Noli Me Tangere (55 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
5.43Mb size Format: txt, pdf, ePub

Si don Tiburcio'y isa riyan sa caraniwang sinasabing hindi gumagawa n~g masama cahi't sa isang lan~gaw: mahinhin at walang cayang magtaglay n~g isang masamang caisipan, siya disi'y nagmisionero n~g m~ga unang panahón. Hindi nangyaring nacapanagumpay sa canya ang lubos na paniniwala n~g malaking cataasan, n~g dakilang camahalan at mataas na cahalagahang sa loob n~g ilang linggo'y cumacapit sa calooban n~g pinacamalaking bahagui sa canyang m~ga cababayan. Hindi nagcasiya cailan man sa canyang puso ang magtanim n~g galit; hindi pa siya nacasusumpong n~g isa man lamang na "filibustero"; wala siyang nakikita cung hindi m~ga haling na isip na kinakailan~gang agawan n~g pagcabuhay, sacali't aayaw na maguing halíng pa cay sa canila. N~g pag-acalaang siya'y pag-usiguin sa harap n~g m~ga hucuman dahil sa pagpapanggap niya n~g pagca manggagamot, hindi siya naghinanakit, hindi siya dumaing; kinikilala niya ang catuwiran, at ito lamang ang canyang isinasagót: ¡Datapuwa't kinacailan~gang mabuhay!

Sila n~ga'y napacasal ó nagsiluan ang isa't isa[260], at na pa sa Santa Ana sila at n~g doon nila lasapin ang catimyasan n~g unang buwan n~g bagong casal; n~guni't n~g gabi n~g sa canila'y pagcacasal, nagcasakit si doña Victorina, dahil sa catacottacot na hindi pagcatunaw n~g kinain; si don Tiburcio'y napasalamat sa Dios, nagpakitang siya'y mairog at maiguing mag-alaga. Gayón man, n~g icalawang gabi'y ipinakilala niyáng siya'y lalaking marunong magmahal sa capurihan, at n~g manalamin siya n~g kinabucasan, n~gumiti n~g boong calungcutan hanggang sa ipakita niya ang canyang m~ga n~gidn~gid na walang n~gipin: ang cauntia'y may sampong taón ang canyang itinanda.

Sa lubhang malaking pagcalugod ni doña Victorina sa canyang asawa, ipinagpagawa niya siya n~g magagaling na m~ga n~giping nailalagay at naaalis, ipinag-utos sa lalong magagaling na m~ga sastre sa ciudad na igawa ang canyang asawa n~g lalong magagaling na m~ga casuutan; bumili n~g m~ga araña at m~ga calesa; nagbilin sa Batan~gan at sa Albay n~g lalong magagaling na m~ga "pareja" n~g m~ga cabayo, at hanggang sa pinilit niya si don Tiburciong magcaroon n~g dalawang cabayong handa sa m~ga tacbuhang darating.

Samantalang binabago niya ang calagayan n~g canyang asawa'y hindi niya nililimot ang canyang sariling catawan: canyang iniwan ang sayang sutla at ang barong pinya at ang guinamit niya'y ang pananamit europea; inihalili niya sa madaling gawing puyod n~g m~ga filipina ang magdarayang m~ga "flequillo", at sa pamamag-itan n~g canyang m~ga pananamit na cagulatgulat ang sa canya'y hindi pagcabagay, binigyang niyang ligalig ang capayapaan n~g tahimic at walang guinagawang m~ga mamamayan.

Ang canyang asawang cailan ma'y hindi umaalis na naglálakad,--(aayaw si doña Victorinang makita ang capilayan n~g canyang asawa),--dinádala siya sa m~ga lugar na walang tao, bagay na ikinahahapis na totoo ni doña Victorina, palibhasa'y ang ibig niya'y maipagparan~galan ang canyang asawa sa lalong hayag na m~ga paseo: n~guni't hindi siya umiimic sa pagpipitagan niya sa m~ga unang buwan n~g catamisan n~g m~ga bagong casal.

Nagpasimula ang pagbabawas n~g timyas n~g canilang pagsasama, n~g acalain n~g canyang asawang siya'y pakiusapan tungcol sa "polvos de arroz" (galapong n~g bigas) at sabihin sa canyang yao'y daya at hindi catutubo; pinapagcunot ni doña Victorina ang canyang m~ga kilay, at siya'y tinitigan sa m~ga n~giping nailalagay at naaalis. Hindi na umimic ang lalaki, at napagwari n~g babae cung alin ang pangpahina sa canya n~g loob.

Hindi nalao't ang isip niya'y siya'y nagdadalang tao na, at canyang ipinamalita ang gayong bagay sa lahat n~g canilang m~ga caibigan:

--Acó at si de Espadaña'y cami pasasa "Peñinsula" sa buwang darating; aayaw acong ipan~ganac dito ang aming anac at tatawaguing "revolucionario".

Nilagyan niya n~g isang "de" ang apellido n~g canyang asawa; hindi pinagcacagugulan n~g ano man ang "de"; n~guni't nacapagbibigay "categoria" (camahalan sa pan~galan). Cung pumifirma siya'y ganito ang inilalagay niya sa sariling pan~galan: Victorina de los Reyas "de" de Espadaña; ang "de" de Espadañang ito ang siyang ikinasisira n~g canyang isip; bagay na hindi nangyaring naalis sa canyang ulo n~g litografong gumawa n~g canyang m~ga tarjeta at n~g cahi't canyang asawa.

--Cung isa lamang "de" ang aking ilalagay, mawiwicang talagang wala cang "de", ¡haling!--ang sinabi sa canyang asawa.

Walang licat ang canyang pamamalita n~g guinagawa niyang m~ga paghahanda sa paglalacbay, pinagsicapan niyang isaulo ang m~ga pan~galan n~g m~ga duon~gang dinaraanan n~g m~ga sasacyang patun~go sa España, at nacalulugod na pakinggan siya sa pananalita:--"Aking makikita ang ismo n~g canal ni Suez; sinasabi ni De Espadañang siya raw lalong maganda, at nalibot ni De Espadaña ang boong daigdig. "--" Marahil ay hindi na aco uuwi dito sa lupain n~g m~ga taong gubat, "--" Hindi aco ipinan~ganac upang matira aco sa lupaing ito; lalo pang nababagay sa akin ang Aden ó Port Said: musmos pa aco'y gayon na ang aking caisipan," at iba pa. Pinagbabahagui ni doña Victorina ang daigdig, sa canyang "geografía," sa Filipinas at España, na naiiba naman sa m~ga chulo (m~ga taong han~gal sa Madrid) na binabahagui ang daigdig sa España at America ó China sa ibang pan~galan.

Nalalaman n~g canyang asawang ang ilang sa m~ga bigay na iyo'y m~ga cahalin~gan, n~guni't hindi umiimic at n~g huwag siyang masigawan at maipamukha sa canya ang canyáng cautalan. Nagpacunwari si doña Victorinang siya'y naglilihi, at nagpahumaling sa pagsusut n~g m~ga damit na sarisari ang m~ga culay, nagbalot n~g m~ga bulaclac at n~g m~ga sintas at nagpapasial na nacabata sa Escolta, datapuwa't ¡oh casaliwaang palad! nagdaan ang tatlong buwan at nalugnaw ang panag-inip, at sa pagca't wala n~g dapat ipan~gilag upang huwag maguing revolucionario ang anac na lalaki, hindi na niya ipinatuloy ang paglalacbay. Ang kinahiligan nama'y ang pagtatanong sa m~ga manggagamot, m~ga hilot, m~ga matatandang babae't iba pa, datapuwa't nawalang cabuluhan; siyang aayaw pasaclolo sa can~gino mang santo ó santa, at canyang nililibac si San Pascual Bailon, bagay na totoong ikinahahapis ni capitang Tiago; caya n~ga't sa canya'y sinabi n~g isang caibigan n~g canyang asawa:

Maniwala po cayo sa akin, guinoong babae, cayo po ang bugtong na may "espiritu fuerte" (matapang na diwa) sa nacayayamot na lupang ito!

Siya'y n~gumiti baga man hindi niya nauunawa cung ano ang "espiritu fuerte" at pagcagabi, sa oras n~g pagtulog, itinanong cung ano ang cahulugan niyon sa canyang asawa.

--Guiliw co,--ang isinagot nito,--ang nalalaman cong e ... espiritu fuerte ay ang "amoniaco;" isang "re ... retórica" (bulaclac n~g pananalita) lamang marahil ang sinabi n~g aking caibigan.

Buhat niyó'y sinasabi niya cailan ma't maaari:

--Aco ang bugtong na amoníaco sa lubhang nacayayamot na lupaing ito, sa pananalitang retórica; gayon ang sinabi ni Guinoong N. de N., peninsular na totoong mataas ang "categoria".

Ang bawa't maibigan niyá'y kinacailan~gang gawin; totoong napasuco niyang lubos ang canyang asawa, na hindi naman nagpakita n~g malaking pagsalangsang sa canya, na ano pa't naguing cahalimbawang tunay n~g isáng ásong maliit na sumusunod sa bawa't maibigan ni doña Victorina. Cung guinagalit siya'y hindi pinahihintulutang siya'y macapagpasial, at cung totoong siya'y pinapagn~gin~gitn~git, inaagaw cay don Tiburcio ang postizong m~ga n~gipin at pinababayaan siyang magmukhang cagulatgulat sa isa ó ilang araw caya, ayon sa maisipan.

Naisipan ni doña Victorinang dapat maguing doctor sa Medicina at sa Cirugía ang canyang asawa, at ipinaunawa niya cay don Tiburcio ang bagay na ito.

--¡Guiliw co! ¿ibig mo bang aco'y dacpin?--ang tanong na nagugulat.

--¡Huwag ca sanang báliw, pabayaan mo't aco ang nacacaalam!--ang isinagót,--hindi ca manggagamot can~gino man, datapuwa't ibig cong tawaguin ca nilang doctor acó'y doctora, ¡halá!

At kinabucasa'y tumanggap si Rodoreda n~g biling iukit sa isang losa n~g maitim na mármol ang ganito: Dr. DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE EMFERMEDADES (manggagamot na tan~gi sa lahat n~g bagay na sakít).

Ipinag-utos sa lahat n~g m~ga lingcód nila sa bahay na itawag sa canilá ang canilang m~ga bagong titulo, at dahil dito'y naragdagan ang bilang n~g m~ga flequillo, cumapál ang pahid na polvos de arroz, at dumami ang m~ga cintas at ang m~ga encaje, at lalo n~g tiningnang n~g malaking pagpapawalang halaga ang canyang m~ga aba at culang palad na m~ga cababayang babae, na ang m~ga asawa'y mababa ang camahalan cay sa canyang asawa. Bawa't araw na magdaan ay nararamdaman niyang lalong naguiguing mahal at lalong tumataas siya, at cung magpapatuloy ang gayong calacarán, paguiguing isang taó'y sasapantahain na niyang siya'y calahi n~g Dios.

Hindi nacahahadlang ang m~ga dakilang caisipang itó, na hanggang nagdaraan ang araw ay lalo siyang tumatanda at lalong nagmumukhang catawatawa. Cailan mang masasalubong niya si capitáng Tiago at maaalaala niyang nawalang cabuluhan ang pan~gin~gibig sa canya nitó, pagdaca'y nagpapadala siya n~g piso sa Simbahan sa pamisa, bilang pasasalamat. Gayón ma'y iguinagalang na totoo ni capitang Tiago ang canyang asawa dahil sa título na pagca manggagamot sa lahat n~g bagay na sakít, at canyang pinakíkinggang magaling ang m~ga ilang salitang canyang naipan~gun~gusap dahil sa canyang cautalán. Dahil dito, at dahil sa hindi dumadalaw ang manggagamot na ito sa can~gino man, hinirang siya ni capitang Tiago upang siyang gumamot sa canyang anac na babae.

Cung tungcól sa binatang Linares ay iba na. N~g gumagayac n~g pagpasa España, inacala ni doña Victorina ang maglagay n~g isáng tagapan~gasiwáng castila, sa pagca't walang tiwala siya sa m~ga filipino naalaala n~g canyang asawa ang isang pamangking na sa Madrid, na nag-aaral n~g pag-aabogado at ipinalalagay na siyang pinacamatalas ang caisipan sa lahat n~g m~ga magcacamag-anac sinulatan n~ga siya, na ipinagpauna ang bayad sa sasacyan n~g pagparito, at naglalacbay-dagat na siyang dito ang tumpá, n~g mapugnaw ang pananag-inip tungcol sa pagdadalang tao.

Ang tatlong guinoong ito ang siyang bagong cararating.

Samantalang cumacain sila n~g pan~galawang agahan, dumating si pari Salví, at sa pagcá't siyá'y cakilala na n~g mag-asawa, ipinakilala nila sa canyá, sampo n~g m~ga tagláy na carapatán n~g binátang si Linares, na nagdamdam cahihiyan.

Ayon sa caugalia'y si María Clara ang siyáng pinag-usapan; ang dalaga'y nagpapahin~galay at natutulog. Napagsalitaanan ang tungcol sa paglalacbáy: ipinagparan~galan ni doña Victorina ang canyang catabilán sa pagpintas sa m~ga tagalalawigan, sa canilang m~ga bahay na pawid, sa canilang m~ga tulay na cawayan, na hindi kinalimutang sabihin sa cura ang pagca sila'y m~ga caibigan n~g Segundo Cabo, n~g Alcaldeng si gayón, n~g Oldor na si ganyán, n~g Intendente at iba pa, m~ga táong pawang matataas na totoong naaalang-alang sa canila.

--Cung naparito po sana cayo camacalawa, doña Victorina,--ang isinunód ni capitang Tiago, pagcatapos n~g isáng sandaling pagtahimic n~g usapan,--inyó po sanang nacatagpo ang marilag na Capitan General: diyan siya nacaupo.

--¿Anó? ¿Paano? ¿Naparito ba ang capitang General? ¿At dito sa inyong bahay? ¡Casinun~galin~gan!

--¡Sinasabi co po sa inyong diyan siya nacaupo! Cung naparito pó sana cayó camacalawa....

--¡Ah! sáyang na hindi nagcasakit agád si Clarita!--ang bigláng sinabi niyang taglay ang túnay na pagdaramdam, at saca pinagsabihan si Linares:

--¿Narin~gig mo na, pinsan? ¡Dírito ang Capitán General! ¿Nakita mo na cung totoo ang sabi ni De Espadaña, n~g sabíhin sa iyóng ang paroroonan mo'y hindi bahay n~g isang waláng cabuluhang indio? Sa pagca't talastasin po ninyo na ang aming pinsa'y n~g nasa Madrid ay caibigan n~g m~ga ministro at n~g m~ga duque, at doon cumacain sa bahay n~g conde del Campanario.

--N~g duque de la Torre, Victorina,--ang isinala n~g canyang asawa.

--Gayon din lamang iyon, ¿icaw pa ba naman ang magsasabi sa akin?...

--¿Mararatnan co po caya si pari Damaso sa canyang bayan?--ang isinalabat ni Linares, na si pari Salvi ang kinacausap;--malapit daw rito ang sabi sa akin.

--Aba, naririto siya n~gayon at hindi malalao't siya'y paririto,--ang isinagot n~g cura.

--¡Gaano calaki ang aking tuwa! may dala acong sulat na ucol sa canya,--ang biglang sinabi n~g binata,--at cung hindi lamang sa ganitong maligayang pagcacataon n~g pagparito cong ito, nagsadya disin pa aco n~g pagparito upang siya'y aking dalawin.

Samantala'y naguising ang "maligayang" pagcacataon.

--¿De Espadaña?--ani doña Victorina n~g matapus ang pagcain,--ating titingnan na si Clarita?--At saca sinabi cay capitang Tiago: ¡Dahil sa inyo lamang, don Santiago; dahil sa inyo lamang! Hindi gumagamot ang aking asawa cung di sa m~ga matataas na tao lamang, at iyon pa man, iyon pa man! ¡Hindi cawan~gis ang aking asawa n~g m~ga taga rito!... hindi siya nanggagamot sa Madrid cung hindi sa m~ga taong matataas lamang.

Tinun~go nila ang kinalalagyan n~g may sakit na babae.

Halos n~gitn~git n~g dilim ang silid na kinalalagyan n~g may sakit, nacalapat ang m~ga bintana, dahil sa pan~gan~ganib sa hihip n~g han~gin, at nanggagaling ang bahagyang liwanag doon sa dalawang malalaking candilang pagkit na nakatiric at nagninin~gas sa harap n~g isang larawan n~g Virgen sa Antipolo.

Nabibigkisan ang ulo n~g isang panyong basa n~g Agua de Colonia, nababalot na mabuti ang catawan sa mapuputing cumot na may saganang m~ga ticlop, na siyang tumatakip sa canyang pagca anyong virgen, nacahiga ang dalaga sa canyang catreng camagong na napapamutihan n~g m~ga cortinang jusi at pinya.

Ang canyang m~ga buhoc na nacaliliguid sa mukha niyang tabas itlog ang nacararagdag n~g gayong nan~gan~ganinag na pamumutla, na binibigyang buhay lamang n~g malalaking m~ga matang puspos n~g calungcutan. Na sa canyang siping ang canyang dalawang caibigang babae at si Andeng na may babae na isang san~ga n~g azucena.

Pinulsuhan siya ni De Espadaña, siniyasat ang canyang dila, tinanong siya n~g ilan, at saca nagsalitang iiling iling:

--¡I ... ito'y may sakit, n~guni't maaring gumaling!

Minasdan ni doña Victorina n~g boong calakhan n~g loob ang m~ga nalilimpi.

--¡Liqueng may cahalong gatas sa umaga, jarabe de altea, dalawang pildora n~g sinoglosa!--ang ipinag-utos ni De Espadaña.

--Lacsan mo ang iyong loob, Clarita,--ang sabi ni doña Victorina na sa canya'y lumapit; naparito cami't n~g gamutin icaw ... ¡Ipakikilala co sa iyo ang pinsan namin!

Nawiwili si Linares sa panonood sa m~ga calugodlugod na m~ga mata ni María Clara, na anaki'y may isang hinahanap, caya't hindi niya narin~gig ang sa canya'y pagtawag ni doña Victorina.

Other books

Lover's Return by Airies, Rebecca
To Tame His Mate by Serena Pettus
Pyramid of the Gods by J. R. Rain, Aiden James
The Year of the Hare by Arto Paasilinna
Zelda by Nancy Milford
Six by Mark Alpert
CRUSH by Lacey Weatherford