Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
Nag lakad na rin ako papunta sa may cafeteria. Pero hinde pa ako nakakalayo biglang nabitawan ko yung bag na bitbit ko. Hinde ako makahinga. Yung mundo ko parang biglang nagiging mabilis yung pag ikot.
“ATHENA!! Si Lucas to! Sinabi sakin nila Jenny na nandito ka kasama si Kenji.. galit daw si Kenji. Ok ka lang ba?? ” dahan dahan akong umiling.
“Di… ako.. maka.. hinga.. ng… maayos… tulong.. tulong..”
“ATHENA!!!!!”
Hinde ko na namalayan kung anong nnagyari sa akin. Bigla na lang akong napapikit. Hinde ko na nakita si Lucas. Wala na akong marinig sa paligid ko.
Kenji’s POV
Alam kong madami akong nagawang pagkakamali sa buhay ko.. pero bakit ngayon lang ako
pinaparusahan ng ganito ka lupit? Parang kung kelan nagbabago nako.. kung kelan nagkaroon ng daan
yung buhay ko.. kung kelan alam ko na talaga yung gusto ko, tsaka pa ko kelanan maparusahan.. tsaka pa nawala sa akin ang lahat..
Bakit ba kelangan pang maging kumplikado ng buhay ko? inaayos ko nga nga yung masamang nagawa ko
diba? Pero bakit parang hinde pa sapat? Tinatanggap ko na lahat ng sakit para lang maproktektahan ko yung taong mahal ko.. pero bakit ganun? Ako pa rin ung natraydor sa bandang huli? Mali ba? Kung oo..
ano sa mga ginawa ko yung mali? Saan ako nag kamali? Hinde ko na alam..
Ang hinde ko rin maintindihan.. bakit si Lucas? Hinde naman sa sinasabi kong hinde kagusto-gusto si Lucas, pero kasi alam niyang may past na sa amin ni Lucas eh. Pati, kung matagal na pala niyang gusto si Lucas.. bakit pumayag pa siya na maging kami? Bakit pumayag pa siya kung hinde naman pala ako yung pipiliin niya? Ang labo diba?
Pati pamilya ni Bee galit sa akin.. ako sinisisi nila dahil ayaw magpaopera ni Bee.. ano namang kinalaman ko dun? Sinabi ko naman ng maayos sa kanya na si Athena talaga yung gusto ko. na siya lang talaga. Pero bakit kelangan niya pang pahirapan yung sarili niya? amp. Nakakaasar talaga. Pero mas nakakaasar parin yung nangyari samin ni Athena. Halos araw araw akong nagmamakaawa sa tapat ng pamilya ni Bee para
lang hinde na siya madamay tapos nabaliwala lang. amp.
“Bakit nandito ka na naman?” napalingon ako sa may likuran ko at nakita si Bee na nakatayo. Umupo
siya sa sofa na malayo sa tabi ko.
“Sabi kasi ni Tita nakalabas ka na raw ng ospital. Ok ka na ba?”
“Ok naman ako ah. Sila lang naman nag papakumplikado eh.”
“Bakit ba ayaw mong magpagamot? Diba napagusapan na natin to dati? Na mag papagamot ka?? Ano
na naman bang problema?”
“Wala. Bakit? Anong akala mo? Dahil sayo kaya ako nagkakaganito? Kenji.. kilala mo ako.. papaya ba akong bumalik ka kay Athena kung alam kong may something pa satin?” napailing siya, “Pinilit ka ba nila mommy? Sinaktan ka na naman ba ni kuya?”
“Hinde.. walang pumilit.. walang nanakit. Obligasyon ata talaga kita eh..”
“Huh? Eh si Athena? Ok lang ba sa kanya?” Si Athena na naman.
“Oo. Tss. Bakit naman siya hinde papabor dun.. eh pinili na niya si Lucas.”
Napatingin bigla sa akin si Bee. Parang nagulat siya sa sinabi ko. Kahit naman sino magugulat eh. Sa lahat ba naman ng piliin niyan ni Athena si Lucas pa! tss. Walang kwenta.
“Si Lucas? Sigurado ka ba?” tumango ako, “Baka naman may dahilan siya kung bakit niya yun ginawa?”
“Oo si Lucas. Dahilan? Anong dahilan? Wala akong maisip na ginawang mali sa kanya simula nung
naging kami ulit.. Ginawa ko ang lahat para lang maging Masaya siya.. Ewan ko.. ang labo na eh.”
“Oh? Sigurado ka..?” tumango ako, “Wow… Umm.. baka naman kasi.. may iba pang dahilan? Like.. may
sakit siya?”
“Mukha niya. Ewan. Bahala sila.” Yun na lang yung nasabi ko.
Nasa bahay lang ako nila Bee hanggang mga 10 ng gabi tapos pumunta ako kanila Kerb. Niyaya ko kasi silang uminom para makapagrelax man lang ako kahit papaano.
Pagkadating ko dun nagsisimula na pala sila ni Jigs uminom. May hawak na gitara si Jigs tapos si Kerb naman nag yoyosi. Matino pa kaming tatlong nag uusap. Puro plano pagtapos ng college at
“Paps.. hinde ko alam kung ano na ang nangyayari sa inyo ngayon pero gusto ko lang malaman mo na
si Athena.. hinde gagawa ng makakasakit sa tao unless kelangan niya talaga tong gawin..”
“Tsss. Sabi mo eh.” Inabutan niya ako ng beer at nagsimula na akong uminom.
Nakakarami na ako pero hinde ko alam kung bakit parang hinde ako nalalasing. Naiintindihan ko pa
bawat kwento ni Jigs at Kerb. Yung dalawa mapapansin mong may amats na dahil naglalakasan na yung
mga boses. Anak ng. hinde na talaga nagbago pa tong dalawang to! Tuwing nalalasing pang nakalunok
ng megaphone eh!
Maya maya nagging heart to heart na usapan. Si Jigs nag kwento tungkol sa kanila ni Sara. Kung gaano daw siya kasaya, yung mga pinag bago niya daw dahil kay Sara. Si Kerb naman nag kwento tungkol sa
kanila ni Mary. Amp. Ano bastusan? Ako lang mag kukwento ng malungkot na love life? Tss. Magaling.
Magaling.
Inumpisahan ko na yung pag kukwento ko. Nagulat si Kerb dahil hnde nya pa pala alam yung nangyari sa amin. Sabi niya ang alam lang daw niya magkaaway kami. Hinde raw break. Nahihiya na ba silang
ikwento kay Kerb yung ginawa nila sa akin?
Kelangan talaga ako yung lumabas na masama noh.. kelangan ganun?
“Kenji. Wala akong kinakampihan ok? Ang gusto ko lang mangyari..” uminom siya sa baso niya ng beer,
“wag mong sasaktan si Athena.. kahit anong mangyari.. wag mo siyang sasaktan..”
“Paps, hinde mo ata naintindihan yung kwento ko. AKO yung niloko. AKO yung ginag0.”
“Kahit ilang beses ka pang gaguhin ni Athena.. wag mo siyang sasaktan. Wag mo siyang babawian dahil lang nagag0 ka niya. Kahit na ilang beses ka pa niyang saktan at pagmukang gaguhin. Binabalaan kita..
wag. Pwede niyang ikamatay yun.”
Napatingin ako kay Jigs. Tumango lang siya habang naninigarilyo. Hinde ko maintindihan silang dalawa..
ako yung kaibigan nila ako yung nabiktima.. pero bakit si Athena yung kinakampihan nila?? Matagal na kaming magkakakilala pero bakit parang ako yung baguhan?
“Kenji. Hinde natin alam. Baka may sakit si Athena.. Hinde.. may sakit siya.. oo may sakit siya.. matagal na.. pwedeng bukas, ngayon o sa susunod na araw… mamatay siya dahil sa stress at pagod.. hinde narin alam.. ewan.. siguro..”
Natakot ako bigla sa sinabi ni Kerb. Kelan pa ba huling kita ko kay Athena? Ok pa kaya siya.. simula nung gabing yun hinde ko na siya nakita pa… siguro kelangan magkausap kami bukas.
“Ayusin mo na… habang maayos pa..”
------------------------------------------------
“Jigs, alam mo ba kung nasan si Athena?”
“Teka tatanong ko kay Sara… Sara! Si Athena?”
“Andun sa school niya! Pumunta dun para mag laro ng soccer! I told her not to!” pasigaw na sagot ni Sara.
“Narinig mo?”
“Oo. Sige. Salamat.”
Pumunta na ako sa school ni Athena. Bakasyon na nga pupunta pa rin siya dun. Soccer? Akala ko ba
bawal mapagod? Mastress? Pero bakit siya mag lalaro ng soccer? Diba nakakapagod yun? Naloko na
naman ako ni Kerb. Bahala na.
Tama siguro si Jigs.. ayusin ko na habang maayos pa.. Kelangan maayos na naming ni Athena to. Alam kong meron pa.. meron pa diba? Imposibleng ganun na lang kabilis nawala… meron pa.. meron pa…
Pag dating ko dun nakita kong masayang nag lalaro si Athena ng soccer kasama yung blockmates niya.
mukha rin siyang malakas dahil hinde siya umuupo para magpahinga. Tuloy tuloy lang siya sa pag lalaro.
“Athena.. wala na ba talaga? Hinde ba talaga ako yung pipiliin mo?”
Natapos na silang mag laro at dumeretso na sa may banyo. Matagal tagal rin bago sila nakalabas. Nakita ko na si Athena pati yung dalawa niyang blockmate. Mukhang ang saya saya niya.. parang wala siyang pinoproblema.
“Masaya ka ba ngayon..?” sabi ko ng mahina
Narinig ko silang naguusap ng mga kaibigan niya. tinanong nila kung bakit hinde na ako pumupunta sa school nila. Sinagot ni Athena habang nakangiti siya na wala na kami.
Masaya siya. Masaya siya sa nangyari samantalang ako nalulungkot, nagagalit naaasar. Hinde ko alam kung saan ako nagkamali kung ano yung problema.. akala ko kahit papaano maaayos pa namin to.. pero hinde na pala.
Marami akong nasabing masasakit na salita sa kanya.. hinde ko naman talagang gusto sabihin yun pero bigla na lang lumabas sa bibig ko. Galit. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Ako lang pala talaga ang nagpupumilit na meron pang pagasa kahit papaano. Ako lang din ata yung nagmahal..
“May hiya ka pa pala? Bakit sakin hinde ka nahiya?! Dapat lang naman talagang mahiya ka eh. Sa lahat ng lalaking pipiliin mo yung kaibigan ko pa. yung tinuturin ko pang kapatid! Alam mo naman na may
issue na kami dati diba?! Bakit kelangan mo pang ulitin yun?! Ano may nangyari na ba sa inyo? Magaling ba siya kaya mo siya na gustuhan?! Mas minahal mo ba talaga siya kesa sa akin!?!” hinde ko alam pero bigla na lang tong lumabas sa bibig ko. dirediretso ko siyang tinanong.
Kelangan.. maging handa ako sa sagot niya.
“OO NA OO NA! Simula pa lang si Lucas na gusto ko! Una ko pa lang siyang nakita alam kong siya
makakatuluyan ko! MAHAL NA MAHAL KO SIYA!! COMPARED TO YOU, MAS MAHAL KO SIYA! WALA
KANG SINABI PA SA KANYA! May nangyari sa amin?! OO MERON! MAGALING SIYA! HINANAP HANAP KO
YUN! KAHIT IKAW KASAMA KO SIYA YUNG NAIISIP KO! GUSTO KO SIYANG YAKAPIN TUWING NAKIKITA
KO SIYA! GUSTO KONG SABIHIN SAYO NOON PA PERO HINDE KO KAYA! AYOKO MASAKTAN SI LUCAS
DAHIL GANUN KO SIYA KA-MAHAL! MAHAL NA MA—”
Hinde ko napigilan. Nasaktan ko siya. Biglang tumulo yung luha niya. tuloy-tuloy.. hinde tumitigil.
Napaiyak ko na naman siya.. tuwing nagkakaharap kami ng magkaaway lagi siyang umiiyak.. lagi ko
siyang napapaiyak. Kelangan na nga talaga sigurong layuan ko siya.. wala na rin naman eh.
“Hinding hinde kita mapapatawad, Athena.” Yan ang huli kong sinabi sa kanya. Tapos tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya sabay tumakbo ako.
Nasabihan ko siya ng mamatay na siya… hinde ko sinasadya… pero nasabihan ko siya..
Hinde ko siya mapapatawada sa mga ginawa niya sa akin.. matagl na palang may nanagyayari sa kanila ni Lucas.. pero hinde ko napansin. Masyado ko siyang mahal.. at hinde ko alam kung kakayanin ko pa
siyang mahalin..
Nag maneho ako papunta kela Bee. Kelangan ko ng kaibigan.. hinde ko na matakbuhan pa sila Jigs at
Kerb dahil side ni Athena yung tinetake nila. Si Bee, at least alam kong pakikinggan niya ako.
Pagkarating ko dun nakita ko siya sa may garden nila, naka upo.
Bumaba ako ng kote at kumaway sa kanya. Ngumiti siya tapos tumayo para buksan yung gate.
“Bakit nandito ka na naman?”
“Namiss kita eh.” Sabay ngiti ko sa kanya
“Sinungaling.” Unti unting nawala yung ngiti ko. tapos napayuko ako. “Anong nangyari..?”
“Naramdaman ko na naman yung naramdaman kong sakit noon.. pero bakit… parang mas masakit
ngayon?”
“Ouch. Pwedeng wag ganun? Siguro kasi mas mahal mo siya? Kenji. Ano bang nangyari?”
“Wala na talaga eh. Pinuntahan ko siya para makipag ayos.. kasi sabi ni Kerb subukan ko raw..
pero…wala eh. Si Lucas talaga. Eto pa.. may nangyari na pala sa kanila..”
“WHAT?! Liar. Walang nangyari dun noh.”
“Si Athena na yung umamin. Kaya si Lucas pinili niya.. ewan ko Bee.. Nasasaktan ako na nagagalit..
hinde ko alam kung ano yung mas matimbang..” bigla na lang tumulo yung luha ko, “kanina ko pa to
pinipigilan eh. Sorry.. hinde ko na kasi talaga kaya..”
------------------------------------------------
After 2 days na-ospital na naman si Bee. Bigla lang umataki yung sakit kaya ayun, naconfine na naman siya. oras ngayon ng pag bisita ko kaya siyempre yung nag iisa kong kaibigan ngayon pupuntahan ko.
Pagpasok ko sa kwarto niya walang tao. Biglang bumukas yung pintuan at pumasok yung nurse. Nag
smile siya sa akin tapos may kinuha sa may desk.
“Miss, nakalabas na ba yung pasiyente dito?”
“Ah si Miss Tizon? Nagikot ikot lang siya. Babalik rin siya maya maya.”
“Ah ganun ba? Sige, thank you.” Lumabas na yung nurse tapos naupo ako sa may couch.
Saan na naman kaya nag punta yung babaeng yun? Masama na nga yung pakiramdam nag lalakwatsa
parin siya. ano ba yan! Tinext ko siya para mapuntahan ko na siya at ng makapalik na siya sa kwarto niya.
Habang nag lalakad ako papunta sa may smoking area nakita ko sila Jigs at Kirby nagyoyosi.
‘Bakit sila nandito’ tanong ko sa sarili ko
Wala naman silang nasasabi sa akin kaya nakakapag tataka kung bakit sila nandito sa ospital. Hinde naman pwedeng dadalawin nila si Bee kasi, hinde naman nila alam na nandito siya.
Nilapitan ko silang dalawa. Nung nakita nila ako parang medyo nagulat sila.
“Ba’t nandito ka?” tanong sa akin ni Jigs
“Bakit nandito KAYO?”
“Hinde niya ba alam?” biglang umiling si Jigs. At umiwas ng tingin sa akin. Patuloy pa rin siya sa paninigarilyo niya. “May binibisita lang kaming dalawa. Hinde mo kilala kaya wag mo ng kilalanin.”
“Ah ganun ba? Na-confine ulit si Bee kaya nandito ako..”
Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko.
From: Bee
D2 sa may parang garden.
“Sige, una na ako. puntahan ko pa si Bee eh.”
Umalis ako at nagmadaling puntahan si Bee. Nakita ko siyang naka upo sa may sahig at sa may hinde
kalayuan nakita ko si Athena.. nakawheel chair.
Kung galit siya sa akin wag na niyang idamay si Bee. Wala siyang ginagawa. Hinde ko na sila
pinapakialaman ni Lucas kaya hayaan na niya kami ni Bee.
Tumakbo ako papunta kay Abi at tinulungan siyang tumayo. “Mauna ka na muna sa kwarto, susunod na
lang ako, ok?” tapos nag madali akong mag lakad. Sinundan ko si Athena. Nag stop siya sa may lobby at nakatingin lang siya sa labas.
Tumabi ako sa kanya. Ng mapatingin siya sa akin nagulat siya bigla
“Pano mo nalaman?”
“Nakita lang kita. Bakit nandito ka?”
“Ha..may sa..—”
“Oo nga pala. May sakit ka. Pwede ka nga palang mamatay anytime. Teka, bakit buhay ka pa?”
Bigla siyang umiwas ng tingin, “Wag kang mag alala. You wont see me again.. ever.”