Noli Me Tangere (53 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
3.02Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¿At bakit?--ang tanong ni don Filipo na nagtataca.

--Sa pagca't nagsuntucan ang alférez at ang guinoong babae ay hindi sila macatulog.

--Sabihin po ninyo sa alférez, na binigyan cami n~g capahintulutan n~g Alcalde Mayor, at "wala sino man" sa bayang may capangyarihan sumalangsang sa capahintulutang ito, cahi't ang gobernadorcillo man, na siyang tan~gi cong mataas na puno.

--¡Talastasin ninyong kinakailan~gang itiguil ang palabas!--ang inulit n~g m~ga sundalo.

Tinalicdan sila ni don Filipo. Nan~gagsialis ang m~ga guardia.

Hindi sinabi canino man ni don Filipo ang nangyaring ito at n~g huwag magulo ang catahimican.

N~g matapos na ang bahaguing iyon n~g zarzuela na totoong pinagpurihanan, lumabas naman ang Príncipe Villardo, at hinahamon n~g away ang lahat n~g m~ga morong pumipiit sa canyang amá; pinagbabalaan sila n~g bayaning puputlan silang lahat n~g úlo, at ang m~ga ulong ito'y ipadadala sa buwan. Sa cagalin~gang palad n~g m~ga moro, na nan~gagsisipaghanda na sa labanang tinutugtugan n~g "himno de Riego", ay siyang pagcacaroon n~g isang gulo. Biglang nagsihinto n~g pagtugtog ang m~ga bumubuo n~g orquesta at canilang linusob ang teatro, pagcatapos maipaghaguisan ang canilang m~ga instrumento. Ang matapang na si Villardo, na hindi inaacalang man~gagsisirating ang m~ga taong iyong, canyang ipinalagay na cacampi n~g m~ga moro, inihaguis naman ang canyang espada at escudo at saca bumigay n~g tacbo; nang makita n~g m~ga morong tumatacas ang cakilakilabot na cristianong iyon, hindi sila nag-alinlan~gang siya'y canilang gagarin: may naririn~gig na m~ga sigawan, m~ga daing, tun~gayawan, m~ga salitang capusun~gan, nagtatacbuhan ang m~ga tao, nan~gamatay ang m~ga ilaw, ipinaghahaguisan sa impapawid ang m~ga vaso n~g ilaw, at iba pa.--¡M~ga tulisan! ¡M~ga tulisan!--ang sigaw n~g m~ga iba.--¡Sunog! ¡sunog! ¡m~ga magnanacaw!--ang sigawan naman n~g m~ga iba; nan~gagsisitan~gis ang m~ga babae't ang m~ga musmos, gumugulong sa lupa ang m~ga banco at ang m~ga nanonood, sa guitna n~g ligalig, pagcacain~gay at caguluhan.

¿Ano ang nangyari?

Ilinagad n~g dalawang guardia civil na may tan~gang pamalo ang m~ga músico at n~g pahintuin ang pinalalabas; sila'y narakip, baga man nagsisilaban, n~g teniente mayor, na casama ang caniyang m~ga cuadrillerong ang dalang sandata'y ang canilang m~ga lumang sable.

--¡Inyong ihatid sila sa tribunal!--ang sigaw ni don Filipo,--cayó ang bahala pagca sila'y nacawala!

Bumalic na si Ibarra at canyang hinanap si María Clara. Nan~gagsicapit sa canya ang natatacot na m~ga dalagang pawang nan~gan~gatal at nan~gamumutla; dinarasal ni tía Isabel ang m~ga letanía sa wicang latin.

N~g pagbalicang loob n~g caunti ang m~ga tao sa pagcagulat, at n~g canilang matalastas cung ano ang nangyari, nag-alab ang galit sa lahat n~g m~ga dibdib. Umulan ang m~ga bato sa pulutong n~g m~ga cuadrillerong naghahatid sa dalawang guardia civil; may isang nagyayacag na silabin ang cuartel at iihaw roon si doña Consolacióng casama ang alférez.

--¡Sa ganyan lamang sila pinakikinaban~gan!--ang sigaw n~g isang babaeng naglililis n~g canyang mangas at iniunat ang canyang m~ga bisig;--panggugulo n~g bayan! ¡Wala silang nalalamang pag-usiguin cung di ang mababait na m~ga tao! ¡Nariyan ang m~ga tulisan at ang m~ga magsusugal! ¡Sunuguin natin ang cuartel!

Hinihipò n~g isa ang canyang bisig at humihi~ngi n~g confesión; cahabaghabag na m~ga taghoy ang lumalabas sa ilalim n~g m~ga bangcong nan~gatumba: yao'y isang caawaawang músico. Punongpuno ang escenario n~g m~ga artista at n~g m~ga taong bayan. Nariyan si Chananay, na nacasuot n~g Leonor sa Trovador, na nakikipagsalitaan n~g wicang tinda cay Ratia, na nacasuot maestro n~g escuela; si Yeyeng na nacabalot n~g malaking panyong sutla na na sa tabi n~g príncipe Villardo; pinagpipilitan ni Balbino't n~g m~ga morong aliwin ang m~ga músicong may m~ga nasactan at hindi. Nagpapacabicabila ang ilang m~ga castila at pinagsasabihan ang bawa't canilang nasasalubong.

Datapuwa't may nagcacabilog n~g isang pulutong. Napag-unawa ni don Filipo ang canilang adhica at canyang tinacbo upang sansalain.

--¡Huwag sana ninyong sirain ang catahimican!--ang isinisigaw ni don Filipo;--¡hihin~gi tayo bucas n~g carapatang tumbas sa caguluhang canilang guinawa, bibigyan tayo n~g nauucol sa ating catuwiran; nananagot aco sa inyong bibigyan tayo n~g nauucol sa ating catuwiran!

--¡Hindi!--ang isinasagot n~g ilan; ¡gayon din ang guinawa sa Calambà (n~g 1879), gayon din ang ipinan~gaco, datapuwa't walang ano mang guinawa ang Alcalde! ¡Ibig naming gumawa n~g pagca justicia sa aming camay! ¡Tayo na sa cuartel!

Nawalang cabuluhan ang m~ga pakikiusap n~g teniente mayor; nagpapatuloy ang pulutong sa canilang panucala. Lumin~gap si don Filipo sa canyáng paliguid at humahanap n~g sa canya'y tumulong ay canyáng nakita si Ibarra.

--Guinoong Ibarra, ¡para na ninyóng awa! ¡Sila'y inyóng sansalain, samanatalang humaharap acó n~g m~ga cuadrillero!

--Anó ang aking magagawa?--ang itinanong n~g binata, na natitigagal, datapuwa't malayo na ang teniente mayor.

Si Ibarra naman ang naglin~gap-lin~gap sa canyáng paliguid, at naghahanap siya n~g hindi nalalaman cung sino. Sa cagalin~gang palad ay anaki'y canyáng nasuliapan si Elías, na walang bahalang pinanonood ang gayóng kilusan. Tinacbó siya ni Ibarra, hinawacan siyá sa bisig at sinabi sa canya sa wikang castila:

--¡Alang-alang sa Dios! ¡gumawa po cayó n~g bahagya, sacali't may magagawa; wala po acong magawang anó man!

Tila mandin siya'y nawatasan n~g piloto, sapagca't nawala siya't sinuot ang m~ga bumubuo n~g pulutong.

Narin~gig ang masilacbóng pagmamatuwiran, mabilís na tutulán; pagcatapos ay untiunting nagpasimula n~g paghihiwahiwalay n~g m~ga magcacapulutóng, at naalis sa bawa't isá ang anyóng may gagawing caguluhan.

At panahón na n~ga, sa pagca't lumalabas na ang m~ga sundalong may dalang m~ga sandata at nacalagay sa dulo n~g fusil ang bayoneta.

¿Samantala'y ano ang guinagawa n~g cura?

Hindi pa nahihiga si párì Salví. Nacatindig siya, nacatuon ang noo sa m~ga "persiana", sa dacong plaza ang tanaw, hindi cumikilos, at manacanacang pinatatacas niya ang pinipiguil na buntong hinin~ga. Cung hindi sana napacadilim ang liwanag n~g canyang ilaw, marahil napagmasdang napupuno n~g m~ga luha ang canyang m~ga mata. Gayon ang caniyang naguing anyo sa isang horas halos.

Pinucaw siya sa ganitong calagayan n~g pagcacagulo sa plaza. Sinundan n~g canyang m~ga matang nangguiguilalas ang walang tuos na pagpaparoo't parito n~g m~ga tao, at ang m~ga tinig nila'y dumarating sa canyang hagawhaw na lamang.--Isa sa m~ga alilang dumating ang sa canya'y nagbigay alam n~g nangyayari.

Dumaan sa canyang panimdim ang isang isipin. Sa guitna n~g m~ga cain~gayan at caguluhan, sinasamantala n~g m~ga may mahahalay na budhi ang pagcagulat at cahinaan n~g loob n~g m~ga babae; nan~gasisisiticas at nan~gagliligtas sa sarili, sino ma'y walang nacacaalaala sa can~gino man, hindi nariri~nig ang sigaw, hinihimatay ang m~ga babae, nan~gagcacasaguian, nan~gasusun~gaba; dahil sa pagcagulat at pagcatacot ay hindi pinakikinggan ang hibik n~g capurihang nalulugso, at sa calaguitnaan n~g gabi ... ¡at pagca nagcacaibigan! Tila mandin nakikinikinita niyang calong ni Crisostomo si María Clarang hindi nacamamalay-tao, at sila'y nan~gawala sa cadiliman.

Lumulucsong nanaog sa m~ga hagdanan, walang sombrero, walang bastón at parang sira ang isip na tinu~ngo ang plaza.

Nasumpun~gan niya roon ang m~ga castilang pinagwiwicaan ang m~ga sundalo, canyang tiningnan ang m~ga upuang kinalalagyan ni María Clara at n~g canyang m~ga caibigan, at nakita niyang wala na sila roon.

--¡Padre Cura! ¡padre Cura!--ang sigawan sa canya n~g m~ga castila; n~guni't hindi niya pinansin sila. Doo'y nacahin~ga siya: nakita niya sa manipis na tabing na naroon ang isang anino, ang carapatdapat sambahing anino, ang puspos n~g biyaya at calugodlugod na pan~gan~gatawan ni María Clara, at ang sa canyang tía na may dalang m~ga taza at m~ga copa.

--¡Magaling na lamang!--ang canyang ibinulong,--tila mandin walang nangyari cung di ang pagcacasakit lamang.

Sinarhan ni tía Isabel, pagcatapos ang m~ga capis n~g bintana, at hindi na napakita ang caibig-ibig na anino.

Lumayo sa lugar na iyon ang cura, na di man lamang nakikita ang caramihan. Nalaladlad sa harap n~g canyang m~ga mata ang cagandagandahang pan~gan~gatawan n~g isang dalaga, na tumutulog at humihin~ga n~g catamistamisan; naliliman ang bubong n~g m~ga mata n~g mahahabang pilicmata, na ang calantican ay tulad sa m~ga pilicmata n~g m~ga Virgen ni Rafael; n~gumin~giti ang maliit na bibig; nalalarawan sa boo n~g pagmumukhang yaon ang pagca Virgen, ang calinisang wagas, ang pagca walang malay casalanan; ang pagmumukhang iyo'y isang lubhang matimyas na panaguinip sa guitna n~g maputing damit n~g canyang higaan, wan~gis sa isang ulo n~g querubín sa guitna n~g m~ga alapaap.

Nagpatuloy n~g pagcakita ang panimdim ni pari Salví n~g iba't iba pang m~ga bagay ...; ¿n~guni't sino ang macapaglilipat sa papel n~g lahat n~g mapapanimdim n~g isang nag-aalab na budhi?

Marahil ay ang Corresponsal n~g periódico, na winacasan ang pagsaysáy n~g fiesta at n~g lahat n~g m~ga nangyari sa ganitong paraan:

"Macalilibong salamat, walang hangang salamat sa sumapanahon at masicap na pamamag-itan n~g totoong cagalanggalang na si pari fray Bernardo Salví, na hindi kinatacutan ang lahat n~g pan~ganib, sa guitna n~g bayang iyóng nagn~gin~gitn~git n~g galit, sa guitna n~g caramihang wala n~g pinagpipitaganan; waláng bastón, walang sombero'y pinayapa niyá ang m~ga galit n~g caramihan, na waláng ibang guinamit liban na lamang sa canyáng mapanghicayat na pananalita, at ang cadakilaan at capangyarihang cailan ma'y hindi nagcuculang sa sacerdote n~g isang Religión n~g Capayapaan. Linisan n~g banal na religioso ang m~ga catamisan n~g pagcahimbing, na tinatamasa n~g lahat n~g magandang diwa na gaya n~g canyang taglay, upáng mailagang mangyari ang isang munting casacunaan sa canyáng m~ga oveja. Hindi n~ga marahil calilimutan n~g m~ga mamamayan sa San Diego ang ganitong lubhang magaling na guinawa niyá at magpacailan ma'y kikilanlin sa canyang utang na loob!"

=XLI.

DALAWANG PANAUHIN.=

Dahil sa calagayan n~g calooban ni Ibarra'y hindi siya mangyaring macatulog, caya n~ga't n~g upang liban~gin ang canyáng isip at ilayo ang m~ga malulungcot na panimdim na lalong lumalaki n~g di cawasa cung gabí, nagtrabajo siyá, sa napag-iisang canyang "gabinete". Inabot siya n~g araw sa m~ga paghahalohalo at pagbabagaybagay, na doo'y canyáng inilulubog ang capucaputol na m~ga cawayan at m~ga iba pa, na ipinapasoc pagcatapos sa m~ga frascong may m~ga número at natatacpan n~g lacre.

Ipinagbigay alam n~g isang alilang lalaking pumasoc ang pagdating n~g isang taong bukid.

--¡Papasukin mo!--ang canyáng sinabi, na hindi man lamang lumin~gon.

Pumasoc si Elías, na nanatili sa pagcatindig at hindi umiimic.

--¡Ah! ¿cayo po ba?--ang biglang sinabi ni Ibarra sa wicang tagalog, n~g siya'y canyang makita;--ipagpaumanhin po ninyó ang aking pagca pahintay sa inyó, hindi co napansin ang inyóng pagdating: may guinagawa acong isang mahalagang pagtikim....

--¡Ayaw co pong cayo'y abalahin!--ang isinagot n~g binatang piloto; ang unang ipinarito co'y upang sa inyo'y itanong cung cayo'y may ipagbibiling ano man sa lalawigang Batan~gang aking patutun~guhan n~gayon din, at ang icalawa'y upang sabihin co po sa inyo ang isang masamang balita....

Tinanong ni Ibarra n~g mata ang piloto.

--May sakit po ang anac na babae ni capitang Tiago,--ang idinugtong ni Elias n~g sabing mahinahon,--datapuwa't hindi malubha.

--¡Iyang na n~ga ang aking ipinan~gan~ganib!--ang sinabi n~g marahan,--¿nalalaman po ba ninyo cung ano ang sakít?

--¡Lagnat po! N~gayon, cung wala cayong ipag-uutos....

--Salamat, caibigan co; hinahan~gad cong cayo'y magcaroon n~g maluwalhating paglalacbay ...; datapuwa't bago cayo umalis, itulot po ninyo sa aking sa inyo'y macapagtanong n~g isa; cung sacali't lihís sa tapat na pag-iin~gat n~g lihim ay huwag cayong sumagot.

Yumucod si Elias.

--¿Paano ang inyong guinawa't inyong nasansala ang panucalang gulo cagabi?--ang tanong ni Ibarra na tinititigan si Elias.

--¡Magaang na magaang!--ang isinagot ni Elias n~g boong cahinhinan;--ang namamatnugot n~g gayong kilusa'y magcapatid na nan~gulila sa ama na pinatay n~g guardia civil sa capapalo; nagcapalad aco isang araw na mailigtas co sila sa m~ga camay rin n~g m~ga iyong umamis sa buhay n~g canilang magulang, at dahil dito'y capuwa cumikilala sa akin n~g utang na loob ang dalawa. Sa canila, aco nakiusap cagabi, at sila naman ang sumaway na sa m~ga iba.

--¿At ang magcapatid na iyan ang canilang ama'y pinatay sa capapalo?...

--Ang cahahanggana'y cawan~gis din n~g ama,--ang isinagot ni Elias n~g marahang tinig;--pagca minsang tinatacan na n~g casacunaan n~g canyang tanda ang isang mag-anac, kinacailan~gang mamatay n~ga ang lahat n~g bumubuo n~g mag-anac na iyan; pagca tinatamaan n~g lintic ang isang cahoy ay naguiguing alaboc na lahat.

At sa pagca't namasdan ni Elias na si Ibarra'y hindi umiimic, siya'y nagpaalam.

N~g nag-iisa na siya'y nawala ang anyong panatag ang loob na canyang naipakita sa harap n~g piloto, at nan~gibabaw sa mukha ang sákit n~g canyang loob.

--¡At aco! ¡acó ang nagpahirap n~g di ano lamang sa babaeng iyan!--ang ibinulong.

Dalidaling nagbihis at nanaog sa hagdanan.

Bumati sa canyá n~g boong capacumbabaan ang isáng maliit na lalaking nacasuut n~g lucsa at may isáng malaking pilat sa caliwang pisn~gi, at pinahinto siyá sa paglacad.

--¿Ano ba ang ibig ninyó?--ang tanong ni Ibarra.

--Guinoo, Lucas ang aking pan~galan, acó ang capatid n~g namatay cahapon.

--¡Ah! ¡Inihahandog co sa inyó ang pakikisama sa inyóng pighati!... at anó pa?

--Guinoo, ibig cong maalaman cung gaano ang inyóng ibabayad sa mag-anac na nan~gulila sa aking capatid.

--¿Ibabayad?--ang inulit n~g binata, na di napiguil ang sama n~g canyang loob;--pag-uusapan na natin itó. Bumalic po cayó n~gayon hapon, sa pagca't nagmamadali acó n~gayón.

--¡Sabihin po lamang ninyó cung gaano ang ibig ninyóng ibayad!--ang pinipilit itanong ni Lucas.

--¡Sinabi co na sa inyóng mag-uusap na tayo sa ibang araw, n~gayo'y wala acong panahon!--ani Ibarrang naiinip.

--¿Wala po cayong panahón n~gayón, guinoo?--ang tanóng n~g boong saclap ni Lúcas, na humalang sa harapan ni Ibarra;--¿wala cayong panahon sa pakikialam sa m~ga patay?

Other books

Origin - Season One by James, Nathaniel Dean
Still With Me by Thierry Cohen
Dark Canyon (1963) by L'amour, Louis
The Hammer of Eden by Ken Follett