Noli Me Tangere (57 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
12.78Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¡Diyata't wala pa namang isang linggong nacapan~gun~gumpisal siya!--ang tutol ni Sinang,--¡Aco'y walang sakít, datapuwa't hindi aco nagcacasala n~g lubhang malimit!

--¡Aba! ¿hindi ninyo nalalaman ang sabi n~g cura: nagcacasala ang banal n~g macapito sa maghapon? Hala, ¿ibig mo bang dalhin co rito sa iyo ang "Ancora", ang "Ramillete" ó ang "Matuwid na landas n~g pagpasa lan~git"?

Hindi sumagot si María Clara.

--Hala, hindi ca mapapagod,--ang idinugtong n~g mabait na tía upang aliwin siya; aco na ang babasa n~g pagsisiyasat n~g conciencia, at wala cang gagawin cung di mag-alaala n~g m~ga casalanan.

--¡Isulat mo sa canyang huwag na niya acong alalahanin!--ang ibinulong ni María Clara sa tain~ga ni Sinang, n~g ito'y nagpapaalam na sa canya.

--¿Ano iyon?

--Datapuwa't nasoc ang tía at napilitan si Sinang na lumayo, na hindi naunawa ang sinabi sa canya n~g canyang caibigan.

Inilapit n~g mabait na tía ang isang silla sa ilaw, naglagay n~g salamin sa mata sa dulo n~g canyang ilong, binucsan ang maliit na libro at nagsalita:

--Pakinggan mong magaling, anac co; pasisimulan co sa m~ga utos n~g Dios; dadalan~gan co at n~g icaw ay macapaggunamgunam; cung sacali't hindi mo naririn~gig na magaling ay sasabihin mo sa akin at n~g maulit co sa iyo; nalalaman mo n~g sa icagagaling mo'y hindi aco napapagal cailan man.

Nagpasimula n~g pagbasa, na ang tinig ay walang bagobago at anyong humal, n~g m~ga pagdidilidili n~g m~ga bagay na ipinagcacasala. Siya'y tumitiguil n~g matagal sa wacas n~g bawa't pangcat, upang mabigyang panahon ang dalaga sa pag-aalaala n~g canyang m~ga casalanan at pagsisihan.

Minamasdan ni María Clara ang alang-alang na walang tinutucoy. N~g matapos na ang unang utos na "ibiguin ang Dios na lalo sa lahat n~g bagay", hinihiwatigan siya ni tía Isabel sa ibabaw n~g canyang salamín sa mata, at ikinatutuwa niya ang anyong pagca nagdidilidili at nalulungcot. Banal na umubo, at pagcatapos n~g isang matagal na paghinto'y pinasimulan ang pan~galawang utos. Bumabasa n~g taimtim sa loob ang mabait na matandang babae, at n~g matapos ang pagbubulaybulay, muling tiningnan ang canyang pamangkin, na untiunting ibinaling ang ulo sa cabilang daco.

--¡Bah!--ang sinabi sa sarili ni tía Isabel; dito sa "huwag magpahamac manumpa sa canyang santong pan~gala'y" hindi n~ga maaaring magcasala ang abang ito! Lumipat tayo sa icatlo.

At ang pan~gatlong utos ay pinagmunglaymunglay at pinagwaring magaling at binasa ang lahat n~g bagay na pinagcacasalanan n~g laban sa canya. Muli na namang tiningnan niya ang higaan; datapuwa't n~gayo'y itinaas n~g tía ang salamin, kinusot ang m~ga matá; nakita niyang dinala n~g canyang pamankin ang panyo sa mukha at pinahid ang m~ga luha.

--¡Hm!--anya,--¡ejem! Minsa'y natulog ang caawaawang ito samantalang nagsesermón.

At muling inilagáy sa dulo n~g canyang ilóng ang salamin niya sa mata, saca sinabi sa sarili:

--Tingnan natin cung hindi siya gumalang sa canyang ama't ina, na gaya n~g hindi niya pan~gin~gilin sa m~ga fiesta.

At binasa ang icapat na utos n~g tinig na lalong madalang at lalo n~g pahumal, sa pagca't inaacala niyang sa gayong paraa'y lalo na niyáng binibigyang cadakilaan ang canyang gawa, na gaya n~g canyang nakitang inaasal n~g marami sa m~ga fraile: hindi nakakapakinig kailan man si tía Isabel n~g pan~gan~garal n~g isang cuákero, sa pagoa't cung nagcagayo'y pinapan~ginig naman sana niya ang canyang catawan.

Samantala'y macailang dinala n~g dalaga ang panyo sa canyang m~ga mata, at lalo n~g napapakingan ang lacas n~g canyang paghin~ga.

--¡Pagcagalinggaling na caluluwa!--ang iniisip sa sarili n~g matandang babae; ¡siya na lubhang masunurin at mapagpacumbaba sa lahat! Aco'y nagcasala n~g lalong marami cay sa canya, gayon may hindi aco nangyaring-mapaiyac n~g totohanan cailan man.

At pinasimulan niya ang icalimang utos, na lalong mahahaba ang paghinto at lalong ganap ang pagcahumal n~g pananalita, cay sa n~g una, sacali't maari pa, na sa pagsusumicap niyang mainam sa gayong gawa'y hindi niya narin~gig ang paghagulhol na iniinis n~g canyang pamangkin. Sa isa lamang pagtiguil na canyang guinawa, pagcatapos n~g m~ga pagcànilaynilay tungcol sa pagpatay sa capuwa tao sa pamamag-itan n~g sandata, narin~gig niya ang m~ga daing n~g macasalanan. N~g magcagayo'y humiguit sa pagca dakila ang tinig, pinagpilitan niyang basahin ang nalalabing utos sa anyong nagbabala, at n~g mapanood niyang patuloy rin ang pag-iyac n~g caniyang pamangkin.

--¡Tuman~gis ca, anac, co, tuman~gis ca!--ang canyang sinabi, at siya'y lumapit sa higaan:--cung gaano calaki ang iyong pagtan~gis ay gayon din ang pagcadali n~g pagpapatawad sa iyo n~g Dios. Gamitin mo ang pighating "contrición" sa pagca't lalong magaling cay sa "atrición." ¡Tuman~gis ca, anac co, hindi mo nalalaman cung gaano ang aking galac na tinatamo sa panonood co n~g iyong pag-iyac! Pagdagucan mo naman ang iyong dibdib, huwag mo lamang calalacasan, sa pagca't may sakit ca pa.

Datapuwa't sa pagca't anaki'y mandin nagcacailan~gan ang pighati n~g pag-iisa at n~g pagca walang nacamamalay, upang lumala, n~g makita ni María Clarang siya'y nasubucan, untiunting tumiguil n~g pagbubuntong hinin~ga, pinahid ang canyang m~ga mata, na walang sinasabing ano man at hindi sumasagot sa canyang tía n~g cahi't cataga.

Ipinagpatuloy nito ang pagbasa, n~guni't sa pagca't huminto ang pagtan~gis n~g sa canya'y nakikinig, lumipas ang caalaban n~g canyang loob sa canyang gawa, at ang m~ga huling utos n~g Dios ay nacapag-antoc sa canya at sa canya'y nacapaghicab, na ano pa't naguing malaking casiraan sa pananalitang pahumal na nacayayamot na sa gayo'y nahihinto.

--¡Hindi co mapaniniwalaan cung hindi co makikita!--ang iniisip sa sarili n~g matandang babae;--nagcacasalang tulad sa isang sundalo ang batang ito laban sa unang limang utos n~g Dios, datapuwa't hindi cahi't isang casalanang magaang man lamang mula sa icaanim hangang sa icasampo, ano pa't tumbalíc sa amin! ¡Cung paano na ang lacad n~g daigdig n~gayon!

At nagsindi n~g isang candilang malaki sa Virgen sa Antipolo at dalawang maliliit na candila sa Nuestra Señora del Rosario at sa Nuestra Señora del Pilar, na canyang inihiwalay roon muna at inilagay sa isang suloc ang isang garing na Santo Cristo, upang ipaunawang hindi dahil sa canya caya isinindi ang m~ga candilang iyon. Hindi rin nacabahagui sa gayong bagay ang Virgen sa Delaroche: siya'y isang taga ibang lupaing hindi kilala, at hindi pa nacaririn~gig si tía Isabel n~g isa man lamang himala na canyáng guinawa.

Hindi namin nalalaman cung ano caya ang nangyari sa guinawang; confesión n~g gabing iyon; pinagpipitagan namin ang m~ga lihim na iyan. Mahabang totoo ang cumpisal, at nahiwatigan n~g tíang mula sa malayo'y binabantayan ang pamangkin, na hindi ikinikiling n~g cura ang canyang tain~ga sa m~ga salita n~g may sakit, cung di nacaharap sa mukha ni María Clara, at tila mandin wari ibig niyang basahin ó hulaan sa pagcagagandang m~ga mata n~g dalaga ang m~ga pag-iisip.

Lumabas sa silid si parì Salvíng namumutla't nan~gin~gilis ang m~ga labi. Sino mang macapanood n~g canyang noong nagdidilim at pigta n~g pawis, mawiwicang siya ang nagcumpisal cay Maria Clara at hindi n~ga narapat magcamit n~g capatawaran.

--¡Jesús, Maria, Josef!--ang sinabi n~g tía na nagcucruz;--¿sino ang macatataroc sa calooban n~g m~ga kinabataan n~gayon?

=XLV.=

=ANG MGA PINAG-UUSIG.=

Tinatanglawan n~g isang malamlam na liwanag na inilalaganap n~g buwan at umulusot sa malalagong m~ga san~ga n~g m~ga cahoy, ang isang lalaking naglalagalag sa cagubatan, na maraha't mahinahon ang lacad. Manacanaca at anaki baga'y n~g huwag maligaw, sumusutsot siya n~g isang tan~ging tugtuguin, na ang caraniwa'y sinasagot n~g gayon ding sutsot sa dacong malayo. Matamang nakikinig ang lalaki, at ipinagpapatuloy, pagcatapos, ang paglacad na ang tinutunto'y ang malayong huni.

Sa cawacasan, n~g canyang maraanan ang libolibong m~ga nacahahadlang cung gabi sa paglalacad sa isang gubat na hindi pa nalalacaran, siya'y dumating sa isang maliit na puang na naliliwanagang ganap n~g buwan sa icaapat na bahagui n~g canyang paglaki. Matataas na m~ga malalaking batong buhay, na napuputun~gan n~g m~ga cahoy ang siyang nacababacod sa paliguid, na ano pa't wari isang nababacurang panoorang naguiba; m~ga cahoy na bagong putol, m~ga punong naguing uling ang nacapupuno sa guitna, na nan~gahahalo sa pagkalalaking m~ga batong buhay, na kinucumutan n~g pacaposcapos n~g Lumikha n~g canyang culubong na m~ga dahong verde ang culay.

Bahagya pa lamang cararating n~g lalaking di kilala'y siyáng paglabás namang bigla n~g isang lalaki rin sa licuran n~g isang malaking bató, lumapit at binunot ang isang revolver.

--¿Sino ca?--ang tanong sa wicang tagalog na mabalasic ang tinig, casabay ang pagtataas n~g "gatillo" n~g canyang sandata.

--¿Casama ba ninyo si matandàng Pablo?--ang sagot n~g bagong cararating na mahinahon ang tinig, na hindi sinagot ang catanun~gan at hindi nagugulumihanan.

--¿Ang capitan ba ang itinatanong mo? Oo, narito.

--Cung gayo'y sabihin mong narito si Elías at siya'y hinahanap,--anang lalaki na hindi iba cung di ang talinghagang piloto.

--¿Cayo po ba'y si Elías?--ang itinanong n~g canyang causap na taglay ang tan~ging pagpipitagan, at saca lumapit, at gayon ma'y patuloy rin ang paguumang sa canya n~g bun~gan~ga n~g revolver;--cung gayo'y ... halícayo.

Sumunód sa canyá si Elías.

Pumasoc silá sa isáng anyóng yun~gib na palusóng sa cailaliman n~g lupa. Ipinauunawa sa piloto, n~g tagapamatnubay na nacacaalam n~g daan, cung palusóng, cung cailan dapat yumucód ó gumapang; gayón ma'y hindi nalao't sila'y nan~gagsirating sa isang may anyong salas, na bahagya na naliwanagan n~g m~ga huepe, at ang nan~garoroo'y labingdalawa ó labing limang lalaking may taglay na m~ga sandata, marurumi ang m~ga mukha at cagulatgulat ang m~ga pananamit, na nacaupo ang m~ga ibá, ang iba nama'y nacahiga, at nagsasalitaan n~g bahagya. Namamasdan ang isang matandang lalaking mapanglaw ang pagmumukha, nacapulupot sa ulo niyá ang isang bigkis na may dugo, nacalagay ang m~ga sico sa isang batóng guinagawang pinaca mesa, at pinagninilay-nilay ang ilaw na sa gayong caraming usoc na ibinubuga'y bahagya na ang inilalaganap na liwanag: cung hindi sana talastas nating iyo'y isang yun~gib n~g m~ga tulisan, mawiwica natin, sa pagbasa n~g malaking pagn~gan~galit sa mukha n~g matandang lalaki, na siya ang Torre n~g Gútom sa araw na sinusundan n~g paglamon ni Ugolino sa canyang m~ga anac.

Umanyong humilig ang nan~gahihigang m~ga lalaki n~g dumating si Elías at ang namamatnugot sa canya, datapuwa't sa isang hudyat nito'y nan~gagsitahimic at nan~gagcasiya na lamang sa pagmamasid sa piloto, na walang taglay na anó mang sandata.

Untiunting lumin~gon ang matandang lalaki at ang natagpuan n~g canyang m~ga mata'y ang nacapagpipitagang kiyas ni Elías, na nacapugay na siya'y pinagmamasdang puspós n~g calungcutan at pagbibigay halaga.

--¿Icao ba?--ang itinanong n~g matandang lalaki, na sumaya n~g caunti ang m~ga mata n~g makilala ang binata.

--¡Sa anóng calagayan aking nasumpun~gan cayo!--ang ibinulong ni Elías sa babahagyang tinig at iguinagalaw ang ulo.

Hindi umimic ang matanda at tumun~gó, humudyát n~g isa sa m~ga tao, nanan~gagsitindig sila't lumayo, na canilang sinulyáp muna't sinucat n~g m~ga mata ang taas at bicas n~g pan~gan~gatawan n~g piloto.

--¡Tunay n~ga!--ang sinabi n~g matandang lalaki n~g silang dalawa'y nagiisa na;--n~g cata'y patuluyin sa aking bahay, na may anim na buwan n~gayon, aco ang n~g panahóng iyo'y nahahabag sa iyo; n~gayo'y nagbago ang capalaran, n~gayo'y icaw namán ang nahahabag sa akin. N~guni't umupo ca at sabihin mo sa akin cung bakit ca nacarating han~gang dito.

--May labing limang araw na n~gayong ibinalita sa akin ang nangyari sa inyong casacunaan,--ang madalang na isinagot n~g binata sa mahinang tinig, na ang ilaw ang siyang tinitingnan;--pagca alam co'y lumacad na agad acó, nagpacabicabila acó sa m~ga cabunducan, halos dalawang lalawigan ang aking nalibot.

--Napilitan acong tumacas at n~g huwag magsabog n~g dugong walang malay; natatacot humarap ang aking m~ga caaway at ang canila lamang inilalagay sa aking hirap ay ang ilang m~ga caawaawa, na walang guinawa sa akin cahit caliitliitang casam-an.

N~g macalampas ang sandaling hindi pag-imic na guinamit ni Elías sa pagbasa n~g m~ga caisipang mapapanglaw sa mukha n~g matandang lalaki, nagpatuloy n~g pananalita ang binata:

--Naparito aco't ibig cong ipakiusap sa inyo ang isang bagay. Sa pagca't hindi aco nacasumpong, cahi't aking pinaghanap, ang bahagyang labi man lamang n~g mag-anac na may cagagawan n~g casawiang palad naming mag-anac, minagaling co ang iwan ang lalawigang aking tinatahanan upang tumun~go sa dacong timugan at makisama sa m~ga pulutong n~g m~ga hindi binyagan at nabubuhay n~g boong kalayaan: ¿ibig po ba ninyong lisanin ang bagong pinasisimul-an ninyong pamumuhay at sumama sa akin? Lalagay acong tunay na inyong anac, yamang namatay ang anac po ninyo, at kikilalin co cayong ama, yamang wala na acong magugulang?

Umiling ang matanda n~g paayaw, at nagsalita:

--Sa gulang na aking dinating, pagca niyacap n~g calooban ang isang pasiyang cakilakilabot, ay dahil sa wala n~g sucat pagpaliiran. Isang taong gaya co, na guinamit ang canyang cabataan at ang canyang cagulan~gan sa pagpapagal at n~g camtan ang sariling guinhawa at ang sa m~ga anac sa panahong hinaharap; isang taong nagpacumbaba sa lahat n~g m~ga naguing calooban n~g canyang m~ga puno, na tumupad n~g boong pagtatapat sa mabibigat na catungculan, na nagtiis n~g lahat upang mamuhay sa catahimican at sa isang catiwasayang mangyayaring camtan; pagca tinalicdan n~g ganitong taong pinalamig na ang dugò n~g panahon, ang lahat n~g canyang pinagdaanan at ang boong pagdaraanan pa, at sumasa m~ga pampan~gin na n~g libin~gan, ay sa pagca't canyang napagkilalang lubos na walang capayapaang masusumpun~gan at ang catiwasiya'y hindi siyang calakilakihang cagalin~gan! ¿Ano't magpapacatira pa sa hindi sariling lupain upang magbuhay dukha? Dating aco'y may dalawang anac na lalaki, isang anac na babae, isang bahay, isang cayamanan; aking dating tinatamo ang pagpipitaga't pagmamahal n~g madla; n~gayo'y isang cahoy na pinutlan n~g m~ga san~ga ang aking cawan~gis, lagalag, nagtatago, pinag-uusig sa m~ga cagubatang tulad sa isang halimaw, ¿at anong dahil at guinawa sa akin ang lahat n~g ito? Dahil sa inilugso n~g isang lalaki ang capurihan n~g aking anac na babae, sa pagca't hinin~gi n~g m~ga capatid sa lalaking iyang magsulit siya n~g catampalasanang canyang guinawa, at sa pagca't ang lalaking iya'y nan~gin~gibabaw sa m~ga iba sa pamamag-itan n~g pamagat na ministro (kinakatawan) n~g Dios. Inalintana co, gayon man, ang lahat n~g ito, at acong ama, aco, na siniraan n~g puri sa aking catandaan, aking ipinatawad ang caalimurahan, ipinagpaumanhin co ang casilacbuhan n~g cabataan at ang m~ga carupucan n~g catawang lupa, at sa casiraang iyong hindi na mangyayaring maisauli, ¿ano ang dapat cong gawin cung di ang huwag n~g umimic at iligtas ang nalabi? Datapuwa't nan~ganib ang tampalasang baca sa humiguit cumulang na cadalia'y camtán niya ang panghihiganti, caya't ang guinawa'y humanap n~g capahamacan n~g aking m~ga anac na lalaki. ¿Nalalaman mo ba cung ano ang canyang guinawa? ¿Hindi? ¿Natatalastas mo bang linubid ang casinun~ga-lin~gang cunuwa'y linooban ang convento, at sa m~ga isinacdal ay casama ang isa sa aking m~ga anac? Hindi nairamay iyóng isá, sa pagca't wala't na sa ibang bayan. ¿Nalalaman mo ba ang m~ga catacottacot na pahirap na sa canila'y guinawa? Nalalaman mo, sa pagca't nan~gagcacawan~gis ang ganitong m~ga pahirap sa lahat n~g m~ga bayan. ¡Aking nakita, nakita co ang aking anac na nacabiting ang tali sa canyang sariling buhoc, narin~gig co ang canyang m~ga sigaw, aking narin~gig na aco'y canyang tinatawag, at aco, sa aking caruwagan at palibhasa'y namarati aco sa capayapaan, hindi aco nagcaroon n~g catapan~gang pumatay ó magpacamatay caya! ¿Nalalaman mo bang hindi napatotohanan ang pangloloob na iyon, napaliwanagan ang bintang, at ang naguing parusa'y ilipat sa ibang bayang ang cura, at ang aking anac ay namatay dahil sa m~ga pahirap na guinawa sa canya? ¡Ang isa, ang nalalabi sa akin, ay hindi duwag na gaya n~g canyang ama; at sa catacutan n~g tacsil na nagpahirap na ipanghiganti sa canya ang pagcamatay n~g canyang capatid, guinamit na dahilan ang cawal-an n~g "cedula personal" na nalimutang sandali, piniit n~g Guardia Civil, pinahirapan, guinalit at pinasamang totoo ang loob sa casalimura hanggang sa siya'y mapilitang magpacamatay! At aco, aco'y buhay pa pagcatapos n~g gayong calakilakihang cahihiyan, datapuwa't cung hindi aco nagcaroon n~g tapang-ama sa pag-sasanggalang n~g aking m~ga anac, may natitira pa sa aking isang pusô upang italaga sa isang panghihiganti at manghihiganti aco! Untiunting nan~gagcacatipon ang m~ga maygalit sa ilalim n~g aking pamiminuno, pinararami ang m~ga cawal co n~g aking m~ga caaway, at sa araw na mapagkilala cong aco'y macapangyarihan na, lulusong aco sa capatagan at tutupukin co sa apoy ang aking panghihiganti at ang aking sariling buhay! ¡At darating ang araw na iyan ó walang Dios!

Other books

Until There Was You by J.J. Bamber
Beyond the Edge by Susan Kearney
The Crowfield Demon by Pat Walsh
the Man Called Noon (1970) by L'amour, Louis
Shrinking Violet by Jean Ure
Sweet Harmony by A.M. Evanston