Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
yung ngayon.. pag sinabi ko pa sa kanya yung sitwasyon ko baka hinde na niya makayanan pa..
Ano na ang gagawin ko? Hinde ko na talaga alam yung dapat kong gawin. Parang habang tumatagal
pasakit ng pasakit, pahirap ng pahirap.. tumitindi lalo yung laban.. kelangan maging malakas ako para sa aming dalawa. Hinde kaya ni Kenji yung nangyayari kaya kelangan kayanin ko to para sa amin.
Pero bakit hinde ako confident? Gusto ko na lang sumuko.. gusto ko ng bumitaw..
--------------------------------
“Athena? Ano ba.. dalawang araw na tayong hinde nag kikita.. hinde mo pa ako kinakausap.. ano ba..
may problema ba?”
“Wala.. gusto ko lang magconcentrate muna sa school.”
“Kaya ba wala ka ng time sa akin? Pupuntahan kita dyan ngayon.”
He ended the call.
“Athena, tell me honestly, do you still love Kenji?” I nodded. “Then why the heck are you avoiding him?? This is so not you.”
“Ah mol la mol la.” *I don’t know I don’t know.+
“Tell Kenji to see me before he goes ok? Nakela Jigs lang ako.” Lumabas na si Sara at pumunta na kela Jigs. Wala kasing pasok kaya nandito. Pffft.
Maya maya narinig ko na si Kenji. Lumabas ako at sinalubong siya sa may gate. Niyaya ko na lang siya mag lakad lakad dahil hinde kami pupwedeng magstay sa bahay at nandun si Carlo, Kuya Nate at Mom.
Hinde ako nagsasalita dahil natatakot ako sa mga pwede kong masabi. Siya rin hinde nagsasalita. Alam kong may gusto siyang itanong pero ayaw niya lang magsalita.
Siya na yung unang nagsalita, “galit ka ba sa akin?” huminto siya sa pag lalakad tapos humarap sa akin.
Nakita ko yung pasa niya sa labi. Tinakpan niya to ng kamay niya tapos nag smile siya. “Wala lang to. Na sobrahan yung pag lalaro namin nung blockmate ko kaya ayun napalakas.”
Hinawakan ko yung kamay niya tapos tinanggal yung pagtakip niya sa sugat. Binitawan ko yung kamay
niya tapos hinawakan ko yung mukha niya. Nakita kong may pasa pa siya sa may kabilang pisngi kaya
hinawakan ko rin yung part na yun.
Nasuntok na naman siya.. ano bang mali sa ginawa ni Kenji? Hinde ko maintindihan kung bakit ganun na lang yung galit nila..
“Masakit pa ba?”
“Hinde masyado.. Ano ka ba, ok lang ako.” Hinawakan ko yung mukha niya then I kissed his wounds. I hugged him. “Athena.. bakit? Sabi ko naman na ok lang ako eh..”
“Nahihirapan ka na siguro.. sorry..”
“Kaya ko pa..”
Pumunta kami sa bahay niya tapos nag laro kami ng Xbox. Gusto niya rin na dun ako matulog dahil daw hinde raw kasi ako nagpakita ng dalawang araw! Halos daw mamatay siya dahil na-mimiss niya ako.
Kenji.. pano na lang pag matagal akong nawala.. kelangan kayanin mo..
Habang kumakain kami ng dinner narinig namin na may nag doorbell. Tumayo si Kenji tapos lumabas
para tingnan kung sini yung nagdoorbell. Tumayo ako para sumilip sa may pintuan. Nakita ko si Kenji nakatayo sa may gate tapos may middle aged na babae sa tapat niya
“Kenji.. nag mamakaawa ako sayo..” lumuhod bigla yung babae sa tapat ni Kenji, “wag mo ng iwanan
yung anak ko.. ayaw niya talaga magpaopera… ikaw lang makakapilit sa kanya.. please… Kenji. Nag
mamakaawa ako sayo.. Iligtas mo si Athena..”
Hinde na naman ako makagalaw sa kinakatayuan ko.. mom na ni Abi yung lumuluhod.. ayoko ng
mahirapan pa si Kenji.. ayoko na siya masaktan pa ng dahil lang sa akin..
Bumalik ako sa may dining room at tinuloy ko yung pagkain ko. Medyo natagalan sa pagbalik si Kenji.
Naiintindihan ko naman kung bakit eh. .pero ang hinde ko maintindihan ay kung ano na ang dapat kong gawin… Ayoko siyang i-give up.. pero alam kong nahihirapan na siya.. Kaya siguro.. kelangan ko siyang igive up.. I have to.. I must give up.
After 10 minutes bumalik na si Kenji. Nakayuko siya as he entered. Nung nakita niya ako nag smile siya..
but it was a weak smile.
“Ok lang ba kung mauna na ako sa kwarto? Iwan mo na lang yung mga plato dyan.. Sunod ka na lang sa kwarto ko pag tapos ka na kumain, ok?”
“Sige. Huhugasan ko na lang yung mga pinag kainan natin tapos susunod na ko sa loob.” Tapos nag
smile ako sa kanya
Tumango siya tapos dumiretso na sa kwarto niya.
Dinala ko yung mga pinag kainan namin sa may kitchen para hugasan na to. Pagtapos ko mag hugas
pumunta muna ako saglit sa may living room para mag-isip.
“We can still be friends right? I can still love him and he can, too.” Sigh. “the only thing is… we’re not committed. There’s no commitment.”
Think Athena, think.
Can I live without the happiness? Can I live with that sadness?
I’m willing to sacrifice my happiness, my love, myself.. for the sake of Kenji.. the man that I love most.
Kahit alam kong magagalit siya sa gagawin ko, I’d still do it. Kung kami, kami.
Kumuha ako ng paper and pen. May sinulat ako sa paper then tumayo na ako tapos umalis na ng bahay
ni Kenji.
Nung nasa may park na ako, kinuha ko yung cellphone ko sa pocket ko tapos dinial yung number ni
Kenji.
Napag desisyonan ko na. Love is sacrifice, right?
“Manura~ odinya?” naiiyak na ko.. mianhae nampyun… *wifey.. where are you?; I’m sorry hubby..+
“Bakit gising ka pa?”
“Iniintay kita pumasok..” tinakpan ko yung bibig ko. Naiyak na ko bigla. Ang tagal ko bago magsalita.
Pinipigilan ko yung pag iyak ko. Ayokong marinig niya to.
“Sira ka talaga.. matulog ka na.”
“Nasan ka ba?”
“Nasa kabilang kwarto. Natatakot ako baka kasi rapin mo ko eh.” Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto
“Wala ka naman sa kabilang kwarto eh. Nasan ka ba talaga?”
“Nasa likod mo.”
“Ako ba pinag lololoko mo?! Ano ba.. asan ka nga?”
“Joke lang. Nasa may likod.” Nakarinig na naman ako ng pag bukas ng pintuan
“Athena nasan ka nga? Seryoso.. magpakita ka na sakin.. kelangan kita ngayon..”
“Pumasok ka na lang sa kwarto. Susunod na lang ako..”
“Umiiyak ka ba?”
“Sinisipon lang. Malamig kasi sa labas eh. Umaambon..” napatakip ulit ako ng bibig ko. Nasabi kong nasalabas ako ng bahay.
“Nasa labas ka ba? Teka puntahan kita dyan.”
“Apasuh.. jookulguht gatneyo.” *it hurts so bad, it’s like im dying..+
“Ano ba pinagsasabi mo? Hinde kita maintindihan..”
“Sorry..”
“Ano to…. I love someone else and I wanna be with him. Sorry.” Mahina niyang sinabi, “Ikaw ba
nagsulat nito?? Hinde diba?”
“Ako..”
“Hinde. Imposible. Asan ka ba? Dyan ka lang. Haanapin kita ok? Intayin mo ko!”
Binabaan na niya ako.
“Wag mo na akong hanapin.. mas makakabuti sayo yun..”
Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin nakita ko si Lucas naka upo sa may gutter at may hawak na
payong. Nung nakita niya ako napatayo siya. Hinde ko na napigilan yung sarili ko. Umiyak ako at niyakap ko si Lucas.
“Hinde kasi ako mapakali kaya pumunta ako dito.. tahan na..”
“Mianhae.. mianhaeyo.. mianhae Kenjiya..” niyakap ko ng mahigpit si Lucas, “Kenjiya.. saranghae..”
*I’m sorry Kenji; I love you Kenji+
“Alam ko.. alam ko.. tama na..” naramdaman kong dahan dahang tinatanggal ni Lucas yung pagkayakap
niya sa akin, “Athena.. si Kenji..”
Unti unti akong bumitaw at tumingin sa likuran ko. Nakita ko si Kenji naka tayo nakatingin siya sa amin ni Lucas, hinihingal. Hawak niya yung papel na may sulat ko pati yung cellphone niya. wala siyang suot na slippers.
Tinuro niya si Lucas, “Siya ba?” hinde ako sumagot, “ATHENA SIYA BA?!?!”
Hinde ako makapagsalita dahil patuloy parin yung pagiyak ko. Hinde ko rin alam yung sasabihin ko sa kanya. Hinde.. hinde si Lucas.. Negen nappuniya.. [you’re the only one to me.+
Hinawakan ni Lucas yung right hand ko, “Oo ako nga.”
Napatingin ako kay Lucas. Seryoso yung mukha niya.
“Hinde ikaw yung kinakausap ko kaya wag kang sumagot. Athena, siya ba?! Siya ba yung tinutukoy mo
dito sa sulat??” nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak. Crinumple niya yung paper tapos binato niya, “T*NG*NA WAG KANG UMIYAK SUMAGOT KA!!! SIYA BA?!?”
“Athena, lakasan mo yung loob mo. Wag kang matakot.. nandito ako sa tabi mo..” sinabi sa akin ng
mahina ni Lucas.
“T*NGNA SINABI NG WAG KANG UMIYAK EH! SUMAGOT KA! SIYA BA?!” lumapit siya sa akin tapos
hinawakan niya ako sa magkabila kong braso, “Ano!?!? Siya ba?!”
Dahan dahan akong tumango. Hanggang sa tuloy tuloy kong ginawa yung pagtango. “Mianhae..
mianhae.. mianada..”
Unti unti niya akong binitawan tapos napangiti siya. ibang klaseng ngiti.. “ha.. ha.. hinde ako
makapaniwala.. haha.. t*ngna siya na naman. Bakit ba laging ikaw na lang Lucas? Ha??” tapos bigla
niyang sinuntok si Lucas
Hinawakan ko siya sa may braso para pigilan siya. “Wala siyang kasalanan!!! Kenji, AKO! Ako unang
nagkagusto sa kanya! Hinde niya ako pinilit..”
Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya, “Ganito pala yung feeling.. haha… eto pala yung na-feel mo nung ginawa ko sayo dati.. hahaha.. nasaktan ka.. nasaktan ako.. pero bakit parang mas masakit yung sakin.. haha..”
“Mianada…” lumuhod ako sa tapat niya habang nag sosorry. Hinde ko mapigilan yung luha ko.
Nanghihina na ako sa mga ginagawa ko.. *I’m sorry..+
“Sabi mo eh.” Tumalikod na siya sa aming dalawa, “Wag kayong magalala. Hinde ko to isasapuso.”
Palayo na siya ng palayo sa amin at palakas na rin ng palakas yung ulan. Tinulungan akong tumayo ni Lucas, humarap ako sa kanya at nag sorry. Pati tuloy siya nadamay. Hinde ko na talaga alam pa ang
gagawin ko. Bakit lahat ng tao sa paligid ko nasasaktan? Bakit lahat sila nahihirapan?? Ayoko na.. Hinde ko na rin kaya..
“Wag ka ng umiyak.. makakasama sayo yan.. Hinde ko alam yung nangyari pero naiintindihan kita..
Magiging ok rin ang lahat.. just be strong..”
Pumunta kami ni Lucas sa may condo nila Grace sa manila. Alam ko kasing dun na sila dumiretso
pagkagaling sa bahay nila. Sinabi namin ni Lucas na kami na, kahit hinde. Alam kasi naming makakarating sa kanila yung nangyari kanina kaya kami na mismo yung nag sabi sa kanila..
Mami nomoo apa.. jungmal nomu apa.. [my heart hurts.. really hurts so much..]
---------------------------------------------
Bakit ganun, tuwing magchchristmas akong nasasaktan? Ilang days na lang at Christmas na. Simula nung nagalit siya, hinde na kami nagkita. Hinde na niya kami kinakausap ni Lucas.. hinde na siya nag papakita kela Jigs at Kirby. Dahil sa akin, mukhang masisira yung pagkakaibigan nilang lahat. Dahil sa akin..
nasasaktan sila.. dahil sa akin, kaya kami nag kakaginito.
“Pikachu.. masama ba ko?”
“Oo. Bakit?” walang dalawang isip na sinabi ni Carlo
“I thought so.”
“Bakit parang hinde pumupunta si Kenji dito? Diba gusto nun araw araw kayong magkikita? Hinde ka
ba nasusuka sa pagmumukha nun? Ako kasi umay na umay na eh.”
Napating ako sa kanya, “Hinde na yun pupunta pa dito.. nasaktan ko siya ng sobra sobra kaya hinde na siya mag papakita pa sa akin..”
“Ang labo niyong dalawa. Ibang klase kayo. Parang habit niyo ang saktan ang isa’t isa eh. Pero kung ano man yung pinag awayan niyo.. sana maging ok na kayong dalawa. Hinde makakabuti sayo yan.”
“Mas ok na siguro tong ganito.. ah molla molla!!” *I don’t know I don’t know!!+
“Uhm.. Ate.. have you decided?”
“Decided about what?”
“Reconsidering the oper—”
“No.” tumayo ako tapos nag punta na ng kwarto.
Yun na naman.. kelangan laging masingit sa usapan yung bagay na yun. Ayoko. Wala silang magagawa
kung ayoko talaga.
---------------------------------------------
“What the heck is wrong with you?! You cannot play soccer!!”
“Ya! I’ve been playing it since yesterday! Look, nothing happened! I’m still alive, right? Stop nagging.
The game will start in a minute. I’m hanging, bye.”
Wala namang masama diba kung gusto ko talaga mag laro? Dito ko na nga lang nirerelease yung stress ko eh. Exercise na rin to for me.
“Athena tara na!” sabi nung blockmate ko.
After nung game namin, hinde ako makapaniwala na nakakapag laro ako ng soccer. Of course hinde ako nag sasabi sa bahay at alam kong hinde nila ako papayagan. Si Sara pa lang ibang klase na magalit ano pa kaya yung mga kasama ko sa bahay ngayon?
Hinde ko maexplain yung feeling ko pero, ang saya ko pag nag lalaro ako. Hinde ko naiisip na weak ako at may problema ako. Yun nga lang bumibilis talaga yung heart beat ko. Normal lang naman yun diba
pag napapagod? Parang medyo masikip dibdib ko eh.. medyo pa lang naman eh..
Paglabas ko ng banyo narinig kong tinatawag ako nung blockmates ko. Sabay sabay kaming lumabas ng
gym.
“Athena, napansin ko lang ha.. bakit hinde na pumupunta dito yung boyfriend mo? Pati.. si Lucas..
parang sobrang close ata kayong dalawa..”
Napangiti ako sa kanila, “Break na kami ni Kenji eh.”
Bigla silang napatingin sa akin, “BREAK NA KAYO?! BAKIT?!”
“Ganun talaga.” Simpleng sagot ko.
Napahinto si Jenny sa pag lalakad, “Athena.. yung.. Kenji na sinasabi mo.. diba yun yung medyo maputi tapos gwapo? Yung mukhang koreano..? Basta yung nagpupunta dito palagi..”
Napahinto rin kami dahil kay Jenny.
“Ha? Koreano talaga yun. Bakit mo natanong?”
“Kasi.. ayun siya oh..” naramdaman ko yung pag bilis ng tibok ng puso ko nung sinabi ni Jenny na
nandito si Kenji.
Dahan dahan akong lumingon sa lugar na tinuturo ni Jenny. Nakita ko si Kenji na palapit ng palapit sa amin. Bakit ganun parang pinagpapawisan ako ng malamig.. pati parang medyo nasusuka ako..
kinakabahan ata ako..
“Bakit hinde mo sabihin sa kanila yung dahilan kung bakit tayo nag break? Nahihiya ka ba sa ginawa mo?” natawa siya bigla, “mahirap bang sabihin na pinag palit mo k okay Lucas? Na nagbago yung isip mo at si Lucas yung pinili mo? O baka nahihiya kang sabihin na nang two-time ka?”
Napatingin ako sa mga kaibigan ko tapos nagsmile na lang. tinap nila ako sa balikat ko para i-comfort.
“Kelangan niyo atang mag usap. Mauna na kami Athena. Intayin ka na lang namin sa may cafeteria
ok?” nag nod ako sa kanila. Habang nag lalakad sila nag umpisa na naman si Kenji na mag salita
“Oh bakit hinde mo pa sinabi sa kanila yung dahilan? May hiya ka pa pala. Grabe. Hinde mo ba kayang ipakita sa kanila yung tunay na Athena?”
Hinde ko na mapigilan yung sarili ko. Nasasaktan na ako masyado sa mga pinag sasabi niya. Kasalanan ko to, alam ko, pero hinde niya ako kelangan ipahiya sa mga kaibigan ko. Sobra sobra na yung ginawa kong sacrifice pero ganito parin nangyayari. Wala ng tamang nangyayari sa buhay ko.
“Tama na Kenji. Nakakahiya sa mga taong nakakarinig..” nag simula na akong mag lakad.
Nararamdaman kong sumasakit na yung dibdib ko dahil sa sobrang pagpigil ng galit.
“May hiya ka pa pala? Bakit sakin hinde ka nahiya?! Dapat lang naman talagang mahiya ka eh. Sa lahat ng lalaking pipiliin mo yung kaibigan ko pa. yung tinuturin ko pang kapatid! Alam mo naman na may
issue na kami dati diba?! Bakit kelangan mo pang ulitin yun?! Ano may nangyari na ba sa inyo? Magaling ba siya kaya mo siya na gustuhan?! Mas minahal mo ba talaga siya kesa sa akin!?!”
Hinde ko na kaya to! Hinde niya ako titigilan hanggang hinde ako sumasagot. Pinipigilan kong sabihin sa kanya na para rin sa kanya yung ginawa ko. Hinde siya maniniwala, at ayoko rin talaga ipaalam. Para san pa yung sacrifice ko kung ako mismo yung bibigay diba?
“OO NA OO NA! Simula pa lang si Lucas na gusto ko! Una ko pa lang siyang nakita alam kong siya
makakatuluyan ko! MAHAL NA MAHAL KO SIYA!! COMPARED TO YOU, MAS MAHAL KO SIYA! WALA
KANG SINABI PA SA KANYA! May nangyari sa amin?! OO MERON! MAGALING SIYA! HINANAP HANAP KO
YUN! KAHIT IKAW KASAMA KO SIYA YUNG NAIISIP KO! GUSTO KO SIYANG YAKAPIN TUWING NAKIKITA
KO SIYA! GUSTO KONG SABIHIN SAYO NOON PA PERO HINDE KO KAYA! AYOKO MASAKTAN SI LUCAS
DAHIL GANUN KO SIYA KA-MAHAL! MAHAL NA MA—”
Naputol yung sinasabi ko dahil bigla niya akong sinampal. Bigla ng tumulo yung luha ko. Tuloy tuloy na siya sa pag tulo. Ang sakit sakit na.. hinde ko na talaga kaya.
“Nag punta ako dito hinde para pahiyain ka.” Nakita kong umiiyak na rin siya, “sinabi sa akin ni Kirby na may sakit ka daw at baka ngayon nahihirapan ka na. pero nung makita kita naisip kong baka hinde pa alam ni Kirby yung nnagyari, dahil ang lakas lakas mong naglalaro ng soccer. Ayoko talagang pumunta dito. Pero bigla akong pumunta. Sabi niya kasi pwede ka raw mamatay.”
“Naniwala ka naman? Tss.”
“Oo. T*nga ko eh. Utu-uto ako pag dating sayo. Pero hinde parin kita mapapatawad. Ngayong nalaman
ko na talaga yung totoo.” Tumawa siya bigla, “mamamatay ka? MABUTI PA NGA! Dapat lang na
mamatay ka! Wala ka ng karapatan pang mabuhay, alam mo yun? Kung mamamatay ka nga siguro
parusa yun sayo! Sa mga pinag gagagawa mo! Pinag laban kita.. ginawa ko lahat ng kaya ko para lang maprotektahan ka pero anong ginawa mo? T*ngna. T*nga nga talaga ko.” Tumalikod na siya sa akin. At nag simula ng maglakad.
“Oo.. mabuti pa talaga sigurong mamatay ako.. mas makakabuti pa yun sayo..mas magiging masaya ka
siguro.”
Napahinto siya sa paglalakad. Hinde siya lumingon sa akin, kahit isang tingin hinde niya ginawa.
Nakatayo lang siya.
“Talaga. Sinabi mo pa. Matutuwa talaga ako. Kahit lumuhod ka pa sa tapat ko para lang samahan
kitang mamatay, wag mo ng gawin. Hinding hinde kita mapapatawad, Athena.” Pagtapos ay naglakad na siya papalayo.