Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
“Wow! CLASSIC!” sabi ni Sara
“Bakit naman yun pa?! Ang hirap kaya nung lines dun!! Jusko!! Baka naman sumakit ulo nung
makakasama sa cast!”
“Hinde naman yung mismong Romeo and Juliet eh. Ganung style lang pero tayo bahala sa mangyayari.
Of course kelangan sundin natin yung tragic na ending at yung forbidden love.” Paliwanag ni Axis na president ng class
Nakita kong napangiti si Athena tapos umiling.
“Forbidden love parin? Ano ba yan.” Napakamot ng ulo si Jhana tapos umupo na sa silya niya.
Nagdiscuss na sila ng tungkol sa magiging play hanggang sa dumating na yung teacher. Nagbalikan na sila sa kanya kanya nilang upuan. Nung lumabas yung teacher para bumalik sa faculty room nagsimula na naman silang mag usap para sa play.
“Kung forbidden love lang ang pinag uusapan..” napatigil sila sa pag sasalita at iniintay yung kasunod na sasabihin ni Angelie, “edi si Athena na yung gaganap na Juliet. Forbidden love na rin naman yung situation niya ngayon eh.. pati nakita niyo naman siya umarte kanina diba?? pang best actress eh!
tumigil mundo ng lahat!”
Nagpalakpakan yung mga kaklase namin. napatingin ako sa likod para tingnan yung reaction ni Athena.
nakanganga lang siya at hinde alam yung sasabihin niya
“Teka!! ang daya!! Kakatapos ko lang panoorin yung One Tree Hill season 2 kagabi kaya namemorize ko yung mga linya! Ano ba!! Wag naman kayong ganyan!”
Tumayo si Patrick, “Brooke Davis, sige na! Minsan lang naman to eh.. pati new student ka oh! Dapat pumayag ka! Pati yung pinaplot ni Grace na story bagay sayo eh. Korean yung Juliet!”
Napangiti ako dahil si Grace pa yung gumagawa ng plot nung story. Si Athena naman hinde na maka
tanggi dahil kay Grace pati nagbotohan yung class na siya yung magiging Juliet.
Nung dumating na yung teacher tinanong niya na kami kung alam na namin yung tungkol sa play.
Diniscuss niya ulit yung tungkol dun para daw mas maintindihan namin.
“So, since you’re doing Romeo and Juliet.. have you decided on your protagonists?”
“Yes.” Sabay sinabi nung iba naming classmates,
“Athena will be doing Juliet’s part.” sabi ni Mej
Napatingin si Ms. Fernandez kay Athena, “Are you going to do it Ms. Dizon?” tanong nung teacher namin
“Yes..” sabi ni Athena habang naka simangot
“Good. Then who’s her Romeo?” walang sumagot. “Anyone?”
Nagtinginan yung mga kaklase namin. Hinde pa kasi napaguusapan kung sino yung gaganap ng Romeo.
Ang napagusapan pa lang ay yung kay Juliet. Bakit ba kasi nag mamadali si mam? Pati sino ba naman
kasing may gustong magparticipate sa play?? Tapos tragedy pa ang ending! Ibang klase nga naman.
“Miss we haven’t decided on Romeo’s part. We will just inform you if the casts are final by the end of this week.” Sabi ni Axis
“But you should already have at least two characters.” Napatingin si Ms. Fernandez sakin, “Why don’t you do it Mr. Lazaro?”
“I was assigned to film the play, Miss. I can’t do things at the same time.” Napatingin sa akin yung mga kaklase namin. Yung katabi ko binatukan pa ko. Pakshet. Hinde ako pwedeng maging Romeo!
Tumango si Miss tapos tumingin tingin na naman sa iba kong kaklase. Maya maya napatingin siya kay
Kenji na nakatingin sa may bintana.
“Then I suppose Mr. Delos Reyes..” napatingin sa kanya si Kenji
“Huh?” nagtatakang tanong niya
“You wouldn’t mind being Athena’s Romeo, would you?”
Lucas’ POV
“My GOD! bakit ba kelangan ako pa gumanap ng Juliet?? Just because I grew up in Korea doesn’t mean I have to play the part of Juliet! TEKA!! hinde naman lumaki sa korea si Juliet ha!! Si Grace naman kasi gagawa gawa pa ng plot! OH MY GOD! And F-Y-I what does it have to do with my ‘forbidden love’???
Ako lang ba yung taong may ganung klaseng drama?? Pati bakit naman si Kenji pa?? Pwede namang si
Kirby o Jigs o Axis o kung sino pang lalake sa classroom natin! BAKIT SIYA PA!! BAKIT?? GOD! OK NA KO
EH.. OK NA EH!!! AAAH!!”
Eto na naman si Athena. Simula nung araw na inassign siyang maging Juliet lagi na siyang nag rereklamo.
Kesyo daw bakit siya eh madami naman daw pwede, bakit pa daw siya pumayag, bakit daw si Grace
yung gumagawa ng plot, bakit daw si Kenji.
Hinde ko na nga alam kung matatawa ako o maiirita kasi paulit ulit siya. Pero siyempre pinili ko na lang ang matawa. Hinde ko rin siya masisise kung bakit sa akin na siya madalas mag vent masyado na kasi kaming close. Umaabot na kami sa point na nag kakatablahan na kami dahil sobrang close na at sanay na kami sa ugali namin. Of course alam naman namin yung limitations namin.
“LUCAS??! Are you still there??? Hello??”
“Yep. Hay nako Athena. Siguro tadtad na ng wrinkles mukha mo ngayon noh? Nasan ka ba?”
“YA! I don’t have wrinkles. Anyway, nasa bahay ako ngayon. Ngayon ako nagpaschedule mag pa grad
pic remember?”
Oo nga pala. nakalimutan ko yung mahiwaga niyang schedule. Feb 9 - grad pic. Akala ko pa naman din isa siya sa mga katulad kong kunwari lang inaayos yung schedule. Dahil kaming dalawa ni Athena yung last na magpapapicture sasabay na ako sa kanya kasi lahat sila tapos na.
Naisipan kong paiksian yung buhok ko.. as in maiksi. Teka.. Parang semi kal pero hinde.. teka semi kal nga ata. Wala lang gusto ko lang i-surprise sila Athena. Para naman din maiba yung itsura ko. Mahaba rin halos buhok ko nung grade school pic eh. Grade 7.. haha those were the days. Wahaha grade 8 sila
Kerbiboi nun! Palibhasa mga oldies na eh. Haha yabang ba? Hanggang grade seven lang kasi yung sa
school ko dati, eh dito sila sa Southville High sila nag simula eh, kaya ayan, late na nga nagaral naggrade 8 pa. Talo pa namin nila Athena at Sara.
“YA!!!!! JOOGOOLAE?!” tinanggal ko sa tenga ko yung cellphone dahil sa lakas ng boses niya
Hay nako. Ayan na naman po siya. Tuwing nag kokorean siya parang nagiging gabi yung mundo ko tapos may mga kuwagong nag kukroo eh! Feeling ko ang tanga tanga ko kasi wala akong maintindihan sa mga
sinasabi niya. Kelangan ko na bang matutong mag Korean?
“Bakit hinde ka nag sasalita?!?”
“Athena…”
“Oh?” parang naiirita yung tono ng pag tanong niya
“Gusto mo bang.. sunduin na kita dyan?”
“Ya.. You don’t have to..” biglang naging mahinhin naman ngayon yung tono
Eto na naman ako. Bgla biglang humihirit! Minsan hinde ko mapigilan yung napakagaling kong bibig eh!
Hinde ko naman pwedeng pabayaan na lang na ganito yung nangyayari kasi baka mabigla siya tapos
layuan niya pa ako..
“Fine.. O nga pala, teacher’s day ngayon so petiks tayo after ng lunch break. Sa gym tayo nun.” sabi ko ng maayos.
“Intayin mo na lang ako sa may lounge mamaya, is that ok with you?”
“Do I have a choice?”
“None. Oh. I have a surprise for you.. I’ll see you later ok?”
Surprise? Ano kaya yung surprise niya? Baka naman pinagtritripan na naman niya ako katulad dati!
Sinabi niyang may surprise siya inabutan niya ako ng pera tapos un pala mag papabili lang siya sa akin sa baba! Eh kakaakyat ko lang from lounge hanggang 4th floor nun!
“Lucas.. you're not replying again.. Ayaw mo ba?”
“Iitayin kita.. kahit anong mangyari iintayin kita..”
“Eung. Na kkunda..” OK ALAM KO YUNG MEANING NUN!
In-end ko na yung call. WAAAAAAH! Ano na naman ba yung sinabi kong iintayin kita kahit anong
mangyari iintayin kita?!!! Shyet. Baka bigla niyang mahalata.. hinde pwede! Baka mailang siya Lucas..
makakaya mo ba yun? amp.
Parang nung isang araw.. Tinanong niya ako kung bakit hinde ko raw tinanggap yung role nung Romeo..
hinde naman sa ayaw ko yung role at ayaw kong magparticipate sa play. Siyempre ok lang naman sa akin yun lalo na at si Athena yung partner ko, pero siyempre.. alam niyo na.. tragic love story yun..
Nung sinagot ko yung tanong niya, ang seryoso ng itsura ko tapos nakatingin ako sa mga mata niya..
“Lucas!!! Bakit ako pa yung Juliet!! Bakit si Kenji pa yung Romeo!? Bakit hinde na lang ikaw!!”
napahinto siya sa pag lalakad, “Lucas.. why didn’t you take the role of Romeo..? Ayaw mo ba akong
maging partner..?”
“Ano ka ba. Hinde yun eh. Alam mo namang mamamatay yung dalawa sa dulo ng play diba?” tumingin
ako sa mga mata niya. “Mabuti sana kung yung Romeo lang yung mamamatay eh.. pero hinde eh, pasi si Juliet. Gusto nga kitang iligtas sa lahat ng pwedeng masamang mangyari sayo tapos hahayaan lang
kitang maging Juliet at mamatay? Halos kung pupwede nga lang ibigay ko yung puso ko sayo para lang maging ok ka ginawa ko na eh tapos ganun lang pala mangyayari..”
“Lucas..”
Masyado atang napadrama yung sinabi ko. Mali shyet. Bahala na nga. Gusto niya ng reason eh ayan
binibigyan ko siya.
“Ang point ko, ayokong matulad tayo sa kanilang dalawa. Gusto ko pareho tayong lumaban.. pero kung wala na talaga akong choice at naging ganun talaga.. willing naman ako eh.”
“Willing?” tanong niya sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanya at inakbayan siya., “Wala. Tara uwi na tayo.”
Nakita niyo!! Bigla bigla yung mga hirit ko eh. Na-gets niyo naman siguro kung ano yung ibig kong
sabihin. Willing.. maging Romeo niya. Potek nakakatakot na ako. Na-Athenanized na ko at hinde ko na alam kung gagaling pa ako!
2 hours na ang nakalipas simula nung nakausap ko si Athena. Nag text siya sa akin na magkita kami sa school ng 12:15 dapat daw naka shades ako. Ano na naman kaya ang pakulo niya at kelangan naka
shades pa ako?
Siyempre dahil siya ang bossing pumasok ako ng naka shades. Ano ba to napaka pormal ng itsura ko.
Suot ko yung school blazer at yung tie kelangan kasi kumpleto yung uniform para sa grad pic. Well
complete uniform naman talaga dapat kami kaya lang pasaway eh.
Saktong 12:10 ako nakarating ng school gamit ung motor ko. Dumeretso ako sa may lounge para intayin si Athena, madami ng tao kasi lunch break na. Habang nag iintay ako may nakita akong babaeng naka
shades tapos maiksi ang buhok nag lalakad papunta sa may lounge. Naka school uniform siya pero hinde ko matandaan kung kilala ko siya. Medyo parang kasing height siya ni Athena at medyo pareho sila ng katawan.
Nung napansin kong napatingin sa akin yung babae agad akong umiwas ng tingin. Ang labo ko naman.
Naka shades naman ako kaya pano niya malalaman na nakatingin ako sa kanya? hay.
“LUCAS!”
Narinig ko yung boses ni Athena kaya lumingon lingon ako sa paligid. Sa dami ng tao hinde ko mahanap kung san nanggaling yung boses. Pero nung napalingon ako dun sa babae naka ngiti siya sa akin tapos kumaway. Dahan dahan niyang tinanggal yung shades niya kaya nagulat ako nung nakita ko yung mata
niya
“Athena?!” nagmadali siyang lumapit sa akin
Naka make-up na siya pero light lang. Tamang tama lang yung pagka make-up sa kanya hinde
masyadong exaggerated.
“Bakit ganyan buhok mo?!” sabay naming sinabi
“WOW! / OMG” hahawakan ko na sana yung buhok niya pero naisip ko na baka magulo lang, “BAGAY!”
Nagsmile siya sa akin ng malaki, “bagay rin sayo yung buhok mo! grabe!! Parang plinan tuloy natin ito kasi pareho tayong bagong gupit eh!”
Nag smile ako sa kanya, “Pakialam ba nila?! Tara na. Pa-pic na tayo para matapos na to.”
Nagnod si Athena, sinuot niya yung shades niya tapos nag punta na kami sa photography room. Habang nag lalakad kami pinag titinginan kami ng mga tao, akala siguro nila new student kami kasi bago kami sa paningin nila.
Nung natapos na ako picturan tinanong kami nung photographer kung gusto daw ba naming
magpapicture na magkasama, ngumiti si Athena tapos hinila ulit ako sa may tapat nung camera. Pinag pose niya kami ng mag bf/gf. Naka upo kaming dalawa tapos nakaakbay ako kay Athena, yung ulo
naman ni Athena medyo parang nakasandal sa balikat ko, yung isang kamay ko naman nakahawak sa
right hand ni Athena. Parang sa drama kami nag popose pero hinde. Nung natapos na sabi nung
photographer isasama na lang daw niya yung sa folder ng picture namin.
Palabas na sana kami ng photography room ng bigla niyang sinabing bagay kaming dalawa at sana daw
magkatuluyan kami pag laki.
“Bagay pala tayo eh.” asar sakin ni Athena. tumingin ako sa kanya tapos nakangiti siya
“Sa tingin mo bagay tayo?” ngumiti ako tapos tumingin ulit sa dinadaanan namin, “wag kang mag
alala.. hinde ko naman sineseryoso yung sinasabi nila eh..”
“Don’t worry I’m almost there..” nung napatingin ako sa kanya ngumiti lang siya tapos tumingin na sa dinadaanan niya.
Isa na naman ba yung linya sa mga napapanood niya? Hinde na nakakatuwa.. baka seryososhin ko na
pag humirit pa ulit siya..
Bumili lang kami ni Athena ng candy sa skyline tapos umakyat na kami ng classroom para sa practice ng play. Sa may hallway pa lang naririnig na namin yung malakas na tugtog.
“My god. Kirby’s favorite song.” Sabi ni Athena habang tumatawa
Binuksan ko yung pintuan tapos lahat sila napatingin sa aming dalawa. Hinde sila nag sasalita at
nakatingin lang sila sa aming dalawa. Lumapit si Sara kay Athena at si Grace naman lumapit sa akin.
“Kelan ka nagpagupit?” tanong ni Grace sa akin at ni Sara naman Kay Athena habang hawak niya yung
buhok ni Athena
“Kanina.” Sabay naming sinabi ni Athena. Nag katinginan kami at ngumiti sa isa’t isa.
Nagusap si Sara at Athena syempre para na naman kaming nasa Korea dahil nagkokorean sila. Mukha
namang normal yung pinag uusapan nila kasi yung expressions nila parehong pareho.
“Ji Yeon unni arrived this morning. She did my make-up and my hair.”
“Ya~ no wonder.. Ji Yeon unni’s touch is so awesome. OMG! I JUST NOTICED THAT YOUR HAIR IS SO
FREAKING SHORT! AND I LOVE IT!”
“I know! She’s gonna transform you tomorrow for your CF, right?”
Tapos nag Korean na naman sila pagkatapos nung sinabi ni Athena
“I’m gonna tell her to cut my hair, too! Hmp! Like yours!” nagfold si Sara ng arms niya tapos tumalikod kay Athena
Natawa kami sa inasta ni Sara dahil para siyang bata.
“Ayos ah. First time ata na maiksi ang buhok ng gaganap ng Juliet.” Sabi ni Terrence.
“Mismo! Magiging legacy to ng 47 boy!” sabi naman ni Joseph.
“Babes naman anong pumasok sa isip mo at nagpakalbo ka?!” tanong naman sa akin ni Jigs “Mas bagay
sayo yung mahaba eh!! Mukha ka tuloy gangster!!”
Ngumiti ako kay Jigs tapos ginulo yung buhok niya at umupo sa may bandang likuran.
Tumayo si Kirby sa kinauupuan niya tapos ngumiti, “Pano ba yan Athena, kelangan sabayan mo ako sa
pag sayaw.”
May plinay si Kirby sa ipod niya tapos hinila niya si Athena sa may platform. Nagsimulang sumayaw si Kirby, si Athena naman hinila si Sara tapos sumayaw na din silang dalawa.
Narinig ko na tong kantang to hinde ko lang matandaan kung saan. Nung narinig ko na yung unang linya naalala ko na madalas patugtugin ito sa bahay nila Athena. Pinilit niya pa kami nun ni Kirby na gayahin yung sayaw. Ayun nga at halatang na memorize na ni Kirby yung steps.
Bumukas yung pintuan sa may veranda at nakita ko si Kenji na pumasok ng classroom. Umupo siya sa
may tabi ko at pinanood sila Athena sa pag sayaw.
“Ayos ha. bagong gupit kayo pareho.”
“Nagulat nga rin ako eh.”
Bigla kaming natawa dahil si Kirby bigay na bigay sa pag sasayaw niyanag lilip synch pa siya. ano ba to nagiging bading na ata si Kerbiboi eh.
“OMONA! DASHI HAN BEON MALHAE BWA”
“Tell me tell me tetetetetetell me!”
“Narul saranghandago nal gidaryowattdago!”
“Tell me tell me tetetetetetell me!”
“Nega pilyohada malhe malhejwoyo”
“Tell me tell me tetetetetetell me!”
“Jakguman dutgo shipeo gyosok nege malhejwo”
“Tell me tell me tetetetetetell me!”
“Ggumi anirago malhe malhejwoyo…”
[a/n: lyrics lang yan. If you wanna know the translations then google niyo na lang. Tell me by Wonder Girls
Nagpalakpakan yung mga tao sa classroom pagtapos ng sayaw nila Kirby. Halos lahat nung lalaki pinag babatukan si Kirby dahil sa ginawa niya. Sayaw pambabae amp!
“Langya paps ang alam mo lang ‘tell me tell me’ hinde ka man lang nag Korean!”
“Kaya na nilang dalawa yun! hinde ko nga naintindihan yung kanta eh. Basta alam ko lang sayawin!”
sabay tawa ni Kirby.
Nagsimula na yung practice. Mapapansin naman kung may ilangan kay Kenji at Athena kasi nag iiwasan sila ng tingin. Pero din a katulad nung dati, nakakangiti na si Athena sa harap ni Kenji, nakakapag biruan na sila kahit papaano pero siyempre hinde parin natin alam kung ano yung tunay na nararamdaman