Noli Me Tangere (49 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.79Mb size Format: txt, pdf, ePub

--Guinoo,--ang sagót ni Ibarrang casabay ang pagyucod,--sa pagca't hindî tulóy tulóy na galing aco sa España, at sa pagca't palibhasa'y sinabi sa akin cung anó po ang caugalian ninyó, inaaala cong hindî lamang walang cabuluhan ang isáng sulat na pangtagubilin sa inyóng acó'y inyóng tangkilikin, cung dî naman isáng capaslan~gan pô sa inyó: talagáng natatagubilin sa inyò caming m~ga filipinong lahát.

Nasnaw ang isáng n~giti sa m~ga labi n~g matandang militar, na madalang na muling sumagót, na anaki'y sinusucat at tinitimbang ang canyang m~ga salita:

--¡Ikinaliligaya cong umisip cayo n~g papaganyan, at ... ganyan n~ga sana! Gayón man, binata, dapat pô ninyóng maalaman cung anó ang m~ga mabibigat na bagay na pinapas-an namin sa Fiilpinas, Dito'y caming m~ga matatandang m~ga militar, kinacalian~gang gawin namin at lumagay cami sa lahat; Hari, Ministro n~g Estado, n~g Guerra, n~g Gobernación, n~g Fomento, n~g Gracia at Justicia at iba pa, at ang lalo pang masama'y kinacailan~gan naming ipagtanóng ang bawa't bagay sa malayong Inang Bayan, na sinasang-ayunan ó minamasama, n~g papikit cung minsan, ayon sa casalucuyang panahón, ang aming m~ga panucalang cahin~gian. At ¡bago sasabihin namin m~ga castilang; Ang yumayacap n~g malaki'y hindî nacapipisil na mabuti! Bucód sa rito'y ang caraniwan, napaparito caming bahagya na napagkikilala ang lupaing itó, at iniiwan namin pagpapasimula naming makilala.--Sa inyo'y macapagsasalitá acó n~g walang ligoyligoy, sa pagca't walang cabuluhang magpacunuwari acó n~g ibáng bagay. Caya n~ga cung sa España, na bawa't bagay may ucol na canyáng ministro, na ipinan~ganác at lumaki rin sa lupaíng iyón; na may m~ga pámahayagan at napagkikilala ang munacala n~g m~ga mamamayan, na iminumulat at ipinauunawa sa Gobierno ang canyáng m~ga camalian n~g canyá ring m~ga camáy, gayón ma'y hindî wastô at maraming totoo ang m~ga caculan~gan, isáng himala na dito'y hindî magcaguló-gulong lahát, sa caculan~gan n~g m~ga cagalin~gang sinabi co na, bucód sa rito'y may isáng macapangyarihang caaway na humahadlang sa lihim sa icagagaling nitong Kapuluan at lumulubid sa cadiliman n~g icahihintó nitó sa pagsúlong sa guinhawa at dan~gal. Hindî nagcuculang n~g magagandang panucalà ang m~ga namamamahala, n~guni't napipilitan camíng gumamit n~g m~ga matá at m~ga bisig n~g ibá na ang caraniwa'y hindî namin kilala, na marahil hindî ang paglilingcód sa canyang sariling Bayan ang guinagawâ, cung dî ang paglilingcód lamang sa sariling iguiguinhawa. Ito'y hindî casalanan namin, cung dî sa calacaran n~g panahón; hindî cacaunti ang naitutulong sa amin n~g m~ga fraile, datapuwa't hindî na macasasapát silá ... Ibig cong ipagmalasakit cayó, at ibig co sanang huwag macapagpahamac sa inyó n~g anó man ang m~ga caculan~gan n~g casalucuyang sinusunod naming pamamahalà ... hindî co mangyaring maampon ang lahat, at hindi namán macapagsacdal na lahát sa akin. ¿May magagawâ pô ba acó sa inyóng mapakikinaban~gan ninyó cahi't cacaunti? ¿mayroon pô ba cayóng anó mang ibig hin~gi sa akin?

Nagnilay-nilay si Ibarra.

--Guinoo,--ang isinagót,--ang lalong malaking nais co'y ang ililigaya nitóng aking bayan, ligayang ibig co sanang maguing cautan~gan niya sa Inang Bayan, at sa pagpupumilit n~g aking m~ga cababayan, at mabigkisán ang Inang Bayan at ang aking m~ga cababayan n~g waláng hanggang tali n~g nagcacaisang m~ga adhicá at n~g nagcacaisang m~ga pag-aari. Ang Gobierno lámang ang macapagbibigay n~g aking cahin~gian, pagcatapos n~g mahabang panahóng laguing pagsusumakit at n~g tapat na m~ga pagbabago n~g m~ga cautusán.

Tinitigang sandalî n~g Capitán General, titig na tinumbasán ni Ibarra n~g gayón din catagal na titig.

--¡Cayó pô ang unang lalaking nacausap co sa lupaing itó!--ang bigláng sinabi at iniabot sa canyá ang camáy.

--Walâ pô cayóng nakikita cung dî ang m~ga táong dito sa ciudad ay humihilahod, hindî pô ninyó nadadalaw ang pinararatan~gang m~ga dampá sa aming m~ga bayan; cung mamasid pô sana ninyó sila'y macacakita cayó n~g tunay na may magandang púsò at m~ga dalisay na caasalan.

Nagtindig ang Capitán Ganeral at nagpasyál n~g pacabícabila sa sálas.

--Guinóong Ibarra,--ang pagdaca'y sinábi, na bigláng tumíguil,--ang bináta'y tumindig;--maráhil yayáo acó sa lóob n~g isáng buwán; hindî nauucol sa inyóng báyan ang patacbó n~g inyóng isip at ang inyóng pinag-arálan. Ipagbili pô ninyó ang lahát ninyóng m~ga ariarian, paghusáyin ninyó ang inyóng cabán n~g damit at sumáma cayó sa akin sa Europa; ang sin~gáw n~g lúpà roo'y macagágaling sa inyó.

--¡Hindî co calilimutan hanggang nabubuhay ang magandang loob na pakita sa akin n~g inyó pong camahalan! ang isinagot ni Ibarrang nababagbag n~g caunti ang calooban;--datapuwa't dapat acóng tumirá sa lupaing kinabuhayan n~g aking m~ga magugulang.....

--¡Kinamatayán nilá, ang lalong carapatdapat ninyóng sabíhin! Maniwalà pó cayó sa akin, marahil higuít ang aking pagcakilala sa inyóng lupaín cay sa inyó ... ¡Ah! maalaala co palá,--ang canyang bigláng sinábi na nagbago n~g anyô n~g pananalitâ,--¡cayó'y mag-aasawa sa isáng dalagang carapatdapat sambahín, ay biníbinbín sa cayó dito! ¡Humayó cayó! ¡humayó cayó sa canyang tabí at n~g lalo cayóng magcaroon n~g calayaan ay paparituhin ninyó sa akin ang canyáng amá,--ang idinagdág na nacan~gitî.--Gayón ma'y huwág ninyóng lilimuting ibig cong samáhan ninyó acó sa pagpapasyál.

Yumucód si Ibarra at yumáo.

Tináwag n~g Capitán General ang canyáng ayudante.

--¡Nagágalac acó--anyá, na tinatapictapíc ang balicat n~g ayudante;--n~gayón co lamang nakita cung paano ang paráan upang maguíng isáng magaling na castilà, na hindî kinacailan~gang talicdán ang pagca magalíng na filipino, at sintahín ang canyáng sariling báyan; sa cawacasa'y naipakilala co n~gayón sa m~ga fraile na hindî larûan nilá ang lahát sa atin; ¡binigyáng bútas acó n~g binátang itó sa paggawa n~g gayón, at hindî malalao't mabibigyan co n~g tapat na tumbás ang fraile! ¡Sáyang at ang binatang iya'y balang araw ay ... datapuwa't paparituhin mo ang Alcalde sa akin!

Humaráp caracaraca sa canyá ang Alcalde.

--Guinoong Alcalde,--ang sinábi sa canya pagpasoc niya,--n~g mailagang mangyari uli ang "napanood" n~g camahalan pô ninyóng m~ga "cagagawan", m~ga cagagawang dinaramdam co, palibhasa'y "nacasisirang púrì" sa Gobierno at sa lahat n~g m~ga castilà, nan~gan~gahas acóng ipagbílin sa inyó n~g "totoong mahigpit" si guinoong Ibarra, upang hindî lamang ipagcaloob ninyó sa canya ang m~ga kinacailan~gan at n~g maganap niyá ang canyang m~ga panucalang nauucol sa icapagcacapúrì n~g Inang-Bayan, cung dî naman ìpan~gilag ninyó sa hinaharap na panahóng siya'y bagabaguin n~g taong sino man at sa dahilang paano mang paraan.

Napag unawà n~g Alcalde ang sa canya'y pagsisi, caya n~ga't siya'y yumucód upang mailihim ang cagulumihanan n~g canyang lóob.

Ipasabi pô ninyó ang gayôn dín sa alférez na siyang nag-uutos dito sa "sección", at inyó pong siyasatin cung túnay n~gang may m~ga tan~ging cagagawang sarilí ang guinóong iyan, na hindî sinasabi n~g m~ga "reglamento": hindî lamang íisang carain~gan ang aking narin~gig tungcól sa ganitóng bagay.

Humarap si capitang Tiagong matigas ang damít na magaling ang pagcacaprinsa.

--Don Santiago,--ang sa canyá'y sinabi n~g capitan General sa salitang mairog,--hindî pa nalalaong aking sinaysay ang aking pakikianib sa inyó n~g galac, dahil sa pagcacapalad ninyóng magcaroon n~g isang anac na babaeng gaya na n~gâ baga n~g binibining de los Santos, n~gayo'y nakikisama naman acó sa galac ninyó, dahil sa ínyong mamanugan~gin: ang catotohanan n~ga'y ang lalong mabait sa m~ga anac na babae ay carapatdapat sa lalong magaling na mamamayang lalaki sa Filipinas. ¿Hindî pô ba mangyaring aking maalaman sa inyó cung cailang cayà ipagsasaya ang canilang pagcacasal?

--!Guinóo!...--ang pautal na sabi ni Capitang Tiago, at pinahid ang pawis na umaagos sa canyang nóo.

--¡Aba! ¡ayon sa masíd co'y walà pang matibayang taning! Sacali't cúlang n~g m~ga padrino'y aking icagagalac n~g malaki na acó ay maguíng isa sa canila. Itó'y n~g mapawì ang aking masamang pakilasa sa maramíng casalang linabasan co ríto n~g padrino hangga n~gayon!--ang idinugtóng, na ang Alcalde ang pinagsasabihan.

--¡Siya n~gâ pô!--ang isinagót ni Capitang Tiago, casabay ang isang n~giting nacaaakit sa pagcahabag sa canya.

Pinaroonan si María Clara ni Ibarrang halos tumatacbo sa paglacad: maraming lubhang sasabihin at isasaysay niya sa caníyang casintahan. Nacarin~gig siyà n~g masasayàng voces sa isâ sa m~ga tahanan n~g báhay, cayá't siyá'y maráhang tumáwag sa pintúan.

--¿Sinong tumatáwag?--ani María Clara.

--¡Aco!

Tumahímic ang m~ga voces at ang pintúa'y....hindî nabucsán.

--¿Acó ang tumatawag, ¿macapapasoc ba acó?--ang tanóng n~g binátá, na ang púso'y tumítiboc n~g lubháng malacás.

Nanatili ang catahimican. N~g macaraan ang sandali'y mararahang m~ga hacbang ang nan~gagsilápit sa pintò, at ibinulóng sa bútas n~g susian n~g masayáng voces ni Sínang.

--Crisóstomo, pasasa teatro camí n~gayóng gabí; isúlat mo ang ibig mong sabihin cay Maria Clara.

At nan~gagsilayo ang m~ga hacbang na matúlin ding gáya n~g pagcalapit.

--¿Anô ang cahulugan cayâ nito?--ang ibinulong ni Ibarrang naglilining-lining at untiunting lumálayò sa pintúan.

=XXXVIII.=

=ANG PROCESION.=

Paggabì, at n~g násisindi n~g lahát ang m~ga farol sa m~ga bintanà, guinawâ ang icaápat na paglabás n~g procesión, na sinásabayan n~g repique n~g m~ga campaná at n~g talastás n~g dating m~ga putucan.

Ang Capitan General na nagpápasyal n~g lacád, na caacbáy ang canyáng dalawang ayudante, si Capitang Tiago, ang Alcalde, ang Alférez at si Ibarra, na pinan~gun~gunahan n~g m~ga guardía civil at n~g m~ga púnong-báyan, na siyáng nan~gagwawahi n~g dáan at nagpapatabí sa tao, inanyayáhan silang doon manóod n~g pagdáan n~g procesiôn sa báhay n~g Gobernadorcillo, na nagpatayò sa harapán n~g isáng tablado, upang doon saysayín ang isang loa (pagpupuri) sa pag bibigay dan~gal sa Santong Patrón.

Tinalicdán maráhil n~g bóong galác ni Ibarra ang pakikiníg n~g tuláng iyón, palibhasa'y lálong minámagaling pa niyáng doon na manóod n~g procesión sa báhay ni Capitang Tiago, na kinatitirahan ni María at n~g caniyáng m~ga caibigang babáe, n~guni't sa pagcá't íbig n~g Capitan General na mápakinggan ang loa, napilítan siyáng mag-alíw na lámang sa pag-ásang si María Clara'y canyáng makikita sa teatro.

Ang pasimulà n~g procesió'y m~ga "ciriales" na pílac, na taglay n~g tatlóng m~ga sacristáng nan~gacaguantes, sumúsunod ang m~ga batá sa páaralang casáma ang caniláng maestro; pagcatápos ay ang m~ga batáng may daláng m~ga farol na papel, na ibá't ibá ang m~ga cúlay at anyô, nacalagáy sa dúlo n~g isáng tikíng humiguít cumúlang ang hába sa napapamutíhan n~g alinsúnod sa naisipán n~g m~ga batá, sa pagca't ang nagcacagúgol n~g pag-ilaw na ito'y ang m~ga musmós sa náyon at ang náyon, at ang pinabahalàan. Malígáyang guináganap nilá ang tungcúling itóng iniátang sa canilá n~g matanda sa nayon; bawa't isa'y nagmumunacálá at gumagawà n~g canyáng farol, pinapamútihan n~g magalin~gin niláng m~ga sábit at n~g maliliit na m~ga bandílá, alinsunod namán sa calagayan n~g caniláng bulsá, at sacâ iniilawan n~g isáng upós n~g candilà, sacali't macapanghin~gi sila sa isáng caibigan ó camag-ánac na sacristan, ó cung dili caya'y bumibili sila n~g isáng maliit na candilang mapulá, na guinagamit n~g m~ga insíc sa caniláng m~ga altar.

Sa calaguitnaa'y nagpaparoo't parito ang m~ga alguacil at m~ga teniente n~g justicia, upáng pan~gasiwàang huwag magcáwatac-watác ang m~ga hanáy at huwág magcábuntón-buntón ang m~ga tao, at sa ganitóng cadahilana'y guinagawà niláng tagapamag-itan ang caniláng varas, sa pagcat sa m~ga panghahampas nila nito, na ipinamamahagui nila n~g ucol at catatagang lacas nasusunduan nilá ang pagcáunlac at carikitan n~g m~ga proceción, sa icababanal n~g m~ga cáluluwa at ininingning n~g m~ga pagdiriwáng n~g religiôn!

Samantálang ipinamamahágui n~g waláng báyad n~g m~ga alguacil ang ganitóng pangbanál na m~ga paló n~g yantóc, ang ibá nama'y namímigay rin n~g waláng báyad n~g malalaki't maliliit na m~ga candilá, at n~g sa gayo'y caniláng maaliw ang m~ga pinalô.

Guinoong Alcalde,--ani Ibarra, n~g sabing mahína,--guinagawá po bà ang m~ga pamamálong iyan upang mabigyáng caparusahán ang m~ga macasalanan, ó dahilán lámang na canilang naibigan?

--¡Sumasacatuwiran pô cayô, guinoong Ibarra!--ang sagot n~g Capitan General na narin~gig ang gayong catanun~gan:--nacapagtátaca ang ganitóng napapanóod na ... catampalasanan sa bawa't maparitong taga ibáng lupaín. Nararapat n~gang ipagbáwal.

Hindî maalaman cung anó ang dahil at cung bakit ang nan~gun~gunang santo'y si San Juan Bautista. Sa nakikitang calagayan niyá'y masasabing hindî totoong kinalulugdan n~g m~ga tao ang m~ga cagagawán n~g pinsan n~g ating Pan~ginoong Jesucristo; túnay n~ga't siyá'y may m~ga paa't binting dalága, at may pagmumukháng ermitaño, datapuwa't ang kinalalagyan niya'y isáng lúmang andás na cáhoy, at siyá'y dinídimlan n~g iláng m~ga batang may m~ga daláng farol na papel na waláng ílaw, na nan~gagpapaluan nang lihím n~g canicanilang farol ang isá't isá.

--¡Cúlang pálad!--ang ibinúbulong n~g filosofo Tasio, na pinanonóod ang proseción mulà sa daan;--hindî macapagbibigay cagalin~gan sa iyo ang icáw ang náunang nagsaysay n~g Magandang Balitá, at ang cahi't yumucód sa iyo si Jesús! ¡hindî nacapagbíbigay cagalin~gan sa iyo ang inyong malaking pananampalataya't ang iyóng pagpapacahírap, at ang iyo man lámang pagcamatay dahil sa pagwalanggaláng mo n~g catotohanan at n~g iyong pinananaligan; linilimot ang lahat n~g itó n~g m~ga tao, pagca waláng tagláy cung di ang sarîling m~ga carapatán! Lalong magaling pa ang magsermón sa m~ga simbahán cay sa maguíng cawiliwiling tinig na sumisigaw sa m~ga iláng, nagpapakilala sa iyó ang m~ga bágay na itó cung anò ang Filipinas. Cung pano sána ang iyóng kináin at hindî m~ga balang, cung ang dinamít mo sana'y sutlà at hindî balat n~g m~ga hayop, cung nakipánig cá sa isáng Capisánan n~g m~ga fraile....

N~guni't inihintô n~g matandáng laláki ang canyáng m~ga pagsísi, sa pagca't dumárating si San Francísco.

--¿Hindî ba sinabi co na n~ga?--ang itinulóy na n~gumin~gitî n~g patuyâ;--itó'y na sa isáng carro at ¡Santo Dios! gaáno caráming m~ga ilaw at gaáno caráming m~ga faról na cristal! ¡Cailan ma'y hindî ca naliguid n~g ganyáng caráming m~ga pangliwánag, Giovanni Bernardone! ¡At pagcagalinggalíng na músical ibang m~ga tínig ang ipinarin~gig n~g m~ga anác mo n~g mamatáy na icáw! Datapuwà, ¡cagalanggalang at mápacumbabang nagtayô n~g isáng Capisánan, cung mabúhay cang mag-ulî n~gayon, walâ cang ibang makikita cung dî n~ga haling na Eliasis de Cortona, at sacáli't makilala ca n~g iyóng m~ga anác, ibíbilanggô icaw at maráhil ay mawán~gis ca sa kinaratnan ni Cesario de Speyer!

Other books

Shield of Three Lions by Pamela Kaufman
Black notice by Patricia Cornwell
The Midden by Tom Sharpe
The Thursday Night Club by Steven Manchester
The MacGuffin by Stanley Elkin
The Fourth Stall by Chris Rylander