Authors: JosÈ Rizal
Ang lan~git ay azul: nagpápagalaw n~g m~ga dáhon at n~g m~ga bulaclac n~g halamang gumagapang ang isáng malamig na amihang hindî amóy rosa,--dahil dito'y nan~gagsisipan~ginig ang m~ga cabello--de--ángel--ang m~ga halamang nacabitin, ang m~ga tuyúng isdâ at ang m~ga lámparang galing sa China. Ang in~gay n~g sagwáng humahalò n~g malabong tubig n~g ílog, ang dagundong n~g pagdaan n~g m~ga coche at m~ga carretón sa tuláy n~g Binundóc ay maliwanag na dumárating hanggang sa canilá; n~guni't hindî ang m~ga ipinagbúbubulong n~g tía.
--Lalong magalíng--ang wicà nitó--diyá'y ang boong bayan ang siyáng bábantay sa inyó.
Nang magpasimulá'y walâ siláng pinagsalitaanan cung di pawang m~ga cahalin~gan--iyáng m~ga cahalin~gáng totoong nacacawan~gis niyáng m~ga cayaban~gan n~g m~ga nación sa Europa: masasarap at lásang pulót sa m~ga magcacanación, datapuwa't nacapagtátawa ó nacapagpapacunót sa kilay n~g m~ga taga ibang lupaín.
Ang babae, palibhasa'y capatíd ni Cain ay panibughuin, caya't dahil dito'y tumanong sa nan~gin~gibig sa canyá:
--¿Laguì bang isinaisip mo acó? ¿hindi mo ba acó linimot sa gayóng caraming m~ga paglalacbá'y mo? ¡Pagcaramiraming malalakíng m~ga ciudad na may pagcaramiraming magagandang m~ga babae!...
Ang lalaki namán, palibhasa'y isá pa ring capatíd ni Caín ay marunong umiwas sa m~ga tanóng at may caunting pagca sinun~galing, cayâ n~ga:
[Larawan:--Laguì bang isinaísip mo acó? ¿Hindî mo ba acó linimot?...--Imp de M. Fernandez, Paz 442 Sta.Cruz]
--¿Mangyayari bagáng catá'y limutin?--ang sagót na nan~gan~gaanino n~g boong ligaya sa m~ga maiitím na balíngtatao n~g dalaga;--¿mangyayari bagáng magculang acó sa panunumpâ, sa isáng panunumpang dakila? Natátandaan mo ba ang gabíng yaon, ang gabíng yaóng sumísigwa, na icáw, n~g makita mo acóng nag-íisang tumatan~gis sa siping n~g bangcáy n~g aking iná'y lumapit ca sa akin, ilinagáy mo ang iyong camáy sa aking balícat, ang camáy mong malaon nang ayaw mong ipahintulot na aking mátangnan, at iyong sinabi sa akin: "Nan~gulila ca sa iyong iná, acó'y hindî nagcainá cailán man.": at dumamay ca sa akin n~g pag-iyác. Iniirog mo ang aking iná at icáw ay pinacaibig niyáng tulad sa isáng anác. Sa dacong labás ay umúulan at cumíkidlat; n~guni't sa acalà co'y nacárinig acó n~g música, at nakita cong n~gumín~gitî ang maputláng mukhâ n~g bangcáy ... ¡oh, cung buháy sana ang aking m~ga magulang at mapanood nila icáw! Nang magcagayó'y tinangnán co ang iyóng camáy at ang camáy n~g aking iná, nanumpâ acóng sísintahin catá, catá'y paliligayahin, anó man ang capalarang sa aki'y ipagcaloob n~g Lan~git, at sa pagca't hindî nacapagbigáy pighati cailán man sa akin ang sumpáng itó; n~gayó'y mulíng inuulit co sa iyó. ¿Mangyayari bagáng limutin co icáw? Laguing casamasama co ang pag-aalaala co sa iyo; iniligtás acó sa m~ga pan~ganib n~g paglalacad maguíng caaliwan co sa pag-iisá n~g aking cálolowa sa m~ga ibáng lupain; ¡ang pag-aalaala sa iyo ang pumawì n~g bísà n~g "loto" n~g Europa na cumacatcat n~g m~ga pag-asa at n~g casaliwaang palad n~g kinaguisnang lúpà sa caisipán n~g maraming m~ga cababayan! Sa m~ga panaguimpan co'y nakikita co icáw na nacatindig sa tabíng dagat n~g Maynilà, nacatanaw sa malayong abót n~g panin~gíng nababalot sa malamlam na liwanag n~g maagang pagbubucang liwayway; aking náririnig ang isáng aaying-aying at malungcot na awit na sa aki'y pumupucaw n~g nagugulaylay n~g m~ga damdamin, at tinatawag co sa alaala n~g aking púsò ang m~ga unang taón n~g aking camusmusán, ang ating m~ga catuwâan, ang ating m~ga paglalarô, ang boong nacaraang maligayang panahóng binigyán mong casayahan, samantalang doroon ca sa bayan. Sa aking sapantaha'y icáw ang "hada"[151], ang espíritu, ang caayaayang kinácatawan n~g aking Bayang kináguisnan, magandá, mahinhín, masintahin, lubós calinisan, anác n~g Filipinas, niyáng cagandagandahang lupang bucód sa m~ga dakilang cagalin~gan n~g Inang Españang[152] tagláy rin niyá'y may maririkít pang m~ga hiyas n~g isáng bayang bátà, tulad sa pagcacapisan sa iyong cataohan n~g lahát n~g cagandahan at carikitang nacapagpapaningning sa dalawang láhì; cayâ n~ga't nabubuò lamang sa isá ang pagsinta co sa iyo't ang pagsinta co sa aking tinubuang lúpà ... ¿Maaari ba catáng limutin? Macáilang ang boong ísip co'y aking náririnig ang m~ga tunóg n~g iyóng piano at ang m~ga tínig n~g iyong voces, at cailán mang tinatawag co ang iyóng pan~galan n~g acó'y na sa Alemania, sa dacong hápon, pagca naglalacad acó sa m~ga caparan~gang napúpuspos n~g m~ga talinghagang likhâ n~g m~ga poeta roon at ang m~ga cahimahimalang salitsaling sabi n~g m~ga táong nan~gáunang nabuhay, nakikinikinita co icáw sa úlap na sumisilang at napaiimbulóg sa dúyo n~g capatagan, wárì náririn~gig co ang iyong voces sa pagaspás n~g m~ga dahon, at pagcâ umuuwî na ang m~ga tagabukid na galing sa caniláng sinasacang lúpà at caniláng ipinarírin~gig buhat sa maláyò ang caniláng caraniwang m~ga awit, sa aking acala'y pawang nakikisaliw silá sa m~ga voces n~g caibuturan n~g aking dibdib, na nag-aalay na lahat sa iyo n~g awit at siyáng nagbíbigay catotohanan sa aking m~ga nais at m~ga panaguimpán. Cung minsa'y náliligaw acó sa m~ga landás n~g m~ga cabunducan, at ang gabíng doo'y untîuntì ang pagdatíng ay naráratnan acóng naglácad pa't hinahanap co ang aking daan sa guitnâ n~g m~ga "pino," n~g m~ga "haya"[153] at ang m~ga "encina"[154]; cung nagcácagayón, cung nacalúlusot ang iláng m~ga sínag n~g buwán sa m~ga puáng n~g masinsíng m~ga san~gá, wari'y nakikinikinita co icáw sa sinapupunan n~g gubat, tulad sa isáng nagpapagalagalang aninong gágalawgaláw at nagpapacabicabilâ sa liwanag at sa m~ga carilimán n~g malagóng caparan~gan, at sacâ ipinarírinig n~g "ruiseñor"[155] ang canyáng ibá't ibáng cawiliwiling huni, inaacálà cong dahil sa icáw ay nakikita't icáw ang siyáng sa canyá'y nacaaakit. ¡Cung inalaala co icáw! ¡Hindî lamang pinasásaya sa aking m~ga matá n~g lagabláb n~g sa iyó'y pagsinta ang úlap at pinapamúmula ang hielo[156]! Sa Italia, ang magandáng lan~git n~g Italia, sa canyáng cadalisaya't cataasa'y nagsasálitâ sa akin n~g iyong m~ga matá; ang canyáng masayáng pánoorin ay nagsasaysay sa akin n~g iyong n~gitî, wan~gis n~g m~ga halamanan sa Andalucíang nalalaganapan n~g han~ging may kipkíp na ban~gó, puspós n~g m~ga pangdilidiling casilan~ganan, saganà sa hiwagà at sa calugodlugód na m~ga tanghalin, pawang nan~gagsasalita sa akin n~g sa iyó'y pagsintá! Sa m~ga gabíng may bowán, yaóng bowang wari'y nagtútucà, sa aking sinagwánsagwáng nacalulan acó sa isáng sasakyáng malíit sa ilog Rhin, itinátanong co sa aking sarili cung dî cayâ marayà acó n~g aking guníguní upang makita co icáw sa, guitnâ n~g m~ga álamong[157] na sa pampang, sa bató n~g Lorelay ó sa guitnâ n~g m~ga alon at icáw ay umaawit sa catahimican n~g gabí, tulad sa dalagang hadang mápang-aliw, upang bigyáng casayahan ang pag-iisá at ang calungcutan n~g m~ga guibáng castillong iyón.
--Hindî acó naglacbáy-bayang gaya mo, walâ acóng nakikita cung dî ang iyóng bayan, ang Maynila't Antipolo--ang sagót ni María Clarang n~gumín~gitî, palibhasa'y naniniwalà sa lahát n~g sinasabi ni Ibarra,--n~guni't mulâ n~g sabihin co sa iyóng ¡paalam! at pumasoc acó sa beaterio, láguì nang naaalaala catá at hindî co icáw nilimot, bagá man ipinag-utos sa akin n~g confesor at pinarusahan acó n~g maraming m~ga pahírap. Nagúgunitâ, co ang ating m~ga paglalarô, ang ating m~ga pag-aaway n~g tayo'y m~ga musmós pa. Hinihirang mo ang lalong magagandáng sigay at n~g tayo'y macapaglarô n~g siclót, humahanap ca sa ílog n~g lalong mabibilog at makikinis na batóng maliliit na may iba't ibang cúlay at n~g macapaglarô tayo n~g sintác; icáw ay nápacawaláng tuto, láguì cang natatalo, at ang parusa'y binábantilan catá n~g pálad n~g aking camáy, n~guni't dî co inilálacas, sa pagca't naaawà acó sa iyo. Napacamagdarayà, icáw sa laróng chongca't dináraig mo pa ang pagcamagdarayà co, at caraniwang agawán ang naguiguing catapusán. ¿Natátandaan mo bâ n~g icáw ay magalit n~g totohanan? Niyó'y pinapagpighatî mo acó; n~guni't n~g matapos, pagcâ naaalaala co iyón sa beaterio, acó'y n~gumín~gtì dinaramdam cong icáw ay walâ, at n~g macapag-away ulî catá ... at n~g pagdaca'y mágawà natin ang pagcacásundô. Niyó'y m~ga musmós pa tayo, naparoon tayong naligong casama ang iyóng iná sa batis na iyóng nalililiman n~g m~ga cawayanan. Sa m~ga pampáng ay may m~ga sumisibol na m~ga bulaclác at m~ga halamang sinasabi mo sa akin sa wicang latín at wicang castilà ang canícanilang m~ga cacaibáng pan~galan, sa pagca't niyó'y nag-aaral ca na sa Ateneo. Hindî catá pinápansin; naglílibang acó sa panghahagad n~g m~ga paroparó at n~g m~ga tutubí, na sa canyáng catawáng maliit na tulad sa alfiler ay tagláy ang lahát n~g m~ga culay n~g bahagharì at ang lahát n~g m~ga kintáb n~g gáring, m~ga tutubíng gumágalaw at nan~gagháhagaran sa magcabicabilang m~ga bulaclác; cung minsa'y ibig cong masubucan at hulihin n~g camáy ang maliliit na isdáng matuling nan~gagtatacbuhan sa m~ga lumot at sa m~ga batuhán sa pampáng. Caguinsaguinsa'y nawalâ ca, at n~g icáw ay bumalíc, may dalá cang coronang m~ga dahon at m~ga bulaclác n~g dalandáng ipinutong mo sa aking úlo, at tinatawag mo acóng "Cloe"[158], at gumawâ ca namán n~g coronang damóng gumagapang. N~guni't kinuha n~g iyóng nanay ang aking corona, pinucpóc n~g isáng bató at sacâ inihalò sa gugò na ipinaglilinis n~g ating úlo; tumulò ang m~ga luhà sa iyóng m~ga matá, at sinabi mong hindî nacaaalam ang iyóng iná n~g "mitología"[159].--¡"Halíng!--ang isinagót n~g nanay mo--makikita mo't mababan~gó pagcatapos ang inyóng m~ga buhóc."--Nagtawá acó, naghinanakít icáw, at ayaw mo na acóng causapin, at sa boong maghapo'y nagpakita ca n~g poot, na siyang ikìnaibig co namang umiyác.
N~g bumalíc tayo sa bayan, at sa pagca't mainit na totoo ang araw, nuha acó n~g m~ga dahon n~g sambóng nasumísibol sa m~ga tabíng daan, ibinigáy co sa iyó't n~g ilagáy mo sa loob n~g iyóng sombrero, at n~g di sumakít ang iyóng ulo. N~gumitî icáw n~g magcágayo'y tinangnán co ang camáy mo at nagcásundô na catá.
N~gumitî n~g boong ligaya si Ibarra, binucsán ang canyang cartera, kinuha sa loob niyón ang isáng papel at sa loob nito'y may nababalot na m~ga dahong nan~gin~gitim, tuyô at mababan~gó.
--¡Ang iyóng m~ga dahon n~g sambóng!--ang isinagót ni Ibarra sa titig ni María Clara,--itó lamang ang naibigáy mo sa akin.
Dalidalí namáng kinuha ni María Clara sa canyáng dibdíb ang isáng bolsitang rasong maputî.
--¡Ps!--ani María Clara at tinampál ang camáy ni Ibarra;--hindî ipinahihintulot ang paghípò: ito'y isáng sulat n~g pagpapaalam.
--¿Iyán bâ ang isinulat co sa iyo bago acó pumanaw?
--¿At sumulat pó bâ cayó sa akin n~g ibá pa, aking guinoo?
--¿At anó bâ ang sinasabi co sa iyo n~g panahóng iyón?
--¡Maraming cabulastugan! ¡m~ga dahilan n~g masamáng mán~gun~gutang--ang isinagót ni María Clarang n~gumín~gitì, na ipinakikilalang totoong ikinasásaya n~g canyáng loob ang gayóng m~ga cabulaanan.--¡Howág cang malicot! ¡babasahin co sa iyo ang sulat na ito! ¡n~guni't ilílin~gid co ang iyóng m~ga pagpuri at n~g dî ca magdalità!
At itinaás ang papel sa tapát n~g canyang m~ga matá at n~g huwag makita n~g binatà ang canyáng mukhâ, at nagpasimulâ:
--"Aking ..." ¡hindî co babasahin sa iyo ang sumúsunod, sa pagca't isáng cabulastugán!--at pinaraanan n~g m~ga matá ang iláng talatà.--"Ibig n~g aking amá, ang acó'y yumao, bagá man ipinamamanhic cong huwag"--"Icáw ay lalaki"--ang sabi sa akin, dapat mong isipin ang panahóng dárating at ang iyong m~ga lacás. Dapat mong pag-aralan ang dunong sa pamumuhay, ang dî maibibígay sa iyo n~g iyong kinamulatang lúpà, at n~g balang araw ay makapaglingcod ca sa canyá. Cung mananatili ca sa aking tabí, sa aking lilim, sa impapawíd na ito n~g m~ga hínalâan, hindî ca matututong tumanáw sa malayò, at sa araw na cata'y maiwan sa ibabaw n~g lupa'y maitutulad ca sa halamang sinasalitâ n~g ating poetang si Baltazar;
"Para n~g halamang lumakí sa tubig, daho'y nalálanta muntíng dî madilig, ikinalolooy ang sandalíng init...."
--¡Nakita mo na! binatà ca na halos ay tumatan~gis ca pa!--"Nacapagpasakit sa aking loob ang ganitóng pag-wiwicà, caya't ipinahayag co sa canyáng icáw ay aking sinísinta. Hindî umimíc ang aking amá, nagliníng-lining, ilinagáy sa aking balicat, ang canyáng camáy at nagsalitâ sa aking nan~gín~ginig ang voces:--Ang ísip mo ba'y icáw lamang ang marunong umibig at hindî ca iniibig n~g iyóng amá at hindî dináramdam ang sa iyó'y paghiwaláy?" Hindî pa nalalaong nan~gulila tayo sa iyóng iná; tumutun~go acó sa catandàan, diyán sa gulang na ang hinahanap ay ang tulong at pagbibigay alíw n~g cabatâan, at gayón ma'y tinatanggap co ang pag-iisá at dî co talós cung catá'y makikita pa ulì. N~guni't dapat cong isipin ang m~ga ibáng bágay na lalong malalakí.... Bumúbucas sa iyo ang panahóng sasapit, samantalang sumásara sa akin; sumisilang sa iyo ang m~ga pagsinta, ang m~ga pag-ibig co'y nan~gamámatay; cumúculô ang apóy sa iyóng m~ga ugát sa aki'y nagsisimulá, ang calamigán, at gayón ma'y icáw ay umíiyac at hindî ca marunong maghandóg n~g n~gayón, at n~g sa búcas ay makinabang ca at pakinaban~gan icáw n~g iyóng kinaguisnang lúpà."--Napunô n~g lúhà ang m~ga matá n~g aking amá, naluhód acó sa canyáng paanan, siyá'y aking niyacap at sinabi co sa canyáng acó'y nahahandáng yumao".
Napatiguil ang pagbasa, dahil sa pagcaligalig ni Ibarra: namumutlâ ang binatà at naglálacad n~g paroo't parito sa magcabicabilang dúlo n~g azotea.
--¿Anó ang iyóng damdám? ¿anó ba ang nangyayari sa iyo?--ang tanóng ni María Clara cay Ibarra.
--¡Dahil sa iyó'y nalimutan co ang aking m~ga catungculan; dapat acóng pumaroon n~gayón din sa aking bayan! Búcas ang fiesta n~g m~ga namatáy.
Hindî umimíc si María Clara, itinitig niyáng iláng sandalî ang canyáng malalaki't mapupun~gay na m~ga matá cay Ibarra, cumuha n~g ilang bulaclác at sinabi sa canyáng nababagbag ang loob:
--Lumacad ca, hindî na catá pinipiguil; magkikita ulî tayo sa loob n~g iláng áraw! ¡Ilagáy mo itóng bulaclac sa ibabaw n~g libin~gan n~g iyong m~ga magulang!
Nang macarâan ang iláng minuto, ang binata'y nananaog na sa hagdanang casabay si Capitang Tiago at si tía Isabel, samantalang nagcuculong sa pánalan~ginan si María Clara.
--¡Ipakisabi n~ga pô ninyó cay Andéng na canyáng ihandâ ang bahay at man~gagsisirating si María at si Isabel!--¡Dumatíng nawâ cayóng maluwalhati!--ani Capitang Tiago, samantalang sumásacay si Ibarra sa coche, na yumaong ang tun~go'y sa plaza n~g San Gabriel.
At sinabi pagcatapos ni Capitang Tiago cay María Clara na umíiyac sa tabí n~g larawan n~g isáng Vírgen:
--Halá, magsindí ca n~g dalawáng candilang man~gahatì, ang isáy sa Señor San Rafael, pintacasi n~g m~ga naglálacbay. Isindi mo ang lámpara n~g Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje. ¡Lalong magalíng ang magcagugol n~g isáng salapî sa pagkít at anim na cuarta sa lan~gís, cay sa magbayad pagcatapos n~g isáng mahalagáng tubós.