She's Dating the Gangster (33 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
2.67Mb size Format: txt, pdf, ePub

“Shiruh. Ah. Ya. Let’s just talk later..” *No.+

“Why? Are you with Kenji? Is he beside you?”

“Mm-hm. You wanna talk to him?” I joked

“No! Tss. Merry Christmas to him. Glad to hear that you’re still together.. cause if not then I’m going to fly over there and take you back here in Korea with me.” Hinde ko alam yung sasabihin ko sa kanya..

alam kong gagawin niya nga yun pag sinabi kong wala na kami..

“Komawuh..” narinig ko siyang huminga ng malalim. *thanks+

“Let’s hang up then. He might get mad at you right now because you’re talking to me.”

“Chi. He’s not like that. Ah maja! Sengil chukhaeh, oppa.” *oh yeah, happy birthday, oppa.+

“Komawuh gongjooya.” *thanks princess+

“Na kkunda.” *I will hang up now+

I ended the phone call. Nung tumingin ako kay Kenji nakatingin pa rin siya sa akin.

Nag smile ako sa kanya, “It’s Tae Sung oppa. It’s his birthday today. Merry Christmas daw pala.” Nag smile siya sa akin tapos nag nod. Napatingin ako sa watch ko, eksaktong 12 am na. Narinig ko na rin na nag ggreet na yung mga tao ng merry Christmas.

“Merry Christmas..” tapos nag smile ako sa kanya.

Lumapit siya sa akin, he kissed me on the lips then he hugged me. Hinde ko alam yung gagawin ko, hinde ako nakapag react kaagad dahil ang bilis nung pangyayari. Nananaginip ata ako..

Narinig ko siyang huminga ng malalim,“5 minutes lang.. pwede mo rin ba akong yakapin? 5 minutes lang talaga.. kahit mag alarm ka pa.. promise.. hinde ako lalagpas sa limang minuto..” hinde nga ako na nanaginip. Totoo yung mga nangyari kanina..

I nodded slowly. Dahan dahan ko siyang niyakap.. ng mahigpit.

Hinde niya alam kung gaano ko to katagal gustong gawin. I missed this. I wanted him to hold me tight.. I freakin’ longed for this warmth for so long.. I still love him..so much. Kung alam lang niya..

Sa sobrang tuwa ko naiyak na naman ako. Lahat ng hatred at anger ko nawala dahil lang dito sa hug na to. Hanggang kelan kami mahihirapan? Hanggang kelan kami mag titiis? Na-ffeel kong may pakialam pa rin siya sa akin, na fifeel kong mahal niya pa rin ako. na namimiss niya rin ako gaya nung pagka miss ko sa kanya..

“5 minutes na.. Merry Christmas..” nag sigh siya, “…ano ba to.. hinde ako makahinga..” dahan dahan niyang tinanggal yung paka hug niya sa akin.

‘I can’t breathe..’ I thought to myself.

“Tara puntahan natin sila sa labas..” tumayo ako tapos hinawakan niya yung kamay ko.

“Kahit ngayon lang..”

Ngumiti ako sa kanya tapos nag nod. Nag lakad kami papunta sa garden as if para kaming bagong

couple. Nag exchange kami ng smiles tapos hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.

Pagkalabas namin binati kaagad kami ng mga tao. Yung mga pinsan ko inaasar kami ni Kenji. Para daw kaming bagong kasal. Parents ko naman nag madali rin kaming lapitan tapos binati kami. Binigay nila yung gift nila sa amin tapos lumapit na sa ibang bisita.

Pinuntahan namin sila Kirby, nagulat sila nung nakita nila kami ni Kenji pero hinde na nila nila kami tinanong. Binati na lang nila kami tapos pinanood ung fireworks.

“Ya! Your phone is ringing.”

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag. Pag tingin ko sa screen si Lucas yung tumatawag

“Merry Christmas!!!” napatingin ako kay Kenji habang nakasmile, napansin kong nakatingin siya sa

cellphone ko

“Merry Christmas din! Namimiss mo na ba ako? Wag mo na i-deny! Alam ko namang namimiss mo ko

ng sobra sobra eh. wag kang mag alala bukas na bukas uuwi ako para sayo!”

“Weh! Wag ka na nga Lucas!” napayuko bigla si Kenji nung narinig niya yung pangalan ni Lucas, “Ah

Luke.. tawagan na lang kita mamaya..”

“Amp! Yes boss! Bye!”

Mga 2:30 am nag uwian na yung mga tao. Sila Sara nauna na rin kasi nakatulog na si Sang Won. Si Kenji naman umuwi na ng mga 2:00. nagpaalam siya sa family ko pero sa akin hinde. Hinde ko na rin

inaasahang mag bye siya sa akin.

Hinatid ako ni Kirby sa bahay. Hinde siya nag tanong sa mga nangyari sa amin ni Kenji kanina. Hinde na rin siya bumaba kasi pagod na rin siya. pag bukas ko nung gate ng bahay para makapasok na ako at

makapag pahinga.

“Athena..”

Tumingin ako sa may likod ko. Nakita ko si Kenji may bitbit na plastic bag

“Oh? Diba kanina ka pa umalis? Bakit nandito ka? Mag pahinga ka na. Sige papasok na ako.” nag smile ako tapos nag wave sa kanya

Isasara ko na yung gate pero biglang hinarang ni Kenji yung kamay niya, “Pwede ba tayong mag usap?”

Pinapsok ko siya at sa may lanai kami pumuwesto. Pinatong niya sa may table yung plastic bag na dala niya tapos naglabas ng dalawang beer. Binuksan niya to tapos binigay niya sa akin yung isang can

“Anong pag uusapan natin?” tanong ko as if parang wala kaming past. Napainom ako ng beer kasi

mukang seryoso yung pag uusapan namin.

Uminom din siya ng beer niya. Naka isang lata na siya. Dalawa, tatlong lata na at hinde pa rin siya ng sasalita. Hinde ako sigurado dito sa ‘paguusapan’ namin. Natatakot ako na baka ipamukha niya lang sa akin kung relasyon nila ni Abi. Kaya dapat unahan ko na lang siya,

“Kenji.. wala na rin naman tayong dapat pagusapan eh.. sinabi ko naman sayo diba? susubukan kitang kalimutan.. sorry kung napapunta ka sa party ng di oras.. Sorry talaga. Hinde na mangyayari yung ganito.

Last na talaga to.. Promise..”

Napatingin siya bigla sa akin tapos hinawakan yung kamay ko na nakapatong sa may table tapos

nakatingin siya sa baba, “bakit ganun..? ako naman may gusto nito eh.. Pero bakit ganun…?”

Hinigpitan niya yung pagkahawak niya sa kamay ko tapos tumingin siya sa akin.

“Athena hinde ko na kaya..”

Chapter THIRTY SEVEN

Lucas’ POV

Malapit na kami sa rest house nila Kenji, siguro mga 15 minutes nandun na kami. Maaga kasi kaming

umalis kaya halos parang 2 hours lang yung biyahe.

Pagkarating namin sa rest house nag babaan na kami. Si Kenji at Abi nauna ng pumasok kami sumunod

na sila Kirby tapos kami naman ni Athena nag pahuli dahil ayaw niya raw makipag sabayan sa kanila.

Nung pag pasok namin ng bahay nagkabanggaan sila ni Kenji, nag katinginan, pero hinde sila nag imikan.

“Punta tayo sa may beach!” sabi niya sa akin. Tumango na lang ako tapos lumabas ulit kami ng bahay.

Kitang kita kong may gumugulo na naman sa kanya. Madali lang basahin si Athena, mapapansin mo kung malungkot o masaya siya. tinanggal niya yung slippers niya tapos hinawakan ito. Naglakad siya sa may sand ng nakangiti

“Ang ganda!! Ang sarap ng feeling!” tumingin siya sa akin tapos nag smile. Nag bago na naman yung

mood niya. “sana ganito rin buhay ko sa manila!”

Nag smile ako sa kanya tapos tinanggal ko rin yung slippers ko kinuha ko yung slippers niya sa kamay niya tapos ako na yung nag bitbit. Hinawakan niya yung kamay ko tapos nag smile siya sa akin.

“Sorry.. nagiging pabigat na ba ko sayo? Kung naaasar ka na sa akin, sabihin mo lang..” Napatigil ako sa pag lalakad kaya napatingin siya sa akin.

“Hinde ka pabigat sa akin. Bakit mo ba naiisip yun? gagawin ko ba to kung hinde ko naman gusto yung ginagawa ko? Diba?” nag nod siya, “ganito na lang, boyfriend mo ko habang nandito tayo sa batangas.”

“Ayoko. Baka iwanan mo rin ako eh.” sabi niya habang naka smile

“Bakit naman kita iiwanan? Ikaw talaga! Pinapangunahan mo eh! Tara na nga! Balik na tayo dun.

Nagugutom na ko eh.” nag nod siya tapos bumalik na kami sa bahay

Nagpunta kami sa may kitchen ni Athena, nakita namin si Jigs at Sara nag peprepare sila ng sandwich.

Nung nakita kami ni Jigs hinde kaagad siya nag salita. Kinalabit niya si Sara kaya napatingin din si Sara sa amin

“Gagawa na rin kita ng sandwich ok?” binitawan ko yung kamay niya tapos kumuha ng tinapay

“Teka.. meron ba kaming hinde alam?” tanong ni Jigs.

“Wala. Ano ba kelangan niyong malaman?” sagot naman ni Athena “sasabihin naman namin kung may

special ng nangyayari eh. bakit naman namin itatago sa inyo yun?”

Napakagat si Sara at Jigs sa sandwich nila kaya napangiti tuloy ako sa naging reaction nila. Inabot ko kay Athena yung ginawa kong sandwich, ngumiti siya sa akin tapos kumain niya. nakakakalahati pa lang siya ng pag kain biglang sumulpot si Abi sa may kitchen.

“Ano palaman niyo? May tinapay pa ba? Nagugutom na rin kasi ako eh..” walang umimik.

Inabot ko sa kanya yung isang ginawa kong sandwich. “Chicken spread yan. Pero tuna yung sa amin.

Sakto, hinde ka kumakain ng tuna spread eh.”

“Naaalala mo pa pala..” nagsmile lang ako sa kanya

“Masarap kaya tuna spread.” Napatingin ako kay Athena tapos napansin kong puno yung bibig niya at

ubos na yung tinapay na kinakain niya.

Napatingin din sila Jigs at Sara sa kanya habang nkasubo pa sa bibig nila yung tinapay.

“Ha? Ah.. hinde lang kasi talaga ako kumakain nun..” napatingin naman yung dalawa kay Abi. Nag smile si Athena kay Abi tapos uminom ng tubig

“Jjinja? Nan sang gwan opsuh.” Sabi niya habang naka smile. nag bow siya kay Abi tapos umalis na.

“Ano sabi ni Athena??? Parang hinde ko naintindihan eh..” Napalakas na tanong ni Jigs kay Sara kaya pati kami ni Abi narinig.

Nakatingin kaming tatlo kay Sara tapos nagshrug ng balikat si Sara. Hinawakan ni Jigs yung balikat ni Sara tapos inalog alog siya.

Tiningnan ng masama ni Sara si Jigs, “Aish!” siniko ni Sara si Jigs tapos iniwan kaming tatlo.

“Oo nga pala anu-ano yung mga gagamitin na kwarto?”

“Ewan ko pa eh. Si Kenji kasi nandun sa may pool nag yoyosi. Wala pa siyang sinasabi sakin.”

“Ah ganun ba. Sige maiwan ko muna kayo.”

Iniwan ko na si Jigs at Abi para hanapin si Athena. Nakita ko sila ni Sara sa may living room nag uusap.

Nag tatawanan. Hinde muna ako nagpakita sa kanilang dalawa baka kasi mabitin pag uusap nila, paalis na sana ako pero narinig ko yung pangalan ni Abi pero Korean yung language na ginagamit nila. Pero mahahalata mong seryoso na yung pinag uusapan nila

“…so she isn’t over Lucas yet huh?.. Jjinja? Sang gwan opsuh..? Tss. Why didn’t you say it in english or in tagalog? It’s so easy. REALLY? I DON’T CARE or TALAGA? WALA AKONG PAKIALAM.”

Yun pala ibig sabihin nun. Pero bakit nakangiti niya pang sinabi yun? Parang parang nag paalam lang siya sa kanya eh.

“I don’t know.. It just came out.. She must be very happy now since two guys care for her so much.”

medyo malungkot yung boses niya nung

“Jiltu?” Korean na naman.

“No.. Why would I be jealous? There’s no reason…… Well, maybe a little. She has Kenji now.. She took him away from me.. and now she wants to take Lucas too?”

Nagseselos siya..?

‘..and now she wants to take Lucas too?’

Hinde ko alam kung bakit parang sumaya ako dahil sa sinabi niya. parang natuwa ako dun sa sinabi niya kahit na dapat hinde ako matuwa.. pero ang labo. Parang ayaw niya ako mawala yung iniisip kong

meaning dun.. pero ayoko isa puso yun.. baka mapahiya pa ako.

Nag simula na naman mag Korean si Sara kaya pati tuloy si Athena Korean na rin yung sagot. Ang

naintindihan ko lang ay ‘Christmas’ at ‘party’. Nabanggit din ata ni Sara yung pangalan ni Kenji.. pero hinde ako sigurado kasi baka may word rin na Kenji sa korea.

Gusto ko i-record yung pinaguusapan nila tapos ipapatranslate ko sa mga koreano sa school para

malaman ko yung pinag uusapan nila kaya lang parang ang bastos naman kung gagawin ko yun.

“Where are you going?”

“Gonna look for Lucas.”

Nung narinig ko yung mga yapak niya nag madali akong lumayo sa may living room. Tumalikod ako tapos nag lakad pabalik sa may living room tapos nakasalubong ko si Athena, siyempre hinde ako nag pahalata na narinig ko yung mga pinag usapan nila. Amp! Halos wala rin naman akong naintindihan eh.

Lumapit siya sa akin tapos ngumiti. Hinde ako kaagad nakapag salita dahil naalala ko na naman yung sinabi niya kanina kay Sara. Napangiti ako bigla tapos niyakap siya.

“Wala lang. Gusto lang kitang yakapin..” sabi ko sa kanya

Naramdaman ko yung kamay niya sa may balikat ko, “I needed this. Thanks.”

“Sara! Tawagin mo na si..la.. Athe..na at.. Lucas..”

Dahan dahan kaming bumitaw at nakita sila Jigs, Kirby, Grace, Kenji at Abi. Nakatingin lang sila sa amin.

Si Grace napansin kong nag smile, si Abi naman umiwas ng tingin.

“Bakit?” biglang sulpot ni Sara, “Ayan na pala eh.”

“Anim yung kwarto dito pero yung Master’s at kwarto ni Kendi hinde pwedeng gamitin so apat lang

pwedeng magamit. Tatlong kwarto yung may dalawang kama, yung iba tag iisa na.”

“Ganito yung pairing” sinimulan ni Kirby, “Yung mga gagamit ng may dalawang kama na rooms ay ako

pati si Jigs dun sa iisang kwarto, si Sara pati Grace naman dun sa isa.”

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Kirby kasi Kung silang dalawa ni Jigs mag kasama dun sa iisang kwarto sino makakasama ko!?

“Teka! nag kakalokohan tayo ah!” sabi bigla ni Athena

“Pano si Lucas pati Athena?” Naunahan akong itanong yun, pero hinde ko naisip na pati si Athena

walang kasama sa kwarto.

Matagal kaming nagisip kung paano yung set-up pero lahat naguguluhan. Hinde raw pupwedeng

magkasama sa iisang kwarto si Jigs at Sara dahil baka kung anong milagro ang mangyari pati ayaw din ni Sara. Hinde naman pwede si Grace at Jigs dahil baka sumabog yung bahay pag pinag sama sila sa iisang kwarto.

“Edi yung dalawang Athena na lang yung maging roommates!” biglang hirit ni Jigs.

Nagtinginan kaming lahat kay Athena, “Ok lang sakin.” tapos sabay tingin niya sa akin.

Yung tingin niya alam kong may ibig sabihin yun eh, napapansin kong gusto niyang gumawa ako ng

paraan kasi hinde ok sa kanya yung sinuggest ni Jigs.

“Sure ka ok lang ha?” nag nod si Athena.

“Teka!” sabi ko habang naka raise yung kamay ko. nung napansin nilang nakataas yung kamay ko

halatang pinipigil nila yung mga tawa nila. Ano ka ba naman Lucas. “Ang weird kasi kung si Athena pati si Abi yung magiging roommates eh. Hinde rin nman pwedeng si Kenji at Athena, diba?”

Biglang nagtinginan sila kay Kenji.

“Anong gusto mong mangyari?”

“Ako pati si Athena na lang mag hahati sa iisang kwarto. Tapos kayo ni Abi mag hati sa isa.”

Napatingin naman sila sa akin habang nakatingin pa rin ako kay Kenji. Hinde parin nag babago yung

facial expression niya pero bigla siyang napatingin sa gilid niya.

“Ok I will approve to that suggestion. Athena’s safe with Lucas anyway. So… can we have the keys

now?”

Humarap ako kay Athena tapos nag smile, nag thank you rin siya sa akin sa ginawa ko.

Sa taas yung kwarto namin ni Athena pati nila Kenji at Abi. Sa baba naman yung iba. Tag tatlo kasi ng kwarto, so tatlo sa taas tatlo rin sa baba. Pagkapasok namin sa kwarto humiga kaagad si Athena sa kama tapos pumikit

“Hinde ko iisipin na may ginagawa silang hinde nakakatuwa isipin.” Sabi bigla ni Athena. “Do you know anything about this town?”

Umupo ako sa may kabilang dulo ng kama, “Tatlong beses pa lang akong nakakapunta dito eh kaya wala ako masyadong alam. Pero nakapunta na ako sa may bayan!” proud kong sinabi

Idinilat niya yung mga mata niya tapos humarap sa akin, “Pasyal tayo!”

Napatingin ako sa kanya nakasmile siya sa akin, “Mamayang gabi.. mas masaya magikot pag gabi eh.”

nag nod siya sa sinabi ko at pumikit ulit.

Sa totoo lang nabasa ko kasi na may fireworks mamayang gabi sa may park kaya ko gabi gustong mag

ikot. Siguro may iba pang magagawa doon besides sa fireworks.

“Tara dun na lang tayo sa beach. Gusto kong maging tan. Ang tagal tagal ko ng hinde nakakapag

beach!!”

Nagpalit na kami ng damit at nag punta sa may beach. Pareho pa kaming may dalang camera.

Pagkadating namin sa may beach nag lakad siya papunta sa may malapit sa dagat.

Hinde ko mapigilan yung sarili ko kaya kinunan ko siya ng picture. Bawat galaw niya kinukunan ko. hinde ko alam kung bakit ganito na lang bigla yung nararamdaman ko kay Athena.

Humarap sakin si Athena tapos niyaya akong magpicture. Remembrance daw naming dalawa.

Gumagawa pa talaga siya ng paraan para dalawa kaming makuhanan ng litrato! Nung napagod na siyang

mag picture tinanggal na niya yung suot suot niyang shirt at shorts.

“Wow bikini!”

“Haha! I’m bringing sexy back eh!” tapos pumangewang siya at tumingin sa akin habang nakatalikod.

Nag lagay ng sunblock si Athena sa katawan niya pagkatapos ay nilapag niya sa may buhangin yung tela na dala niya tapos dumapa. “Likod muna tutustahin ko bago yung harap. Dito ka kaya sa tabi ko!”

Tinanggal ko yung shirt na suot ko, naglagay ng sunblock at humiga sa may tabi niya. “Sige ako harap muna.”

Mga dalawang oras rin kaming nag babad sa araw. Hinde naman masyadong halatang sabik kami sa

araw noh? Mga 11 nagpuntahan yung iba naming kasama. Nagikot-ikot sila Sara, Athena at Grace sa

lugar. Si Kenji at Abi naman nakahiga sa isang sulok. Kaya eto ako naiwan sa dalawang bugoy.

“Mukang mas nagiging close kayo ni Athena ha pare koy.” Sabay batok sa akin ni Jigs

“Sino ba naman ba kasi ang ayaw maging close si Athena? Mabait, matalino pati may itsura! Alam mo

yun.. package na eh!”

Napatingin si Jigs kay Kirby, “Pucha wag mong sabihing pati ikaw kakalabanin si Kenji???”

“Kakalabanin si Kenji?” napatingin ako sa may dagat, “Diba mas pinili niya si Abi kesa kay Athena?

Pinag laban siya ni Athena pero anong ginawa niya? Wala naman sigurong masama diba..”

Napatingin ako kay Jigs habang nakatingin din siya sa akin, “Walang masama na ano?”

“Kung may ibang magkagusto kay Athena..”

Ngumiti si Kirby tapos tumingin sa may dagat, “Ikaw ba yung tinutukoy mong ‘iba’?”

Napayuko ako tapos pinag laruan yung buhangin, “Her tears are too painful.. Tuwing nakikita ko siyang umiiyak parang ako yung nasasaktan parang ako yung mas naaapektuhan eh.. It’s so unbearable.”

“Sa totoo lang napansin ko rin yung mga tingin niya kay Kenji eh.. grabe ibang klase babes.. ang sakit nung mga tingin niya.”

“Gusto ko siyang protektahan at pasayahin.. wala namang masama sa gusto kong gawin diba?”

napatingin ulit ako sa may dagat, “Wala na kong iba pang hihilingin sa inyo kung hinde ang suporta niyo.

Yun lang.”

Nag nod si Kirby habang nakatingin parin sa may dagat. Si Jigs naman walang kibo at pinag lalaruan yung buhaning. Hinde pa siguro siya sigurado sa isasagot niya sa akin pero ok lang kasi napag desisyunan ko na rin naman eh.

Medyo gumaan yung pakirmdam ko dahil nasabi ko na rin sa kanila yung mga gusto kong sabihin. Yun

nga lang hinde ko pa alam kung paano ko siya sisimulan protektahan at pasayahin..

-------------------------------

Pagkatapos ng dinner namin dumeretso sa labas si Athena. Tumulong muna ako sa pagliligpit bago ko

siya sinundan. Pagkalabas ko ng bahay napansin ko kaagad siya dun sa may bonfire na place. Nakaupo siya sa may bato tapos parang may sinusulat sa sand.

Lumapit ako sa kanya tapos napansin kong maungkot yung mukha niya. nung nakita na niya ako ngumiti siya sa akin pero halatang pilit lang.

“Wag kang ngumiti kung hinde mo naman talaga gustong ngumiti.”

Sumimangot bigla siya tapos napanguso, “Yabang mo naman.” Tapos nag smile ulit.

Nakita ko na yung sinusulat niya sa may sand pero hinde ko maintindihan kasi Korean.

Patuloy pa rin siya sa pag sususlat tapos buburashin niya, sususlat tapos buburahin. Ganun lang

ginagawa niya hanggang sa napansin kong may luhang tumulo sa mata niya.

“May problema ka ba?” umiling siya, “Gusto mo ng hug?”

Tumango siya. niyakap ko siya tapos niyakap niya rin ako.

“Bakit ganun Luke? Ang labo niya..” humigpit yung yakap niya sa akin, “Pumunta siya sa party nung

Other books

The Lying Stones of Marrakech by Stephen Jay Gould
Gaits of Heaven by Susan Conant
Beckoning Light by Alyssa Rose Ivy
McCollum - GIBRALTAR STARS by Michael McCollum
As the World Dies by Rhiannon Frater
East of Ealing by Robert Rankin
Rory & Ita by Roddy Doyle
Goodnight Tweetheart by Teresa Medeiros