Noli Me Tangere (39 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
2.01Mb size Format: txt, pdf, ePub

"Dumating n~g hapong itó ang Alcalde n~g lalawigan, upang bigyán n~g cadakilaan sa canyáng pagharáp ang gagawing "ceremonia" búcas. Dinamdám niyá ang pagsamâ n~g damdám n~g hirang na mamumuhunang si guinoong Ibarra, na salamat sa Dios, at ayon sa sabihana'y magalíng na."

"Nagcaroon n~g gabíng itó n~g mainam na procesión, datapuwa't sasabihin co na ang bagay na itó sa aking sulat búcas, sa pagca't bucód sa m~ga malalaking bombang sa aki'y nacatulíg at halos nacabin~gi, acó'y totoong pagód at nahahapay na acó sa pag-aantoc. Samantalang binabawì co ang lacás sa m~ga bisig ni Morfeo, sa macatuwid baga'y sa catre n~g convento, hinahan~gad co, tan~gi cong caibigang cayó'y matamó n~g magandang gabi at hanggang búcas, isáng araw na dakilà."

"Ang mairuguin ninyóng catotong nakikiramá'y.

"Ang Corresponsal.

San Diego, 11 n~g Noviembre."

Itó ang isinulat n~g mabait na corresponsal. Tingnán namán natin n~gayón cung anó ang isinulat ni capitang Martín sa canyáng catotong si Luis Chiquito.

"Minamahal cong Choy: Magmadalî cang pumaríni, cung mangyayari; sapagca't ang fiesta'y totoong masayá; súcat ang matantô mong hálos natumbá ang bangcâ ni capitang Joaquin: macaitlong pinagulong ni capitang Tiago ang canyáng tayâ, at sa tatlong iyó'y tumamà, at pintô n~g pintóng palagui, caya't sa gayóng nangyari lalong nangliliit sa catuwâan si cabezang Manuel na may arì n~g bahay. Binasag ni Párì Dámaso, sa isáng dagoc, ang isáng ilawán, sa pagca't hanggá n~gayó'y hindî pa siyá tumatamà miminsan man lamang. Natalo ang Cónsul sa canyáng m~ga sasabun~gin, at natalo sa bangcâ ang lahát n~g pinanalunan sa atin sa fiesta n~g Binyáng at sa fiesta n~g Pilar, sa Santa Cruz."

"Inaasahan naming isasama rito sa amin ni capitang Tiago ang canyáng mamanugan~gin, ang mayamang nagmana cay Don Rafael, datapuwa't wari'y ibig manding tumulad sa canyáng amá, sa pagca't hindî man lamang napakita ¡Sayang! Sa masíd co'y hindî siya pakikinaban~gan cailan man."

"Malakíng totoong cayamanan ang nakikita n~g insíc na si Cárlos sa "liampó"; naghihinala acóng may taglay siyáng anó mang lihim, isáng bato-balanì marahil: waláng tíguil ang canyáng pagdaing n~g sakit n~g úlo, na may taling panyô pagcâ tumitiguil na n~g untiuntî ang umíikit na sangkap n~g "liampó," pagcacagayo'y tumútun~go siyá n~g mainam hanggáng sa halos mápabunggô na sa canyáng noo, na anaki'y ibig na totoong hiwatigan ang pag-inog na iyón. Nagcuculang tiwalà acó, dahil sa may nalalaman acóng m~ga cawan~gis n~g bagay na iyóng guinágawâ."

"Paalam, Choy; magaling ang calagayan n~g aking m~ga sasabun~gin, at ang aking asawa'y masayá at naglilibang."

"Ang iyóng catotoo.

Martín Aristorenas."

Tumanggap naman si Ibarra n~g isáng maliit na liham na may paban~gó, na ibinigay sa canyá n~g gabí n~g unang araw n~g fiesta ni Andéng, na capatíd sa suso ni María Clara. Ganitó ang sabî n~g liham:

"Crisóstomo: Mahiguít n~g isáng araw na hindî ca napakikita; nahiguin~gan cong may caunting dinaramdam icáw, cata'y ipinagdasal at ipinagsindi cata n~g dalawang malalaking candilà, bagá man sinasabi n~g tatay na hindî raw mabigát namán ang sakít mo. Totoong niyamót nilá acó cagabí at n~gayón; pinatutugtog nilá acó n~g piano at canilá acóng inaanyayahang sumayáw. Hindî co nalalamang lubhang marami sa ibabaw n~g lupà ang m~ga nacapagbíbigay yamót. Cung hindî lamang cay Párì Dámaso na pinagpipílitang acó'y liban~gín sa pagsasaysay n~g maraming bagay, acó sana'y magcuculóng sa aking silíd upang matulog. Isulat mo sa akin cung anó ang dinaramdam mo, sa pagca't sasabihin co sa tatay na icáw ay dalawin. Samantala'y inutusan cong pumaryan sa iyo si Andéng, at n~g ipaglutò ca n~g chá; magalíng siyáng maglutò at marahil ay daig ang iyong m~ga alilà."

"Maria Clara."

"Pahabol. Pagca hindî ca naparini búcas, hindî acó paparoon sa ceremonia. Calakip."

=XXIX.=

=ANG UMAGA.=

Tinugtóg n~g m~ga banda n~g música ang "diana" sa unang pagsilang n~g liwayway, na anó pa't pinucaw n~g masasayáng tugtuguin ang m~ga pagál na m~ga mamamayan. Nanag-uli ang búhay at casayahan, mulíng nirepique ang m~ga campanà at nagpasimulâ ang m~ga putucan.

Yaon ang catapusang áraw n~g fiesta, yaón ang tunay na araw n~g cafiestahan. Inaasahang lalong marami ang mapapanood, higuít pa sa nacaraang araw. Lalong marami ang m~ga "manong" n~g V.O.T. (Venerable Orden Tercera; Cagalanggalang na Pan~gatlong Hánay) cay sa m~ga manong n~g Santísimo Rosario, at nan~gagsisin~gitî n~g boong cabanalan ang m~ga manong na iyon ni San Francisco, sa caniláng paniniwalang sa gayo'y caniláng mahihiyâ, ang caniláng m~ga capan~gagaw. Lalong marami ang bilang n~g m~ga candilang caniláng binilí: nag-ani n~g malaking pakinabang ang m~ga insíc na magcacandilâ, at nangag-iisip siláng pabinyag upang máipakilala nilá ang canilang pagtumbás, baga man sinanabi n~g ilang yao'y hindî raw sa caniláng pananampalataya sa pagca católico cung dî sa canilang nais na macapag-asawa. Datapawa't sa gayó'y sumásagot ang m~ga babaeng banal:

--Cahi't magcagayon man, hindî mangyayaring hindî maguíng isang himala ang sabaysabáy na pag-aasawa n~g gayong caraming m~ga insíc; papagbabaliking loob na silá n~g canicanilang m~ga esposa.

Isinuot n~g m~ga tao ang caniláng lalong magagaling na m~ga bihisan; lumabás sa kinatataguang m~ga cajita ang lahát n~g m~ga hiyas. Sampô n~g m~ga "tahur" at n~g m~ga sugarol ay nagbihis n~g m~ga barong bordado na may malalaking brillante, mabibigat na tanicalang (cadena) guintô at mapuputing sombrerong jipijapa. Ang matandáng filósofo lamang ang nananatili sa dating suot; ang baro'y sinamáy na may m~ga guhit na itim, nabobotones hanggang sa liig maluang na zapatos at malapad na sombrerong fieltro na culay abó.

--¡N~gayó'y lalò pa manding mapanglaw cayó cay sa dati!--ang sabi sa canyá n~g teniente mayor,--¿aayaw pô ba cayóng manacanacâ tayong magsayá, yamang maraming tayong lubhang sucat na itan~gis?

--¡Hindî ang cahulugan n~g pagsasaya'y dapat na gumawâ n~g m~ga caululan!--ang isinagot n~g matandâ.--¡Itó rin ang halíng na pagtatapon n~g salapî sa taôn-taón! At ang lahat n~g ito'y ¿bakit? iwaldás ang salapî, sa gayóng macapál na totoo ang carukhaân at m~ga pan~gan~gailan~gan. ¡Abá! nalalaman co na; ¡itó ang pagtatapón, ang maruming paggagalac upang matacpán ang m~ga carain~gan n~g lahát!

--Nalalaman na pô ninyóng sumasang-ayon acó sa inyóng m~ga caisipan,--ang mulíng sinabi ni don Filipo, na tíla ibig magpakitang galit at tíla n~gumin~giti.--Cayó'y aking ipinagsasanggalang, datapuwa't ¿anó ang aking magagagawâ sa gobernadorcillo at sa cura?

--Magbitiw n~g tungcól--ang sinundán n~g filósofo, at saca lumayò.

Natigagal si Don Filipo, at sinundán n~g matá ang matandâ.

--Magbitiw n~g tungcól!--ang ibinúbulong, samantalang tumutun~go sa simbahan,--¡magbitíw! ¡Oo! cung isá sanang bagay na nagbibigay dan~gal ang tungcúling itó at hindî isáng pas-anin, ¡oo, bibitiwan co!

Punô n~g tao ang patio n~g simbahan: m~ga lalaki't m~ga babae, m~ga bata't m~ga matatanda, taglay ang lalong magagaling na pananamit, na nan~gagcacahalo-halò, pumapasoc at lumalabas sa makikipot na m~ga pintúan. Amóy pólvora, amóy bulaclác, amóy incienso, amóy paban~gó; pinatatacbó at pinasisigaw ang m~ga babae at pinapagtatawá ang m~ga batâ n~g m~ga bomba, n~g m~ga cohete at n~g m~ga buscapiés. Isáng banda n~g música ang tumútugtog sa tapát n~g convento, isáng banda namán ang naghahatid sa m~ga nan~gan~gatungculan sa bayan, ang m~ga ibáng banda'y naglilibót sa m~ga daang kinalaladlaran at winawagaywayan n~g maraming m~ga bandera. Lumilibang sa panin~gin ang liwanag at cúlay na sarisarì, at sa pangpakinig nama'y m~ga tínig at m~ga úgong. Hindî nagtitiguil ang m~ga campanà n~g carerepique, nagcacasalasalabat ang m~ga coche at m~ga calesa, na manacanacáng ang m~ga cabayong humihila sa canilá'y nangáguiguitla dumádamba, humuhulay, m~ga bagay na bagá man hindî casangcáp sa palatuntunan n~g fiesta, gayón ma'y naguiguing isáng pánooring hindî pinagbabayaran at siyáng lalong mahalaga.

Nag-utos ang Hermano Mayor sa áraw na itó n~g m~ga alilà upang man~gaghanáp sa m~ga daan n~g m~ga inaanyayahan, túlad sa nagpiguing na sinasabi sa atin n~g Evangelio. Hálos sápilitan ang pag-aanyaya upang uminóm n~g chocolate, café, chá, cumain n~g matamis, at iba pa. Madalás na naguiguing cawan~gis n~g isáng pakikipagcagalít ang guinagawang pag-aanyaya.

Gágawin na ang misa mayor, ang misang tinatawag na "de dalmática", catulad n~g misa cahapong sinasaysay n~g carapatdapat na corresponsal, at ang bílang caibhán lámang, ang magmimisa n~gayo'y si Parì Salví, at sa m~ga taong makikiníg n~g misa n~gayo'y casama ang Alcalde n~g lalawigan, caacbáy ang maraming m~ga castílà at m~ga táong marurunong, upang pakinggán si Párì Dámaso na totoong bantóg sa lalawigan. Sampô n~g alférez, bagá man siya'y lubháng dalá na sa m~ga pan~gan~garal ni Párì Salví, pumaroon din, sa pagpapatotoo niya n~g cagalin~gan n~g canyang loob at n~g cung mangyayari, macapanghiganti siyá sa m~ga pagbibigay galit na sa canyá'y guinawâ n~g cura. Sa calakhán n~g pagcábantog ni Párì Dámaso'y ipinag-páuna na n~g corresponsal ang pagsúlat namamatnugot n~g pamahayagan n~g sumúsunod:

"Alinsunod sa aking ipinagpáuna na sa inyo sa waláng wastô cong m~ga talata cahapó'y gayón n~ga ang nangyari. Nagcamít cami n~g tan~ging capalarang mápakinggan ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Damaso Verdolagas, na nagcurang malaon sa bayang itó, at n~gayó'y inilipat sa lálong malaki, bílang ganting pala sa canyang mabuting pagtupad sa canyang m~ga catungculan. Lumagáy ang maningning na mananalumpati n~g m~ga mahal na bagay sa paaralang Espiritu Santo ang nagtuturo, at nagsaysay n~g carikitdikitan at cálalim-lalimang sermon, na nagbigay cabanalan sa madlâ at pinagtakhán n~g lahát n~g m~ga binyágang naghihintay n~g boong pagmimithî n~g pagsilang sa lubhang mapagbun~gang m~ga labi n~g nacaguiguinhawang bucál n~g waláng hanggáng-búhay. Cadakilaan sa m~ga cahulugan, capan~gahasan sa m~ga munacalà, m~ga bagong pananalitâ, cagandahan sa anyô, catutubong m~ga galaw, pagsasaysay na calugodlugód, calusugán n~g m~ga adhicâ, nárito ang m~ga híyas n~g Bossuet na castilà, na talagáng carapatdapat n~gá ang canyáng malakíng pagcábantog hindî lamang sa m~ga marurunong na m~ga castila, cung di naman sa m~ga waláng pinag-aralang m~ga "indio" at sa m~ga mapanglinlang na m~ga anác n~g "calan~gitang imperio" (imperio n~g cainsican)."

Gayon man, unti n~g mapilitan ang mapagcatiwalang corresponsal na canyang sirain ang calahatlahatan niyang sinulat. Idinaraing ni Párì Damaso ang isáng magaang na sipóng canyang nasaguip n~g gabing nagdaan: pagcatapos na siya'y macapagcantá n~g masasayáng m~ga "petenera", (caraniwang kinacanta sa m~ga lalawigang andalus, sa España), siya'y uminóm n~ga tatlong vásong sorbete at sandali siyang nanood n~g pinalalabas sa teatro. Dahíl sa bagay na ito'y ibig sana niyang magbitíw n~g pagca tagasalitâ n~g m~ga wicà n~g Dios sa m~ga tao, n~guni't sapagca't waláng ibáng makitang nacacaalam n~g búhay at m~ga himalâ ni San Diego,--túnay n~ga't natátalos ang m~ga bagay na itó n~g cura, n~guni't kinacailan~gang siyá'y magmisa,--pinagcaisahan n~g ibáng m~ga fraile na walâ n~g gagaling pa sa tínig n~g voces ni Párí Dámaso, at lubhang túnay na cahinahinayang na huwag italumpati ang totoong mainam na sermóng gaya na n~ga n~g naisulat at naisaulo na. Dahil dito'y ang babaeng dating tagapag-in~gat n~g susi'y siya'y ipinaghandâ n~g m~ga limonada, pinahiran ang canyang dibdib at liig n~g m~ga unguente at m~ga lan~gis, binalot siyá n~g maiinit na m~ga cúmot, siya'y hinilot at iba pa. Umínóm si Parî Dámaso n~g hiláw na itlóg na binati sa álac, at sa boong umaga'y hindî nagsalitâ at hindî man lamang nag-agahan; bahagyâ na uminóm n~g isáng vasong gatas, isáng tazang chocolate at lalabin-dalawang biscocho, na anó pa't tiniis niya n~g boong cabayanihang huwag cumain n~g isáng sisiw na frito at calahating quesong gawang Laguna, na canyang kinaugaliang canin pagcacaumaga, sapagca't ayon sa canyang catiwalang babae, maaaring macapagpaubó ang sisiw at ang queso, dahil sa capuwâ may asin at may tabá.

--¡Guinágawá ang lahat n~g itó't n~g camtan natin ang calan~gitan at magbalíc loob tayo!--ang sabi n~g m~ga Hermana n~g V.O.T., n~g caniláng maalaman ang ganitóng canyáng m~ga pagpapacahirap.

--¡Siyá'y pinarurasahan n~g Virgen de la Paz!--ang ibinúbulong naman n~g m~ga Hermana n~g Santisimo Rosario, palibhasa'y hindî nilá maipatawad ang canyang pagkiling sa canilang m~ga caaway na capuwà babae.

Lumabás ang procesión pagca alas ocho y media sa lilim n~g m~ga toldang lona. Nacacahawig din n~g guinawâ, cahapon, baga man may isáng bagay na nabago: ang m~ga Hermano n~g V.O.T., na m~ga matatandang lalaki't babae, casama ang iláng m~ga dalagang patungó na sa pagtandá, ang pananamit na dalá'y mahahabang hábitong guingón: damít na guingóng magaspáng ang sa m~ga mahihirap, at ang sa m~ga mayayama'y guingóng sutlâ, sa macatuwid baga'y ang tinatawag na "guingông franciscano", sa pagca't siyang lalong caraniwang gamitin n~g m~ga cagalanggalang na m~ga fraileng franciscano. Ang lahat n~g m~ga mahal na hábitong iyó'y m~ga dalísay, sa pagca't pawang galing sa convento sa Maynilà, na siyáng kinucunan n~g m~ga mamamayan sa limós na ang capalit ay salapíng isinasang-ayon sa táning na halagang hindî natatawaran, cung bagá mangyayaring sabíhing cawan~gis n~g sa isáng tindahan. Ang halagang itóng hindî nababawasa'y mangyaring maragdagan, n~guni't hindî nababawasan. Tulad sa m~ga habitong itó'y nagbibilí n~g gayón ding m~ga hábito sa monasterio n~g Santa Clara, na tagláy, bucód ang m~ga tan~ging biyáyang nacapagbibigay n~g maraming m~ga indulgencia sa m~ga patáy na pinagsasaputan, ang biyáyang lalò pa manding tan~gi: na lalò pang mahál ang halagá paga lalong lumà, gulanit at hindî na magagamit. Itinititic namin itó at baca sacaling banal na bumabasang nagcacailan~gan n~g gayóng m~ga mahál na "reliquia" (anó mang bagay na guinamit ó linangcáp na n~ga ibá), ó baca caya may matalas na isip casam-ang mámumulot n~g m~ga basahang taga Europa, na ibig yumaman sa pagdadalá sa Filipinas n~g isáng "cargamento" (maraming yácos na catatagang lúlan sa ísáng daóng) n~g m~ga hábitong masurot at malibág, sa pagca't nagcacahalagá n~g labíng anim na píso ó higuit pa, ayon sa calakhán n~g pagcalibaguing humiguít cumulang.

Nacapatong si San Diego de Alcalá sa isáng carrong napapamutihan n~g m~ga planchang pílac na nabuburdahan. May malaking capayatán ang Santo, garing mulá sa úlo hanggáng bay-awang, magagalitín at nacacaaalang-alang ang anyô n~g pagmumukhâ, baga mán culót ang buhóc sa úlo, na catulad n~g m~ga ita. Sutlang raso na nabuburdahan n~g guintô ang canyáng pananamit.

Sumusunod ang ating cagalang-galang na Amang si San Francisco, pagcatapos ay ang Virgeng gaya cahapon, ang caibhán lamang ay si Párì Salví n~gayón ang sumasailalim n~g palio at hindî ang makisig na si Párì Sibyla na mainam cumíyà. N~guni't cung di tagláy ni Párì Salví ang magandang anyô ni Párì Sibyla, datapuwa't nagcacanlalabis naman sa canyá ang pagca anyóng banál: nacatun~gó ang m~ga matá; nacadoop ang m~ga camay na ang anyó'y matimtiman at lumalacad na nacayucód. Ang m~ga may dalá n~g palio'y yaón ding dáting m~ga cabeza de barangay, na nagpapawis n~g boong ligaya, sa caniláng panunungcól na nakikisacristán, bucód sa silá'y maninin~gil n~g buwis, manunubos n~g m~ga taong lagalág at m~ga dukhâ, sa macatuwid baga'y m~ga Cristong nagbibigay n~g dugô dahil sa m~ga casalanan n~g m~ga ibá. Ang coadjutor, na nacasobrepelliz, ay nagpaparoo't parito sa iba't ibáng m~ga carro, na dalá ang incensario, at canyáng manacanacang hinahandugan n~g úsoc nitó ang pan~gamoy n~g cura, na pagca nagcacagayo'y lalong lalong n~g nagmumukhang caaway n~g tawa at magagalitín.

Other books

The Culling by Steven Dos Santos
Impossible by Nancy Werlin
Reye's Gold by Ruthie Robinson
The Final Call by Kerry Fraser
The Second Ring of Power by Carlos Castaneda
Bailey: Independence #1 by Karen Nichols
The Story of an Hour by Kate Chopin
The Passport by Herta Muller
Linda Needham by My Wicked Earl