She's Dating the Gangster (36 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
5.95Mb size Format: txt, pdf, ePub

“Odi apa???” hinawakan ni Sara yung kamay ni Athena, “Kunyanun gohyuli ittda! O ttok he??” *Are you sick?; She has a fever! What am I going to do??]

“Hinde ka namin maintindihan Sara!” sabi ni Kirby

“She has a fever! Lucas, uri ottokhaji??” hinawakan niya yung kamay ko at inalog-alog [What shall we do??]

Nagpapanic na si Sara. Hinawakan ni Jigs yung kamay ni Sara at hinila siya papalapit sa kanya, “Ano ka ba!!! Wag ka ngang magpanic dyan!! Nilalagnat lang siya! Pati kami natataranta dahil sa ginagawa mo eh!!”

“SHIKUROWO!!!!” sabay tulak niya kay Jigs, “YOU DON’T KNOW AYTHING! Pano pag nagka pneumonia

siya? Anong gagawin mo?!”

Pinigilan ni Kirby si Jigs. Hinde na lang sumagot si Jigs para hinde na magalit pa lalo si Sara. Habang natahimik kami at yung iyak lang ni Sara yung nangingibabaw bumukas bigla yung pintuan ng kwarto at pumasok sila Kenji at Abi

Napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa. “Anong nangyayari??” tanong ni Kenji

Tiningnan ng masama ni Sara yung dalawa tapos tinuro niya si Abi,

“Nau.. na ga! Yeogisuh ssuk nagashio!!” lumapit si Sara sa may pintuan tapos binuksan niya ito, medyo hinila niya si Abi sa may pintuan tapos tinulak siya palabas “NAGARAGO!!!!” *You.. get out! Get out of here!!; I said get out!!!]

Nagkokorean siya kaya hinde namin maintindihan yung gusto niyangsabihin kay Abi. Nakatingin kami kay Kenji iniintay yung translation.

“Abi sa kwarto ka na muna..” sabi ni Kenji kay Abi. Wala siyang choice kung hinde ang lumabas at

bumalik sa kwarto nila.

“Sara walang mangyayari kung magagalit ka ngayon. Kumuha na muna tayo ng maligamgam na tubig

pati face towel.”

“Arasso arasso.” Luamabas na sila Sara at Grace para kumuha ng tubig. *All right+

Kaming apat na lalaki na lang yung natitira. Kinuha ko na yung upuan sa may desk at dinala sa may tabi ng kama. Kelangan hinde ko ipahalatang mahina ako. Kelangan ma-control ko lahat ng nararamdaman

kong takot ngayon.

Bigla kong naalala yung sinabi ni Athena kanina. Nawawala yung gamot niya. tumayo ako tapos tumakbo pababa para sabihin kela Sara. Nung naabutan ko silang nag iinit ng tubig nakita kong umiiyak na naman si Sara

Tinanong ko siya kung may dala siyang gamot ni Athena dahil nawawala yung sa kanya. Tinanong ko rin kung merong binigay na gamot si Nathan para kung sakaling lagnatin si Athena may naka ready ng

gamot.

Napatigil siya sa pag iyak niya tapos tumakbo sa may kwarto nila ni Grace. Sinundan ko siya dun at nakita kong hinahalungkat niya yung bag niya at may kinuha siya sa pill box.

“Oppa gave this to me. In case of emergency daw..”

Tumakbo kami ni Sara paakyat sa kwarto tapos lumapit kay Athena

Inangat namin ng konti yung ulo ni Athena tapos kumuha na ng isang pirasong tablet si Sara.

“Athenaya.. Yakul mukda..” tapos isinubo niya kay Athena yung gamot at pinainom ng tubig. *Eat this medicine]

Pumasok na si Grace na dala yung palangganang may maligamgam na tubig Habang pinupunasan nila

Grace si Athena, lalabas na sana ako ng kwarto para makapag isip kung saan posibleng naiwan ni Athena yung gamot niya.

“Lucas… kajima..” napalingon ako sa may likuran ko at nakita kong dahan dahang inaangat ni Athena

yung kamay niya, “kajima..” *Don’t go+

Nagmadaling lumapit sa akin si Sara, “Sabi niya don’t leave. Please.. Just stay beside her..”

Napatingin ako kay Kirby at Kenji. Si Kirby sumenyas na patango si Kenji naman nakatingin lang sa akin.

Lumapit ako sa may kama tapos umupo sa may tabi ni Athena.

“Nandito ako..” tapos hinawakan ko yung kamay niya.

Lumabas na silang lahat at nagbalikan na sa kanikanilang mga kwarto. Ako na lang ang natira para

bantayan si Athena. Hinde ko siya maiwan mag isa sa kwarto, hinde ko siya kayang iwanan, hinde ko siya pupwedeng iwanan ngayon.

Sa sofa na ako natulog. Pagcheck ko kay Athena tulog parin siya. Umupo ulit ako sa may tabi nung kama at tiningnan siya ng maigi. Iniintay ko siyang magising. Ilang minuto rin ang nkalipas bago siya magising.

“Oh gising ka na?” nag nod siya sa akin tapos nag smile, “Ni-ready na ni Sara yung bag mo pati yung damit na susuotin mo. Uuwi na tayo after lunch.”

Nag nod ulit siya, “Sorry.. did I spoil your vacation? Ako na lang babalik sa manila.. magstay ka na muna dito..”

Umiling ako, “Pwede ba yun? Iiwanan kita mag isa? Tss. Mas masaya ako pag kasama kita noh. Mag

pagaling ka na lang para sulit yung gagawin kong pag uwi ng maaga.”

Nag smile siya sa akin tapos tumango.

Tinanong niya sa akin yung nangyari sa kanya, kung paano siya nakabalik ng kwarto at kung saan ko siya nakita. Hinde niya raw kasi matandaan yung mga nangyari.

Sabi niya ang last na naaalala niya nag lalakad siya tapos black na raw lahat ng nakita niya. Hinde niya rin daw matandaan na ako yung bumuhat sa kanya at kung saan siya dapat pupunta nung oras na yun.

Ang alam lang daw niya, nag lalakad siya at biglang black na nakita niya. Period.

Tumayo siya tapos nagpunta sa may banyo. Wala pang 5 minutes lumabas ulit siya.

“Was Kenji here last night?” tanong niya sa akin out of the blue, “did he talk to me? or did he tell me something infront of you guys?”

Umiling ako, “Nandito siya pero hinde ka niya kinausap. I don’t think na bumalik ulit siya kasi.. nandito ako sa loob ng kwarto magdamag.”

“I thought so. What a weird dream. Oh well. I gotta take a bath. Mag 12 na rin.”

Kinuha niya yung towel niya tapos bumalik ulit sa loob ng banyo. Pagkatapos niyang maligo ako naman yung naligo.

Bumaba na kami para mag lunch pagtapos namin mag ready. Dala na namin yung mga bag namin dahil

nag text na rin sa akin yung driver ko.

Pagtapos kumain nag paalam na kami sa kanila. Nilapitan ko si Kirby tapso niyaya kong lumabas saglit.

“Mas maganda sana kung si Athena yung mag sasabi, pero sa tingin ko hinde niya kayang sabihin pa sa kanila. Kaya eto na yung chance mo para ikaw na mismo ang magsabi. Pero sana, isipin mo muna ng

mabuti yung gagawin mo..” Nag sindi lang siya ng yosi, “sa totoo lang gusto ko na rin malaman niyong lahat yung tungkol sa kanya. pero hinde ko kayang sabihin dahil iniisip ko yung feelings ni Athena. Sa tingin mo ba paps matutuwa siya kung madaming tao yung makakaalam ng sakit niya? Pero ikaw

bahala.. nasa sayo na yung last card. Si Athena kalaban mo, hahayaan mo ba siyang matalo o mag

paparaya ka muna at hayaang siya muna yung manalo? Sige paps.”

Pumasok na ulit ako sa loob para sunduin si Athena. Nag bye na kami sa kanila tapos lumabas na kami ng bahay. Nakasalubong namin si Kenji pati si Abi sa may labas.

Napahinto kami sa pag lalakad nung nakatapat na namin sila.

“Happy Birthday, Kenj.” Sabay hawak ko sa kanya sa may balikat. “Sige mauna na kami ni Athena. Kita na lang tayo sa manila.”

Tumango siya tapos ngumiti sa akin. Napatingin naman siya kay Athena tapos nag smile

“Ok ka na ba?” tumango si Athena, “Mabuti naman..”

“Athena magpagaling ka..” sabi naman ni Abi.

Tumingin si Athena kay Abi

“Ikaw rin.” bumalik siya ng tingin kay Kenji, “Happy Birthday… Annyong.”

Tapos nag lakad na siya papunta sa may kotse.

-----------------------------

After a month

“Ano bang problema ni Athena??” sabay kamot ng ulo ni Kirb, “dalawang araw na siyang masungit!

Parang lagi siyang naiirita sa mga tao sa paligid niya! HINDE KO NA KAYA!! Lagi niya akong

sinusungitan!!”

Nagkatinginan lang kami ni Sara sa sinabi ni Kirby. Isang buwan din ang lumipas at madaming nag bago.

Balik na sa dating pagiging masayahin si Athena, si Jigs naman mas lalong nagsipag sa pagaaral, si Kirby may bago ng chinichick, si Sara hinde na masyadong mataray, si Kenji medyo naging ewan.. mabait? Ok na rin sila ni Athena. Hinde sila sobrang ok pero hinde na sila tulad nung dati na nag iiwasan.

Medyo nag sink-in na ata sa kanila na kelangan na nila mag move on. Pero iba parin yung feeling pag magkakasama kaming lahat. Parang ang lamig ng buong paligid dahil sa kanilang dalawa..

Ako naman eto, devoted na kay Athena. Hinde ko rin alam kung bakit. Bigla na lang naging ganun..

siguro sympathy ‘to pero hinde. Basta magulo lang.

“Sagutin niyo ko!! Ano ba! Bakit ang tahimik niyo!!”

Natawa bigla si Sara, “alam mo, ang laki ng pinag bago mo simula nung dinadate mo na yung bago chick mong si Mary! Ano bang pinakain sayo nun at biglang parang naging Jigs ka?”

Napangiti si Kirby nung narinig niya yung pangalan ni Mary. Naging ganyan na siya kababaw. Dati ang mysterious ng dating niya ngayon bulgaran na siya. Masaya kung masaya, malungkot kung malungkot.

“Pero seryoso. Ano ba talaga yung nangyari kay Athena?”

“Ewan ko sayo!” tumayo si Sara ta lumabas ng classroom

“Paps?”

Ibinaba ko na yung librong binabasa ko at napatingin kay Kirby. Nginitian niya ako, “Ano bang gusto mong malaman?”

“Kung bakit siya masungit!! Ano ba! Hinde ka ba nakikinig kanina??”

“Ah yun ba? Hinde ba pwedeng magsungit ang mga babae once a month?”

Napatingin si Kirby sa may harapan tapos napapaisip, “hinde ko gets.. bakit sila mag susungit once a month..? dahil ba wala silang pera?”

Nilagay ko yung kamay ko sa may balikat niya. “Isipin mo ng mabuti ok?”

Tumayo ako sa ikinauupuan ko tapos lumabas ng classroom para mag banyo. Kahapon sinabi sa akin ni

Athena yung tungkol sa gamot niya na nawala nung isang buwan. Naalala niya daw kelan lang na dala

dala niya raw yun nung bumaba kami para uminom pero nung pagkagising niya wala na raw sa bulsa

niya yung pillbox.

Ibig sabihin wala talagang kumuha nung gamot, pero kung naiwan talaga yun sa may rest house edi

dapat may nakakuha nun? Wala naman sigurong mag kaka interest sa gamot, unless pareho sila ng

karamdaman ni Athena. Ang labo. Pero sabi nung doctor nung nakabalik kami mabuti daw at naagapan

yung sakit niya. Mabuti rin daw na umuwi kami kaagad dahil daw baka kung ano pang seryosong

mangyari kay Athena.

Madami na namang bawal sa kanya, lalo na ang mapagod ng sobra sobra. Kelangan daw everyday i-

check yung temperature niya. Ako at si Sara na daw ang bahala pag nasa school si Athena dahil kami daw ang madalas na makakasama niya. Hinde na muna bumalik sa korea yung mom ni Athena para daw

may mag babantay sa kanya.

Bumalik ako sa may classroom at nakita ko si Sara at Kirby magkatabing naguusap si Athena naman

nakaupo na at mukhang may sinusulat sa papel. Nilapitan ko siya para malaman kung ano yung sinusulat niya

“Ano yan?” tanong ko

Ipinakita niya sa akin yung papel na may nakasulat na Athena’s schedule

Feb 9 - Grad pic

Feb 10 - Sara’s CF in korea

Feb 11 - gown >.<

Feb 12 - Sara’s back ^_^

Feb 14 - V-DAY <3

Feb 18 - gown 2nd day T_T

Feb 21 - Carlo’s b-day <3

Feb 24 - Prom day =)

“Inaayos ko na schedule ko eh. Hinde pa ako nag papagrad pic, wala pa akong susuotin para sa prom, tapos kanina may lumapit pa sa akin gusto akong ilabas sa valentines day!” bigla nilapag yung ulo niya sa may desk niya, “Mababaliw na ata ako ngayong month eh!”

Natawa ako sa sinabi niya. Akalain niyong ang babaw lang ng pinoproblema niya tapos sasabihin niyang mababaliw na siya! Pero busy nga siya ngayong month.

“YA! What’s funny??” napatigil ako sa pag tawa tapos nagsmile ako sa kanya, “OMG I GOTTA PEE!”

Tumayo siya tapos nagmadaling pumunta sa cr

Bumalik na ako sa may upuan ko tapos dun ko na siya inintay. Nagdadatingan na rin yung ibang

classmates namin since mlapit ng magbell. Maya maya dumating na rin si Athena.

Nasa may pintuan lang siya ng classroom nakatayo.

“Huy! Lumalabas yung lamig! Isara mo kaya yung pinto.” Sabi ko sa kanya.

Sinara niya nga yung pintuan tapos nakatitig parin siya sa akin. Hinde ko mapinta kung galit ba siya o wala lang natutulala lang siya dahil yung itsura niya parang may laman.

“Bakit ganyan ka makatingin? May nangyari ba?” again nagpakita na naman siya ng ibang facial

expression.

Inirapan niya ako tapos nag lakad pabalik sa upuan niya. Tumayo ako para lapitan siya. Hinde ko alam kung may masama akong nasabi o nagawa kanikanina lang para mag bago siya ng ganito.

“May ginawa o nasabi ba akong mali para magalit ka?” sinubukan ko siyang hawakan sa may balikat

pero umiwas kaagad siya at nag lakad palayo sa akin, sinundan ko siya “Athena!”

Napatigil siya sa paglalakad. Nasa may gitna na kami ng classroom. Lumingon siya sa akin na mukhang galit

“I AM HOLDING ON FOR DEAR LIFE! But I need you to need me back..” Napatingin yung mga taong

nasa classroom sa amin. Pati ako nagulat sa sinabi niya.

“Ha? Hinde ko gets.. Athena ano bang gusto mong mangyari?”

“I wanted you to fight for me!” Ano daw?

Napatignin ako sa paligid ko, nagsisimula na silang mag bulung-bulongan. Nakita ko rin sila Jigs, Kenji, at Grace sa may pintuan.

“Athena.. ano bang problema mo..?” hinde niya pinansin yung tanong ni Grace at nag patuloy pa rin sa pag titig niya sa akin.

“I wanted you to say there is no one else that you could ever be with and that you would rather be alone than without me…” tinakpan ni Athena yung bibig niya tapos napayuko, “I wanted the Lucas…”

Lahat kami napatigil sa paghinga.. iniintay yung kasunod niyang sasabihin

“Lucas..?” sabay sinabi ng ibang tao sa classroom

“..Scott from the beach that night; telling the world that he’s the one for me..”

“Brooke Davis?!”

“Ikaw ba yan Brooke?? Akala ko ba ikaw si Peyton??” tapos biglang nagtawanan yung buong klase

kasama na rin si Athena.

“Shut up. I hate Peyton Sawyer.” tapos nag lakad siya pabalik sa seat niya.

Pakshet. Bumilis tibok ng puso ko dun ah! Na sobrahan na nga siya sa kapapanood ng drama!

“Oh tutal nagaacting na rin si Athena dyan sa likod siguro alam niyo na yung magiging exam natin sa english.” Sabi bigla ni Axis. Umupo at biglang nag bulungan yung mga tao. “Totoo ngang play yung

magiging exam natin. Ang napunta sa class natin Romeo and Juliet.”

Other books

A New World: Reckoning by John O'Brien
Rules of Passion by Sara Bennett - Greentree Sisters 02 - Rules of Passion
Degree of Guilt by Richard North Patterson
Redemption by Mann, H. M.
Bloodright by Karin Tabke
Evercrossed by Elizabeth Chandler
Spellbound by Samantha Combs