Noli Me Tangere (31 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
9.96Mb size Format: txt, pdf, ePub

Muling tumunóg ang música: tumutugtog si Iday n~g arpa, at ang m~ga lalakí namá'y m~ga acordeón at m~ga guitarra, na humiguit cumúlang ang "afinación;" datapuwa't si Albino ang magaling tumugtóg sa lahát, sa pagca't tunay na kinacamot ang guitarra, nagcuculang sa "tono" at mayatmaya'y sumisinsay sa compás, at caguinsaguisa'y nacalilimot, caya't lumilipat sa sonatang ibang ibá sa dating tinútugtog.

Pinaroonan ang cabiláng baclád na may malaking pag-aalinlan~gan; marami ang umaasang naroroon doon ang babaeng buayang asawa n~g nápatay, n~guni't mápagbirô ang "Naturaleza", caya't laguing punô n~g isda ang sáloc cailanis ma't ililitaw.

Nag-uutos si tia Isabel:

¡Mabuting isigang ang "ayun~gin"; pabayaan ninyó ang "biyâ" at n~g mágawang "escabeche", ipasà ninyó ang "dalag" at ang "buwan-buwan": mahábà ang búhay n~g dalág. Ilagay ninyó silá sa lambát at n~g manatili silá sa túbig. ¡Ilagay ninyó ang m~ga "sugpô" sa cawáli! Ucol na iíhaw ang "bánac" na may camatis sa tiyan, at nacabálot sa dáhon n~g ságuing.

Pabayâan ninyó ang ibá at n~g maguing pain. Hindî magalíng na pabayâang ang waláng calamánlaman ang baclád,--ang idinugtóng.

N~g magcágayo'y nan~gag-acálà siláng lumunsád sa pampáng, sa gubat na iyón n~g matatandang cáhoy na pag-áarì ni Ibarra. Doo'y sa lílim at sa tabí n~g malínaw na bátis ay manananghalian silá sa guitnâ n~g m~ga bulaclác ó sa ilalim n~g itatayô agad-agad na m~ga palapala.

Umaalin~gawn~gaw sa alang-alang ang música; napaimbulog n~g boong casayahan ang úsoc n~g m~ga caláng ang anyó'y manipís na ipoipo: umaawit ang túbig sa loob n~g mainit na palayóc; marahil ay m~ga salitáng pang-alíw sa m~ga isdáng patáy, marahil ay libác at cutyâ: nagpapapihitpihit ang bangcáy n~g buaya, cung minsa'y bigláng ipinakikita ang maputi at wacwác na tiyán, cung minsan nama'y bigláng ipinakikita ang may pintá at namemerdeng licód, n~guni't hindî nagugulumihanan ang táong minamahal n~g Naturaleza, sa gayóng caraming pagpatáy na cúsà sa m~ga capatíd, ayon sa sasabihin marahil n~g m~ga "bramin" ó n~g m~ga "vegetariano."

TALABABA:

[257] Maningning batóng azúl ang culay.

=XXIV.=

=SA GUBAT=

Maaga, maagang maaga n~g magmisa si párì Salvî, at sa iláng sandali'y canyáng nilínis ang may labingdalawáng calolowang marurumí, at ang ganitóng gawa'y hindî niyá nauugalîan.

Tila mandín nawal-an n~g gánang cumain ang carapatdapat na cura, dahil sa pagcabasa n~g iláng súlat na dumatíng na may m~ga "sello" at mabuti ang pagcacalagay n~g "lacre;" sa pagca't pinabayâang lubós na lumamíg ang "chocolate."

May sakít ang párì,--ang sinasabi n~g "cocinero," samantalang nagháhandà n~g ibáng "taza" n~g chocolate;--mahábà n~g áraw na hindî cumacain, sa anim na pinggang inihahayin co sa canyá sa "mesa," waláng dalawáng pinggán ang canyáng sinásalang.

--Dahil sa hindî siyá nacacatulog n~g mahusay,--ang sagót n~g alilang lalaki;--siyá'y binaban~gun~got mulâ n~g magbago n~g tinutulugan. Nalalao'y lalong nanglalalim ang canyáng m~ga matá, at totoong nanínilaw.

Tunay n~ga namáng nacaháhabag tíngnan si párì Salví. Hindî man lamang sinalang ang pan~galawáng taza n~g chocolate, hindî tinicmán man lamang ang m~ga hojaldeng Cebú; nagpaparoo't parito sa malúang na sálas at kinucuyumos n~g canyáng mabut-ong m~ga camáy ang isáng sulat na manacânacang binabasa. Hinin~gî, sa cawacasan, ang canyáng "coche", nag-ayos at sacâ nag-utos na siyá'y ihatîd sa gubat na kinalalagyan n~g nacapamámanglaw na cáhoy at sa malapit doo'y nan~gagcacatuwa n~g paglalakbay sa caparan~gan.

Pinaalis ni pári Salví ang "coche", pagdatíng sa lugar na iyón, at pumásoc siyang nag-íisa sa gubat.

Isáng mapangláw na landás na bahagyâ na nabucsán sa casucalan ang pinagdáraanang patun~gó sa isáng bátis, na ang tubig na umaagos doo'y gáling sa iláng bucál n~g malacúcong tubig, tulad sa m~ga na sa taguiliran n~g Makíling. M~ga bulaclác na cusang sumisibol na ang marami sa canila'y hindî pa napapan~galanan, ang siyang pamuti n~g m~ga pangpang n~g batis na iyón; n~guni't marahil ay kilalá na n~g m~ga doradong maliliit na háyop, n~g m~ga paróparóng sarisarì ang lalakí, at may m~ga cúlay na azúl at guintô, mapuputî at maiitím, sal-it sal-ít na cúlay maniningning, makikintab, may m~ga tagláy na m~ga rubí at m~ga esmeralda sa caniláng m~ga pacpác, at n~g m~ga libolibong m~ga tutubíng cumikinang n~g tulad sa metal, at wari nasasabugan n~g totoong mataas na guintô. Ang tunog n~g pagaspas n~g m~ga maliliit na m~ga hayop na ito, ang irit n~g yayay na nag-iin~gay sa araw at gabí, ang huni n~g ibon, ó ang lagapák n~g bulók na san~ga n~g cahoy na nahuhulog at nagcacasabitsabit sa lahat n~g lugar ang siyang tan~ging sumisirà n~g catahimican n~g talinghagang lugar na iyón.

Malaónlaon din siyáng nagpalacadlacad sa casucalan n~g m~ga gumagapang na damó, na canyáng pinan~gin~gilagan ang m~ga dawag na cumacapit sa canyáng hábitong guingón na tíla mandin ibig siyáng piguilin, at pinatitisodtisod maya't mayâ ang m~ga para ninyóng dî bihasang maglacád n~g m~ga ugát n~g m~ga cáhoy na lumálabas sa lúpà. Biglâ siyáng tumiguil: masasayáng m~ga hálakhakan at m~ga sariwang voces ang dumatíng sa canyáng m~ga tain~ga, at nanggagaling ang m~ga voces at ang m~ga halakhakan sa bátis, at nalalao'y lálong nálalapit.

--Titingnan co cung acó'y macacásumpong n~g isáng púgad,--ang sinásabi n~g isáng magandá at matimyás na voces na nakikilala n~g cura;--íbig co siyá makita na hindî "niyá" acó nakikita, íbig co siyáng sundán sa lahát n~g dáco.

Nagtágo si párì Salví sa licód n~g malakíng púnò n~g isáng cáhoy at sacâ nakinig.

--¿Sa macatuwíd ay íbig mong gawín sa canyá ang sa iyó'y guinágawa n~g cura, na binábantayan ca saan ca man pumaroon?--ang itinugón n~g isáng masayáng voces.--¡Mag-in~gat ca, sa pagca't nacayayayat at nacapagpapalalim n~g m~ga matá ang panibughô!

--Hindî, hindî panibughô; cung dî pagcaibig lámang na macaalam n~g dî co talós!--ang isinásagot n~g mataguintíng na voces, samantalang, inuulit n~g masayá:

--¡Siya n~gâ, panibughô, panibughô!--at humahalakhak n~g táwa.

--Cung acó'y naninibugho, hindî acó ang hindî pakikita; ang hindî co ipakikita'y siyá, n~g hindî siyá mámasdan nino man.

--N~guni't icáw may hindî mo siya makikita, at iya'y hindî magalíng. Ang lálong magalíng, cung macacasumpong táyo n~g púgad, ay ating "iregalo" sa cura, at sa gayo'y canyáng mabábantayan tayo, na hindî magcacailan~gang siya'y makita, ¿anóng acalà mo?

--Hindî acó naniniwalà sa m~ga púgad n~g m~ga tagác--ang sagót n~g isáng voces; n~guni't cailan ma't aco'y manibughô matututo acóng magbantay na hindî acó makikita.

--At ¿paano? ¿at paano? ¿Bakit, gaya bâ n~g isáng Sor Escucha?

Nacapagpahakhak n~g masayá ang gayóng alaala sa pagcacolegiala.

--¡Nalalaman mo na cung paano ang pagdayà cay Sor Escucha!

Nakita ni párì Salví, mulâ sa canyáng pinagtataguan si María Clara, si Victoria si Sinang na naglílibot sa ílog. Lumalacad ang tatlóng ang tin~gin ay sa salamín n~g túbig at nan~gagháhanap n~g talínghágang púgad n~g tagác: Basâ silá hangáng sa tuhod, na ano pa't nahihiwatigan sa m~ga malalapad na cunót n~g canilang m~ga sáyang pangpalígo ang calugódlugód na húbog n~g caniláng m~ga bintî. Nacalugay ang caniláng buhóc at hubád ang caniláng m~ga bísig, at natátacpan ang catawán n~g isáng bárong may malalapad na gúhit at masasayang m~ga cúlay. Samantalang nagháhanap silá n~g isáng bágay na hindî mangyayaring masumpun~gan ay namumuti tulóy silá n~g m~ga bulaclác at nan~gun~guha n~g m~ga gúlay sa pampáng.

Pinanonood n~g fraileng Acteón na namúmutlâ at hindî cumikilos ang mahinhing Dianang iyón; ang m~ga matá niyáng numíningning sa madilím na hungcág na kinálalagyan ay hindî nan~gapapagal n~g pagtatacá sa m~ga mapuputî at parang linalic na m~ga bísig, yaóng magandang liig hanggang pa pasimulâ n~g dibdíb; ang malíliit at culay rosang m~ga paang nan~gaglálarò sa tubig, pawang pumupucaw sa abang cataohan niyá n~g cacaibang m~ga damdamin at nagpapapanaguinip n~g m~ga bágong caisipán sa nilálagnat niyang budhî.

Sa licód n~g isáng pag-licô sa ílat, sa guitnâ n~g masucal na cawayanan; nan~gawalâ ang m~ga matitimyás na m~ga dalagang iyón, at hindî na marin~gig ang caniláng malulupit na m~ga parungguít. Halíng, nanglulupaypay, pigtâ n~g pawis umalís si párì Salví sa canyáng pinagtataguan, at nagpalin~gaplin~gap sa canyáng paliguidliguid, na ang m~ga mata'y hibáng. Humintóng hindî cumikilos, nagaalinlan~gan; humakbang n~g ilán at anaki'y íbig sumunód sa m~ga dalaga, n~guni't nagbalic at naglacad sa pampáng at ang ibáng m~ga casama n~g m~ga dalagang iyón ang siyáng hinanap.

Nakita niya sa malayô-layô roón, sa guitnâ n~g bátis, ang isáng wari'y paliguang magaling ang pagcacabacod, at ang pinacabubóng ay isáng malagong cawayan; may nanggagaling doong masasayáng m~ga voces n~g babae. Napapamutihan ang paliguang iyón n~g dahon n~g m~ga niyog, m~ga bulaclac at m~ga bandera. Nacatanaw namán siyá sa daco pa roon n~g isáng tuláy na cawayan at sa dacong malayo'y m~ga lalaking nan~galiligo, samantalang nan~gagcácagulo ang caramihang m~ga alilang lalaki at m~ga alílang babae sa palíbót n~g m~ga caláng biglaan ang pagcacágawâ at nan~gagsusumakit n~g paghihimulmol sa m~ga inahíng manóc, nan~gaghuhugas n~g bigás, nag-iiháw n~g "lechón" at ibá pa. At doon sa cabiláng ibayo, sa isáng calinisang caniláng hináwan, sa loob n~g lilim n~g isáng palapalang caniláng bagong itinayóng ang m~ga haligui'y cahoy at ang bubóng ay "lona" na" ang isang bahagui at ang isáng bahagui'y m~ga dahon n~g malalakíng cáhoy, nan~gagcacatipon ang maraming m~ga lalaki't m~ga babae. Doo'y naroroon ang alférez, ang coadjutor, ang gobernadorcillo, ang teniente mayor, ang maestro sa escuela at ang maraming m~ga capitan at tenienteng "pasado", patí ni capitang Basiliong amá ni Sínang, na dating caaway n~g nasírang si Don Rafael sa malaon n~g pinag-uusapan. Sa canyá'y sinabi ni Ibarra: "Pinag-uusapan natin ang isang catuwiran, at hindî mag-caaway ang cahulugan n~g pag-uusapín. At napahinuhod n~g boong galác n~g loob ang balitang mánanalumpatì n~g m~ga "conservador" sa anyaya ni Ibarra, at tulóy nagpadalá n~g tatlong payo at sacâ ipinanalim sa capangyarihan n~g binatà ang paglilingcód n~g canyáng m~ga alilà.

Sinalúbong ang cura n~g boong galac at pagpipitagan n~g lahát, patí n~g alférez.

--¿N~guni't saan pô nanggaling ang cagalanggalang na camahalan pô ninyó?--ang itinanóng sa canya n~g alférez, n~g makita nitó ang canyáng mukháng punô n~g gálos, at ang canyáng habito'y puspós n~g m~ga dahon at n~g m~ga tuyóng san~gá--¿Naparapâ pô ba ang cagalanggalang na camahalan ninyó?

--¡Hindî! ¡náligaw acó!--ang isinagót ni párì Salví, at ibinabâ ang canyáng m~ga matá upang siyasatin ang canyáng pananamít.

Nan~gagbúbucas n~g m~ga botella n~g limonada, nan~gagbíbiyac n~g m~ga niyog na múrà at n~g ang m~ga natatapos n~g paliligo'y macáinom n~g canyáng malamíg na túbig at n~g macacain n~g canyáng malambót na lamang higuít ang caputian sa gatas; at bucód sa roo'y pinag-aalayan pa ang m~ga dalaga n~g isáng cuintas na sampaga, na nasasal-itan n~g m~ga rosa at iláng-ilang, na siyang nagbibigay ban~gó sa nacalúgay na buhóc. Sila'y naúupô ó humihilig sa m~ga dúyang nacabitin sa m~ga san~ga n~g m~ga cahoy, ó nan~gaglilibang sa paglalaro sa paliguid n~g isáng batóng malapad, na may nacalagay sa ibabaw nitong m~ga baraja, m~ga tablero, maliliit na m~ga libro, m~ga sigay at m~ga batóng malilíit.

Ipinakita nila sa cura ang buaya, datapuwa't tila mandin nalílibang ang ísip sa ibáng bagay, at cayâ lamang pinansin ang sinalita sa canyá'y n~g sa canya'y sabihing si Ibarra ang may gawâ n~g gayóng calakíng súgat. N~guni't hindî mangyaring makita ang bantóg at hindî napagkikilalang piloto; bago dumatíng ang alférez ay siyá'y walâ na.

Sa cawacasa'y lumabás si María Clara sa páliguan, casama ang canyáng m~ga caibigang babae, saríwang túlad sa isáng rosa sa únang umágang pamumucadcad na numíningning ang hamóg na ang cawán~gis ay kisláp n~g diamante sa caayaayang ulbós n~g bulaclác. Inihandóg niya ang únang n~gitî cay Crisóstomo, at naucol ang únang pagdidilím n~g canyáng nóo cay párì Salví. Nahiwatigan nitó, n~guni't hindî nagbuntunghinin~ga.

Dumatíng ang oras n~g pagcáin. Nan~gagsiupô sa mesang pinan~gun~guluhan ni Ibarra, ang cura, ang coadjator, ang alférez, ang gobernadorcillo at ilán pang m~ga capitan, sampô n~g teniente mayor. Hindî ipinahintulot n~g m~ga ináng cumáin ang sinomang lalaki sa mesa n~g m~ga dalága.

--Hindî ca na n~gayón, Albino, macapag panucálà n~g m~ga bútas, pa na gáya n~g sa m~ga bangcâ,--ani León sa nagseminarista.

--¿Anó? ¿ano iyón?--ang tanun~gan n~g m~ga matatandang babae.

--Na ang m~ga bangcâ, m~ga guinoong babae, ay páwang m~ga buong-búò na túlad sa pinggâng ito;--ang ipinaliwanag ni León.

--¡Jesús, saramullo!--ang sigaw ni tia Isabel na n~gumín~gitî.

May nabábatid na pô bâ cayóng ano man, guinóong alférez, tungkól sa tampalásang nagpahírap sa catawán ni párì Dámaso?--ang tanóng sa alférez ni párì Salví, sa horas na iyón n~g pagcain.

--¿Síno pô bang tampalásan iyón, padre cura?--ang tanóng n~g alférez, na tinítingnan ang fraile, na guinágawang pinacasalamín sa matá ang vaso n~g álac na canyang iníinom.

--¡Abá, at síno pa pô ba? ¡Yaong tampalásang camacalawá n~g hapon ay bumuntal cay párì Dámaso sa daan!

--¿Bumuntal cay párì Dámaso?--ang tanun~gan n~g iláng voces.

Warì'y n~gumitì ang coadjutor.

--¡Túnay pô, caya't nararatay n~gayón si párì Dámaso! Sinasapantahang ang gumawâ n~g gayo'y si Elias ding sa inyo'y naglublób sa pusáw, guinoong alférez.

Namulá sa hiya ó sa álac ang alférez.

--Ang boong ísip co,--ang ipinagpatuloy ni párì Salví, na ang anyó'y warì nanglílibac;--ay nalalaman po ninyó ang nangyayari. Ang wícà co'y alférez n~g Guardia Civil....

Nagcagát-lábì ang militar at ibinulóng ang isáng halíng na pagtaliwacás.

Sa ganito'y siyang pagsipot n~g isang babaeng namumutla, payat, abang aba ang pananamit; sino may waláng nacakita n~g canyáng pagdaíng; palibhasa'y lumalacad siyáng waláng imíc at napácawaláng in~gay ang canyang paglacad, na cung naguing gabí sána'y marahil ipalagáy na siya'y isáng "fantasma."

--¡Pacanin ninyó ang cahabaghabág na babaeng iyán!--ang sabihan n~g m~ga matatandâ:--¡uy, pumarito cayó!

N~guni't ipinagpatuloy n~g babae ang canyáng paglácad, at siya'y lumapit sa mesang kinalálagyan n~g cura; ito'y lumin~gón, at nákilala siyá at nalaglág sa canyáng camáy ang cuchillo.

--¡Inyong pacánin ang babaeng itó!--ang ipinag-utos ni Ibarra.

--¡Madilim ang gabí at nan~gawáwalâ ang m~ga bátang lalaki!--ang ibinúbulong n~g magpapalimos na babae.

Other books

His Canvas by Ava Lore
Beyond all Limits by J. T. Brannan
The Space Merchants by Frederik Pohl, C. M. Kornbluth
The Young Elites by Marie Lu
Self-Defense by Jonathan Kellerman
Until Again by Lou Aronica