Noli Me Tangere (33 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
6.08Mb size Format: txt, pdf, ePub

--Inyóng talastasing naaangcap ang m~ga anyó't calagayang iyán sa siyám n~g bawa't sampong dalisay na filipino; ¡bacâ pô cayó'y magcamalî!

Sa cawacasa'y bumalíc ang m~ga sundalo, at caniláng sinabing waláng nakita silang bangcâ ó táong síno mang macapagbigáy hinála; nagsabi n~g pautál-utál ang sargento n~g iláng salitâ at sacâ umalis na tulad n~g pagdating: ása guardia civil.

Untîuntíng nanag-úli ang katuwâan, umulán ang m~ga tanóng at sumagána ang m~ga salisalitaan tungcól sa nangyári.

--¡Cung gayo'y iyán palá ang Elías na naghúlog sa alférez sa isáng pusáw!--ang sábi ni Leóng nag-iísip-isip.

--¿At paáno bâ ang nangyaring iyón, paano?--ang tanóng n~g iláng ibig macatantò n~g líhim.

--Ang sabi'y násalubong daw n~g alférez ang isáng táong may pas-áng cáhoy na panggátong, n~g isáng áraw na umuulan n~g mainam n~g buwán n~g Septiembre. Totoong mapútic ang daan at sa tabí lamang may makipot na landás na malalakaran n~g iísang táo. Ang guinawâ raw n~g alférez ay hindî piniguil ang cabayo na siyáng dápat sana, cung dî bagcós pinatulin at sumigáw sa táong siya'y umudlót: tíla mandin hindî íbig n~g taong iyóng bumalíc sa pinanggalín~gan ó áayaw na málubog sa pusáw, caya't nagpatúloy n~g paglacad. Sa gálit n~g alférez ay inacálang siya'y ipatáhac, n~guni't cumúha ang táo n~g caputol na cáhoy at pinacapalòpálô ang úlo n~g háyop nang boong lakás, na anó pa't nábulagtâ ang cabayo't napatapon sa pusáw ang alférez. Sinasabi ring ipinagpatuloy daw n~g táong iyón ang paglacad n~g boong tiwasáy, na hindî niyá alumana ang limáng balang ipinahabol sa canyá n~g alférez na nabulagan sa marubdób na gálit at sa lúsac. Sa pagca't túnay na hindî kilalá n~g alférez cung síno ang táong iyón, hininalang marahil ay ang bantóg na si Elías, na gáling sa lalawígang may iláng buwán pa lamang, na dî alám cung tagasaán, at napakilala sa m~ga guardia civil sa iláng báyan dáhil sa m~ga cawan~gis n~g gayon din m~ga cagagawán.

--¿Cung gayó'y tulisán palá siyá?--ang itinanóng ni Victoriang kiníkilig.

--Sa acálà co'y hindî, sa pagcá't minsan daw ay siyá'y nakilaban sa m~ga tulisán isáng araw na caniláng linolooban ang isáng báhay.

--¡Walang mukháng masamáng táo!--ang idinugtóng ni Sínang.

--¡Walâ, totóo lamang mapangláw ang canyáng tin~gín: hindî co nakitang siyá'y n~gumitî man lamang sa boong umaga,--ang sinábî ni María Clara.

Sa gayó'y nagdáan ang hápon at dumatíng ang horas n~g pag-owî sa bayan.

Nan~gagsialís silá sa gúbat n~g iliníliwanag ang m~ga hulíng sínag n~g naghíhin~galong áraw, at nagdaan siláng hindî umíimic sa malapit sa mahiwágang pinaglibín~gán n~g núnò ni Ibarra. Pagcatápos ay nanag-úlì ang masayang m~ga salitaang maín~gay, puspós n~g canin~gasan, sa sílong n~g m~ga san~gá n~g cáhoy na iyong hindî totóong sanáy na macárinig n~g gayóng caráming m~ga voces. Tila mandin namámanglaw ang m~ga cáhoy, umúugoy ang m~ga gumagapang na m~ga damó at warí'y sinasabi: ¡Paalam cabatâan! ¡Paalam, panag-ínip na isáng áraw!

At n~gayón, sa liwanag n~g mapupulá at malalakíng nin~gas n~g m~ga sigsíg; at sa tugtog n~g m~ga guitarra, bayaan natin siláng lumácad na patun~gó sa bayan. Nagbabawas ang m~ga pulutóng, namámatay ang m~ga ilaw, napípipi ang guitarra, samantalang silá'y nálalapit sa tahanan n~g m~ga táo. ¡Ilagáy ninyó ang inyóng "máscara", sa pagca't cayo'y makikipanayam na namán sa inyóng m~ga capatíd!

=XXV.=

=SA BAHAY NG FILOSOFO=

Pagca umaga n~g kinabucasan, pagcatapos na madálaw ni Juan Crisóstomo Ibarra ang canyang m~ga lúpà, siyá'y tumún~go sa báhay ni mátandang Tasio.

Lubós na lubós ang catahimican sa halamánan, sa pagca't ang m~ga lan~gay-lan~gayang nan~gagsasalimbayan sa palibót n~g balisbisa'y bahagyâ na umiin~gay. Sumísibol ang malilit na damó sa lúmang pader na guinagapan~gan n~g cawán~gís n~g báguing na bumubordá sa m~ga bintánà, malíit na bahay na anaki'y siyáng tahanan n~g catahimícan.

Maín~gat na itináli ni Ibarra ang canyáng cabáyo sa isáng halígui, siyá'y lumacad n~g hálos patiad n~g pagdadahandahan at canyáng tináhac ang halamanang malínis at totoong magaling ang alágà; pinanhíc ang hagdánan, at siya'y pumasoc, sa pagca't bucas ang pintô.

Ang únang nakita niyá'y ang matandâ, na nacayucód sa isang libro na tíla mandín canyáng sinusulatan. May napanood sa m~ga pader na tinitipong m~ga maliliit na m~ga háyop at m~ga dahon n~g m~ga cáhoy at damó, sa guitnâ n~g m~ga "mapa" at lúmang estanteng punô n~g m~ga libro at n~g m~ga súlat-camáy.

Lubhang nalilibang ang matandâ sa canyang guinagawâ, na ano pa't hindî naino ang pagdating n~g binatà, cung dî n~g ito'y aalis na sana, sa pagcaibig na huwag macagambalà sa matandang iyón.

--¡Abá! ¿nariyan pó bâ cayó?--ang itinanóng, at tiningnan si Ibarra n~g wari'y nangguiguilalás.

--Ipagpaumanhin pô ninyó,--ang isinagót nitó,--cayó pô pala'y maraming totoong guinagawâ....

--Siya n~gâ pô, sumusulat acó n~g cauntî, datapuwa't hindî dalî-dalì at ibig cong magpahin~gá. ¿May magagawâ pô bâ acóng anó mang sucat ninyóng pakinaban~gan cahi't babahagyâ?

--¡Malaki pô!--ang isinagót ni Ibarra at saca lumapít;--datapuwa't....

At sinulyáp ang librong na sa ibabaw n~g mesa.

--¡Aba!--ang biglang sinabing nangguíguilalas; guinagamít po ba ninyo ang inyong panahon sa pagsisiyasat cung anó ang cahulugán n~g m~ga "geroglífico?"

--Hindî pô!--ang isinagót n~g matandáng laláki, at tuloy nag-álay sa kanyá n~g isáng "silla";--hindî nacacawatas acó n~g egipcio ó n~g copto man lamang, datapuwa't may cauntì akóng nalalamang paraan sa pagsulat niyan, caya acó'y sumulat n~g m~ga "geroglífico."

--¿Sumusulat pô cayó n~g m~ga "geroglifico"? ¿At bákit pô?--ang itinanóng n~g binatang nag-aalinlan~gan sa nakikita't naririn~gig.

--N~g huwag mabasa nino man sa m~ga panahóng itó ang aking sinusulat.

Tinitigan ni Ibarra ang matandang lalaki, at ang ísip niya'y bacâ nasisirà ang ísip nitó. Madaling madalíng siniyásat ang aclat, sa pagca íibig niyang maalaman cung nagsisinun~galing, at canyang námasdang totoong magalíng ang doo'y pagcacaguhit n~g m~ga hayop, m~ga gúhit na bilóg, m~ga gúhit na anyóng pabilóg, m~ga bulaclac, m~ga paa, m~ga camay, m~ga bisig, at iba pa.

--¿At bakit pô cayó sumusulat cung talagang aayaw cayóng mabasa nino man ang inyóng sinusulat?

--Sa pagca't hindî co iniuucol ang áking sinusulat sa m~ga taong nabubuhay n~gayón; sumusulat acó at n~g mabasa n~g m~ga taong ipan~gan~ganak pa sa m~ga panahong sasapit. Cung mababasa n~g m~ga tao n~gayon ang aking m~ga sinusulat ay canilang susunuguin ang aking m~ga aclat, na siyang pinagcagugulan co n~g pagal n~g boong aking búhay; datapuwa't hindi gayón ang gagawin n~g m~ga taong ipan~gan~ganak pang macababasa n~g aking m~ga sinusulat n~gayón; sa pagca't ang m~ga taong ipan~gan~ganak pang iyo'y pawang maguiguing m~ga pantas at mauunawâ nila ang aking m~ga adhicâ at canilang wiwikain: HINDI NATULUG NA LAHAT SA GABI N~G AMING M~GA NUNO! Ililigtas n~g talinghagà ó n~g m~ga cacaibang m~ga letrang itó ang aking gawâ, sa camangman~gan n~g m~ga tao, na gaya naman n~g pagcaligtas sa maraming m~ga catotohanan n~g talinghaga ó n~g m~ga cacaibang m~ga pagsambá at n~g di sirain n~g mapangwasak na m~ga camay n~g m~ga sacerdote.

--At ¿sa anóng wica sumusulat po cayo?--ang itinanong ni Ibarra, pagcatapos n~g isang sandalíng hindî pag-imíc.

--Sa wica natin, sa tagalog.

--¡At nagagamit pô ba sa bagay na iyan ang m~ga "geroglifico"?

--Cung di lamang sa cahirapan n~g magdibujo, nagcacailan~gan n~g panahón at tiyaga, halos masasabi co sa inyóng lalong magaling na gamitin ang m~ga "geroglifico sa pagsulat n~g ating wikà cay sa "alfabeto latino". Tagláy ang m~ga "vocal" n~g dating "alfabeto egipcio"; ang ating o na pangwacas na vocal na na sa calaguitnàan n~g o at n~g u; wala rin sa egipciong túnay na tunóg ang E; na sa "alfabeto egipcio" ang ating ha at ang ating kha na wala sa "alfabetong latín" ayon sa paggamit natin sa castila. Sa halimbawà; sa sabing mukha,--ang idinugtong na itinuro ang libro--lalong nababagay na aking isulat ang sílabang ha sa pamamag-itan nitóng anyóng isdâ cay sa letrang latina na ipinan~gun~gusap sa Europa sa pamamag-itan n~g iba't ibáng paraan. Sa isáng pan~gun~usap na hindî totoong ipinahahalatâ ang letrang itó, gáya sa halimbáwa dito sa sábing hain, na dito'y hindî totooog mariin ang pan~gun~gusap n~g h, ang guinagamit co'y itóng "busto" n~g leó ó itóng tatlóng bulaklak n~g loto, ayon sa bilang n~g "vocal." Hindî lámang itó, nagágawâ co rito ang pagsúlat n~g tínig na sa ilóng lumálabas, letrang walâ sa "alfabeto latinong" kinastilà. Inuulit cong cung hindî n~gâ lámang sa cahirápan n~g pagdidibujo na kinacailan~gang pacabutihin, hálos magagamit n~gâ ang m~ga "geroglifico"; datapowa't ang cahirapang ding itó ang siyang pumimipilit sa aking huwag magsalitâ n~g maláwig at huwag magsaysay cung dî iyóng catatagán at kinakailan~gan lámang: bucód sa rito'y sinasamahan acó n~g pinagpapagalan cong itó, pagca umáalis ang áking m~ga panauhing tagá China at tagá Japón.

--¿Anó pong sábi ninyó?

--Hindî pô ba ninyo náririn~gig? M~ga lan~gaylan~gayan ang áking m~ga panauhin; n~g taóng itó'y nagcúlang n~g isá; maráhil siyá'y hinúli n~g síno mang masamáng bátang insíc ó japonés.

--¿Bakit pô nalalaman ninyóng silá'y nanggagaling sa m~ga lupaíng iyán?

--Dahil pô sa isáng magaáng na paraan: may iláng taón na n~gayóng bágo silá umalís ay itinatalì co sa caniláng paa ang isáng maliit na papel na may nacasúlat na "Filipinas" sa wicang inglés, at inaacalà cong hindî totóong maláyò ang caniláng pinaroroonan, at sa pagcá't sinásalita ang wicang inglés hálos sa lahát n~g pánig n~g m~ga dácong itó. Hindî nagcamít casagutan ang maliit cong papel sa loob n~g mahabang panahón, hanggáng sa cawacasa'y ipinasulat co sa wicang insíc, at ang nangyari'y silá'y bumalic n~g noviembreng sumunód na may m~ga daláng ibáng m~ga maliliit na papel, na aking ipinabasa: nacasúlat ang isá sa wícang insíc, at yaó'y isáng báti magmula sa m~ga pampan~gín n~g Hoangho, at ang isá, alisunod sa insíc na áking pinagtanun~gan, yaón daw marahil ay wicang japonés. Datapuwa't cayó po'y áking linílibang sa m~ga bagay na itó, at hindî co itinatanong sa inyó cung sa paanong bagay macapaglílingcod acó sa inyó.

--Naparito pô acó't ibig cong makipag-úsap acó sa inyó tungcól sa isang bagay na mahalaga,--ang isinagót n~g binatà;--cahapon n~g hapo'y....

--¿Hinúli pó ba ang cúlang pálad na iyan?--ang isinalabat n~g matandang lalaking malaking totóo ang pagca ibig na macaalam.

--¿Si Elías pô ba ang inyóng sinasabi? ¿Bakin pô ninyó naalaman?

--¡Aking nakita ang Musa n~g Guardia Civil.

--¡Ang Musa n~g Guardia Civil! ¿At sino pô ba ang Musang iyan?

--Ang asawa n~g alférez, na inyóng inanyayahan sa inyóng pagcacatuwa. Cumálat cahapon sa báyan yaong nangyari sa buwaya. Cung gaano ang catalásan n~g ísip n~g Musa n~g Guardia Civil ay gayon din ang catampalasanan n~g canyáng budhî, at hininálà na maráhil ang piloto'y yaong napacapan~gahas na nag-abaáng sa canyang asawa sa pusaw at bumuntál cay párî Dámaso; at sa pagca't siya ang bumabasa n~g m~ga "parte" (casulatang nagbibigay álam n~g anó mang bagay na nangyayari) na dapat tanggapin n~g canyáng asáwa, bahagyà pa lamang dumarating itó sa canyang bahay na lan~gó at walang malay, inutusan ang sargento, sampô n~g m~ga soldado, at n~g bagabaguin ang fiesta, upang macapanghigantí sa inyó, ¡Mag-in~gat pó cayó! Si Eva'y mabait na babae, palibhasa'y nanggâling sa m~ga camay n~g Dios ... Masama raw babae si doña Consolación, at waláng nacacaalam cung caninong camáy siya nanggáling! Kinacailan~gang naguing "doncella" ó naguíng ina, minsan man lámang, upang gumalíng ang isang babae.

N~gumitî n~g cauntî si Ibarra, sacâ súmagót, casabay ang pagcuha sa canyang cartera n~g iláng m~ga papel.

--Malìmit na nagtátanong pô sa inyó ang aking nasírang amá sa iláng m~ga bagay, at natátandaan cong páwang casayahan ang canyang tinamó lamang sa pagsunód sa inyong m~ga cahatulan. May casalucuyan acóng isang munting gawain íbig cong papagtibayin ang magandang calalabasan.

At sinabi ni Ibarra sa matandang lalaki sa maiclíng pananalitâ, ang pinagbabalac na escuelahang canyang inihandóg sa canyang pinan~gin~gibig, at inilahad sa m~ga mata n~g nagtatacang filósofo ang m~ga planong galing Maynila na sa canya'y ipinadala.

--Ibig co sanang ihatol pô ninyó sa akin cung sinosino sa bayan ang m~ga taong aking susuyuin, at n~g lalong lumabás na magalíng ang gawaing itó. Kilalá pô ninyóng totóo ang m~ga táong nananahan dito; acó'y bágong carárating at hálos acó'y isáng manunuluyang tagá ibang lupaín sa aking sariling bayan.

Sinisiyásat ni matandáng Tasiong sa m~ga mata'y nangguiguilid ang m~ga lúhà, ang m~ga planong na sa canyáng haráp.

--¡Ang inyóng ipagpapatuloy na yariin ay ang aking panaguinip, ang panaguinip n~g isáng abáng sirâ ang ísip!--ang bigláng sinábing nabábagbag ang lóob;--at n~gayó'y ang únang ihahatol co pô sa inyó'y ang huwág na mulíng cayó'y magtanóng sa ákin magpacailan man!

Tinin~gnán siyá n~g binátang nangguíguilalas.

--Sa pagcá't ang m~ga táong matitinó'y ipalalagay pô cayóng sirâ rin ang pag-iísip,--ang ipinagpatuloy n~g pananalitáng masacláp na pagpalibhásà.--Inaacalà n~g táong páwang m~ga sirâ ang ísip n~g síno mang hindî nag-iisip n~g wan~gis na canilá; itó ang dahilán at ipinalálagay nilá acóng ul-ól, at ang gayó'y kinikilala cong útang na lóob, sa pagcá't ¡ay, sa aba co! sa araw na ibig niláng ibalic sa aking boo ang sirâ cong ísip; sa araw na iyá'y áalsan acó n~g cauntíng calayâang áking binilí sa halagá n~g pagca-acó'y táong may cálolowa. ¿At síno ang nacacaalam cung silá n~gâ ang may catuwiran? Hindî acó nag-iisip at hindî acó nabubuhay alinsunod sa caniláng m~ga cautusán; pawang m~ga ibá ang áking sinúsunod na m~ga palatuntunan, ang áking m~ga adhicâ. Sa ganáng canilá'y ang túnay na matinó'y ang gobernadorcillo, sa pagca't palibhása'y waláng ibáng pinagaralan cung dî ang magdúlot n~g chocolate at magtiis n~g casam-án n~g asal ni párì Dámaso, n~gayó'y mayaman, liníligalig niyá ang m~ga maliliit na capaláran n~g canyáng m~ga cababáyan at cung magcabihirà pa'y nagsásalitâ n~g tungcól sa catuwíran. "Matalas ang pag-iísip n~g táong iyán" ang inaacalà n~g m~ga han~gal; "tingnan ninyó't sa waláng anó ma'y nacapagpalakî sa sarili!" Datapuwa't acóng nagmána n~g cayamanan, m~ga pagca-aláng-álang n~g cápuwà, acó'y nag-áral, n~gayó'y isáng mahírap acó, at hindî acó pinagcatiwalâan n~g lálong waláng cabuluháng tungcúlin, at ang sinasabi n~g lahát: "¡Iyá'y isáng ul-ól, iyá'y hindî nacauunawà cung anó ang pamumuhay!" Tinatawag acó n~g curang "filósofo" n~g palibác, na ang ipinahihiwatig ay acó'y isáng madaldal na ipinagmámayabang ang m~ga pinagarálan sa Universidad, gayóng siyá pa namáng lálong waláng cabuluhán. Marahil n~gâ namá'y acó ang túnay na báliw at silá ang m~ga tinô, ¿síno ang macapagsasabi?

Other books

Her Every Fantasy by Stephanie Morris
Heart Fire (Celta Book 13) by Owens, Robin D.
The Gypsy Blessing by Wendi Sotis
Bad Girls Don't by Cathie Linz
Plague War by Jeff Carlson
Here and There by A. A. Gill
Six for Gold by Mary Reed & Eric Mayer
Faerie Wars 01 - Faerie Wars by Brennan, Herbie