Noli Me Tangere (60 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
5.14Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¡Halá!

Lumapit sila cay Lucas: nakita nito ang canilang pagdating at n~gumiti.

--¡Mamà!--ani Tàrsilo.

--¿Ano iyon?

--¿Gaano ba ang ibibigay ninyo?--ang tanong n~g dalawa.

--Sinabi co na: cung cayo ang mamahala sa paghanap n~g m~ga iba pa upang matutop ang curatel, bibigyan co ang báwa't isa sa inyo n~g tigatatlompong piso at sampong piso sa bawa't casama. Sacali't lumabas n~g magaling ang lahat, tatanggap n~g isangdaang piso bawa't isa at cayo'y ang ibayo: mayaman si don Crisostomo.

--¡Gayari!--ang biglang sabi ni Bruno; ibigay ninya ang salapi.

--¡Nalalaman co na cayo'y matatapang na gaya rin n~g inyong ama! Hali cayo rini, at n~g hindi tayo marin~gig n~g m~ga iyang sa canya'y pumatay--ani Lucas na itinuturo ang m~ga guardia civil.

Sila'y dinala sa isang suloc, at sa canila'y sinabi samantalang ibinibilang sa canila ang salapi:

--Darating bucas si don Cristostomo na may dalang m~ga sandata; sa macalawa, pagcagabi, pagmalapit n~g ma-á las ocho, pumaroon cayo sa libin~gan at doo'y sasabihin co sa inyo ang canyang m~ga huling ipag-uutos. May panahon cayong macahanap n~g m~ga casamahan.

Nan~gagpaalaman. Ang dalawang magcapatid ay tila mandin nagpalit n~g canicanilang anyo: Si Tarsilo'y matahimic, namumutla si Bruno.

=XLVII.=

=ANG DALAWANG GUINOONG BABAE.=

Samantalang isínasabong ni capitang Tiago ang canyang lasak, naglilibot naman sa bayan si doña Victorina, sa adhicang makita niya cung paano ang calagayang guinagawa n~g m~ga tamad na "indio" sa canicanilang m~ga bahay at m~ga tubigan. Inubos niya ang caya sa pagsusuot n~g lalong magaling niyang damit, at canyang inilagay sa canyang sutlang "bátá" ang lahat niyang m~ga cintas at m~ga bulaclac, upang siya'y caalang-alan~ganan n~g m~ga "provinciano" at maipakilala sa canila cung gaano calaki ang canilang calayuan sa canyang mahal na cataohan; caya't cumapit sa bisig n~g canyang pilay na asawa at nagpakendengkendeng sa m~ga lansan~gan n~g bayan, sa guitna n~g pangguiguilalas at pagtataca n~g m~ga tagaroon. Natira sa bahay ang pinsang si Linares.

--Pagcapan~gitpan~git n~g m~ga bahay nitong m~ga "indio"!--ang ipinasimula ni doña Victorinang in~ginin~giwi ang bibig;--ayawan co cung bakit nacatitira sila riyan: kinakailan~gang maguing "indio". At anong pagcasamasama n~g turo n~g canilang magulang at anong pagca m~ga palalo! Nasasalubong nila tayo'y hindi sila nan~gagpupugay! Hanpasin mo sila sa sombrero na gaya n~g gawa n~g m~ga cura at n~g m~ga teniente n~g m~ga guardia civil; turuan mo sila n~g "urbanidad."

--¿At cung aco'y canilang hampasin?--ang tanong n~g doctor De Espadaña.

--¡Tungcol sa bagay na iya'y icaw ay lalaki!

--¡N~gu ... n~guni't aco'y pilay!

Nalalao'y sumasama ang ulo ni doña Victorina; napupuno n~g alaboc ang cola n~g canyang bata, dahil sa hindi nalalatagan n~g bato ang m~ga daan. Bucod sa roo'y nacacasalubong n~g maraming m~ga dalaga, na nan~gagsisitun~go pagdaraan sa canyang tabi, at hindi nila pinagtatakhan, na gaya n~g marapat nilang gawin, ang canyang mahalagang casuutan. Ang cochero ni Sinang, na naghahatid dito at sa canyang pinsang babae sa isang mainam na carruajeng "tres-por-ciento'y" nagcaroon n~g cawalang galan~gang sigawán siya n~g "¡tabi!" na taglay ang tinig na nacagugulat, na anopa't napilitin siyang sumaisang tabí at walang magawa cung di tumutol n~g:--¡Tingnan mo na n~ga lamang ang hayop na cochero! ¡Sasabihin co sa canyang pan~ginoong turuan niyang magaling ang canyang m~ga alila!

--¡Magbalic na tayo sa bahay!--ang ipinag-utos sa asawa.

Ito, na talagang nan~gan~ganib na marahil ay may mangyaring ligalig sa canilang dalawa, ibinalic ang canyang "muleta" (ang salalac na tungcod sa kili-kili) at sumunod sa utos.

Nasalubong nila ang alférez, nan~gagbatian at ito'y nacaragdag n~g sama n~g loob ni doña Victorina: hindi lamang hindi siya pinuri dahil sa canyang pananamit, cung di halos siniyasat pa n~g palibac ang suot niyang iyon.

--Hindi mo dapat pakikamayan ang isang abang alferez lamang,--ang sinabi sa canyang asawa n~g malayo na ang alferez;--bahagya na niya hinipo ang canyang capacete at icaw ay nagpugay n~g sombrero; hindi ca marunong magbigay camahalan sa iyong cataasan!

--¡Siya ang puno ri....rito!

--At ano ang cabuluhan sa atin n~g bagay na iyan. ¿Tayo baga'y m~ga indio?

--¡Sumasacatuiran ca n~ga!--ang canyang isinagot, sa pagca't aayaw siyang makipagcagalit.

Nagdaan silá sa tapat n~g bahay n~g militar. Namimintana si doña Consolación, na gaya n~g canyáng naguing caugalian, nacadamít franela at humihithit n~g isang tabaco. Sa pagca't mababa ang bahay, sila'y nagtin~ginan, at nakitang magaling ni doña Victorina ang babaeng iyón; payapang pinagmamasdan siya búhat sa paa hanggang sa úlo n~g Musa n~g guardia civil, pagcatapos ay siya'y nilabian, lumura at saca tumalicod. Itó ang nacaubos sa pagtitiis ni doña Victorina, caya't iniwan ang canyang asawang walang caalacbay, at hinarap ang alferezang nan~gan~gatal sa galit at hindi macapan~gusap. Marahang lumin~gon si doña Consolación, muli na namang pinagmasdan siya n~g boong, catiwasayán at nanglura uli, n~guni't nagpakita siya n~g lalong malaking pagpapawalang halaga.

--¿Ano ang nangyayari sa inyó, Doña?

--¡Matatawag ninyo acong "Señora"! ¿bakit ganyan na ang pagtitig ninyo sa akin? ¿Naiinguit ba cayo?--ang sa cawacasa'y nasalita ni doña Victorina.

--¿Acó? ¿naiin~guit acó? ¿at sa inyó?--ang sabing patuya n~g Medusa--¡siya n~ga! ¡naiinguit aco sa inyóng culót!

--¡Halica na, babae!--anang Doctor;--¡hu ... hu ... huwag mo siyang pa ... pansinin!

--¡Pabayaan mong turaan co itóng bastos na itong walang hiya!--ang sagot n~g babae, at saca biglang itinulac ang canyang asawa, na caunti n~g napasun~gaba, at hinarap si doña Consolación.

--¡Tingnan sana ninyo cung sino ang causap!--anyá--¡huwag ninyong acalaing aco'y isang provinciana ó isang calunya n~g m~ga sundalo! Hindi nacapapasoc sa aking bahay, sa Maynila, ang m~ga alférez; ang m~ga ganitó'y naghihintay sa pintuan.

--¡Aba! ¡Excelentísima Señora Puput! (carilagdilagang guinoong Puput) hindi n~ga pumapasoc ang m~ga alferez cung di lamang ang m~ga salantang gaya niyán, ja! ja! ja!

Cung hindi sa nacaculapol na m~ga colorete, namasdan sana ang pamumula n~g mukhà ni doña Victorina; binanta niyáng lusubin ang canyang caaway na babae, n~guni't piniguil siya n~g centinela. Samantala'y napupuno ang daan n~g nanonood na m~ga táo.

--Pakinggan ninyo, naiimbi aco sa pakikipagsalitaan sa inyo; m~ga táong matataas ... ¿Ibig po ba ninyong labhán ang aking damít? ¡Babayarin co cayó n~g mahal! ¡Ang acala yata ninyo'y hindi co nalalamang cayo'y dating labandera!

Tumindig si doña Consolacióng malakí ang galit: nacasugat sa canya ang sinabing tungcól sa paglalaba.

--¿Acala yata ninyo'y hindi nalalaman cung sino cayó at cung sino ang taong inyong daladala? ¡Kinacailan~gang namamatay n~g gutom upang pasanin ang tiratirahan, ang basahan n~g lahat n~g táo!

Ang pucól na salitáay tumama sa ulo ni doña Victorina; naglilís ito n~g manggas, itinicom ang m~ga daliri, piniing ang m~ga n~gipin at nagpasimula n~g pananalita:

--¡Manaog cayo, matandang salaula, at duduruguin co ang maruming bibig na iyan! ¡Calunya n~g isang batallon, talagang patutot buhat pa n~g ipan~ganac!

Dalidaling nawala sa bintana ang Medusa, agad nakitang nananaog n~g patacbo, na iniwawasiwas ang látigo n~g canyang asawa.

Namag-itan at sumamo si don Tiburcio, n~guni't nagcasaclutan din cung hindi dumating ang alférez.

--¡Datapuwa't m~ga guinoong babae!... Don Tiburcio!

--¡Turuan ninyong magaling ang inyong asawa, ibili ninyo siya n~g lalong magagaling na m~ga damit, at cung sacali't wala cayong salapi, magnacaw cayo sa m~ga táong bayan, yamang sa bagay na ito'y cayo'y may m~ga sundalo!--ang sigaw ni doña Victorina.

--¡Narito po acó guinoong babae! ¿bakit hindi duruguin n~g camahalan po ninyo ang aking bibig? ¡Wala po cayo cung di dila at laway, Doña Exelencia!

--¡Guinoong babae!--anang alférez na nagninin~gas n~g galit;--¡magpasalamat cayo at nadidilidili cong cayo'y babae, sa pagca't cung hindi lulusayin co cayo sa casisicad, pati n~g inyóng m~ga kinuculot na buhóc at n~g inyóng m~ga walang capacanang m~ga cintas!

--¡Gui ... guinoong alférez!

--¡Lumacad cayó, mamamatay n~g táong waláng sakit! ¡Cayo'y walang suot na salawál, Juan Lanas!

Umugong doon ang m~ga tacapan, waswasan n~g camáy, guirian, sigawan, laitan at murahan: canilang iniwatawat ang lahat n~g m~ga carumihang canilang iniin~gatan sa canicanilang cabán, at sa pagca't sabáy sabáy na nagsasalita ang apat at maraming lubha ang canilang sinasabing nacasisirang puri sa m~ga tan~ging pulutong n~g m~ga táo, na canilang isinisiwalat ang maraming catotohanan, cúsang tinatangguihan namin ang pagsasalaysay rito n~g laha't n~g canilang doo'y m~ga sinabi sa isá't isá. Bagaman hindi nauunawa n~g m~ga nagsisipanood ang lahat n~g canilang tacapan, hindi n~ga cacaunti ang catuwaang canilang tinatamo at canilang hinihintay na dumating hanggang sa pag-aaway n~g camáy. Sa cawalang capalaran ay dumating ang cura na siyang pumayapa.

--¡M~ga guinoong lalaki, m~ga guinoong babae! ¡Laking cahihiyan! ¡Guinoong Alferez!

--¿Ano ang inyong ipinakikialam dito, mapagbanalbanalan, macacarlista?

--¡Don Tiburcio, dalhin po ninyo ang inyong asawa! ¡Guinoong babae, pagpiguilan po ninyo ang inyong dila!

--¡Iya'y sabihin po ninyo diyan sa m~ga magnanacaw sa m~ga taong mahihirap!

Untiunting naubos ang m~ga kilalang lait at tun~gayaw, nasabi na ang lahat n~g m~ga cahiyahiyang cagagawan n~g mag-a-mag-asawa, at samantalang na~ngagbabalaan at nan~gagmumurahan ay untiunti silang nan~gaghiwalay. Si fray Salvi ay nagpapacabicabila at nagbibigay casayahan sa panooring iyon, cung daroon sana ang ating caibigang corresponsal!...

--¡N~gayon di'y pasa Maynila tayo't tayo'y humarap sa Capitan General!--ang sinasabing malaki ang galit ni doña Victorina sa canyang asawa,--¡Icaw ay hindi lalaki! ¡sayang na sayang n~g salawal na suot mo!

--¿N~gu ... n~guni't ... babae, at ang m~ga guardia? ¡aco'y pila'y!

--Dapat mong hamunin siya n~g away sa pamamag-itan n~g pistola ó n~g sable, ó cung hindi ... cung hindi....

At tiningnan siya ni doña Victorina sa m~ga n~gipin.

--Neneng, cailan may hindi aco humawac n~g....

Hindi ipinaubaya ni doña Victorinang matapos ang canyang sinasabi: sa isang dakilang galaw ay hinalbot sa guitna n~g daan, ang canyang m~ga n~giping tagpi lamang at saca guiniic. Dumating sila sa bahay, na halos umiiyac ang lalaki at ang babae nama'y nag-aalab sa galit. Nakikipag-usap n~g sandaling iyon si Linares cay Maria Clara, cay Sinang at cay Victoria, at sa pagca't hindi niya nalalaman ang pagtatalong iyon, hindi cacaunti ang canyang dinamdam naligalig n~g loob n~g canyang makita ang canyang m~ga pinsan. Si Maria Clarang nacahilig sa isang sillon sa guitna n~g m~ga unan at m~ga cumot na lana ay malaki ang ipinagtaca n~g canyang makita ang bagong pagmumukha n~g canyang doctor.

--Pinsan, ani doña Victorina,--hahamunin mo n~g away n~gayon din ang Alférez ó cung hindi....

--¿At bakit?--ang tanong ni Linares na nagtataca.

--Siya'y hahamunin mo n~gayon din n~g away ó cung hindi sasabihin co sa canilang lahat dito cung sino icaw.

--¡N~guni't doña Victorina!

Nan~gagtin~ginan ang tatlong magcacaibigang babae.

--¿Ano ba sa acala mo? Cami'y linait n~g alferez at canyang sinabi na icaw raw ay icaw! ¡Nanaog ang matandang babaeng asuang na may dalang latigo, at ito, ito'y nagpabayang siya'y muramurahin ... isang lalaki!

--¡Abá!--ani Sinang,--¡sila'y nan~gag-away ay hindi natin napanood!

--¡Linugas n~g alferez ang m~ga n~gipin n~g doctor!--ang idinagdag ni Victoria.

--N~gayon di'y pasasa Maynila cami; icaw, icaw ay matitira rito upang siya'y hamunin mo n~g away, at cung hindi'y sasabihin co cay Don Santiago na pawang casinun~galin~gan ang lahat mong sinabi sa canya, sasabihin cong....

--¡N~guni't doña Victorina, doña Victorina!--ang isinalabat n~g namumutlang si Linares, at lumapit cay doña Victorina;--huwag po ninyong ipaalaala sa aking....

Samantalang nangyayari ito'y siya namang pagdating ni capitang Tiago na galing sa sabun~gan, mapanglaw at nagbubuntong hinin~ga: ang lasak ay natalo.

Hindi binigyan n~g panahon ni doña Victorinang macapagbuntong hinin~ga; sa maicling salita'y sinabi niya ang lahat n~g nangyari, sa macatuwid baga'y pinagsicapan niyang sabihing siya ang sumasacatuwiran.

--Hahamunin siya n~g away ni Linares ¿naririn~gig po ba ninyo? Sacali't hindi, ¡huwag po ninyong bayaang pacasal sa inyong anac, huwag po ninyong ipahintulot! Cung wala siyang tapang ay hindi carapatdapat cay Clarita.

--¿Icaw pala'y pacacasal sa guinoong ito?--ang tanong ni Sinang, at napuno n~g luha ang canyang masayang m~ga mata;--nalalaman cong icaw ay malihim, n~guni't hindi salawahan.

Si Maria Clara, na maputlang parang pagkit, buman~gon n~g caunti sa pagca sandig, at tinitigan n~g gulat na m~ga mata ang canyang ama, si doña Victorina at si Linares. Ito'y nagdalang hiya, itinun~go ni capitang Tiago ang canyang m~ga mata, at idinugtong pa n~g guinoong babae:

--Tandaan mo Clarita; huwag cang mag-aasawa cailan man sa lalaking hindi tunay ang pagcalalaki; nan~gan~ganib cang icaw ay alimurahin pati n~g m~ga aso.

Datapuwa't hindi sumagot ang dalaga, at nagsabi sa canyang m~ga caibigang babae:

--Ihatid ninyo aco sa aking silid; hindi aco macalacad na mag-isa.

Tinulun~gan nila siyang tumindig, at naliliguid ang canyang bayawang n~g m~ga mabibilog na m~ga bisig n~g canyang m~ga caibigang babae, nacahilig ang canyang ulong cawan~gis n~g marmol sa balicat n~g magandang si Victoria, násoc ang dalaga sa silid na canyang tulugan.

Iniligpit n~g mag-asawa n~g gabi ring iyon ang caniláng m~ga casangcapan, sinin~gil si capitang Tiago, na may ilang libo rin piso ang inabót, sa pagcagamot cay Maria Clara, at napatun~go sila sa Maynila, pagca umagang umaga n~g kinabukasan, na ang sinasacya'y ang carruaje ni capitang Tiago. Iniatang sa mahinhiing si Linares ang catungculang tagapanghiganti.

=XLVIII.=

=ANG HINDI MAGCURO=

Magbabalic ang m~ga maiitim na m~ga golondrina.... (Becquer).

Ayon sa paunang balita ni Lucas, dumating si Ibarra kinabucasan. Ilinaan niyá ang canyáng unang pagdalaw sa magcacasambahay ni capitang Tiago, at ang sadya niya'y makipagkita cay Maria Clara at ibalitang siya'y ipinakipagcasundo na n~g Arzobispo sa Religión: may dalá siyáng sulat sa cura, na doo'y ipinagtatagubilin siyá, na ang Arzobispo pa ang siyáng tumitic.

Other books

Powerless by S.A. McAuley
The Nero Prediction by Humphry Knipe
Clive Cussler; Craig Dirgo by The Sea Hunters II
The Last Resort by Oliver, Charlotte
Till Shiloh Comes by Gilbert Morris
False Entry by Hortense Calisher
The Beginning of Everything by Robyn Schneider
Into the Wild by Sarah Beth Durst