naman na hinde ka pababayaan ni Kenji eh. Kalimutan mo na lang yung mga nangyari noon. Basta masaya ako at nakilala kita.”

Hinde ko mapigilan ang malungkot. Nung narinig ko yung sinabi ni Lucas naramdaman ko na.

Nung kami na lang ang natira umupo kami sa may sala. Nakasandal yung ulo niya sa balikat ko. sinandal ko naman yung ulo ko sa ulo niya habang nakalagay yung kamay ko sa may bewang niya. Hawak hawak

ko rin yung kamay niya. Ganun lang ang ginawa namin. hinde kami nag sasalita.

Pagdilat ko umaga na pala. Hinde ko namalayang nakatulog pala kaming dalawa sa may sala. Nakayakap na sa akin si Athena. kinabahan ako bigla. Nilagay ko yung kamay ko malapit sa may ilong niya para tingnan kung humihinga pa siya. Nung naramdaman ko yung pag hinga niya gumaan na yung

pakiramdam ko. Napatingin ako sa orasan at nakitang 9:56 am na.

“Athena. Gising na. Maligo ka na.. pupunta na tayo ng batangas.”

“Hmm? Hmm..” tapos tumayo siya habang nakapikit pa at nag unat. Dumiretso na siya sa banyo para

maligo.

Hinanda ko na yung mga kelangan namin. Ako na rin ang nag empake ng damit niya. paglabas niya ng

banyo naka tuwalya lang siya. lalabas na dapat ako ng kwarto pero sinabi niya na ok lang daw. Pinag patuloy ko na yung pag aayos ko ng gamit niya habang siya nag bibihis.

“Eto isuot mo.” binigay ko sa kanya yung dress na binili ko.

“Bago to?” umiling ako, “Bakit ngayon ko lang to nakita..?”

“Matagal na yan. Hinde ko lang nabigay sayo.”

“Ahh..” sinuot na niya to tapos nag patuyo ng buhok.

Nung natapos na kong maligo nakita kong naka ready na siya. inaayos na lang niya yung bag nung laptop niya, video cam at yung camera niya. Nagmadali akong magbihis dahil ayoko siyang pagintayin ng

matagal. Niready ko na yung kotse at nung ok na yung lahat. Umalis na kami.

Sa Tagaytay na kami kumain ng lunch. Nag sightseeing rin kami bago dumiretso sa rest house. Bumili kami ng mga makakain para hinde na kami mahirapan pa pag dating sa bahay. Panay ang kuha ko ng

litrato kay Athena. Hinde ko lang siguro mapigilan..

2:43pm ng nakarating kami sa rest house. Yung mga katulong na yung nag ayos ng gamit namin.

Pumunta kami sa may beach ni Athena.

“Naalala ko dati.. nung unang punta ko dito.. hinde tayo ok nun. Sobrang gusto ko ng umuwi. Pero may pumipigil sakin.. dahil gusto pa kitang makita nun.”

“Alam mo bang.. sobrang nag sisise ako nun? Nung gabing nahimatay ka at nagkasakit.. bago nangyari yun..nakiusap ako kay Abigail na kung pupwedeng bumalik na ko sayo.. dahil nahihirapan na ko.. hinde ko na kasi kayang makita ka na may kasamang ibang lalaki. Pati hinde naging kami ni Abi..”

“Alam ko.. sinabi niya sa akin yun..”

“Nung bumisita ako sayo nun sa kwarto niyo ni Lucas.. sobrang nasaktan ako… nandun ka, may sakit,

eto ako, walang magawa. Kinausap pa nga kita nun eh.. hinde ko nga lang alam kung narinig mo…”

“Ano?! Ibig sabihin.. hinde ako nananaginip nun??”

“Oo. hinde. Nagulat nga ako nung sinabi mong ‘kenjiya, kajima..’. Hinde ko nga mabitawan yung kamay mo nun eh. Pero narinig kong tumigil yung pagtulo ng tubig kaya lumabas na ko nun ng kwarto..”

“Sinabi ko rin yun?? Akala ko nananaginip lang talaga ako..” Tinanggal ni Athena yung shades niya

tapos tumingin sa akin. Tinanggal niya rin yung suot kong shades. Lumapit siya at kiniss niya ako. “Let’s make this one memorable, ok?”

Tumango ako. hinubad na niya yung suot niyang dress. Naka swimsuit na pala siya! amp!! Akala ko kung ano na ginagawa niya!! may kinuha siya sa may bag niya. Pag labas niya nakita ko may hawak na siyang dalawang makulay na hinde ko alam kung anong tawag. Nilatag niya yun sa may sand at humiga siya.

Tinanggal ko na yung shirt ko tapos humiga sa isang telang nilatag niya.

“Tumataba ka ha.” sabi niya sakin habang pinipindot yung tiyan ko

“Abs yan!! Tingnan mo nga oh! May mga guhit guhit!”

“Tss. Abs ka pa dyan ha! guhit yan ng katabaan mo! Aminin mo na kasing tumataba ka.”

“Tumaba ba talaga ako?”

Umiling siya, “Joke lang yun. Sa totoo lang pumapayat ka.. nasstress ka ba sakin?”

“Hinde no. Baka kasi pag tumaba ako ipagpalit mo ko bigla eh!”

“Kahit na lumobo ka pa ng husto, wala akong pakialam. Hinde na ko titingin pa sa ibang lalaki!”

“Talaga?”

“Talaga.”

Mga isa’t kalahating oras rin kaming nag stay sa may beach at pagkatapos ay bumalik kami sa bahay para magpabili ng ingredients sa katulong. Gusto niya kasing mag bake kami. Kumuha kami ng recipe sa

Other books

Dilke by Roy Jenkins
Tender Loving Care by Greene, Jennifer
The Everborn by Nicholas Grabowsky
La reina suprema by Marion Zimmer Bradley
Against the Wall by Jarkko Sipila
Dead Tease by Victoria Houston