Noli Me Tangere (66 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
7.98Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¿At anó bagá caya ang aking magágawa sa kinacatawán n~g m~ga malíng pananalig? Tingnan po ninyó't nariyan si guinoóng Ibarra, na napilitang makisang-ayon sa m~ga pananampalataya n~g caramihan, ¿inaacalà ba ninyóng siyá'y naniniwalà sa «excomunión»?

--Ibá ang inyóng calagayan cay sa canyá; ibig ni guinoóng Ibarrang magtaním, at upang magtaním ay kinacailan~gang yumucód at tumalima sa cahilin~gan n~g catawán; ang catungculan po ninyó'y magpagpág, at upang magpagpág ay nan~gan~gailan~gan n~g lacás at nin~gas n~g loob. Bucod sa rito'y hindi dapat gawín ang pakikitalád laban sa gobernadorcillo; ang marapat sabihi'y: laban sa lumalabis sa paggamit n~g lacás, laban sa sumisira n~g catahimican n~g bayan, laban sa nagcuculang sa canyáng catungculan; at sa ganitó'y hindi n~ga cayó mag-iisá, palibhasa'y ang bayan n~gayó'y hindi na gaya n~g nacaraáng dalawampóng taón.

--¿Sa acala po caya ninyó?--ang tanóng ni don Filipo.

--¿At hindi po ninyó nararamdaman?--ang isinagót n~g matandang ga humilig na sa kináhihigan;--¡ah! palibhasa'y hindi pô ninyó nakita ang panahóng nagdaan, hindi ninyó mapagcucurocurò ang bun~ga n~g pagparito n~g m~ga tagá Europa, n~g m~ga bagong aclát at n~g pagpasá Europa n~g m~ga kinabataan. Pag-isip-isipin ninyó't pagsumagsumaguin: tunay n~ga't nananatili pa ang Real at Pontificia Universidad n~g Santo Tomás, sampô n~g canyáng carunungdun~gang claustro, at pinapagsasanay pa ang iláng m~ga nag-aaral sa pagtatatág n~g m~ga «distingo» (pagkilala n~g caibhán) at bigyán n~g panghulíng ningníng ang m~ga catalasan n~g pagmamatuwiran tungcól sa iglesia, n~guni't ¿saán pô ninyó makikita n~gayón yaóng m~ga kinabataang mawilihíng sásalicsic n~g metafísica, panís n~g m~ga dunong, na sa capapahirap sa pag-iisip ay namamatay sa marayang m~ga pagbabalacbalac sa isáng suloc n~g m~ga lalawigan, na hindi matapustapos unawain ang m~ga saguisag n~g «ente», hindi macuhang masunduan ang liwanag n~g «esencía» (tining) at n~g «existencia» (búhay) cataastaasang palaisipang nagpapalimot sa atin n~g lalong kinacailan~gang maalaman: n~g nauucol sa ating cabuhayan at sariling calagayan? ¡Tingnán po ninyó ang cabataan n~gayón! Sa puspós na casiglahan n~g caniláng loob sa pagcákita sa lalong malayong tan-awin, silá'y nan~gag-aaral n~g Historia, Matemáticas, Geografía, Literatura, m~ga dunong sa Física, m~ga wicà n~g ibá't ibáng lahi, m~ga bagay na lahát na nang panahón nati'y ating dinírin~gig n~g malakíng pan~gin~gilabot na parang m~ga heregía; ang lalong mahiliguín sa calayaan n~g isip n~g panahón co'y pinapagtitibay na mababang-mababa ang m~ga dunong na iyán sa m~ga minana cay Aristóteles at sa m~ga pátacaran n~g «silogismo». Sa cawacasa'y napag-unawa n~g taong siyá'y tao; pínabayaan ang pagsisiyasat sa calagayan n~g canyáng Dios, ang pakikialam sa hindi matangnán, sa hindi nakita, at ang paglalagdá n~g alituntunin sa m~ga panaguinip n~g canyáng panimdim; napagkilala n~g taong ang canyáng minana'y ang malawac na daigdíg, na macacaya niyáng pagharian; na sa canyáng pagcapagál sa isáng gáwaing waláng cabuluhá't palalò, tumun~gó't pinagmasídmasíd ang lahát nang sa canyá'y nacaliliguid. Pagmasdán pô ninyó n~gayón cung paano ang pagsílang n~g ating m~ga poeta; binúbucsan sa ating unti unti n~g m~ga Musa n~g Naturaleza ang caniláng iniin~gatang m~ga cayamanan at nagpápasimulâ n~g pagn~giti sa atin upáng tayo'y bigyáng siglá sa pagpapatulò n~g pawis. Naghandóg na n~g m~ga unang bun~ga ang m~ga dunong na nagbúhat sa m~ga pinagdanasan; culang na lamang n~gayón ang lubós na pacabutihin n~g panahón. Naaalínsunod ang m~ga bagong abogado n~gayón sa m~ga bagong balangcás n~g Filosofia n~g Càtuwirán; nagpápasimulà na ang ilán sa canilá n~g pagníngning sa guitna n~g carilimáng nacaliliguid sa luclucan n~g m~ga tagapa-unawa n~g cagalin~gan, at nahihíwatigan na ang pagbabago n~g lacad n~g panahón. Pakinggán po ninyó cung paanong manalitâ n~gayón ang m~ga cabataan, dalawing po ninyó ang m~ga páaralang pinagtuturuan n~g m~ga dunong, at ibá n~g m~ga pan~galan ang umaalin~gáwn~gaw sa m~ga pader n~g m~ga claustro, diyán sa loob n~g m~ga pader na iyá'y wala tayong máririn~gig liban na lamang sa m~ga n~galan ni Santo Tomás, Suarez, Amat, Sánchez at m~ga ibá pa, na pawang pinacasásamba n~g panahóng co. Waláng cabuluháng magsisigáw buhat sa m~ga púlpito ang m~ga fraile laban sa tinatawag niláng pagsamâ n~g m~ga ugalì, tulad sa pagsigáw n~g m~ga magtitindá n~g isdâ, laban sa cacuriputan n~g m~ga mamimili, na hindi nilá napagkikilalang ang calacal nilá'y bilasâ na't waláng cabuluhán! Waláng cabuluháng ilaganap n~g m~ga convento ang caniláng mahahabang galamáy at m~ga ugat sa han~gád na inisín sa m~ga bayan ang bagong agos; pumapanaw na ang m~ga diosdiosan; mangyayaring mapapamayat n~g m~ga ugat n~g cahoy ang m~ga halamang doo'y itinatanim, datapuwa't hindi mangyayaring macaamís n~g buhay sa ibáng nan~gabubuhay, na gaya na n~ga n~g m~ga ibong napaiilangláng sa calan~gitán.

Masimbuyó ang pananalitâ n~g filósofo; nagníningning ang canyáng m~ga matá.

--Datapuwa't maliit ang bagong sibol; cung man~gagcáisa ang lahát, ang pagsúlong na totoong napacamahal ang ating pagbili'y mangyayaring caniláng mainís,--ang itinutol ni don Filipo na áayaw maniwala.

--Inisin siya, ¿nino? ¿n~g tao bagâ, iyáng pandác bang masasactín ang macaíinis sa Pagsulong, sa macapangyarihang anác n~g panahón at n~g casipagan? ¿Cailán bagá nagawâ niyá ang gayón? Lalò n~g itinulac siyá sa paglaganap n~g m~ga nan~gagpupumilít na siyá'y piguílin sa pamamag-itan n~g m~ga pinasasampalatayan, n~g bibitayán at n~g pinagsusunugang sigâ.
E por si muove
, (at gayón ma'y gumágalaw), ang sinasabi ni Galileo n~g pinipilit siyá n~g m~ga dominicong canyáng sabihing ang lupa'y hindi gumagalaw; ang gayóng salitá'y iniuucol sa pagsulong n~g dunong n~g tao. Mapipilit ang iláng m~ga calooban, mapápatay ang iláng m~ga tao, n~guni't itó'y waláng cabuluhán: magpapatuloy n~g paglacad sa canyáng landás ang Pagsulong, at sa dugô n~g m~ga mabulagtá'y bubucal ang m~ga bago't malalacás na m~ga suwi. Pagmasdán po ninyó ang m~ga pamahayagan man, cahi't ibiguing magpacátiratira sa cahulihulihan, gayón ma'y humáhacbang n~g isá sa pagsulong n~g laban sa canyáng calooban; hindi macatacas sa pagtupad sa ganitóng atas ang m~ga dominico man, caya't caniláng tinutularan ang m~ga jesuita, na cánilang m~ga caaway na cailán ma'y hindi macacasundô: gumágawâ silá n~g m~ga casayahan sa caniláng m~ga claustro, nan~gagtátayô n~g m~ga maliliit na m~ga teatro, nag-áanyô-anyô n~g m~ga tulâ, sa pagcá't palibhasa'y hindi silâ culang sa catalinuhan, bagá man ang boong isip nilá'y nan~gabubuhay pa silá sa icalabinglimáng siglo, napagkikilala niláng sumasacatuwiran ang m~ga jesuita, at silá'y makikialam pa sa daratníng panahón n~g m~ga batang bayang caniláng tinuruan.

--Ayon, sa sabi ninyó'y ¿caalacbáy ang m~ga jesuita sa paglacad n~g Pagsulong?--ang tanóng na nagtátaca ni don Filipo;--cung gayo'y ¿bakit silá'y minamasamâ n~g m~ga tagá Europa?

--Cayó po'y sasagutín co n~g catulad n~g m~ga nag-aaral n~g tungcól sa Iglesia n~g una,--ang isinagót n~g filósofo, na mulíng nahigâ at pinapanag-uli ang canyáng pagmumukháng palabiro;--sa tatlóng paraán mangyayaring macaacbay sa Pagsulong: sa dacong unahán, sa dacong taguiliran at sa dacong hulihán; ang m~ga nan~gun~guna'y siyáng namamatnugot sa canyá; ang nan~gasa taguilira'y cusang napadadala na lamang, at ang nan~gahuhuli'y pawang kinácaladcad, at sa m~ga kinácaladcad na itó nasasama ang m~ga jesuita. Ang ibig sana nilá'y silá ang macapamatnubay sa Pagsulong, n~guni't sa pagcá't nakikita niláng itó'y malacás at ibá ang m~ga hilig, silá'y nakikisang-ayon, at lalong minamagalíng niláng silá'y makisunod cay sa silá'y tahaki't yapacan, ó mátira caya sa guitna n~g marilím na daán. N~gayón po'y tingnán ninyó, tayo rito sa Filipinas ay may m~ga tatlóng siglo, ang cauntian, ang ating pagcáhuli sa
carro
n~g Pagsulong: bahagya pa lamang nagpápasimula tayo n~g pag-alis sa «Edad Media» (476 hanggáng 1453); caya n~ga ang m~ga jesuita na nasa Europa'y larawan n~g pag-urong, cung pagmasdan dito'y larawan n~g Pagsulong; cautan~gan n~g Filipinas sa canilá ang bagong umúusbóng na pagdunong, ang m~ga dunong na catutubò n~g daigdíg (Ciencias Naturales), na siyáng cáluluwa n~g siglo XIX, na gaya namang cautan~gán sa m~ga dominico ang Escolasticismo (filosofía n~g Edad Media), na namatáy na cahi't anóng pagpipilit na gawín ni León XIII: waláng Papang macabuhay na mag-ulî sa binitay na n~g catutubong bait ... Datapuwa't ¿saán náparoon ang ating salitaan?--ang itinanóng na nagbago n~g anyô n~g pananalita;--¡ah! ang pinag-uusapan nati'y ang casalucuyang calagayan n~g Filipinas ... Siyá n~ga, n~gayó'y pumapasoc tayo sa panahón n~g pakikitunggalì, malî acó, cayó; nauucol na sa gabí camíng nan~gaunang ipinan~ganác, cami'y paalís na. Ang nagtutunggali ay ang nacaraang panahóng cumacapit at yumayacap na nagtútun~gayaw sa uugaugâ n~g malaking bahay na bató n~g m~ga macapangyarihan, at saca ang panahóng sasapit, na náririn~gig na buhat sa malayò ang canyáng awit n~g pagwawagui, sa m~ga sinag n~g isáng namamanaag n~g liwaywáy, tagláy ang Bagong Magandáng Balita na galing sa m~ga ibáng lupaín ... ¿Sinosino caya ang man~gatitimbuang at mababaon sa pagcaguhò n~g náguiguibang bahay?

Tumiguil n~g pananalitâ ang matandáng lalaki, at n~g makita niyang siyá'y tinititigan ni don Filipong nagninilaynilay, ngumitî at mulíng nagsalitâ:

--Halos nahuhulaan co ang iniisip po ninyó.

--¿Siyá n~ga pô ba?

--Iniisip po ninyóng magaang na totoóng mangyaring acó'y nagcacamalì,--ang sinabing n~gumin~gitî n~g malungcót;--n~gayó'y may lagnát acó at hindi namán acó maipalalagay na hindi namamali cailán man:
homo sum et nihil humani a me alienum puto,
ani Terencio; n~guni't cung manacánaca'y itinutulot ang managuinip, ¿bakit bagá't hindi mananaguinip acó sa m~ga hulíng sandalî n~g buhay? At bucód sa roo'y ¡pawang panaguinip lamang ang aking naguíng buhay! Sumasacatuwiran pô cayó; ¡panaguinip! waláng iniisip ang ating m~ga kinabataan cung di ang m~ga sintahan at layaw n~g catawan: lalong malaki ang panahóng caniláng ginugugol at ipinagcacapagod sa pagdayà at paglulugsô n~g isáng capurihán n~g isáng dalaga, cay sa pag-iisip-isip n~g icagagaling n~g canyáng lupang tinubuan; pinababayaan n~g m~ga babae rito sa atin ang caniláng sariling m~ga familia, dahil sa pag aalaga n~g bahay at familia n~g Dios; masisipag lamang ang m~ga lalaki rito sa atin sa nauucol sa m~ga vicio at silå'y m~ga bayani lamang sa paggawâ n~g m~ga cahiyahiyâ; námumulat ang camusmusan sa m~ga cadilimán at sa m~ga calumalumaang pinagcaratihang aayaw baguhin; pinalálampas n~g m~ga cabataan ang lalong pinacamagalíng na panahón n~g caniláng buhay na waláng anó mang mithîin, at ang m~ga may gulang na'y waláng guinágawang sucat mamun~ga n~g cagalin~gan, waláng capacanán silá cung di magpasamâ sa m~ga kinabataan sa pamamag-itan n~g caniláng masasamáng halimbawang ipinakikita ... Ikinagagalac cong acó'y mamatáy na ...
claudite jam rivos, pueri.

--¿Ibig pô ba ninyó ang anó mang gamót?--ang itinanóng ni don Filipo, upáng magbago n~g salitaang nacapagbigáy dilim sa mukhâ n~g may sakít.

--Hindî nagcacailan~gan n~g m~ga gamót ang m~ga mamamatay; cayóng m~ga mátitira ang nan~gagcacailan~gan. Sabihin pô ninyó cay don Crisóstomo na acó'y dalawin niyá bucas, may sasabihin acó sa canyáng totoong mahahalagá. Sa loob n~g iláng araw ay yayao na acó. ¡Sumásacadilimán ang Filipinas!

Pagcatapos n~g ilàng sandali pang pag-uusapa'y iniwan ni don Filipong namámanglaw at nag-iisip ang bahay n~g may sakít.

=LIV.=

QUIDQUID LATET, ADPAREBIT, NIL INULTUM REMANEBIT.

Ipinagbibigay álam n~g campana ang oras n~g pagdarasal sa hapon; tumitiguil ang lahát pagcárin~gig n~g taguinting n~g pagtawag n~g religión, iniiwan ang caniláng guinágawa't nan~gagpupugay: inihíhintó n~g magsasacáng nanggagaling sa bukid ang canyáng pag-awit, pinatitiguil ang mahinahong lacad n~g calabáw na canyáng sinásakyan, at nagdarasal; nagcucruz ang m~ga babae sa guitnâ n~g daan at pinagágalaw na magalíng ang caniláng m~ga labì't n~g sino ma'y huwag mag-alinlan~gang sa caniláng silá'y mapamintakasi; inihihintô n~g lalaki ang pag-ámac sa canyáng manóc at dinárasal ang
Angelus
upáng sang-ayunan siyá n~g capalaran; nan~gagdárasal n~g malacás sa m~ga bahay ... nalúlugnaw, nawáwalâ ang lahát n~g in~gay na hindi ang sa
Abá Guinoong Maria
.

Gayón ma'y nagtutumulin sa paglacad sa daan ang curang nacasombrero, na anó pa't pinapagcacasala ang maraming m~ga matatandáng babae, ¡at lalo n~g nacapagcacasala! na ang tinutungo niyá'y ang bahay n~g alférez. Inacala n~g m~ga matatandáng babaeng panahón nang dapat niláng itíguil ang pagpapakibót n~g caniláng m~ga labi upáng silá'y macahalic sa camáy n~g cura; datapuwa't hindî silá pinansín ni pari Salví; hindi siyá nagtamóng lugód n~gayóng ilagáy ang canyáng mabut-óng camáy sa ibabaw n~g ilóng n~g babaeng cristiana, upáng buhat diyá'y padaus-using maimis (ayon sa nahiwatigan ni doña Consolación) sa dibdíb n~g magandáng batang dalaga, na yumúyucod sa paghin~gî n~g bendición.

¡Marahil totoong mahalagáng bagay n~gâ ang nacaliligalig sa canyáng panimdím upáng malimutan n~g ganyán ang canyáng sariling cagalin~gan at ang cagalin~gan n~g Iglesia!

Totoong dalidali n~gang siyá'y nanhíc sa hagdanan at tumawag n~g boong pagdudumalî sa pintô n~g bahay n~g alférez, na humaráp na nacacunót ang m~ga kilay, na sinusundan n~g canyáng cabiac (n~g canyang asawa), na n~gumín~giting parang tagá infierno.

--¡Ah, padre cura! makikipagkita sana acó sa inyó n~gayón, ang cambíng na lalaki po ninyó'y....

--May sadyà acóng totoong mahalagá....

--Hindí co maitutulot na palagui n~g iwasac niyá ang bacod ... ¡papuputucan co siyá cung magbalic!

--¡Iyá'y sacali't buháy pa cayó hanggáng bucas!--anáng cura na humihin~gal at patun~go sa salas.

--¿Anó? ¿inaacala po ba ninyóng mapapatay acó niyáng taotaohang pipitong buwan pa lamang n~g ipan~ganac? ¡Lúlusayin co siyá sa isáng sicad lamang!

Umudlót si pari Salvi at hindi kinucusa'y itinun~gó ang panin~gín sa paá n~g alférez.

--¿At sino po ba ang inyóng sinasabi?--ang itinanóng na nan~gán~gatal

--¿Sino ang sasabihin co cung di iyáng nápacahalíng, na hinamon acóng camí raw ay magpatayan sa pamamag-itan n~g revolver, na ang layo'y sandaang hacbáng?

--¡Ah!--humin~gá ang cura, at saca idinugtóng:--Naparito acó't may sasabihin sa inyóng isáng bagay na totoóng madalian.

--¡Huwág na pó cayóng magsabi sa akin n~g ganyáng m~ga bagay! ¡Marahil iyá'y catulad n~g sa dalawáng batà!

Cung di lamang naguíng lan~gís ang pang-ilaw at hindi sana nápacarumí ang
globo
, nakita disín n~g alférez ang pamumutlâ n~g cura.

Other books

The Last Kingdom by Bernard Cornwell
Captive Dragon by Ella Drake
Tracie Peterson by Entangled
A Bed of Spices by Barbara Samuel
The King's Rose by Alisa M. Libby
Criminal Promises by Nikki Duncan
Rent A Husband by Mason, Sally
The Little Old Lady Who Struck Lucky Again! by Ingelman-Sundberg, Catharina