Noli Me Tangere (30 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
4.92Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¡Mabaít na tía Isabel!--ang bigláng sinabi n~g seminarista;--aayaw na susumandalî ma'y damdamín n~g isdâ ang pagcáhiwalay sa tubig.

Balitang magalíng na maglútò, baga ma't may malínis na mukhâ, si Andeng na capatid sa gatas ni María Clara. Naghanda n~g húgas-bigas, m~ga camatis at camìas, at tinutulun~gan ó inaabala caya siya n~g iláng marahil nan~gagnanais na sila'y canyang calugdán. Linilinis n~g m~ga dalaga ang m~ga talbós n~g calabaza, hiníhimay ang m~ga patánì at pinapuputolputol ang m~ga paayap n~g casinghahabà n~g cigarrillo.

Upang liban~gin ang cainipán n~g m~ga nagmímithing makita cung paano lálabas sa canilang bilangguan ang m~ga isdang buháy at nan~gaggagalawan, kinuha n~g magandang si Iday ang canyang arpa. Hindî lamang mainam tumugtóg si Iday n~g instrumentong itó, cung hindî bucod sa rito'y may magagandang dalírì.

Nan~gagpacpacan ang m~ga cabataan, hinagcán siya ni María Clara: ang arda ang siyang instrumentong lalong tinútugtog sa lalawigang iyon at siyang nauucol sa gayóng m~ga sandalî.

--¡Cantahin mo, Victoria, "Ang canción n~g Matrimonio"!--ang hinin~gi n~g m~ga iná.

Tumutol ang m~ga lalaki, at si Victoriang may mainam na voces ay dumaíng na siya'y namamalat daw. "Ang canción n~g Matrimonio'y" isáng magandáng tuláng tagalog na nagsasaysay n~g m~ga cahirapan at m~ga calungcutan n~g matrimonio, na hindî binábangguit ang alìn man sa canyang m~ga catuwaan.

Nang magcagayo'y hinin~gî niláng cumantá sí María Clara.

--Pawang malulungcot na lahát ang aking m~ga "canción".

--¡Hindî cailan~gan! ¡hindî cailan~gan!--ang sabíhan n~g lahát.

Hindî na siya napapamanhic; tinangnan ang arpa, tumugtóg n~g isáng "preludio" ó pán~gunahin at cumantang ang voces ay mataguinting, calugodlugod nat agad ang damdamin:

¡Sa sariling Báya'y cátamistamisan Ang lahát n~g horas na nan~gagdaraan, Palibhásà roo'y pawang caibigan Ang lahát n~g abót n~g sícat n~g araw. Pangbuhay na lubós, ang han~ging amihang Lumilipadlipad sa bundóc at parang, Lubháng maligáya sampong camatayan At lalong matimyás ang pagsintang tunay!


Nagsisipagsaya sa labing marikit Ang ganáp sa nin~gas at wagás na halík Nang mapag-arugang iná sa pag-íbig Cung siya'y máguising na calong sa dibdib, Tuloy hinahanap maguiliw na bísig Na iniyayacap sa liguid n~g liig At ang m~ga mata'y pagcâ tumititig Pawang n~gumin~gitî sa galác na akit.


¡Yaong camataya'y catamistamisan Pagca nahahandog sa sariling Bayang Ang lahat n~g abot n~g sinag n~g araw Ating cakilala't pawang caibigan: ¡Pangpatay na lubós ang hán~ging amihan Sa sino mang táong waláng maisaysay Na Bayang sariling pinacamamahal, Inang maaruga't isang casintahan!

Natápos ang voces, humintô, napipí ang arpa, at gayon ma'y nagsisipanatili sa pakikiníg; sino ma'y waláng pumalacpác. Naramdaman n~g m~ga dalagang napúpúno n~g lúhà ang canilang m~ga matá. Tila mandín nabábagot si Ibarra at ang binatang piloto'y nacatanaw sa maláyò at hindî cumikilos.

Dî caguinsaguinsa'y nárinig ang isáng tunóg na nacabíbin~gi; sumigaw ang m~ga babae at tinacpan ang canilang m~ga tain~ga. Yao'y gawà n~g naguíng seminaristang si Albino, na hinihipan n~g boong lacás n~g canyáng lalamunan ang sun~gay n~g calabaw, na "tambúlì" cung tawaguin. Nanag-ulì ang tawanan at ang galak; ang m~ga matang dating punô n~g lúhà ay sumayá.

--Datapuwa't ¿cami ba'y bíbin~gihin mo, hereje?--ang sigáw sa canyá ni tia Isabel.

--¡Guinoong babae!--ang sagót n~g naguing seminarista n~g boong cataimtiman;--may nárin~gig acóng sinasabing isá raw dukháng trompetero doon sa m~ga pampan~gin n~g Rhin, na nacapag-asawa, sa isáng dalagang mahal at mayaman, dahil sa pagtugtóg n~g trompeta lamang.

--¡Tunay n~gâ, ang trompetero sa Sackingen!--ang idinugtóng ni Ibarra, na hindî mangyaring dî makipanayam sa bagong casayahan.

--¿Nárinig na ninyo?--ang ipinagpatuloy ni Albino;--cayâ n~gâ ibig cong tingnan cung magcacaroon acó n~g gayón ding capalaran.

At mulî na namang hinipan n~g lálò pa mandíng malacás ang matunóg na sun~gay, at sinasadyang ilapít sa m~ga tain~ga n~g m~ga dalagang nagpapakita n~g capanglawan. Sa gayó'y nagcaroon n~gâ n~g caunting caguluhan; siya'y pinahimpíl n~g m~ga iná sa cáhahampas n~g chinelas at cácucurot.

--¡Aráy! ¡aráy!--ang sinabi niya, na hinihipò ang canyang m~ga bísig--¡Gaano ang láyong ikinahihiwalay n~g Filipinas sa m~ga pampan~gin n~g Rhin! "¡Oh tempora! ¡oh mores!" Binibigyán ang ibá n~g gantíng-pálà at balabal n~g cahihiyan ang ibiníbigay namán sa ibá.

Nan~gagtatawanan na ang lahát sampô ni Victoria, gayón ma'y sinasabi n~g may masasayáng matá na si Sinang cay María Clara n~g sabing marahan:

--¡Mapalad icáw! ¡Ay, acó ma'y cacanta rin cung mangyayari sána!

Sa cawacasa'y ipinagbigay alám ni Andeng, na nacahandâ na ang sabáw upang matanggáp ang doo'y ilalagay.

Nanhíc, n~g magcagayon, ang nagbíbinatâ n~g anác n~g man~gin~gisdâ, sa pabahay n~g baclád, na na sa dácong dulong pinagtatalicupan nitó at doo'y maisusulat ang "Lasciate ogni speranza voi ch'entrate", cung marunong sana at nacacawatas n~g wícang italiano ang m~ga culang pálad na m~ga isdâ: ang pumapasoc sa canilá roo'y hindî lumálabas cung dî n~g mamatay. Yaó'y isáng culóng na may m~ga isáng metro ang lúang, na ang pagcacaanyó'y macatítindig ang isáng táo sa itaas upang buhat doo'y mahaguíp n~g sáloc ang m~ga isdâ at maitaas.

--¡Diyán ang tunay na hindî acó mayáyamot na mamingwit!--ang sabi ni Sinang na nan~gín~ginig sa galác.

Nan~gagmámasid n~g dî cawásà ang lahát: nakíkinikinita na n~g ibáng nan~gagpapalagan at naglulucsuhan ang m~ga isdâ sa loob n~g lambát n~g panaloc, cumikináng ang caniláng makikintab na caliskís at iba pa. Gayón man, n~g isisilíd n~g binátà ang lambát ay waláng anó mang lumúlucsong isdâ.

--Marahil punô,--ang marahang sábi ni Albino; mahiguit n~g limáng araw na hindî pinapandaw.

Itinaas n~g man~gin~gisdâ ang sáloc.... ¡ay! cahi't isáng isdâ man lamang ay waláng nacapamuti sa lambát; sa pagcahúlog n~g masaganang patác n~g túbig na liniliwanagan n~g araw ay wari'y nagtátawa n~g mataguintíng. Isáng "¡ah!" n~g pagtatacá, n~g samâ n~g loob, n~g pagcabigô ang tumácas sa m~ga lábì n~g lahát.

Inulit n~g binátà ang paglulubog n~g sáloc, at gayón din ang kináhinatnan.

--¡Hindî mo nalalaman ang iyóng hánap-búhay!--ang sa canya'y sinabi ni Albino, at umukyábit itó sa pabahay n~g baclád at inagaw ang sáloc sa camá'y n~g binátà--¡Makikita ninyó n~gayón! ¡Andeng, bucsán mo na ang palayóc!

Datapuwa't si Albino ma'y hindî nacacaalam: nanatíli sa pagcawaláng lamán ang sáloc. Pinagtawanán siya n~g lahát.

--¡Huwág cayóng maín~gay at náririnig cayó n~g m~ga isdâ ay ayaw pahúli!--¡Marahil punít ang lambát na ito!

N~guni't waláng casirasirà ang lambat.

--Pabayaan mo't acó,--ang sa canya'y sinabi ni Leóng nan~gin~gibig cay Iday. Siniyasat na magalíng nitó ang calagayan n~g baclád, minasdán ang lambát, at n~g matantô na niyáng páwang magalíng ang calagayan ay tumanóng:

--¿Talastás ba ninyóng magaling na may limang áraw n~g hindî pinapandaw itó?

--¡Totoong nalalaman namin! Niyong áraw na bago mag "Todos los Santos" ang cáhulihulihang pagcápandaw nito.

--Cung gayo'y ó encantado ang dagatan ó macacahuli acó n~g cahí't iilán.

Inilubog sa tubig ni León ang sáloc; datapuwa't nalarawan sa mukhâ niyá ang panguiguilalas. Sandaling tiningnan niyá n~g waláng imíc ang calapít na bundóc at ipinagpatuloy ang pag paparoo't paríto n~g sáloc sa tubig: pagcatapos ay umanás na hindî inaalis sa tubig ang sáloc:

--¡Isang buaya!

--¡Isang buaya!--ang caniláng inúlit.

Nagpalipatlipat n~g boong tulin sa m~ga bibig ang salitáng iyón, sa guitnà n~g pagcatácot at pagcamanghâ n~g lahát.

--¿Anó ang sábi ninyó?--ang itinanong nilá sa canyá.

--Ang sábi co'y may isáng buayang nahuli,--ang ipinagmatigas na sabi ni León, sacâ inilubóg sa tubig ang tagdáng cawayan n~g sáloc, at nagpatúloy n~g pagsasalitâ:

--¿Naririníg ba ninyó ang tunóg na iyán? Iya'y hindî ang buhan~gin; iyán ang matigás na balát, ang licód n~g buaya. ¡Nakikita ba ninyó ang paggaláw n~g m~ga cawáyan? Iya'y siyá na nagpupumiglás, datapuwa't siya'y nababaluctot; ¡hintay cayó ...! malakí: may isang dangcál hálos ó mahiguit pa ang lápad n~g canyáng catawán.

--¿Anó ang marapat gawin?--ang tanun~gan.

--¡Hulihin!--ang sabi n~g isáng voces.

--¡Jesús! at ¿sino ang huhuli?

Sino ma'y waláng humahandóg na sumisid sa calaliman. Ang tubig ay malalim.

--¡Dapat na itáli natin siyá sa ating bangcâ at sacâ caladcarin n~g boong pagdiriwang!--ani Sinang.--¡Dapat bang cánin ang m~ga isdáng talagáng cacanin natin!

--¡Hindî pa acó nacacakita hanggá n~gayón n~g isáng buayang buháy!--ang ibinulóng ni María Clara.

Nagtindig ang piloto, cumuha n~g isáng mahabang lúbit at malicsíng pumanhíc sa pinacabatalán n~g baclad. Ipinagcaloob ni Leóng ang piloto'y siyáng humalili sa canyáng kinalalagyán.

Lumucsó ang piloto sa loob n~g pabahay n~g baclád, sa guitnâ n~g pagtatacá at baga man nan~gagsisigawan ang lahat.

--¡Dalhin po ninyó ang sundáng na itó!--ang sigáw ni Crisóstomo, at sa canya'y iniaabot ang binunot na isang malapad na sundáng na gawâ sa Toleod.

Datapuwa't napaiimbulog na ang libolibong patác, at naghílom na ang túbig n~g boong talinghagà.

--¡Jesús, María y José!--ang sigawan n~g m~ga babae.--¡Magcacasacunâ tayo! ¡Jesús, María y José!

--Huwág cayóng mabahálà, m~ga guinoong babae,--ang sa canila'y sinabi n~g matandang bangkero,--cung sa lalawiga'y may isáng macagágawâ n~g ganyáng bagay, iyá'y "siyá."

--¿Anó ang pan~galan n~g binatang iyán?--ang itinanóng nilá.

--Tinatawag namin siyáng si "Piloto": sa m~ga pilotong nakilala co'y siyá ang magalíng sa lahát; ang casam-an lámang ay hindî niyá kinaguiguiliwan ang hánap-búhay na iyán.

Ang túbig ay gumágalaw, umáalimpuyó ang túbig: tila mandin may nagbubunô sa ilalim; umuugâ ang baclád. Hindî umíimic ang lahát, pinipiguil ang paghin~gá. Pinípisil ni Ibarra n~g nan~gán~gatal niyang camáy ang puluhan n~g matalas na sundáng.

Tila mandin ang pagbubuno'y natapos na. Sumun~gaw sa ibabaw n~g túbig ang úlo n~g binátà, na binátì n~g masayang sigawan: punóng-punô n~g m~ga lúhà ang m~ga matá n~g m~ga babae.

Umakyat ang piloto na hawak ang dúlo n~g lúbid, at n~g na sa batalán na'y sacá hínila ang lúbid na iyón.

Lumitáw ang buaya: nacátalì ang lubid n~g lambal na pahilís sa líig at sa dacong buntót. Malakíng buaya iyón, na gaya na n~ga n~g ibinalítà na ni León may m~ga pintá, at sa ibabaw n~g canyáng licód ay may sumisibol n~g lúmot, na sa m~ga buaya'y siyáng pinacauban cung bagá sa táo. Umaatun~gal na parang vaca, hinahagkis n~g canyáng buntót ang m~ga dinding n~g baclád, cumacapit doon, at in~ginanán~gan~ga ang canyáng maitim at cagulatgulat na bun~gan~gà na anó pa't ipinakikita ang canyáng mahahabang m~ga pan~gil.

Nag-iisa ang piloto sa paghila sa buaya sa ítaas: waláng nacacagunitang sa canyá'y tumúlong.

Nang walâ na sa túbig at n~g mailagáy na sa ibabaw n~g batalán, tinapacan n~g piloto ang buaya n~g canyáng paa; tinícom n~g canyáng malacás na camáy ang pagcálalaking m~ga pan~gá, at binantang talían ang n~gúsò n~g matibay na gápos. Tinicmán n~g buaya ang hulíng pagpipiglás, ibinalantóc ang catawá't sacâ ipinálò sa batalán ang malacás niyang buntót, at pagcacawala'y sumibát at nilucsó ang dagátan, sa dacong labás n~g baclád, na anó pa't nacaladcad ang sa canya'y nagpapasúcò. Waláng salang mapapatay ang piloto; isáng sigáw n~g panghihilacbót ang tumacas sa lahát n~g m~ga dibdib.

Matuling tulad sa lintíc ay bigláng nahúlog sa túbig ang isáng catawán; bahagyâ na silá nagcapanahóng makitang si Ibarra iyón. Hindî hinimatáy si María Clara, sa pagca't hindî pa natututo ang m~ga filipinang maghimatay.

Nakita niláng namulá ang m~ga alon, nadampol n~g dugô ang tubig. Lumucsó sa malalim na tubigang binatang man~gin~gisda na hawac ang canyáng gúloc, sumunód sa canyá ang canyáng amá; datapuwa't bago pa lamang nacasisisid silá'y siyáng paglutang namán ni Crisóstomo at n~g piloto na capuwà nacacapit sa bangcáy n~g buaya. Ang boong tiyang maputî nito'y baác at nacapacò sa lalamunan ang sundáng.

Hindî maisaysay ang catowâan: libolibong camáy ang sa canilá'y umabót upang iahon silá sa túbig. Nahihibang hálos ang matatandang babae at silá'y nan~gagtatawanan at nan~gagdárasal. Nalimutan ni Andeng na macaatlo n~g sumulác ang canyáng sinigáng: nábubô ang lahát n~g sabáw at namatáy ang apóy. Si María Clara lámang ang hindî macapagsalitâ.

Hindî naano si Ibarra; nagcaroon n~g bahagyáng galos sa bisig ang piloto.

--¡Cayó ang pinagcacautan~gan co n~g aking buhay!--ang sabi n~g piloto cay Ibarrang nagbabalot n~g m~ga mantang lana at m~ga "tapiz".

Ang anyó n~g voces n~g piloto'y tila mandín may pighatî.

--Totoong masúlong pô cayó sa pan~ganib,--ang sa canya'y isinagot ni Ibarra;--ulî-ulî huwag pô ninyong tútucsuhín ang Dios.

--¡Cung dî ca sana nacabalíc!...ang ibinulóng ni María Clarang namumutlâ at nan~gan~gatal pa.

--¡Cung di sana acó nacabalíc at icáw ay sumunod sa akin,--ang isinagot n~g binátà, na canyáng ipinagpatuloy ang caisipán,--sa ilalim n~g dagata'y "mapapasama acó disin sa aking familia!"

Hindî nalilimutan ni Ibarrang doon humíhimlay ang m~ga but-ó n~g canyang amá.

Aayaw n~g pumaroon ang matatandang babae sa cabilang baclád, íbig na nilang umuwî, at ang caniláng minámatuwid ay nagpasimulâ raw n~g masamâ ang araw, at baca may mangyaring maraming sacunâ.

--¡At ang lahát n~g iya'y dahil, sa hindî tayo nagsimba muna!--ang ibinubuntong hinin~ga n~g isáng matandáng babae.

--Datapuwa't ¿ano pô bang sacunâ ang nangyari sa atin, m~ga guinoong babae?--ang tanóng ni Ibarra.--¡Ang buaya ang siya lamang kinulang pálad!

--At ang bagay na ito'y nagpapatotoo,--ang iniwacás n~g naguing seminarista,--na sa boong canyáng macasalanang buhay hindî nagsimbá cailan man ang sawing palad na buayang ito. Cailan ma'y hindî co makitang siya'y nácasama n~g lubháng maraming m~ga buayang malimit na pasasimbahan.

Nagsiparoon n~gâ ang m~ga bangcâ sa cabiláng baclad, at kinailan~gang mulíng maghandâ si Andeng n~g ibáng sabáw na pagsisigan~gan.

Umaaraw na; humihihip ang amihan: napupucaw at namamasag ang m~ga álon sa paliguid n~g buaya, at nagtátayo n~g "n~ga bundóc n~g bulâ, na doo'y cumíkintab n~g boong casaganaan sa m~ga culay ang liwanag n~g araw", ayon sa saysáy n~g poetang si P.A. Paterno.

Other books

Shadowed Eden by Katie Clark
Los trabajos de Hércules by Agatha Christie
Zombie Castle (Book 1) by Harris, Chris
With This Ring (1) by Savannah Leigh
Death in Saratoga Springs by Charles O'Brien