Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
“Ang dami kong masamang nagawa sayo.. pero hinde ko kasi alam… hinde ko pa alam nun.. hinde ako
nakinig sayo.. sa mga kaibigan ko.. pinauna ko pa yung galit..” tumigil siya saglit sa pag sasalita niya dahil tuloy tuloy yung pagiyak niya, “wala na akong pakialam kung nakakahiya yung ginagawa ko ngayon..
kahit pagtawanan pa ko ng mga tao habang buhay. Wala akong pakialam.. Athena, kahit mag mukha pa
akong kawawa.. kahit maging sabit lang ako sa buhay mo.. ok lang.. basta hayaan mo lang ako sa tabi mo.. hinde ko na kasi kaya na wala ka.”
Napatingin ako kela Sara at Grace, umiiyak na rin sila. Tumingin naman ako sa parents ko, nag nod silang dalawa sa akin.. tapos nag punas ng luha.. nung napatingin naman ako kela Kuya, Jigs at Kirby nag nod din sila.
“Kenji, pwede akong mamatay dahil sa sakit ko anytime.. Ganun din, mawawala rin ako sa tabi mo.
Ayokong masaktan ka..”
“Athena, ikamamatay ko pag sisinungaling at pag tataboy mo sa akin anytime.. Hinde ko hahayaang
mawala ka pa sa tabi ko. Mas ayokong masaktan ka..” tumayo si Kenji sa pagkaluhod niya tapos dahan dahan nag lakad papalapit sa akin.
“Abi ga, saranghae?” tinanong ko siya *do you love Abi?+
Umiling siya, “Anyo.” Huminto siya bigla sa tapat ko.
“Saranghae?” nag nod siya bigla. Naiyak na naman ako, “..Saranghae?” *Do you love me? Do you love
me?]
“Eung.. Saranghae.” Tapos bigla siyang bumagsak sa sahig. *I love you..+
Nagulat kaming lahat sa pagkahimatay niya. binuhat kaagad siya nila jigs papunta sa kwarto ko para dun siya ihiga. Lumabas na sila para ituloy yung pag kain nila. Ako naman kumuha ako ng basin na may water pati face towel. Nilinis ko yung muka ni Kenji. Pinunasan ko yung part na may sugat at pasa.
Dahan dahan kong nilagyan ng gamot yung mga sugat niya tapos nilagyan ng band-aid. Ang dami naming pinagdaanan, ang daming nangyari.. pero lahat ng mga yun.. lahat ng sakit.. lahat ng pagod.. worth it.
After 20 minutes nagising si Kenji. Nagulat siya nung nakita niya ako. napatingin siya sa paligid niya bago niya ako pansinin. Bumangon siya s pagkahiga niya tapos nag cover ng eyes nung tinaggal niya yung
kamay niya naka pikit pa siya tapos unti unting idinilat yung mga mata niya.
“Athena? Gising ba talaga ako? Hinde ba ako nananaginip?”
Nagsmile ako sa kanya at hinawakan yung mukha niya, “hinde ka pala lasing ha! Tss. Sinungaling.”
“Akala ko kasi umalis ka ulit. Nanaginip ako.. umalis ka na naman daw.. hinde ako makapaniwala..
nandito ka parin..” tapos bigla niya akong niyakap. “Bumalik ka.. buti na lang bumalik ka..”
Niyakap ko rin siya, “Na wassuh.” *I’m back+
“Simula ngayon, dalawa tayong lalaban.. kung pagod ka na, ako ang lalaban para sayo.. wag ka ng
matatakot. Hinde kita iiwan.. kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako.” hinawakan niya yung mukha ko tapos pinunasan yung luha ko, “ayoko ng iiyak ka.. hinde ka na pwedeng umiyak.. nasasaktan ako pag nakikita kang umiiyak.”
“But I’m happy right now.. hinde ko mapigilan.. Ang dami masyadong nangyari..”
“Oo.. buti na lang tapos na lahat.. Kasi tuwing nasasaktan ka, mas nasasaktan ako.”
“YA! I sacrificed a lot!!! How come you’re more hurt??”
He grinned at me, “Because I love you more than you love me!” Hinila niya ako sa may kama tapos
pinahiga niya ako at niyakap. Ang tagal naming tong hinintay.. and tagal bago dumating kami sa ganitong situation. Ang daming nasaktan, ang daming nag alala.. “Thank you.. this is the best birthday gift I’ve ever received. Pero hinde pa dito nagtatapos ang lahat.. nag siimula pa lang tayo..”
Pero bakit parang wala lang yung nangyari sa amin?
“This feels so right..” I hugged him tightly.
Hinde ko na naisip yung pagiging amoy alak niya. Hinde siya si Kenji kung wala siyang pasa o sugat o bugbog sa mukha at katawan. Mas lalong hinde siya si Kenji kung wala yung amoy ng beer. I am still dating the Gangster.
“I could hold you forever..” Then he kissed me.
I’m choosing this. I am following my heart. This is what I really want. To be beside him, to be needed by him and to be loved by him.
“I love you..” we both said
Hinde ako makapaniwala na suot suot ko tong gown na to.. Ang dami nga talagang nangyari. Nandito
ako sa hotel ngayon. Inaayusan ako, inaasikaso, inaalagaan ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko aakalaing aabot ako sa araw na to. Para akong nananaginip ng gising.
Tumayo ako para tingnan yung itsura ko ngayon.
“Wow~ Yeppuda.. nomu yeppuh!!” sabi sa akin ni Mommy JiNi, “Bagay talaga sayo yang gown na yan..
hinde na ko makapag intay pag nakita ka ni Kenji! Hinde rin ako makapag hintay sa mangyayari
mamaya!! Ahhh!! Jjinja!!! Ippeo!!” inabot sa akin ni Mommy *Beautiful.. so beautiful!! Really!! Pretty!!+
“Komawoyo omonim” Nag smile ako kay Mommy JiNi. [Thanks, mom.]
Parang hinde siya makapaniwala na nakikita niya ako na nakausot ng gown ngayon. OMG! Kahit ako!!
hinde rin ako makapaniwala! I mean.. oo nakapag suot naman ako ng gown, and marami rin nakakita
nun, pero iba to eh.. Wedding to.
Hinde ko naimagine na dadating yung ganitong araw tapos suot suot ko tong magandang gown na to..
buong buhay ko hinde ako nakapag attend ng wedding dito sa philippines. Kaya excited ako! Sorry na! Sa US at Korea lang ako tumira, malamang hinde pa ako nakakapag attend ng wedding sa US sa korea
naman, guest lang ako. and hinde ako nakapag gown sa kasal na yun!
Teka hinde naman sa ngayon lang ako nakapag suot ng gown.. first lang para sa isang wedding. Special pa tong wedding na to, kasi kung hinde dahil sa kanya.. wala na talaga kami ni Kenji. Kaya yun.
Eto pala feeling ng isang abay!! I’m sooooooooooo excited!! And I’m so happy for Ate Kendi! Kahit na para sa business yung kasal niya.. at least nakilala nila yung isa’t isa at ok naman yung kinalabasan! ^_^
They dated for 4 years so ang kinalabasan etong day na to! Im FRIKKEN EXCITED! I DON’T KNOW WHY!!!
“Omonim! What time’s the wedding ceremony?” napatingin siya sa akin habang naka smile tapos
nanlaki yung mata niya at napatingin sa relo
“OMO!!! We have… 15 minutes left!!! Athena ya, is Kenji already done??? If not, then I will ask the driver to wait for you! Your abonim and I will go na to the church. Nakalumutan kong kelangan maaga pala kami dun! Naexcite ako masyado sa suot mo eh.” Inayos niya ulit yung buhok ko, “Sige, mauna na kami.” *Abonim – father; omonim – mother]
“Sige po..” tapos nag bow ako sa kanya.
Pag kalabas ni mommy pumunta na ako sa kwarto namin ni Kenji. Pagpasok ko hinanap ko kaagad si
Kenji pero wala siya. Tiningnan ko kung nasa isang kwarto siya, pero wala pa rin.
“Kenji?” walang umagot, “KENJI!!!!”
“NASA BANYO!” sigaw niya bigla
Hinde pa rin siya tapos. Ano bang akala niya? Kasal niya to para magtagal siya??? -_-;;
“Jagiya~ Ppal li! We’re going to be late!” *Babe~ hurry up!+
“Teka saglit na lang!”
Pumasok ako sa kwarto ko para kunin yung purse ko. Narinig kong may bumukas ng door. Lumabas
kaagad ako ng kwarto para tingnan kung bihis na si Kenji at tingnan kung ano na yung itsura niya.
Pareho kami ng color ng damit eh. I’m wearing blue and silver strapless gown.. tapos may beads, tapos hinde ko na alam kung paano pa idescribe ito because I’m in love with this dress!!! It’s so unexplainable!
Dahan dahan akong lumapit kay Kenji pero nakita ko siyang topless. O_O;;
Showing off his muscles again, eh? Kahit na mag one year na kaming nagsasama sa isang bahay hinde ko pa rin mapigilan mapa smile tuwing nakikita ko yung katawan niya.. I feel like I’m a pervert~ >_< Pinapanood ko siyang mag suot ng white shirt, yes, I love it when he’s putting on his shirt. Ya~ This is kinda embarrassing. Sinuot na rin niya yung blue na long sleeves. Nung nabutton na niya yung long
sleeves kinuha niya yung tie sa may kama tapos sinubukan niyang ilagay. Mukhang na ffrustrate na siya kakalagay nung tie, pero hinde nya talaga magawa. Kinuha na lang niya yung coat niya tapos tsaka
tinuloy yung pag lalagay nung tie habang naglalakad
Nilapitan ko na siya tapos nabangga niya ako. So insensitive. Hinde niya nafeel yung presence ko!
“Hinde ko malagay eh.. hinde ako marunong.” Nag smile siya sa akin
“Napansin ko nga eh.” I smiled back
Hinawakan ko yung neck tie niya. Binitawan niya ito at hinayaan na ako yung mag kabit sa kanya.
Nararamdaman ko yung titig niya sa akin. Nung natapos na ko bigla niya akong niyakap.
“Hinde ko talaga alam gagawin ko pag wala ka sa tabi ko..” Nagdrama na naman ang magaling kong
Kenji.
“Para kang sira! Pagkabit lang ng neck tie eh.. Tara na. Malalate na kaya tayo! Omonim and Abonim
already went to the church. Sumunod na lang daw tayo.” Nakatingin pa rin siya sa akin. “Jagiya?”
“Ang ganda mo ngayon..” tapos nag smile siya, “Baka ma-in love na naman sayo si Lucas..”
Bumulong ba siya? Bakit parang hinde masyadong malinaw yung pagkasabi niya? Pero parang narinig ko yung pangalan ni Lucas.. Ano meron kay Lucas???
“May sinabi ka ba?”
Umiling lang siya tapos hinawakan yung kamay ko, “Tara na.”
Lumabas na kami ng kwarto tapos bumaba na sa may lobby. Nakita namin yung driver nila sa may labas ng hotel. Hinatid niya kami sa may church kung saan gaganapin yung kasal. Ang dami ng tao. Nakita ko na yung family ko kaya sa kanila ako dumiretso.
“Athena ya~ I missed you~” tapos niyakap ako ng mom ko, “You look so pretty today!”
“Mom.. Thank you..”
“For what?”
“For everything.. for making me stay with Kenji.. for treating me as your own daughter..”
Tapos nag drama na rin si Mommy. Umiyak pa!
“Ya! Babo! You’re not the one who’s gonna get married!!!”
napatingin ako kay Carlo at Kuya, “Oppa.. dongseng…”
Tapos tumawa silang lahat. Tuwing nakikita ko kasi parents ko hinde ko mapigilang hinde mag drama!
Ang dami nilang ginawa para sa akin! Tapos ako simpleng request lang nila hinde ko pa magawa!!
“Athena, lagi mong ingatan sarili mo, ok? Sumunod ka kay Kenji. Sinabi ko sa kanya yung mga dapat at hinde dapat kaya ikaw, wag kang pasaway.” Niyakap ko yung dad ko.
Alam kong kahit ayaw niya yung pag sasama namin ni Kenji sa iisang bahay, pumayag pa rin siya. Alam daw kasi niyang mabait si Kenji at alam niyang hinde niya ako pababayaan. Naging madramang araw pa yun para sa amin kasi dalaga na raw talaga ako. Kahit si Kenji nung time na yun hinde napigilan.. hinde nga lang siya umiyak.
Nung dumating sila Jigs nag usap usap na kami. Sinasabi pa nila na kami na raw ni Kenji yung susunod na ikakasal. Si Lucas naman ganun pa rin. Hinde pa rin sya nag babago. Tahimik, pero pag nasa mood,
makikipag biruan na.
Hinde ako sigurado.. pero parang.. naguiguilty ako. Wala namang dapat ika-guilty pero, parang ang sama lang ng ginawa ko sa kanya. Kahit wala siyang sinasabi sa akin..alam kong nasaktan ko siya.. Ano ba yan..
lumalabas tuloy na ang kapal ng mukha ko kasi feeling ko sakin umiikot ang mundo.
Lucas.. mianhae.. [im sorry]
Nag simula na yung ceremony. Si Kenji siyempre yung partner ko. Together forever eh. Habang on-going yung ceremony napapansin kong laging tumitingin sa akin si Kenji tapos ngingiti. Bakit parang may
naffeel ako..?
Nako bahala na nga. Hinde naman niya pwedeng itago sakin yun kasi nasa iisang bahay lang kaming
dalawa.
Ang weird ba kasi naka tira na kami sa isang bahay? Ewan ko rin kung bakit ako pumayag. Siguro hinde ko na rin kaya pang mawala siya sa tabi ko. Gusto ko kasi yung feeling na nasa tabi ko lang siya, tapos palagi ko siyang nakikita.
Obsessed ba? Parang ganun na nga.. pero kasi life is short. Hinde natin alam kung kelan, alamniyona.
Possessive? Hinde naman pwedeng possessive kasi mabait naman akong girlfriend. Hinde ko siya
pinipigilan kung gusto niyang lumabas kasama ng friends niya, o kung gusto niyang mapag isa. Basta ang usapan lang, uuwi siya ng bahay.
Hinde na kami nagaaway. Ok ayoko mag sinungaling, nag aaway kami pero sobrang babaw!
Pagtatalunan naming yung pinaka maliit na bagay like kung anong movie ang papanoorin, kung anong
channel ng tv, music, pati yung pag patay ng ilaw! Ganun lang talaga.. part yun ng buhay namin sa iisang bahay. Kaya pinadala ko yung tv at dvd player ko para hinde kami nagtatalo! Dinala ko rin yung sarili kong computer pati laptop sa bahay niya para hinde kami nag tatalo sa pag gamit.
Pero.. kahit na parang isip bata kaming dalawa.. Masaya kami. Kahit nag tatalo kami, kahit na minsan umuuwi siyang may pasa sa mukha o amoy beer, ok lang.. kasi Masaya kami. Hinde siya nakakalimot
mag paalam sa akin pag aalis na siya o aalis siya. Pag ako naman ang aalis, hatid sundo ako. Pag 8:00 pm na at wala pa ko sa bahay, tatawag yan sa akin. Nakakairita? Hinde naman, kasi tuwing ginagawa niya yun, naffeel ko talaga yung love and care niya. Kaya minsan sinasadya ko na. Hinde ako mag
paparamdam tapos pag 8 na kahit nasa tapat lang ako ng bahay, iintayin ko siyang tumawag.
Kilala rin ako ng friends niya, tuwing pupunta sila sa bahay lagi silang may dala para sa akin. Mababait naman sila, inaalagaan rin nila ako tuwing aalis kami kasama sila, tapos lagi rin nila akong kinakamusta.
Sinasabi nila sa akin palagi na sobrang proud daw sa akin si Kenji. Puro ako daw yung kinukwento niya sa kanila, kung paano kami nag kakilala pati kung paano kami napunta sa ganitong stage. Sa dami daw ng pinag daanan naming dalawa, buti raw at walang nag give-up sa amin.
All in all, kahit na hinde kami kasal, alam kong magiging mabuti siyang asawa. Kung papapiliin ako ngayon, gusto ko na siya na yung maging husband ko. Gusto ko siya na. Pero hinde ako sigurado kung ganun din yung naffeel niya sa akin.. Hinde ako marunong magluto, maglinis ng bahay, mag laba,
magplantsa.. wala akong masyadong magagawa para sa kanya.. pero sana, kuntento siya sa akin. Haay..
nag ddoubt na naman ako.
Hinde naman namin napag uusapan yung kasal dahil masyado pa kaming bata, although pwede na kami
dahil nasa legal age na kaming dalawa. Yun nga lang, parang.. hinde pa kami ready sa ganung risk.
“You may now kiss the bride.” Sabi nung priest.
Napa smile ako tapos nag clap na lahat ng tao. Naiimagine ko kami ni Kenji kinakasal. Kahit simple lang, ok na ko dun.. ang gusto ko lang, siya yung groom.
Nagpicture taking na. sinama nila ako nung sinabing ‘family ng bride’ si Ate Kendi at mommy JiNi pa yung sumundo sa akin sa kinauupuan ko. Ang saya ng feeling, kasi… para pala sa kanila, part na rin ako ng family nila. Gusto ko sanang maiyak pero nakakahiya! Isipin pa nila na inaagawan ko ng eksena yung bride!
Sa reception, sa table kami ng family ko umupo. Si Kenji pati yung dad ko yung magkatabi, imbis na ako pati yung dad ko, siya pa yung tumabi! Kanina pa sila nag uusap halos parang nakalimutan na nga ako ni Kenji eh. Nung nagpaalam ako sa kanya para pumunta sa table nila Jigs umoo lang siya. Hinde ako
sinamahan. Pffft. Ano ba pinag uusapan nilang dalawa?!
“Nandito na rin sa wakas yung isang Mrs. delos Reyes!” salubong sa akin ni Jigs
“Bakit si Kenji hinde mo kasama?” tumingin si Sara sa may table nung family ko, “Aba.. mukhang may seryoso silang pinag uusapan ha..”
“Kanina pa yan eh.. Hayaan mo na hehe. Minsan lang naman sila magkita eh.”
“Kayo Athena, kelan kasal?” tanong sa akin ni Lucas. Ngumiti lang ako sa kanya. nakita ko yung
bakanteng upuan sa tabi niya at umupo dun. “Kamusta na? Parang ang tagal na nating hinde nagkita
ha..”
“Oo nga eh.. nagkikita naman tayo sa school..”
“Ang ganda mo ngayon.” Tapos natawa siya bigla, “may igaganda ka pa pala.”
“Nagsisise ka ba?”
“Oo! Tama ka! Hahaha.” Natawa na lang kami pareho
Niyakap ko si Lucas. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. Hinde ko rin alam kung bakit ko siya niyakap.. bigla ko na lang yun ginawa ng hinde nagiisip.. siguro yun lang rin kasi yung pupwede kong gawin para sa kanya.
Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko. “Mianhae.. jungmal mianhae.. mianada..” *sorry.. im
really sorry.. im sorry..]
Natapos na rin yung ‘program’ kaya nagsasayawan na yung mga tao. Ako, si Lucas at Kenji na lang yung natitira sa table kasi yung tatlong lovers sumasayaw na! Nag uusap si Kenji at Lucas tungkol sa dota!
Ilang taon na ang naalipas at dota parin ang iniisip nila!! Godddddd!
“Lucas isayaw mo naman si Athena.” Napatingin kami n Lucas kay Kenji. Ngumiti siya sa amin, “sige na.
minsan lang naman eh.”
“Wag na. Hinde rin naman ako marunong sumayaw sa mga ganyang tugtog eh.” Hinde raw.. eh nung
birthday ni Ate Kendi sinayaw mo ko nun! Liar.
“Wag mo nga akong lokohin. Sige na.”
Ngumiti si Lucas tapos napatingin siya sa akin. Tumayo siya tapos inoffer niya sa akin yung makay niya.
Napatingin muna ulit ako kay Kenji tapos nag nod siya. hinawakan ko yung kamay ni Lucas at tumayo na.
pumunta na kami sa dance floor, nilagay niya sa waist ko yung dalawang kamay niya, nilagay ko naman sa may neck yung akin.
Ang awkward nung feeling.. si Kenji kasi parang sira eh. Kung gusto namang sumayaw ni Lucas sasabihn niya sa kaagad, eh pinilit niya eh!! Hanggang sa matapos tuloy yung song hinde kami nag usap!
“Halika sandali lang.” hinila ako ni Lucas papunta kay Kenji. “alam ko naman na song niyo yan eh.
Binabalik ko na siya sayo..”
Omg. Pano niya nalaman yung Tattooed On My Mind?? I mean pano niya nalaan na.. sinabi k okay Kenji na kanta ko sa kanya yun!! Yun kasi yung first song na sinayaw namin na slow.. tapos sinabi ko sa kanya na kanta ko sa kanya yun! Waah.
Hinawakan ni Kenji yung kamay ko at pumunta kami sa may dance floor. Katulad rin ng position namin ni Lucas kanina pero parang nakahug na kami. Hinde siya nag sasalita. Hnde rin siya nakatingin sa akin..
parang may gumugulo sa isip niya..
“Jagiya?” hinde parin siya umiimik, “Ya Kenji.”
Napatingin siya sa akin, “Huh?”
“May problema ka ba? Kanina ka pa tulala eh..”
“Napapaisip lang ako..” tapos nag smile siya ng konti, “pano kaya kung kinalaban ako ni Lucas at hinde ka niya binigay sa akin..? Nakita ko kayo kanina naka yapak.. parang, ang daming feelings at emotions..