Noli Me Tangere (58 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
4.72Mb size Format: txt, pdf, ePub

At nagtindig ang matandang lalaki, na nagn~gin~gitn~git, at idinagdag, na nagniningning ang panin~gin, malagunlong ang tinig at sinasabunutan ang canyang mahahabang m~ga buhóc:

--¡Sumpain acó, sumpain acó na aking piniguil ang mapanghiganting camay n~g aking m~ga anac; acó n~ga ang pumatay sa canila! ¡Cung pinabayaan co sanang mamatay ang may sala, cung hindi sana acó lubós nanalig sa justicia n~g Dios at sa justicia n~g m~ga tao, n~gayon disi'y may m~ga anac pa acó, marahil sila'y nan~gagtatago, datapuwa't n~gayo'y may m~ga anac naman sana acó, at hindi sila sana nan~gamatay sa capapahirap! ¡Hindi aco ipinan~ganac upáng maguing amá, caya wala acong m~ga anac n~gayón! ¡Sumpain acó, na hindi co natutuhang makilala sa aking catandaan ang lupaing aking kinatatahanan! Datapuwa't matututo acong ipanghiganti co cayó sa pamamag-itan n~g apoy, n~g dugo at n~g aking sariling camatayan!

Ang culang palad na amá, sa casilacbuhan n~g canyáng pighati, nalabnot ang bigkis n~g ulo, at dahil sa gayo'y nabucsan ang sugat sa noo, at doo'y bumalong ang isáng batisang dugo.

--Pinagpipitagan co ang inyóng pighati,--ang muling sinabi ni Elías,--at napagwawari co ang inyong panghihiganti; acó nama'y gaya rin ninyo, at gayón man, sa aking pan~gan~ganib na baca aking masugatan ang waláng malay, lalong minamagaling co pa ang calimutan co ang aking m~ga casawiang palad.

--¡Mangyayari cang macalimot, sa pagca't bata icáw at sa pagca't hindi ca namamatayan n~g isa man lamang anac, n~g sino mang siyáng iyong catapusáng maaasahan! N~guni't aking ipinan~gan~gaco sa iyo, hindi co sasactan ang sino mang walang casalanan. Nakikita mo ba ang sugat na ito? Upang huwag cong mapatay ang isang caawaawang cuadrillerong gumaganap n~g canyang catungculan, ipinaubaya cong siya ang sumugat sa akin.

--Datapuwa't tingnan po ninyó--ani Elías pagca lampas n~g sandaling hindi pag-imíc;--tingnan po ninyó cung alin ang cakilakilabot na siga na inyong pagsusugbahan sa ating culang palad na m~ga bayan. Cung gaganapin n~g inyong sariling m~ga camay ang inyong panghihiganti, gaganti n~g catacot tacot ang inyong m~ga caaway, hindi laban sa inyó at hindi rin laban sa m~ga taong sandatahan, cung di laban sa bayan, na ang caraniwa'y siyáng isinusumbong, at pagcacagayo'y ¿gaano caraming m~ga paglabag sa catuwiran ang mangyayari!

--¡Mag-aral ang bayang magsanggalang sa sarili, magsanggalang sa sarili ang bawa't isa!

--¡Talastas po ninyong iya'y hindi mangyayari! Guinoo, cayó po'y aking nakilala n~g ibang panahon, niyóng panahong cayo po'y sumasaligaya, niyao'y pinagcacalooban ninyo acó n~g m~ga paham na aral; maitutulot baga ninyong?...

Naghalukipkip ang matanda at wari'y nakikinig.

Guinoo,--ang ipinagpatuloy ni Elías, na pinacasusucat na magaling ang canyáng m~ga wika;--nagca palad acong macagawa n~g isang paglilingcod sa isang binatang mayaman, may magandang puso, may caloobang mahál at mithì ang m~ga icagagaling n~g canyang tinubuang bayan. Ang sabihana'y may m~ga caibigan ang binatang ito sa Madrid, ayawan co, datapuwa't ang masasabi co sa inyo'y siya'y caibigan n~g Capitan General. ¿Anó po ang inyong acala cung siya'y ang ating papagdalhin n~g m~ga carain~gan n~g bayan at siya'y pakiusapan nating magmalasakit sa catuwiran n~g m~ga sawing palad?

Umiling ang matandang lalaki.

--¿Mayaman ang sabi mo? walang iniisip ang m~ga mayayaman cung hindi ang dagdagan ang canilang m~ga cayamanan; binubulag sila n~g capalaluan at n~g caparan~galanan, at sa pagca't ang caraniwa'y magaling ang canilang calagayan, lalo na cung sila'y may m~ga caibigang macapangyarihan, sino man sa canila'y hindi nagpapacabagabag sa pagmamalasakit sa m~ga culang palad. Nalalaman cong lahát, sa pagca't n~g una'y aco'y mayaman!

--N~guni't ang taong sinasabi co po sa inyo'y hindi cawan~gis n~g m~ga ibá: siya'y isang anác na inalimura dahil sa pag-aala-ala sa canyáng amá; siya'y isang binata, na sa pagca't hindi malalao't magcacaasawa, nag-iisip isip siya n~g sa panahong darating, n~g isáng magandang casasapitan n~g canyáng m~ga anác.

--Cung gayo'y siya'y isang taong magtatamong ligaya; ang catuwiran nating ipinagtatanggol ay hindi ang sa m~ga taong na sa caligayahan.

--¡Datapuwa't iyan ang catuwirang ipinagtatanggol n~g m~ga taong may puso!

--¡Hari na n~ga!--ang muling sinabi n~g matandang lalaki at saca naupo,--ipalagay mo n~g ang binatang iya'y sumang-ayong siya ang maghatid n~g ating carain~gan hangang sa Capitang General; ipalagay mo n~g siya'y macakita sa pan~gulong bayan n~g España n~g m~ga diputadong magsanggalang sa atin, ¿inaacala mo na baga cayang papagtatagumpayin na ang ating catuwiran?

--Atin munang ticmang gawin bago tayo gumamit n~g isang paraang kinacailan~gang magsabog n~g dugo,--ang isinagót ni Elías,--Dapat na macapagtacá po sa inyó, na acó, na isá rin namang sawing palad, bata at malacás ang catawan, ang siyang makiusap sa inyo, na cayo'y matanda na't mahina, n~g m~ga paraang payapa: at ganito, sa papca't aking napanood ang lubhang maraming cahirapang tayo rin ang may cagagawang gaya rin n~g m~ga cagagawan n~g m~ga malulupit; ang mahina ang siyang nagbabayad.

--¿At cung sacaling wala tayong magawang anó man?

--May magagawa tayo cahi't cacaunti, maniwala po cayo; hindi ang lahat n~g m~ga nan~gan~gatungculan sa baya'y hindi marunong cumilala n~g catuwiran. At cung wala tayong masundaan, cung aayaw pakinggan ang ating cahin~gian, cung magpacabin~gi na ang tao sa capighatian n~g canyang capuwa, pagnagcagayo'y ¡hahandog po aco sa bawa't inyong ipag-uutos!

Niyacap ang binata n~g matandang lalaking lipos n~g malaking catuwiran.

--Tinatanggap co ang iyong panucala, talastas cong gumaganap ca n~g iyong pan~gaco. Paririto ca sa aki't cata'y tutulun~gan upang maipanghiganti ang iyong m~ga magugulang, at aco nama'y tutulun~gan mo upang maipanghiganti co ang aking m~ga anac, ¡ang aking m~ga anac na pawang nacacatulad mo!

--Samantala'y huwag po ninyong pababayaang mangyari ang ano mang gahasang cagagawan.

--Isasalaysay mo ang m~ga carain~gan n~g bayang pawang talastas mo na, ¿Cailan co malalaman ang casagutan?

--Sa loob po n~g apat na araw ay mag-utos po cayo n~g isang taong makipagkita sa akin sa pasigan n~g San Diego, at sasabihin co sa canya ang maguing casagutan sa akin n~g taong aking inaasahang.... Cung siya'y sumang-ayo'y canilang kikilalanin ang ating catuwiran, at cung hindi'y aco ang unaunang matitimbuang sa pakikilabang ating gagawin.

--Hindi mamamatay si Elias, si Elias ang mamiminuno cung matimbuang si capitang Pablong busog na ang puso sa canyang panghihiganti,--anang matandang lalaki.

At siya rin ang sumama sa binata hanggang sa macalabas sa labas.

=XLVI.

SABUNGAN.=

Upang ipan~gilin sa Filipinas ang hapon n~g araw n~g linggo'y napasasa sabun~gan ang caraniwan, na gaya naman sa Españang ang larong pakikiaway n~g tao sa toro ang siyang pinaroroonan. Ang pagsasabong n~g manoc, hilig na masamang dito'y dinala n~g m~ga taga ibang lupain at mahiguit n~g isang daang taóng guinagawang panghuli n~g salapi, ay isa riyan sa m~ga pan~git na pinagcaratiban n~g bayan, na lalong malaki ang casam-an cay sa opio sa m~ga insic; diya'y napaparian ang dukha't inilalagay sa pan~ganib ang canyang boong pagcabuhay, sa pagmimithing siya'y magcasalaping hindi nagpapagal; napaparian diyán ang mayaman't n~g maglilibang, at diya'y caniyang guinagamit ang salaping labí sa canyang m~ga piguing at m~ga "misa de gracia"; datapwa't sa canila (sa m~ga mayayaman) ang capalarang diya'y pinaglalaruan, palibhasa'y magaling na totoo ang pagcacaturo sa sasabun~gin, marahil lalong magaling cay sa pagcaturo sa canilang anac na lalaki, na siyang hahalili sa ama sa sabun~gan, at wala n~ga caming itututol sa bagay na ito.

Sa pagca't ipinahihintulot n~g Gobierno, at hanggang halos canyang ipinagaanyaya, sa pag-uutos na gawin ang gayong panoorin sa "hayag na m~ga plaza", sa "m~ga araw n~g fiesta" (at n~g makita n~g lahat at macahicayat ang uliran), "pagcatapos n~g misa mayor hanggang sa dumilim sa hapon" (walong oras), dumalo tayo sa larong ito upang hanapin ang ilang m~ga cakilala.

Walang ikinatatan~gi ang sabun~gan sa San Diego sa m~ga sabun~gan sa iba't ibang bayan, liban na lamang sa ilang m~ga bagay. Nababahagui sa tatlong pitac: ang una, sa macatwid baga'y ang pasucan, ay isang malaking cabahayang tuwid, na may dalawampong metro ang haba at labing apat na metro ang luang; sa isa sa canyang m~ga taguilira'y may isang pintuang isang babae ang caraniwang nagbabantay, na siyang catiwala sa paninin~gil n~g sa pinto, ó cabayaran sa pagpasoc doon. Sa buwis na itong bawa't isa'y nagbibigay roon, tumatanggap ang Gobierno n~g isang bahagui, m~ga ilang daang libong piso sa isang taón: sinasabing sa salaping itong ibinabayad n~g "vicio" upang siya'y magcaroon n~g calayaan, nanggagaling ang ipinagpapatayo n~g m~ga maiinam na m~ga paaralan, ipinagpapagawa n~g m~ga tulay at m~ga daan, ipinagtatatag n~g m~ga ganting pala upang lumusóg ang pagsasaca at pan~gan~galacal ... purihin nawa ang vicio na naghahandog n~g gayong lubhang magagaling na m~ga bun~ga!--Sa unang pitac na ito nalalagay ang m~ga nan~gagbibili n~g hitso, m~ga tabaco, m~ga cacanin, m~ga pagcain at iba pa; naririan diyan ang caramihang batang lalaking sumasama sa canilang m~ga ama ó amaing sa canila'y nagsasakit n~g pagtuturo n~g m~ga lihim n~g pamumuhay.

Capanig ang pitac na ito n~g isá pang lalong malaki n~g caunti, isang pinaca salas, na pinagtitipunan n~g madla bago gawin ang m~ga "soltada". Nariyán ang pinacamarami sa m~ga manoc, na nan~gatatali n~g isáng lúbid sa lupa, sa pamamag-itan n~g isang pacong but-ó ó lúyong; nariyan ang m~ga tahur, ang m~ga malulugdin sa sabong, ang mananari: diyán nan~gagcacayari, nagninilaynilay, nan~gun~gutang, sumusumpa, nagtutun~gayaw, humahalachac; hinihimas niyón ang canyáng manoc, na pinaraanan n~g camáy ang ibabaw n~g makikintab na m~ga balahibo; sinisiyasat nama't binibilang nito ang m~ga caliskis sa m~ga paa; pinagsasalitaanan ang m~ga maiinam na gawa n~g m~ga bayani; diya'y inyóng mapapanood ang maraming m~ga mukhang malulungcót, na bitbit sa m~ga paa ang bangcay na wala n~g balahibo; ang pinacamahalmahal na hayop sa loob n~g ilang buwan, pinalayawlayaw at sa canya'y ipinagcatiwala ang lalong caayaayang m~ga pag-asa, n~gayo'y wala cung di isáng bangcay na lamang, na ipagbibili sa isáng peseta, upáng lutuing luya ang cahalo at canin sa gabí ring iyón: "sic transit gloria mundi". Pauwi na ang natalo sa canyáng bahay, na pinaghihintayan sa canya n~g esposang cacabacaba ang loob at n~g m~ga limalimahid na m~ga anac, na hindi na taglay ang caunting pamimilac at ang sasabun~gin. Yaong lahat na m~ga panaguinip na calugodlugod, yaong m~ga pagaalagang tumagal n~g mahabang panahon, mula sa pagbubucang liwayway hanggang sa paglubóg n~g araw, yaong lahat n~g m~ga pagpapahirap at pagpapagal, ang kinauwia'y isang peseta, ang m~ga nálabing abó sa gayóng cacapal na asó.--Sa ulutang itó nakikipagtutulan ang lalong pan~god na isip: ang lalong gagasogaso'y pinagsisiyasat na magaling ang gayóng bagay, tinitimbang, pinagmámasid, ibinubucadcad ang m~ga pacpac, hinihipo ang m~ga casucasuan n~g m~ga hayop na iyón. Maiinam na totoo ang pananamit n~g m~ga ilang sinusundan at liniliguid n~g m~ga caanib n~g canicanilang m~ga sasabun~gin; marurumi namán ang m~ga ibá, natatatac sa canilang mamayat na m~ga mukha ang larawan n~g vicio, at caniláng sinusundan n~g boong pagmimithi ang m~ga kilos n~g m~ga mayayaman at canilang pinagmamasdang magaling ang m~ga pustahan, sa pagca't mangyayaring mahuho ang m~ga bulsa, datapuwa't hindi nangyayaring masiyahan ang masamang hilig; diya'y waláng mukháng hindi guising; diya'y wala ang mapagpabayang filipino, ang tamád, ang hindi makibuin: ang lahát ay pawang kilusán, masimbuyong budhi, pagsusumicap; masasabing silá'y may isang cauhawang siyáng nagbibigay casayahan sa tubig sa pusali.

Buhat sa ulutang ito'y tumutun~go sa labanang ang pamagata'y "Rueda". Ang tuntun~gan nito, na nababacuran n~g cawayan, ang caraniwa'y mataas cay sa dalawang panig na sinabi na n~g una. Sa dacong itaas, na halos sumusucó na sa bubun~gan, may m~ga gradería, lunsódlunsód bagang upuan, na iniuucol sa m~ga manonood ó m~ga magsasabong, dalawang salitang nagcacaisa n~g kinauuwian. Sa boong itinatagal n~g labanan ay napupuno ang m~ga graderiang itó n~g m~ga taong may gulang na at n~g m~ga batang nan~gagsisigawan, nan~gaghihiyawan, nan~gagpapawis, nan~gag-aaway at nan~gagtutun~gayaw: ang cagalinga'y bihirang bihira ang babaeng nacararating diyán. Nan~gasasa "Rueda" ang m~ga táong litáw, ang m~ga mayayaman, ang m~ga bantog na "tahur", ang contratista (a entista) at ang sentenciador (tagahatol). Sa lupa, na mainam ang pagcacapicpic ay nan~gaglalaban ang m~ga hayop, at buhat diya'y ipinamamahagui n~g Capalaran sa m~ga familia ang m~ga tawanan ó m~ga pagtan~gis, ang magagaling na pagcain ó ang cagutuman.

Sa horas n~g ating pagpasoc ay naroroon na ang gobernadorcillo, si capitang Pablo, si capitang Basilio, si Lucas, ang tao bagang may pilat sa mukha, na totoong nagdamdam n~g pagcamatay n~g canyang capatid.

Lumapit si capitang Basilio sa isa sa m~ga taong bayan at tumanong:

--¿Nalalman mo ba cung anong manoc ang dala rito ni Capitang Tiago?

--Hindi co po na lalaman; may dumating po sa canyang dalawa caninang umaga, ang isa sa canila'y ang lasac na tumalo sa talisayin n~g Consul.

--¿Sa acala mo caya'y mailalaban sa canya ang aking si bulic?

--¡Aba, nacú, mailalaban po! ¡Ipupusta co po sa inyong manoc ang aking bahay at ang aking baro!

Dumarating sa sandaling iyon si capitang Tiago. Ang pananamit ay tulad sa m~ga malalacas na magsasabong: barong lieszong Caatóng, salawal na lana at sombrerong jipijapa. Sumusunod sa canyá ang dalawang alila; dala n~g isa ang lasac at ang isa nama'y isang puting sasabun~ging totoong pagcalakilaki.

--¡Ang sabi sa akin ni Sinang ay pagaling na n~g pagaling si María!--ani capitang Basilio.

--Wala n~g lagnát, datapuwa't mahina pa.

--¿Natalo po ba cayó cagabi?

--Caunti; nalalaman cong nanalo cayó ... titingnan co cung macababawi acó.

--¿Ibig po ba ninyóng isabong ang lásac?--ang tanong ni capitang Basilio, na tinitingnan ang manóc, at saca hinin~gi itó sa alila.

--Alinsunod, sacali't may pustahan.

--Gaano po ba ang ipupusta ninyó.

--Cung magcuculang din lamang sa dalawa'y hindi co na isasabong.

--¿Inyo bang nakita na ang aking búlic?--ang tanóng ni capitang Basilio at saca tinawag ang isang táong may dalang isang maliit na sasabun~gin.

--¿Gaano po ba ang ipupusta ninyó?--ang tanóng.

--Cung gaano ang inyóng ipusta.

Other books

Le Colonial by Kien Nguyen
Postsingular by Rudy Rucker
The Moth in the Mirror by A. G. Howard
The Night Belongs to Fireman by Jennifer Bernard
Crazy Paving by Louise Doughty
La sombra del águila by Arturo Pérez-Reverte
Un hombre que promete by Adele Ashworth