Noli Me Tangere (38 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
4.73Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¡Walâ pa! siya'y nawala n~g m~ga araw na itó sa bayan at hindi nangyaring siya'y masumpun~gan!--ang isinagót n~g binatang nagdadaláng cahihiyan--Bucod sa roo'y totoong marami ang aking guinawâ, n~guni't huwág ca sanang mahapis; ipinan~gacò sa akin n~g curang tutulun~gan niyá acó, tulóy ipinagtagubilin niyá sa akin ang malaking pag-iin~gat at paglilihim sa pagca't tila mandin isang cagagawán n~g guardia civil ¡Totoong ipinagmamalasakit n~g cura ang babaeng iyán!

--¿Hindî ba sinasabi n~g alférez na canyáng ipahahanap ang m~ga bátà?

--¡Oo, n~guni't n~g sabihin iyo'y may caunting....calan~guhan siyá!

Casasabi pa n~g gayóng bágay n~g caniláng makitang hindî inihahatíd cung di kinacaladcad ang ul-ol na babae n~g isáng soldado: aayaw sumama si Sisa.

--¿Bákit ba ninyó hinuli ang babaeng iyán? ¿Anó ang canyáng guinawá? ang tanong ni Ibarra.

--¿Cung bákit? ¿Hindî ba ninyô nakita cung paano ang guinágawâ niyáng pag-iin~gay?--ang sagót n~g tagapag-in~gat n~g catahimican n~g bayan.

Dalidaling kinuha n~g sanlazarohin ang canyáng baculan at lumayô.

Minagalíng ni María Clarang umuwî na, sa pagca't lumipas sa canyá ang tuwá at casayahan.

--¿Mayroon din palang m~ga taong hindî lumiligaya! ang canyáng ibinulóng.

Pagdatíng niyá sa pintuan n~g canyáng bahay, canyáng naramdamang naragdagan ang canyáng capanglawan, n~g canyáng mahiwatigang aayaw pumanhíc at nagpapaalam ang nan~gin~gibig sa canyá.

--¡Kinacailan~gan!--ang sabi n~g binatà.

Pumanhíc sa hagdanan si María Clarang ang sumasaisip ay totoong nacayayamot ang m~ga araw n~g fiesta, pagcá dumarating ang m~ga panauhing tagaibang bayan.

=XXVIII.=

=MAN~GA SULAT=

Ang bawa't tao'y nagsasaysay ayon sa kinasasapitan sa fiestang pinaroroonan.

Sa pagca't waláng anó mang mahalagang nangyayari sa m~ga taong sinasaysay natin ang buhay na pinagdaanan, sa gabí n~g sinusundang araw n~g fiesta at gayón din sa kinabucasan, magalac na lalactawan namin ang araw na itó n~g pagsasayá, cung di lamang inaacala naming baca sacalì han~garing maalaman n~g sino mang bumabasang taga ibang lupaín cung paano ang guinagawá n~g m~ga filipino sa caniláng m~ga pagpifiesta. Sa ganitóng cadahilana'y sisipiin naming hindî daragdaga't hindî babawasan ang iláng m~ga sulat, na ang isá sa canila'y ang sa "corresponsal" n~g isang pamahayagang matimtiman at tinatan~gi sa Maynilà, na cagalanggalang dahil sa canyang cataasan at cahigpitang manalitá. Ang m~ga bumabasa sa amin ang siyá n~g bahalang magpunô sa ilang maliliit at calacarang m~ga cauculan.

Narito ang sulat n~g carapatdapat na "corresponsal" n~g mahal na pamahayagan:

"Guinoong Namamatnugot....

"Tan~gi cong caibigan: cailan ma'y hindî pa acó nacapapanood, at inaacalà cong hindî na acó macapapanod pa sa m~ga lalawigan n~g isáng fiestang tungcòl sa religióng totoong dakilà, maningning at nacababagbag n~g loob, na gaya n~g pagsasayáng guinagawa sa bayang ito n~g m~ga totoong cagalanggalang at m~ga banal na m~ga paring Franciscano."

"Pagcaramirami n~g dumalo: nagtamó acó rito n~g ligayang bumati sa halos lahát n~g m~ga castilang tumitira sa lalawigang ito, sa tatlong cagalanggalang na m~ga Paring Agustino na na sa lalawigang Batan~gan, sa dalawang cagalanggalang na m~ga Paring Dominico, na ang isá sa canila'y ang totoong cagalanggalang na si Pári Fray Hernando de la Sibyla, nasa canyáng pagparito'y canyang pinaunlacan ang bayang itó, bagay na hindî dapat calimutan magpacailan man n~g m~ga carapatdapat na m~ga tagarito. Nakita co rin naman ang lubhang maraming m~ga caguinoohang taga lalawigang Tan~guay, Capangpan~gan, ang maraming mayayamang m~ga taga Maynilà at maraming m~ga banda n~g música, at ang isá sa canila'y ang lubháng mainam na banda sa Pagsanghán, pag-aari n~g guinoong Escribanong si guinoong Miguel Guevara at ang caramihang m~ga insic at m~ga indio, na taglay n~g m~ga insíc ang canilang talagang dating caugaliang pagca maibiguíng macakita n~g iba't ibang bagay, at n~g m~ga indio ang caniláng asal na mapamintacasi, hinihintay nilá n~g maalab na pagmimithî ang pagdating n~g araw na ipagsasaya ang dakilang fiesta, upang caniláng mapanood ang palalabasing "comico-mímico-lirico-coreográfico-dramático," at n~g magawá ang bágay na itó'y sila'y nagtayò n~g isáng malaki at maluang na tablado sa guitnâ n~g plaza."

"N~g icasiyam na oras n~g gabi n~g araw na icasampô nitóng buwan, araw na sinusundan n~g fiesta, pagcatapos n~g isáng masaráp at saganang hapunang inihandóg sa amin n~g Hermano Mayor, tinakhan naming lahát na m~ga castila't m~ga fraileng na sa convento, ang caaliw-aliw na tugtóg n~g musicang may casabay na nagsisiksicang caramihang tao at n~g úgong n~g m~ga cohete at malalaking bomba, at pinamamatnugutan n~g m~ga guinoo n~g bayan, ang tinutun~go'y ang convento upang cami'y sunduin at ihatíd sa lugar na nahahandâ at iniuucol sa amin at n~g doo'y panoorin namin ang catuwaang palalabasin."

"Napilitan caming pahinunod sa gayóng magandáng anyaya, bagá man lalo sanang minamagaling co pa ang magpahin~galay sa m~ga bisig ni Morfeo, at pagcalooban n~g masanghayang pagpahin~galay ang aking nananakit na m~ga laman at buto, salamat sa nilundaglundag n~g lulanáng sa ami'y ipinagcaloob n~g Gobernadorcilio sa bayan n~g B."

"Nanaog n~ga camí at aming hinanap ang aming m~ga casamang humahapon bahay na pag-aari rito n~g mapamintacasi at mayamang si don Santiago de los Santos. Ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Bernardo Salvi na cura nitóng bayan, at ang totoóng cagalanggalang na si Párì Fray Damaso Verdolagas, na sa tanging biyayà n~g Cataastaasan ay magaling na sa dinaramdam na sa canya'y guinawa n~g camáy na pusóng, na ang casama'y ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Hernando de la Sibyla at ang banál na cura sa Tanawan at iba pang m~ga castilà, ang siyang m~ga panauhín n~g mayamang filipino. Diya'y nagtamó caming capalarang pangguilalasan, hindî lamang ang lubhang mahahalagang casangcapan at cagalin~gang magpamuti n~g may-ari n~g bagay, bagay na hindî caraniwan sa m~ga taong tubò rito, cung di naman ang camahálmahalan, cágandagandahan at mayamang dalagang magmamana, na nagpakilalang siya'y tunay at ganáp na alagad ni Santa Cecilia sa pagtugtóg n~g lalong caayaayang músicang likhá n~g m~ga alemán at n~g m~ga italiano, sa canyáng mainam na piano, na anó pa't ang canyáng cagalin~gang tumugtóg ay nagpaalaala sa akin sa babaeng si Galvez. Sayang at napacatimtiman naman ang gayong lubós sa cagalin~gang binibini, at inililihim ang canyang m~ga carapatán sa madláng caguinoohang pawang pagpupuri lamang ang sa canya'y handóg. Hindî co dapat iwan sa tintero, na sa bahay n~g nag-anyaya'y pinainóm cami n~g champaña at masasarap na m~ga licor n~g boong casaganaan at cagandahang loob na siyang caugaliang hindî nagbabago n~g kilalang mamumuhunan."

"Pinanood namin ang palabás. Kilala na po ninyó ang ating m~ga artistang si na Ratia, Carvajal at Fernandez; camí lamang ang nacaunawa n~g canilang carikitang lumabas, sa pagca't ang m~ga taong walang pinag-arala'y walang napagtantò cahi't babahagya. Magaling ang pagcacalabas ni Chananay at ni Balbino, baga man may caunting pamamaos nilá: isang pagcantáng hidwa n~g caunti sa música ang guinawa ni Balbino, datapuwa't catacatacá ang cabooan at ang canilang pagpupumilit sa mabuting pagganap. Lubháng naibigan n~g m~ga indio at lalong-lalò na n~g gobernadorcillo ang comediang tagalog: nagpakita n~g malaking catuwaan ang gobernadorcillo at sinasabi sa aming sáyang daw at hindi pinapakipag-away ang princesa sa gigante na sa canya'y umagaw, bagay na sa canyáng balac ay lalò sanang caguilaguilalas, at higuit pa, cung hindî mangyaring talban ang gigante cung di sa púsod lamang, na gaya baga n~g isang nagn~gan~galang Ferragús, ayon sa nababasa sa casaysayan n~g buhay n~g Doce Pares. Nakikisang-ayon sa acala n~g gobernadorcillo ang totoong cagalanggalang na si Parì Fray Damaso, taglay iyáng cagandahan n~g púsong siyang ikinatatangì niyá, at ang idinagdag pa'y cung sacali't magcagayon daw, ang princesa na ang hahanap n~g paraan at n~g canyáng masunduan ang púsod n~g gigante upang sa gayo'y canyang mápatay."

"Hindî co pô kinacailan~gang sabihin sa inyong samantalang guinágawâ ang pagpapalabas ay di itinulot n~g Rothschild na filipinong magculang n~g ano man sa cagandahan n~g canyang loob: ang m~ga sorbete, m~ga limonada gaseosa, m~ga refresco, m~ga matamis, m~ga alac at iba't iba pa'y saganang ipinamamahagui sa aming lahat na nangaroon. Ininóng totoó, at na sa catuwiran n~ga ang gayong pag-ino, ang pagcawala roon n~g kilala at marunong na binatang si don Juan Crisostomo Ibarra, na ayon sa talos na ninyo, ay dapat na siyáng manguló búcas sa pagbebendición n~g unang bató na nauucol sa dakilang "monumento" na canyang ipinatatayò sa udyóc n~g malaking nais na macagawâ n~g magalíng. Ang carapatdapat na calahing itó n~g m~ga Pelayo at n~g m~ga Elcano, (sa pagca't ayon sa napagtantò co'y tubò sa ating bayani at uring mahál na m~ga lalawigan sa dacong Timugan n~g España ang isá sa canyáng m~ga nunò sa amá, na marahil ay isá sa m~ga unang kinasama ni Magallanes ó ni Legaspi) ay hindi rin napakita sa m~ga nalalabing oras n~g araw, dahil sa caunting sakit na canyáng dinaramdam. Nagpapalipatlipat sa m~ga bibig ang canyáng pan~galang ipinan~gun~gusap lamang upang purihin, m~ga pagpupuring hindî mangyayaring di mauuwî sa icararan~gal n~g España at n~g tunay na m~ga castilang gaya na n~gâ natin, na cailan ma'y hindî natin pinasisinun~galin~gan cailan man ang ating dugô, cahit magpacáramirami ang m~ga maguing cahalò."

"Napanood namin n~gayóng icalabing isá n~g buwan, sa dácong umaga, ang isáng nangyaring lubháng nacababagbag n~g loob. Hayág n~gâ at talastás n~g lahát na sa araw na itó'y cafiestahan n~g Virgen de la Paz (Virgen n~g Capayapaan), at itó'y ipinagsasayá n~g m~ga Hermano (capatíd) n~g Santisimo Rosario Búcas ang cafiestahan n~g Pintacasing si San Diego, at sa fiestang iyá'y lubhang nakikitulong ang m~ga Hermano n~g V.O.T. (Venerable Orden Tercera; Cagalang-galang na Pan~gatlóng Hanáy). May isáng malaking pagpapataasang banal ang dalawang Capisanang itó sa paglilingcód sa Dios, at dumaratíng ang ganitóng gawáng cabanalan hanggang sa panggalin~gan n~g santong pagcacasamaan n~g loob nilá, gaya na n~gâ nitong hulíng nangyari dahil sa pakikipagtalo sa salitaan n~g dakilang taga pagsermong kinikilalang talagang balità, na hindî iba't ang di mamakailang aking binangguit, na totoong cagalanggalang na si Párì Fray Damaso, na siyáng lalagay búcas sa sadyang licmúan n~g Espiritu Santo, at ayon sa maacalà n~g lahát ay hindî malilimutang paunlacán n~g religión at n~g literatura."

"Alinsunod n~gâ sa aming sinasaysay, napanood namin ang isáng nangyaring lubháng nacapagtuturò at nacababagabag n~g loob. Lumabas sa sacrista ang anim na m~ga bata pang m~ga "religioso" (fraile), ang tatlo sa canila'y upang mangagmisa at ang tatló n~g mag-"acolito", nanicluhod sila sa harap n~g altar, at kinanta n~g "celebrante" (ang magmimisa) na itó n~ga'y ang totoong cagalanggalang na si párì Fray Hernando Sibyla, ang "Surge Domme", na siyang dapat maging pasimulâ n~g procesión sa paliguid n~g simbahan, taglay yaóng mainam na voces at anyong mataimtin na sa canyá'y kinikilala n~g lahat at siyang lubós na ipinaguiguing dapat niyá sa pangguiguilalas n~g madla. Pagca tapos n~g "Surge Domine", pinasimulan ang procesión n~g gobernadorcillo, na nacafrac, dalá ang "guión" at may casunod na apat na sacristang may hawac na m~ga insensario. Sumusunod sa caniláng licuran ang m~ga cirial na pilac, ang caguinoohan n~g bayan, ang mahahalagang m~ga larawang nasusuutan n~g sutlang raso at guintô ni na Santo Domingo at San Diego, at n~g Virgen de la Paz na may isáng carikitdikitang balabal (manto) na azul at may m~ga planchang pilac na dinorado, handóg n~g banál na capitang paradong si don Santiago de los Santos, na totoong carapatdapát uliranin at hindî casiya ang siyá'y ibantog magpacailán man. Nalululan ang lahát n~g m~ga larawang itó sa m~ga carrong pílac. Sumusunod caming m~ga castilà at ang ibáng m~ga religioso sa licuran n~g Iná n~g Dios: tinatangkililc n~g isáng páliong dalá n~g m~ga cabeza de barangay ang "oficiante" at ang wacás n~g procesio'y ang may mabuting carapatang capisanan n~g Guardia Civil. Inaacalà cong hindî na cailan~gang sabihing caramihang m~ga "indio" ang siyáng bumubuo n~g dalawang hanay n~g procesión, na pawang may tan~gang candílang may nin~gas at taglay ang boong pamimintacasi. Tumutugtog ang música n~g m~ga marcha religiosa; ulit-ulit na putóc ang siyáng guinágawa n~g m~ga bomba at n~g m~ga apóy na rueda. Nacapangguiguilalás ang panonood n~g cahinhinán at nín~gas n~g loób na iniuudióc sa pusò n~g m~ga nanampalataya sa caniláng wagás at malaking pananalig sa Vírgen de la Paz ang pagdiriwang na lubós at marubdób na pamimintacasing guinágawâ nating nagtamó n~g palad na ipan~ganác sa lílim n~g casantasantahan at waláng báhid na dun~gis na bandera n~g España sa ganitong m~ga cafiestahan."

"N~g matapos ang procesio'y pinasimulán ang misa, na sinasaliwan n~g orquesta at n~g m~ga artista n~g teatro. N~g matapos na ang Evangelio'y pumanhík sa púlpito ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Manuel Martín, agustinong nanggáling sa lalawigang Batan~gan, na pinagtakhán n~g m~ga nakikinig na páwang nan~gabitin sa canyáng pananalitâ, lalonglalò na ang m~ga castíla, sa pagpapasimulâ n~g pan~gan~garal n~g wícang castílà, na sinaysay n~g boong cabayanihan sa m~ga pananalitang magagaang ang pagcacataglay, at totoong angcáp na ancáp, na anó pa't pinúpuspos ang aming m~ga púsò n~g mataimtim na pamimintacasi at pag-aalab. Ang ganitóng pan~gun~gusap n~gâ ang siyáng marapat ilagdâ sa dinaramdam, ó ating dinaramdam pagcâ nauucol ang sinasaysay sa Vírgen ó sa ating sinisintang España, at lálonglálo na pagcâ naisasal-it sa sinasabi, yamang mangyayari namán sa bagay na itó, ang m~ga caisipán n~g isáng príncipe n~g Iglesia, na si "señor Monescillo," na mapapagtitibay na siyáng dináramdam n~g lahát n~g m~ga castilà."

"N~g matápos ang misa'y pumanhíc camíng lahát sa convento, na casama n~g m~ga caguinoohan sa bayan at ibá pang mahahalagáng m~ga tao, at doo'y hinandugán silá n~g boong cagandahan n~g loob, pagpipitagan at casaganaang siyáng kinaugalian n~g totoong cagalanggalang na si Párì Fray Salví, na inalayan nilá n~g m~ga tabaco at m~ga pagcaing inihandâ n~g Hermano Mayor sa sílong n~g Convento na handâ sa lahát n~g m~ga nagcacailan~gang patahimikin ang m~ga pan~gan~gailan~gan n~g sicmurà."

"Waláng naguíng caculan~gang anó man sa loob n~g maghápon upang bigyáng casiyahan ang fiesta at n~g upang manatili ang masayáng caasalán n~g m~ga castilà, na sa m~ga gayóng capanahuna'y hindî mangyaring mapiguilan, na ipinakikilala, cung minsa'y sa m~ga "canción" ó m~ga sayaw, at cung minsa'y sa m~ga waláng cahulugan at masayáng m~ga paglilibáng, palibhasa'y may m~ga púsong mahál at malacás, na anó pa't hindî nacararaig sa canilá ang m~ga pighati, at sucat na ang magcapisan ang tatlóng castilà sa alin mang lugar, upang doo'y tumácas ang calungcutan at samâ n~g loob. Pinag-aláyan n~gâ sa maraming bahay si Terpsícore datapuwa't lalonglalo na sa marilág na cayamanyamanang filipino na pinagpiguin~gan sa amin sa pagcain. Hindî co na kinacailan~gang sabihin pô sa inyóng lubháng masaganà at masaráp ang m~ga ipinacain sa piguing na iyón, na masasabing pan~galawa na n~g m~ga piguing sa casalan sa Caná ó cay Camacho, na pinagbuti at dinagdaran pa mandin. Samantalang nagtatamasa cami n~g m~ga caligayahan n~g pagcaing pinamamatnubayan n~g isáng tagalútò n~g "La Campana," tumútugtog naman ang orquesta n~g m~ga cawiliwiling tinig. Tagláy n~g cagandagandahang dalaga sa bahay, ang isáng casuutang mestiza, at isáng warí'y ágos n~g m~ga brillante, at siyá n~gâ, ayon sa pinagcaratihan na, ang reina n~g fiesta. Dinamdám naming lahát na dahil sa isáng hindî namán malubháng pagcápatapiloc n~g canyáng magandang paa'y hindî siya nangyaring nagcamit n~g m~ga ligaya sa pagsasayáw, sa pagca't cung ayon sa aming nahiwatigang siyá'y ganáp sa cagalin~gang gumawâ n~g anó man, ang guinoong binibining de los Santos, cung sumayaw marahil ay catulad n~g isáng "silfide"."

Other books

Scent and Subversion by Barbara Herman
The Last Hero by Nathaniel Danes
The Mimosa Tree by Antonella Preto
Submitting to the Boss by Jasmine Haynes
Angel of Death by John Askill